week 8 na at nasa umpisa pa lang ng Episode 14 base sa original na hatian ng mga episodes..
bale 1+ episode a week..XD
ang bad news, may mga kina-cut pa ring mga scenes - gaya noong nag-videoke sina Park Ha noong magsilbi siyang tour guide ni ala-Terrence..
mga 4 o 5 weeks pa ang itatakbo ng series na 'to...
RTP-36
break na kaagad, kahit hindi pa officially na sila >,<.. at buhay si Terrence...
sa Office.. busyng-busy sa project nila sina Man Bo at Chi San, samantalang nakatulog na si Yong Sul.. biglang tumagos sa tasa ang kamay ni Chi San ng subukan niya itong abutin.. nabigla ang dalawa sa nasaksihan, at nagising naman ang bodyguard.. naisip ni Man Bo na bilang na ang kanilang oras ng pananatili sa panahon na iyon dahil malapit ng ikasal ang prinsipe kay Secretary Hong, dahil dun ay nalalapit na daw ang kanilang pagbabalik sa Joseon (sa tingin ko naman ay unti-unti na silang naglalaho dahil sa ginawang pag-amin ni Lee Gak kay Park Ha, since si Park Ha naman ang totoo nilang pakay sa future).. naitanong ni Yong sul kung paano na daw si Park Ha kapag nawala na sila, nasabi naman ni Man Bo na bakit kasi ang prinsipe pa ang nagustuhan ng dalaga, tila medyo nasaktan naman ang bodyguard sa narinig niya...
nasa isang park yata sina Lee Gak at Park Ha, nakaupo sa isang bench na nasa ilalim ng isang puno.. itinanong ng babae sa kamahalan kung anong gusto nitong ipaluto, at sinabi naman ng prinsipe na hinding-hindi siya magsasawa sa omurice basta't ang dalaga ang magluto nito.. nasabi ni Park Ha na maganda sana kung doon na lang ang Joseon 4 sa panahon niya, na maganda sana kung nabuhay na lang sila sa iisang panahon.. naitanong niya tuloy sa lalaki na sa tingin ba nito ay hanggang kailan sila magkakasama (masaya siya noong una, pero noong naisip na niya ang tungkol sa bagay na yun ay parang napasuko din siya kaagad).. napaisip naman si Lee Gak sa tanong ng babae...
naka-receive ng tawag sa cellphone si Tommy na nagsasabing natagpuan na ang totoong Terrence, buhay pa daw ito at nasa Chicago.. hindi agad makapaniwala si Dir. Yong kaya inutusan niya yung nakausap niya na kuhanan ng picture ang pinsan niya at kaagad iyong ipadala sa kanya.. sumunod naman iyong kausap niya sa cellphone, at naka-receive si Tommy ng picture ni Terrence habang nasa ospital ito (bale mali yung isang paniniwala nina Lee Gak, since sa kaso na ito ay nag-co-exist yung dalawa niyang katauhan sa magkaparehong panahon).. mukhang kabadong-kabado ang Director nang bumaba siya sa kanyang kotse, nakita naman siya ni Dir. Pyo (na hindi ko alam kung narinig ba yung mga nasabi niya tungkol kay Terrence)...
kauuwi lang nina Park Ha at Lee Gak sa Rooftop.. nasabi ng babae na mabuti pa kung itigil na lang nila kung anuman ang namamagitan sa kanila, na simula ngayon ay dapat bumalik na sila sa dati.. naitanong ng prinsipe kung ano bang ibig sabihin ni Park Ha.. alam daw naman kasi nila na mali ang landas na tinahak nila, pero sinubukan pa rin nilang tahakin iyon.. napadpad daw sa panahon na iyon ang Joseon 4 para sa kanilang misyon, tsaka eventually eh babalik na rin sila sa Joseon, kaya pwede na daw tapusin ng kamahalan kung anuman yung nasimulan niya, naitanong ng dalaga kung ano ba ang balak ng prinsipe para sa 3 niyang kasamahan (siguro inaalala na rin niya yung mararamdaman at yung kapakanan nung 3 since nakasalalay sa inaakala nilang misyon ang kapalaran nila, kung makakabalik pa ba sila sa kani-kanilang naiwan na pamilya sa nakaraan), kaya sinabihan ni Park Ha ang lalaki na ituloy na lang nito ang engagement kay Sena...
may sinulat si Park Ha sa isang medyo maliit na puting papel (wala pa akong ideya kung ano yun)...
sa bahay pa rin.. nakasalubong ni Lee Gak si Park Ha na may dalang bag ng mga gamit, naitanong tuloy ng prinsipe kung para saan naman iyon.. pansamantala daw ay doon na muna siya kina Mimi, habang naghahanap siya ng ibang malilipatan.. nainis na sa kanya ang kamahalan, at nasigawan siya na bakit hindi na lang siya doon manatili sa Rooftop kung ganun.. sumagot naman ang dalaga na sa sitwasyon nila ay hindi maganda ang magkasama sila sa iisang bahay.. naulit din ni Park Ha na dapat ay nasa America na siya kung hindi siya pinigilan noon ni Lee Gak.. pabalang naman na sumagot ang makasariling prinsipe na edi pumunta na ang babae sa America para hindi na niya makita ang mukha nito kahit na kailan.. sinabi nito na sana ay kung hindi niya pinigilan noon sa pagpunta sa Amerika si Park Ha ay dapat masaya na sila (siguro silang dalawa ni Sena ang tinutukoy niya o di kaya ay ang grupo niya), nakapag-isip na daw siya at iyon ang makabubuti sa kanila.. parati na lang daw na ang gusto nito ang tama, kaya nilayasan na lang ni Park Ha ang kanyang ka-M.U.. sinigawan naman siya ni Lee Gak na wala siya sa lugar...
mag-isang pinagmamasdan ni Park Ha yung Lotus sa may labas ng Rooftop.. mukhang malapit na yung magkaroon ng bulaklak...
tumingin at bumili na rin kaagad si Lee Gak ng condominium.. tinawagan niya sa cellphone si Park Ha, at sinabi dito na nakapag-isip na siya, at sa tingin niya ay makakabuti nga ang pag-alis ng babae sa Rooftop.. bigla namang pinatawag na si Park Ha para sa kanyang interview sa ina-apply-an na trabaho.. dahil doon, naputol ang pag-uusap nila ni Lee Gak, at saka na lang daw ulit ito tatawag.. sa interview, lumalabas na malaki ang advantage ni Park Ha dahil sa kaalaman niya sa pagsasalita ng English at dahil na rin sa kanyang working experience, kaso kailangan daw sa trabaho na gusto niyang pasukan ang willingness na lumipat doon sa field o location...
sa Office.. nag-uusap yung 3 nang mamalayan nila na minamatyagan na sila ulit noong tauhan ni Dir. Yong.. bigla silang nagkunwari at sadyang pinarinig ang mga pinag-uusapan nila, na wala pa ring resulta ang mga ginagawa nila, at sinabi rin nila ang kanilang susunod na pekeng plano.. pinaringgan pa nila ang sidekick ni Tommy na marami talagang insekto sa Kompanya.. kaagad itong ni-report ng spy kay Dir. Yong, at binalak na harangin ang anumang effort ng grupo ni ala-Terrence.. tila kumagat na rin si Tommy sa palabas ng team ng kanyang pinsan, kaya pinaubaya na niya sa kanyang tauhan ang lahat...
personal na pinuntahan ni ala-Terrence iyong taong pinakilala sa kanya noon ni Secretary Hong, yung lalaking negosyante na makikipag-contract signing sana sa kanila subalit naudlot nang dahil sa sunog na kinasangkutan ni Park Ha (yun nga yata yun).. kahit abala yung tao ay pinili pa rin ng binata na maghintay dito.. medyo matagal rin siyang naghintay.. at nang sa wakas ay wala na itong ginagawa, nilapitan na ito ni ala-Terrence.. pinagbigyan naman siya noong lalaki at nag-usap sila sa loob ng opisina nito...
sa loob ng kotse ni Tommy.. inabutan ng lalaki ng plane ticket papuntang New York ang dati niyang nobya.. para daw iyon kay Park Ha, gumawa daw siya ng paraan para paalisin ito, bigyan niya ng pera o takutin.. si Sena na daw ang bahala sa walang kamalay-malay na dalaga, at si Tommy na ang bahala kay ala-Terrence.. basta kahit ano daw ang mangyari ay kailangang mapapunta ni Sena sa America ang ipinapahanap na anak ni Chairman Jang.. sinabi naman ng babae na hindi pa naman siya pumapayag sa pinapagawa sa kanya ni Tommy, sumagot naman ito na at least alam na ng babae ang kanyang plano, inulit pa nito na ang ginagawa niya ay para rin kay Sena kaya sana ay pagkatiwalaan naman siya nito...
sa Office yata.. nanonood yung 3 ng promotion sa Home & Shopping Channel nung kanilang nakuhang facial mask product.. naging successful naman sila, tuwang-tuwa sila at pinalakpakan pa ang kanilang mga sarili, maging yung mga officemates nilang babae ay natuwa para sa kanilang tagumpay.. pinapanood sila sa may di kalayuan nina Dir. Yong at ng tauhan nito.. ginawa na daw lahat ng spy, pero hindi niya inaasahan na yung unang produkto ang ibebenta ng team ni ala-Terrence (una, since yun yung kauna-unahan talaga nilang binalak na maka-deal, at na-udlot nga lang)...
binati ni Sena si ala-Terrence para sa success ng kanilang product.. sinabi naman ng binatang boss na ang sekretarya ang dapat pasalamatan dahil siya ang tumulong para makuha iyong product na iyon (tumulong noong unang beses lang).. nais sanang magpasama ni Sena sa lalaki upang makapili na sila ng kanilang gagamitin na engagement ring.. sinabihan naman siya ni ala-Terrence na siya na muna ulit ang bahala sa bagay na iyon, na okay na sa kanya kung anuman ang magustuhan ng babae.. umalis si Sena na sobrang naiinis dahil sa kawalan ng interes na pinapakita at pinaparamdam ng lalaking magiging nobyo niya sana, engagement ring pa naman daw nila yung pinag-uusapan nila...
sa may Conference Room ng team nina ala-Terrence.. narinig ni Sena na magkausap sina ala-Terrence at Chi San.. may pinapaabot na envelope si Team Leader Yong para kay Park Ha.. nagbilin pa ito kay Chi San na siguraduhin na kay Park Ha lang nito ibibigay yung envelope, at na alam na ng dalaga ang gagawin niya kapag nabasa niya iyon.. (most probably eh papeles o dokumento iyon nung condominium unit na binili ni ala-Terrence para kay Park Ha)...
---o0o---
RTP-37
5th heartbreak.. ang pagpapatapon kay Park Ha patungong Amerika...
sa Office.. paalis na sana si Chi San nang sundan ito ni Sena.. binati pa siya ng eunuch bilang Secretary Hong, at sumagot naman ang babae na hindi na siya isang sekretarya.. niyaya nito si Chi San na magkape.. at nung mukhang medyo alanganin sa isasagot niya ang binata, ay patampo pang sinabi ni Sena kung may importante ba itong kailangan na gawin.. nahiya yata si Chi San na tumanggi sa mapapangasawa ng kanilang kamahalan, kaya napilitan siyang sumama dito...
sa coffee shop.. kinumusta ni Sena ang kalusugan ni Chi San, at nang sabihin nito na ayos na siya ay nasabi ng babae na baka pwede na nilang ituloy ang naudlot nilang pagba-barbecue party.. tumunog na yung table buzzer nila kaya nagpaalam muna saglit si Chi San upang kuhanin yung drinks nila.. habang wala ang lalaki ay sinilip ni Sena ang laman ng envelope na pinabibigay ni ala-Terrence kay Park Ha.. nabasa pa niya yung note doon na 'magkita tayo sa lugar na ito', bale kasama iyon ng mga papeles para doon sa condominium unit...
nag-iisa si Park Ha sa isang parang parke.. dumating na si Chi San at kaagad iniabot sa babae yung envelope na galing sa prinsipe.. humingi pa ang eunuch ng pasensya na dahil daw sa kanila ay nahihirapan si Park Ha.. hindi na rin nagtagal sa lugar na iyon si Chi San, at muling naiwan na mag-isa ang dalaga.. ch-in-eck niya yung laman ng envelope at nagulat siya na makita ang plane ticket na nakapangalan sa kanya, ang destination nito ay mula sa South Korea patungong New York.. maluha-luha naman ang naging reaksiyon niya sa pagkakita nung plane ticket...
nasa condo na si Lee Gak at naghihintay kay Park Ha.. mukhang excited ito, na nagpa-practice pa kung paano niya sasabihin sa babae na para dito iyong condo, pati na rin ang pagtatanong dito kung nagustuhan ba niya ito.. sinusubukan niya kung anong tono ba ang gagamitin niya, kung masaya ba, pormal, o pasuplado epek as usual.. pero napansin niyang ang tagal bago dumating ng babae...
mag-isang naglalakad sa lansangan si Park Ha.. naalala niya iyong mga nasabi sa kanya ni Lee Gak noong nagtalo sila.. dahil kasi sa inis, nasabi nito noon sa kanya na kung hindi siya nito pinigilan noon sa pagpunta sa Amerika ay dapat masaya na sila (hindi ko sigurado kung sila ba ni Sena ang tinutukoy ng kamahalan, o sila ng mga kagrupo niya), nabanggit din nito na nakapag-isip na siya at iyon ang makabubuti (ang pagpapapunta na kay Park Ha sa US).. at dahil pa sa pagkatanggap niya noong plane ticket, inakala niya siguro na seryoso sa mga nasabi niya si Lee Gak, na ayaw na nga nitong makita ang pagmumukha niya.. umiyak nang umiyak ang kawawang babae habang nasa gitna siya ng highway...
sa condo.. sobra na talagang tagal ang paghihintay ng prinsipe.. naisip na nitong tawagan sa cellphone si Park Ha, subalit out of coverage area na ito...
nasa Airport na si Tommy, pupuntahan na niya ng personal ang lehitimong pinsan na si Terrence.. sa loob ng eroplano, bago ito lumipad, muling tiningnan ng Director ang picture ng pinsan na akala niya ay napatay na niya, tapos pinatay na niya ang kanyang cellphone...
sa Hospital sa Chicago.. sinamahan na si Tommy ng nurse patungo sa kuwarto ng totoong Terrence Yong.. dahan-dahan niya itong sinilip, at nabigla siya at napaisip ng makita ang tila wala pa sa sarili na si Terrence...
sa apartment building.. may ipapadala sana si Lady Mimi para kay Park Ha, naka-kahon na ito at naka-address na rin sa bagong tinutuluyan ng dalaga.. aksidente naman silang nagkabanggaan ni Man Bo, nahulog yung kahon, at madali lang napansin ng binata na para nga kay Park Ha iyon.. kung ganun daw ay alam pala ni Mimi kung nasaan si Park Ha sa simula pa lang, sinabi naman ng babae na nakiusap sa kanya ang kaibigan na huwag ipagsabi kung nasaan siya.. kinuha ni Man Bo kay Kulot yung kahon, at ch-in-eck niya yung eksaktong address na nakasulat sa package...
sa Office.. pasimpleng tinanong ni Man Bo ang kamahalan kung may alam na ba ito tungkol sa kinaroroonan ni Park Ha.. naitanong naman ng prinsipe kung bakit pa nag-aalala ang mga kasamahan niya para sa isang taong naglayas, simula daw ngayon ay huwag na nilang babanggitin ang pangalan ng dalaga.. saktong pasok naman ni Yong Sul sa conference room nila at nag-alok pa ng Park Ha candy sa kamahalan.. nagalit si ala-Terrence na marinig ang pangalan ni Park Ha, at binalaan ang mga tagasunod niya na sa susunod ay puputulan na niya ng nguso ang sinumang babanggit pa sa pangalan ng babae.. dumating naman si Dir. Pyo, at mga paboritong lugar na bakasyunan ng mga tao ang sunod nilang project.. inisa-isang banggitin ni Chi San ang mga lugar na napag-alaman niyang pwede nilang i-promote.. isa sa mga nabanggit na lokasyon ay ang kasalukuyang kinaroroonan ni Park Ha, kaya nang marinig ito ni Man Bo ay kaagad niyang s-in-uggest kay ala-Terrence na iyon na lang ang kanilang gawing target.. matapos makumbinsi si Dir. Pyo tungkol sa mga tourist attraction sa lugar na iyon, ay iniutos na niya kay Team Leader Yong na i-check yung lokasyon...
inihatid si ala-Terrence doon sa lugar ng isang lalaki na nagtatrabaho para sa Kompanya na nagpo-provide ng touring services.. nagpahintay ito sa binata, at tatawagin lang daw nito ang magsisilbi niyang tour guide.. isa yung maganda at natural na lugar na maraming cherry blossom (na hindi naman yung traditional pink na sakura).. nagulat siya na makita si Park Ha habang nagpapaalam na ito sa batch ng mga turista na sinamahan nito, natuwa naman ang binata at medyo maluha-luha pa dahil sa kagalakan.. nilapitan na nung lalaking naghatid kay Team Leader Yong ang tour guide para sabihin na nandoon na ang sunod nitong kliyente, nagbilin rin ito na galingan ni Park Ha sapagkat malaking kliyente ito.. lumapit na si Park Ha sa binata at binati ito, ni hindi man lang niya napansin na ang prinsipe na iyon.. nasorpresa na lang siya nang marinig na niya ang boses ng lalaki, at nang humarap na ito sa kanya.. nagpakilala ang binata bilang Terrence Yong ng Home & Shopping Channel, pormal pa ang pag-uusap nila, na parang kliyente at tourist guide lang na hindi talaga magkakilala.. matapos ang pagpapakilanlan ay sinabi ng babae na si ala-Terrence na sana ang bahala sa kanya, natanong naman ng binata na hindi ba dapat ay ang tourist guide ang siyang bahala sa kanya, nabanggit naman ng babae na siya ang pinaka-importanteng kliyente nila at na sa kanya naka-depende ang success ng kanilang kompanya, sumang-ayon naman si ala-Terrence na may punto nga ang dalaga.. pinasakay na ni Park Ha ang kamahalan sa loob ng kotse, at inis na inis siya nang hindi na ito nakatingin...
t-in-our na ni Park Ha si ala-Terrence sa lugar na iyon.. pero naiinis pa rin siya dito.. sa isa sa mga tourist attraction doon sa lugar, may ipinapaliwanag si Park Ha, kaya naisipan ng lalaki na pahirapan ito sa pamamagitan ng pagtatanong.. nang hindi masagot ng babae ang kanyang katanungan ay mas inasar pa niya ito at sinabing paano naman siya maii-tour ng isang ignoranteng tour guide.. na-badtrip na ang dalaga at nasigawan niya ang pang-asar na kliyente na paano ba naman niya malalaman ang sagot sa mga tanong nito eh hindi pa naman siya pinapanganak sa panahon na nabuo yung tourist spot na iyon.. isinumbong naman ni ala-Terrence ang tourist guide sa superior nito.. nasermonan si Park Ha, at binalaan na sisisantehin siya kapag hindi nakuha ang deal na ito, isipin na lang daw niya na ang kliyente ang hari at sila ang kanyang mga utusan, kalimutan na daw muna niya ang kanyang pride.. matapos magsumbong, ay muling nangulit sa pagtatanong ang prinsipe, kaya sinungitan na lang siya ni Park Ha.. naisip ni ala-Terrence na mag-request sa babae na muli itong umakyat sa tore upang kuhanan ng picture ang buong lugar mula sa itaas.. paangil namang bumulong ang dalaga na napupuno na daw siya at hindi na niya kaya habang nakabilog na ang kanyang kamao dahil sa sobrang inis.. nakaisip siya ng paraan, at habang umaakyat siya ay bigla siyang nagkunwari na na-sprain ang kanyang ankle, sinabi niya kay ala-Terrence na kukuha na lang siya ng kapalit niya bilang tour guide.. tinawagan na rin niya ang kanyang boss habang nagkukunwari pa rin, sinabi niyang hindi na niya talaga kayang magpatuloy, nag-request na siya ng kapalit niya, at nagdahilan pa na mas mahalaga na maasikaso ang kanilang kliyente kesa subukan niyang ipagpatuloy ang tour sa kalagayan niya...
---o0o---
RTP-38
reunited...
inanyayahan si Team Leader Yong sa dinner ng mga kasamahan at superior ni Park Ha sa trabaho.. humingi sila ng pasensya sa binata dahil na-extend ang tour nito at ginabi pa sa kanilang lugar nang dahil sa ankle sprain ng dalagang tour guide.. inutusan ng mga boss si Park Ha na ipaglagay naman ng soju ang kanilang kliyente, pero ayaw sumunod ng babae.. nagkunwari tuloy si Team Leader Yong na aalis na lang siya dahil may mahalaga pa siyang kailangang gawin, sa susunod na lang daw sila kumain.. agad naman siyang pinigilan ng mga empleyado at head ng touring company.. napabalik naman nila sa hapag ang binata, at muli nilang pinilit si Park Ha na ipag-serve ng soju ang napakahalaga nilang kliyente.. napilitan na rin ang dalaga, at inalok na ng soju si ala-Terrence, pero medyo mahina ang pagkakasabi niya kaya pinaulit ito ng binata sa kanya.. medyo nilaksan na ng dalaga ang kanyang boses at dinagdagan pa ng paggalang ang kanyang pananalita.. sa wakas ay nagpasalin na rin sa kanya ng soju ang mapang-asar na kliyente.. natuwa na rin ang binata at inalok ang mga kasama niya na mag-cheers, nabuwisit naman si Park Ha sa pagiging pa-importante ng prinsipe kaya napalakas ang pag-inom niya ng alak...
medyo lasing na yung grupo nang mag-uuwian na sila, si ala-Terrence lang yata ang walang tama.. niyaya si Park Ha nung boss niyang hindi malinis ang mukha na sumabay na ito sa sasakyan, tumanggi naman ang babae at sinabing maglalakad na lang siya.. nagpaalam na nga ang mga katrabaho ni Park Ha, at sila na lang ni Lee Gak ang naiwan.. akmang paalis na ang kamahalam, pakanta-kanta pa ito na may sinasabing 'itali ang puso'.. bigla naman siyang na-'hoy!' ng dalaga, habang tinatanong kung masaya na ba ito dahil nagagawa nito ang lahat ng kanyang gusto.. mukhang hindi naintindihan ng lalaki ang tanong ni Park Ha, nagdahilan na lang siya na pagod na siya, at akmang paalis na ulit habang kumakanta.. pinigilan siya ng babae, na hinablot siya sa may braso.. pinapasunod nito ang prinsipe sa pupuntahan niya, kasi daw may gusto siyang ipakita dito, at gusto niyang ang kamahalan mismo ang makakita noon...
dumiretso ang dalawa sa bahay na tinutuluyan ni Park Ha.. isang matandang babae (lola) ang may-ari ng inuupahang kuwarto ng dalaga.. ipinakilala ni Park Ha si Lee Gak bilang isang katrabaho dati sa Seoul.. kasama nung matandang babae yung apo niya, isang batang lalaki na nagngangalang Jun-Jun, at sinungitan nito si Lee Gak, na ipinagtaka naman ng lalaki.. pumasok na ang dalawa sa loob ng kuwarto ni Park Ha...
kinuha ni Park Ha sa drawer yung envelope na iniabot sa kanya noon ni Chi San.. kinuha niya mula sa loob nito yung plane ticket papuntang New York, at isinauli na ito sa prinsipe.. nagtaka naman ang lalaki, at naitanong kung ano naman iyon.. nagtaka rin ang babae, ano ba daw ang ibig sabihin ni Lee Gak, at kung niloloko ba daw siya nito.. naisip ng kamahalan na baka dahil lang yun sa nakainom si Park Ha, pinapunta daw siya nito para isauli sa kanya ang isang bagay na ngayon niya lang nakita, hindi daw dapat niya pinaniwalaan ang isang babaeng lasing.. nangatwiran naman ang dalaga na iyon yung plane ticket na pinabigay sa kanya ng lalaki, dahil gusto na niya itong palayuin, aminin na daw nito, ayos lang daw naman ang babae basta sabihin na nito ang totoo.. nagtalo ang dalawa dahil iniisip ni Lee Gak na inaakusahan siya ni Park Ha, iniisip rin naman ng babae na iyong plane ticket talaga ang pinabigay sa kanya noon ng kamahalan.. sa may labas ng kuwarto, narinig silang nagtatalo ni Jun-Jun, nagalit ang bata kay Lee Gak, kaya ginantihan niya ito para kay Park Ha sa pamamagitan ng paglalagay ng dumi ng aso sa sapatos ng bisita.. iginiit ng prinsipe na hindi sa kanya galing yung plane ticket.. ibinigay daw ito ni Chi San kay Park Ha, at sumang-ayon naman ang lalaki na inutusan nga niya ang kanyang eunuch para gawin iyon.. ipinaliwanag ni Lee Gak na hindi iyong ticket ang dapat na laman nung envelope, na mayroon siyang ibang inilagay doon, pero napalitan ito.. naitanong tuloy ng lalaki kung iyon ba ang dahilan kung kaya't nagpakalayo at pinagtaguan siya ng dalaga, patampo namang nangatwiran ang babae na noong makita niya ang plane ticket ay ano ba ang ini-expect ng prinsipe na iisipin niya.. nasabihan pa si Park Ha ng kamahalan na ibang klase talaga ito at napakahina ng utak, gumanti naman ang babae at sinabing mas mahina ang utak ng prinsipe.. wala nang mababakas na pagtatampo sa itsura ni Park Ha, hindi ko alam kung sinadya niya, pero humiga siya sa lap ni Lee Gak, at masaya nang nakatulog.. maging si Lee Gak ay mukhang natuwa na rin ulit...
gabi pa rin ng lumabas si Lee Gak sa kuwarto ni Park Ha.. pagkasuot niya sa rubber shoes niya ay parang may naramdaman siyang kakaiba dito, maririnig iyong ungol ng aso sa malapit, nakita niya ang mukhang pilyong bata na si Jun-Jun sa may harap niya, kaya tinanong niya kung anong inilagay nito sa loob ng sapatos niya.. narinig ang usapan nila ng lola, kaya agad itong lumabas ng bahay, itinanong nito sa apo niya kung nilagyan na naman ba nito ng dumi ng aso ang sapatos ng kanilang bisita.. kumuha pa ng pamalo ang matanda, tumakbo naman palayo ang bata.. naitanong ni Lee Gak kung bakit naman nito nagawa ang bagay na iyon, sumagot ang bata na hindi niya hahayaang maapi si Park Ha dahil gusto niya ito.. napaisip naman ang prinsipe, at nasabi niya na mas may alam pa ang bata kesa sa kanya.. binalaan ng lola si Jun-Jun na hindi na niya ito pasasalihin sa palaro sa school nito, sinabi naman ng bata na hindi na siya sasali tutal eh wala naman siyang mama at papa, pero nakakahiya daw ang ginawa niya sa bisita kaya pinilit pa rin ito ng lola na humingi ng tawad sa binata...
sa Rooftop.. mukhang ginising pa talaga si Chi San ng kamahalan sa gitna ng pagkakatulog nito.. may nais lang daw siyang itanong sa eunuch.. ipinakita niya dito ang envelope na pinapabigay niya noon kay Park ha, ipinaliwanag ng prinsipe na napalitan ang dapat na laman nun, isinumpa naman ni Chi San sa kamahalan na hindi niya kailanman binuksan iyong envelope at ibinigay niya kaagad iyon kay Park Ha.. naniniwala naman daw ang prinsipe, pero ang nangyari ay may nakapagpalit ng nilalaman nito nang hindi namamalayan ng eunuch.. itinanong ni Lee Gak kung ano ba ang nangyari noong araw na iyon.. at nabanggit ni Chi San na papunta na sana siya noon kay Park Ha nang kausapin siya ni Secretary Hong.. nagulat si Lee Gak na marinig na involve sa pangyayaring iyon si Sena, at mukhang nagduda na siya sa malditang dalaga...
nakipagkita si ala-Terrence kay Sena sa isang coffee shop yata.. nabalitaan daw ng lalaki na nag-coffee ang dalawa dati ni Chi San.. ipinakita ng binata sa dating sekretarya iyong envelope, natanong naman ng babae kung anong meron sa loob nun.. iyon daw iyong envelope na dala ni Chi San noong inimbitahan ito na magkape ng dalaga, itinanong niya rin kung naaalala ba ito ni Sena.. tila naramdaman na ng babae kung saan pupunta ang usapan nila kaya nakapag-imbento kaagad siya ng istorya at inunahan na niya si ala-Terrence sa gusto nitong malaman.. nagkunwari siya na aksidente sigurong nagkapalit ang mga envelope nila Chi San, agad niyang itinanong kung plane ticket ba daw ang laman ng envelope na dala ni ala-Terrence, kung ganun ay kontrata naman daw para sa isang apartment ang laman ng nakuha ni Sena tanong ng lalaki.. medyo na-relieve na sa oras na iyon ang itsura ni ala-Terrence (parang nakampante siya na malaman na wala naman palang ginawang masama si Miss Hong), naiintindihan na daw niya kung anong nangyari (pero bakit hindi niya na-consider yung tanong na bakit nakapangalan kay Park Ha yung plane ticket na supposedly ay kay Sena).. kinabahan naman si Sena dahil sa mga kasinungaliang pinag-iimbento niya...
nakabalik na si Tommy mula sa Chicago at mukhang may alas na naman ito laban kay ala-Terrence..
bumalik na rin si Lee Gak sa lugar ni Park Ha.. kausap ni Park Ha si Susan at narinig sila ng binata, ilang ulit na daw niyang nasabi sa Stepmom niya na huwag nang babanggitin sa kanya ang tungkol sa engagement ni Sena, tama na daw, sabay baba na ng cellphone.. nakabili na daw pala ang binata ng nais nitong bilhin.. dahil sa mga narinig, naitanong ni Lee Gak na may kapatid pala ang dalaga.. nagulat naman sa tanong niya si Park Ha, kaya para i-divert ang atensyon nito, eh sinabi niya na may naisip siyang magandang ideya.. niyaya niya itong sumakay sa cable car, at nang makita ito ng kamahalan na nakasabit lang, ay natakot ito.. ginusto ng lalaki na mag-backout, pero niyaya naman siya ng babae na uminom ng matamis habang naghihintay (yun na yung pinakasuhol sa kanya)...
napunta muna sila sa ibang lugar, na sila lang dalawa.. habang nagmiminatamis, naitanong ni Lee Gak na ikakasal na rin pala ang kapatid ni Park Ha.. nabigla ang babae pero sumagot din ng oo.. pero bakit daw wala naman itong nababanggit sa kanya, tanong muli ng kamahalan.. sinabi ni Park Ha na may kapatid nga siya, pero hindi naman kasi sila malapit sa isa't isa.. napansin ng dalaga na malapit na ang oras ng pagsakay nila kaya niyakag na niya ang kamahalan sa may cable car...
habang nasa pila pasakay sa cable car.. tinatawanan ni Park Ha ang prinsipe dahil kabadong-kabado ito kahit nasa pila pa lamang sila.. nang nakasakay na sila ay nakahawak pa ito ng mahigpit sa sleeves ng babae, hindi tuloy makakilos nang ayos si Park Ha.. inasar pa ito ng babae na natatakot na parang baby sa laki niyang iyon.. sinabihan ni Park Ha ang lalaki na tingnan ang ganda ng paligid, pero halos nakapikit lang sa biyahe ang kamahalan, sinabi ng dalaga na sinasayang lang nito ang pagkakataon.. ginarantiya niya ang binata na siya na ang bahala dito, at dahan-dahang inilapit ang prinsipe sa may bintana.. mangahang-mangha ang kamahalan sa ganda ng kalikasan na nasaksihan niya.. noong kalmado na ang lahat, naitanong ni Park Ha kung saan ba nagpunta kagabi ang prinsipe, na bigla itong nawala at dala pa yung envelope.. sinabi naman ng lalaki na itinanong lang niya kay Chi San kung ano ang nangyari, at naikuwento nga niya sa dalaga na ibinigay na dito ni Chi San iyong envelope matapos itong magkape kasama si Secretary Hong.. nagulat si Park Ha sa nalaman niya, at tila nagsuspetiya siya kay Sena.. naitanong ni Lee Gak kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya, at sinabi ng dalaga na wala naman.. sinabi naman ng kamahalan na nagtataka pa rin siya kung bakit naman plane ticket ang laman nung envelope.. naitanong tuloy ni Park Ha kung sigurado ba si Lee Gak na ang prinsesa at si Sena ay iisa, sumagot naman ang lalaki na walang duda dahil hindi niya makakalimutan ang mukha ng prinsesa, nabanggit naman ng dalaga na hindi ang itsura nila ang tinutukoy niya kundi ang kanilang kalooban.. naalala ng prinsipe si Prinsesa Hwa Yong...
---o0o---
RTP-39
prinsesang nababalot ng pagkukunwari...
sa school ni Jun-Jun sa bagong lugar kung nasaan si Park Ha, pinapakita yung mga prize na pwedeng makuha ng mga mananalo sa palaro para sa mga estudyante at sa parents o mga guardian nila.. sumali si Jun-Jun sa isa sa mga race, nagchi-cheer si Park Ha para sa bata at pinipilit niya rin si Lee Gak na mag-cheer para dito, kaso natalo pa rin ito, nasisi pa ng dalaga ang prinsipe dahil hindi daw nito chini-cheer si Jun-Jun.. naitanong ng babae sa kamahalan kung bakit pumunta pa rin ito gayong ayaw naman dito ni Jun-Jun, sumagot naman si Lee Gak na may gusto kasi siyang matutunan, inasar naman siya ni Park Ha na sinabing kahit saan siya magpunta ay walang magmamahal sa kanya.. oras na para sa 3-legged race na event, sumali sina Park Ha at Lee Gak para kay Jun-Jun, determinadong manalo yung dalawa, nagsimula na ang karera at may dalawang pares na nauuna sa kanila, pero sa bandang huli ay sila rin naman ang nanalo.. tinatakan na sila nung committee ng stamp o seal para sa nagtapos ng first place, tuwang-tuwa sila, lumapit si Jun-Jun at idiniit ang likod ng kamay niya sa likod ng kamay ni Lee Gak, bumakat sa kamay ng bata yung seal at nag-celebrate siya dahil makakakuha na rin siya ng prize.. sinabihan siya ni Park Ha na hindi siya pwedeng kumuha ng premyo, pero pinakita ng bata yung kamay niya at ibinida na may tatak na rin siya, sa puntong iyon ay napaisip ang prinsipe tungkol sa envelope...
muling nakipagkita si ala-Terrence kay Miss Hong.. muli niyang pinakita sa dating sekretarya yung envelope na dala niya kahapon noong mag-usap sila, at naitsurahan naman agad ito ni Sena.. muling itinanong ng lalaki kung ano ba talaga ang nangyari, nakiusap pa ito sa dalaga na sabihin sa kanya ang totoo.. sinubukan pang mag-deny ni Sena, at tinanong kung bakit nagkakaganyan si ala-Terrence.. naikuwento ng binata ang tungkol sa pagsali niya sa palaro sa isang school, na yung kakilala niyang bata ay wala man lang napanalunan na laro, pero upang magkaroon ito ng tatak sa kanyang kamay ay idiniit niya ito sa kamay ni ala-Terrence, at nagkaroon na ito ng kaparehong tatak sa kanyang kamay.. humiram ang binata ng lipstick sa babae upang i-demo kung paano nangyari yung pagbakat nung marka, natanong tuloy ni Miss Hong kung ano ba talaga ang gustong sabihin ng lalaki.. pinakita nito sa babae yung plane ticket na laman nung enevelope na napunta kay Park Ha, base daw sa mga sinabi ni Sena kahapon ay lumalabas na pagmamay-ari niya yung sobre, at na ang mismong mga envelope ang nagkapalit at hindi lang ang mga nilalaman ng mga ito.. ipinaliwanag ni ala-Terrence na ang envelope na binigay niya kay Chi San ay naglalaman ng kontrata para sa apartment, at kapipirma lang niya dito nang ibigay niya ito kay Chi San kung kaya't hindi kaagad natuyo yung seal nito.. gumamit ang binata ng parang letter opener para sirain yung mga gilid nung envelope na dala niya, ch-in-eck niya yung loob nito at makikita na yung seal na ginamit niya ay bumakat sa loob na bahagi nung sobre.. sa simula pa lang daw ay nag-iisa lang iyong envelope at pinalitan lang yung laman nito, bakit daw pinalitan ni Sena ang laman nun.. nasabi ni ala-Terrence na hindi naman ganoong klase ng tao si Miss Hong, kaya bakit ito nagsinungaling sa kanya.. napaiyak na si Sena nang dahil sa takot, nagawa lang naman daw niya iyon dahil sa pagmamahal, mahal daw niya talaga si ala-Terrence at nasasaktan siya tuwing nakikita niya na kasama ng lalaki si Park Ha.. naitanong naman ni ala-Terrence kung yun ba ang dahilan kung bakit siya nagawang lokohin ng dalaga, kung ginawa ba nito iyon para paalisin si Park Ha, kung ganun ay nagkamali daw si Sena.. para siguro malinis ang sarili tungkol sa tangkang pagpapaalis sa nakababata niyang stepsister, nagawa na naman ni Miss Hong na mag-imbento ng istorya.. ang totoo daw ay ang Lola Chairman ang nag-utos sa kanya na ibigay iyong plane ticket kay Park Ha, humingi ito ng tawad dahil kahit naman daw iniutos lang ito sa kanya ng Chairman ay naisip niya na hindi iyon tama.. nasorpresa ang nagpapanggap na apo na malaman na may kinalaman sa isyu ng plane ticket ang Lola niya, kung pinilit lang daw ng kanyang Grandma ang dating sekretarya ay siya na ang humihingi ng tawad para sa nangyari.. bigla namang binawi ni Sena ang mga nasabi na niya, at sinabing siya talaga ang may kasalanan (naisip niya rin siguro na kakausapin ng binata ang Lola Chairman tungkol dito), tila nagduda naman ang lalaki sa mabilis na pagpapalit ng statement ng dalaga...
habang nagda-drive, tinawagan ni Miss Hong ang Lola Chairman, papunta na daw siya sa Mansyon (yata) dahil may gusto siyang sabihin sa matanda...
habang nagda-drive din, ay sinusubukang i-analyze ni ala-Terrence ang mga paiba-ibang statement na sinabi sa kanya ni Sena...
pagdating sa Mansyon (yata).. umiiyak na isinumbong ni Miss Hong na ibinili ng apo ng Lola Chairman ng apartment si Park Ha, at sa mismong tapat pa ito ng Kompanya.. dahil doon ay nagselos siya kaya naman may mga nagawa siyang mali, na binigyan niya ng plane ticket ang inosenteng dalaga.. nasermonan ng matanda ang dati niyang sekretarya na napaka-immature pa kasi nito, hindi daw tama yung ginawa nito at dapat ay ipakita nito na may karapatan siya.. nagpa-inosente epek pa ang malditang babae at sinabing pakiramdam niya ay naging malupit siya kay Park Ha.. iginiit naman ng matanda na tama lang ang ginawa ni Sena, na kung nalaman nga lang daw niya ang mga nangyari ay siya na mismo ang magbibigay dito ng plane ticket, hindi daw niya talaga naiintindihan kung anong tumatakbo sa isip ng kanyang tinuturing na apo.. tumatawag sa cellphone ni Sena si Tommy, pero hindi niya ito sinagot.. nabanggit pa ni Miss Hong, na nalaman ni ala-Terrence ang tungkol sa plane ticket, at dahil sa takot ay nasabi niya na ang Lola Chairman ang totoong nagpapabigay nito kay Park Ha.. naiintindihan daw niya si Sena sabi ng Chairman, sasabihin daw niya sa apo na sa kanya nga galing iyong plane ticket, kaya huwag nang mag-alala ang dalaga.. nagpa-good-girl-mode na naman ang malditang babae at humingi ng tawad sa kanilang Grandma...
umalis na si Sena sa Mansyon, at mukhang tiwala na ito na naayos na niya ang gusot.. nakita siya ni ala-Terrence na mukhang may ideya na kung anong ginawa niya sa bahay ng Lola Chairman.. mukhang napuno na rin ng pagdududa ang prinsipe kung kaya't nagdesisyon siyang sundan ang babae...
sa dating apartment ni Sena.. pinapaayos na muli ni Tommy iyong lugar.. tinawagan nito si Sena na nasa gitna ng pagda-drive at pumunta na ito sa apartment building...
pagdating ni Sena sa apartment building, ay sinusundan pa rin siya ni ala-Terrence.. sumunod ang binatang tagapagmana hanggang sa parking lot, at nakita niyang magkasama sina Miss Hong at Tommy.. pinababalik na ni Dir. Yong ang babae sa dati nitong apartment, nasabi naman ni Sena na nakalimutan na ba ng dating nobyo na malapit na ang engagement niya.. sinabi ng lalaki na tanggap na daw ng Papa niya ang relasyon nilang dalawa.. niyakap niya ang dating nobya, at sinabi na kahit ano pa ang pagkatao nito ay tatanggapin niya.. nakita ni ala-Terrence kung paano niyakap ng pinsan niya sa labas ang babaeng dapat na pakakasalan niya.. si Sena ang kumalas sa pagkakayakap ng binata.. muling sinabihan ni Dir. Yong ang dating kasintahan na kunin na ang mga gamit nito upang bumalik na sa apartment, sumakay na ang tila nalilito na si Sena sa kanyang kotse.. sinigawan siya ni Tommy na sinabing, hindi siya mahal ni ala-Terrence, pero siya ang nagmamahal sa babae.. parang narinig rin iyon ni ala-Terrence mula sa loob ng kanyang kotse.. tuluyan nang umalis ang dalaga na hindi man lamang namalayan na sinusundan siya ng mapapangasawa niya.. base sa mga nasaksihan niya ay parang nagkaroon na ng ideya ang nagpapanggap na si Terrence sa kung ano ang namamagitan kina Miss Hong at Tommy...
sunod namang pumunta si Sena sa bahay ng kanyang kinagisnang ina na si Susan.. maging doon ay sumunod si ala-Terrence.. isa rin yata iyong apartment building, at natatandaan ng binata na doon din nakatira ang Mama ni Park Ha.. saktong kalalabas lang ni Susan, nagmamadali ito dahil kukuhanin daw niya iyong kadarating lang na package mula kay Park Ha.. naitanong tuloy ng nakatatandang anak kung alam ba ni Susan kung nasaan si Park Ha, at nabanggit nga ng Mama nila ang lugar na kasalukuyang kinaroroonan ng nakababatang stepdaughter, nasa labas na ng kanyang sasakyan si ala-Terrence at narinig rin ang usapan ng mag-ina...
gabi na sa may ilog, sa may Han River Bridge yata ulit.. naalala ni Lee Gak si Prinsesa Hwa Yong, naisip niya rin iyong naging katanungan ni Park Ha na kung iisa rin ba ang kalooban ng prinsesa at ni Sena.. naalala ng kamahalan si Bu Yong, si Susan, at ang magkakaibang event kung saan nakilala niya ang nakatatandang babae bilang ina ng dalawang dalaga na nauugnay sa kanya.. naitanong ng prinsipe sa kanyang sarili kung ano ba ang kanyang tatahakin, iyon bang landas na kanyang nilalakbay o iyong magpapabago sa kanyang tadhana.. naisip niya na kung hindi niya mahahanap ang kasagutan ay maaaring hindi na sila makabalik pa sa Joseon habambuhay.. bilang prinsipeng tagapagmana, ano ba daw ang nararapat niyang piliin...
---o0o---
RTP-40
ang desisyong makakapagpabago ng tadhana...
matapos makapag-isip-isip, muling ipinatawag ni ala-Terrence si Miss Hong.. sa isang cafe o restaurant siguro.. patampo pang sinabi ng babae na na-upset siya sa nangyari sa pagitan nila kaninang umaga, pero masaya na siya at tinawagan siya ng binata.. pero iba ang bati sa kanya ni ala-Terrence, nais daw niyang malaman kung sino talaga si Sena.. medyo kinutuban na ang dalaga sa kahahantungan ng usapan nila, kaya sinabi niya na kung tungkol na naman ang pag-uusapan nila doon sa plane ticket ay ang Lola Chairman na lang ang tanungin ng lalaki.. bago pa man tuluyang matapos ng babae ang kanyang palusot ay inunahan na siya ni ala-Terrence, kapag nagsinungaling pa daw si Sena ay hindi na niya ito mapapatawad.. kinabahan na ang babae, at tinanong pa kung bakit nagkakaganoon ang lalaki, kung sa tingin daw nito ay nagsisinungaling siya ay mabuti pa ay aalis na lang siya, pero napigilan siya ni ala-Terrence na inutusan siyang maupong muli.. sinabi na ng binata na alam niyang magkasintahan ang dalawa ni Tommy, ngunit bakit niloko siya ng babae at itinago pa ang kanilang relasyon.. batid na rin daw niya na kapatid ng babae si Park Ha, at tinanong kung naaalala pa nito noong sinabi nito dati na wala siyang kapatid.. naitanong tuloy ng binata kung alam ng babae na hindi tama ang kanyang ginawa, pinagtakpan niya ang isang kasinungalingan ng isa pang kasinungalingan, at pinagtakpan naman ang mga iyon ng marami pang kasinungalingan.. ang katauhan daw nito ay nababalot ng pagkukunwari, kaya alam na ng lalaki ngayon na hindi ito ang kanyang hinahanap, hindi daw ito ang babaeng kanyang pakakasalan.. hindi na halos makakilos si Sena dahil sa mga narinig niya mula sa lalaking pakakasalan na niya sana.. sinabi ni ala-Terrence na maaari na itong umalis dahil wala na siyang sasabihin, pero hindi na makapag-react ang katawan ng dalaga, kaya naman nasigawan pa siya ng binata na umalis na siya.. nanlulumo at mukhang hinang-hinang pilit na umalis ni Miss Hong.. noong nasa nakalabas na ang dalaga ay umiiyak ito habang naglalakad.. maging si ala-Terrence ay naiyak dahil sa naging desisyon niya (mukhang hindi niya talaga inasahan at matanggap na ganoong klase ng babae ang naging reincarnation ng kanyang prinsesa)...
sa Rooftop.. pinulong ng prinsipe ang kanyang mga kasamahan upang ibalita sa mga ito ang kanyang naging desisyon, na hindi na matutuloy ang kasal nila ni Miss Hong.. nabigla ang kanyang mga alalay na naitanong kung ano naman ang dahilan niya, kung paano na sila makakabalik sa Joseon, at si Man Bo naman ay nasabi na ang pagpunta nila sa panahon na iyon ay walang silbi kung ganun.. sinubukan namang magpaliwanag ng prinsipe na nagpabulag kasi siya sa kanyang nararamdaman kung kaya't nakalimutan niya ang kanilang dahilan, at humingi ng paumanhin doon sa 3.. (mukhang hindi na naikuwento ni Lee Gak ang masasamang bagay na nagawa ni Miss Hong, parang siya yung tipo ng tao na hindi ugaling manira pa o magmagaling tungkol sa mga nagawa niya para sa iba)...
sa labas ng Rooftop house.. malungkot na malungkot iyong 3, habang hawak-hawak o niyayapos iyong mga pasalubong sana nila sa kanilang mga kapamilya.. dahil daw hindi na pakakasalan ng kamahalan ang kanilang prinsesa ay hindi na sila sigurado kung kailan sila makakabalik sa Joseon.. dahil doon ay ginamit na nilang 3 iyong mga pasalubong nila na: pinatuyong karne, body plaster, at face powder.. sinisisi ni Chi San si Park Ha dahil dito nagkagusto ang prinsipe, bigla tuloy naisip ni Man Bo na kung nagkagusto ang kamahalan sa dalaga ay posibleng nakatadhana ang pag-iibigan nila.. hindi naman agad naniwala dito ang eunuch, si Yong Sul naman ay sinabi na iresponsable kasi ang kamahalan kaya nangyari ang bagay na iyon.. pinagtanggol naman ni Man Bo ang dalawa, at inisa-isa pa ang mabubuting nagawa ng mga ito para sa kanilang 3, kung hindi daw dahil sa kamahalan ay malamang napatay na si Yong Sul sa Joseon, ganun din naman kay Chi San, dahil kung hindi siya napasama sa misyon nila sa future ay malamang namatay na rin siya kung umatake ang appendicitis niya habang nasa Joseon lang siya, nabanggit din ng matalinong tutor na kung hindi naman dahil kay Park Ha ay malamang na walang kumupkop sa kanila sa future, at naging mga palaboy na sana silang 4.. mukhang nakumbinsi na niya iyong dalawa, kung ganoon daw ay kailangan nilang ibalita kay Park Ha na hindi na tuloy ang kasal ng prinsipe.. naitanong ni Chi San kung saan naman nila matatagpuan ang dalaga, hindi sinabi ni Man Bo na alam niya kung nasaan talaga ito, bagkus ay ipinahiwatig nya na posibleng nandoon ang babae sa lugar na binibisita ng kanilang kamahalan...
sa isang bar yata.. mag-isang umiinom si Sena habang parang may iniisip na masamang balak...
sa lugar naman na tinutuluyan ni Park Ha.. nilalaro niya iyong aso, at naalala niya iyong napag-usapan nila ni Lee Gak tungkol sa plane ticket, na walang dahilan ang lalaki para padalhan siya nun, at tila hindi pa rin naiintindihan ng babae ang rason kung bakit hindi iyon magagawa sa kanya ng kamahalan.. saktong dating nung 3 na masayang-masaya (na parang nakumbinsi na sila ni Man Bo, at hindi na nila sinisisi ang dalaga), nasorpresa si Park Ha kung paano nila nahanap ang tinutuluyan niya.. sa loob ng kuwarto ni Park Ha ay nagkumustahan sila, nabanggit ni Man Bo na nalaman nila ang address ng babae dahil sa mga package na ipinapadala ni Mimi para dito, bakit daw hindi man lamang nagpaalam sa kanila ang babae, at nagdahilan na lang ito na balak na niya talaga silang sabihan kaso ay dumating na nga sila doon sa lugar at nakita siya.. bago sabihin ang kanilang pakay, nais muna daw kumain ng 3, kaya naman nag-request sila sa babae na ipagluto sila ng omurice, bilang kapalit daw ay may sasabihin silang magandang balita.. mukhang na-excite naman at na-curious si Park Ha kung ano ba iyon.. matapos maihanda ang paboritong omurice ng 3, ay masaya na nga nilang sinabi sa dalaga na hindi na matutuloy ang pagpapakasal ng kanilang kamahalan kay Miss Sena Hong.. ikinagulat ito ni Park Ha na nagmamadaling nagbalak na bumalik sa Seoul.. isasama pa sana niya iyong 3, subalit tinipid ni Man Bo ang kanyang pagkain, paisa-isang butil lang ng kanin iyong ginawa niyang pagkain.. baka daw maiwanan na sila ng bus.. maging sina Yong Sul at Chi San ay minamadali naman ang tutor, dahil doon ay sinabi ng eunuch na mauna na lang si Park Ha at susunod na lang daw silang 3.. pagkaalis ng babae, sinisisi pa nung 2 si Man Bo dahil sa mabagal niyang pagkain kaya daw naiwanan na tuloy sila doon.. bigla namang lumakas ang paglamon ng tutor at inamin na sinadya niyang magpigil ng pagkain upang maiwan sila doon, hindi daw ba talaga nahalata ng dalawa ang kanyang plano, dahil daw maraming kailangan na pag-usapan ang prinsipe at si Park Ha.. nasabihan pa niya iyong dalawa na kung maaari ay mag-isip-isip naman sila sa susunod.. habang nasa kuwarto pa rin na nire-rentahan ng dalaga, naitanong ni Yong Sul kung ano naman ang gagawin nila doon, ngumisi naman si Man Bo at sinabing may pupuntahan sila...
nagliwaliw na muna iyong tatlo.. nagpunta sila sa isang lugar na may swimming pool.. siyempre naglangoy sila, at nagtingin-tingin sa mga babaeng naka-bikini doon (dahil nga sanay sila sa panahon nila na balot na balot ang mga kababaihan).. matapos sa pool, ay nag-drawing naman si Man Bo ng babae na naka-bikini lamang.. hangang-hanga sa tutor si Chi San at si Yong Sul naman ay may tumutulo ng tubig sa kanyang baba habang titig na titig sa iginuguhit ni Man Bo.. ilang saglit pa ay tumulo na iyong tubig sa mismong mukha noong drawing ng tutor.. napatingin ang dalawa sa bodyguard, naitanong nila kung laway ba iyon na hindi naman sinagot ni Yong Sul, tapos tinanong nila kung saan naman nanggaling ang tubig na iyon kung ganun, sa bibig ba o sa ilong, at nahihiya namang sumagot si Yong Sul na sa ilong...
sa Rooftop.. nakabalik na si Park Ha at kaagad niyang kinausap si Lee Gak na nandoon lamang sa labas ng bahay.. bakit daw hindi na matutuloy ang kanyang kasal kay Sena, pabalang naman na sumagot ang kamahalan na ano naman ang pakialam dun ng babae.. naulit ni Park Ha na nangako ito noon na itutuloy na lang ang kasal, nasisiraan na daw ba ito ng ulo, hindi ba daw nito naisip na posibleng mahirapan na silang makabalik sa Joseon.. biglang niyakap ng kamahalan ang babae.. sinabi ng prinsipe na batid niya ang tungkol sa bagay na iyon, akala daw ba ng dalaga ay hindi siya nahihirapan, subalit wala na daw kasi siyang maisip na ibang dahilan.. sinubukang kumawala ni Park Ha sa pagkakayakap ng prinsipe, pero mas niyakap pa ito nang maige ng kamahalan.. humingi siya ng tawad, at sinabi na hindi na niya hahayaan na magdusa pa ulit ang dalaga, matapos ay sinabi niya na patawad Park Ha.. maluha-luha ang dalawa habang magkayakap...
nasa dating apartment ni Sena si Tommy.. dumating na si Sena, at naitanong sa dating nobyo kung naghintay ba ito dahil alam nito na darating siya.. malugod naman siyang tinanggap ng binata.. naitanong tuloy ng babae kung bakit napakabait ni Tommy sa kanya, okay lang naman daw sa kanya kung kamuhian siya ng lalaki.. niyakap siya ni Tommy, at sumagot ito na naiintindihan niya si Sena, dapat daw ay ipaglaban nila ang kanilang pagmamahalan, dapat daw silang maging masaya, at sinabi na hindi niya pababayaan ang babae.. dahil doon ay susundin na daw ni Miss Hong ang mga pinapagawa sa kanya ng lalaki, na magkukunwari na siyang anak ni Chairman Jang, na magagawa niyang magpanggap para sa lalaki.. ginarantiya naman ni Tommy na kakailanganin lang ni Sena na magkunwari sa sandaling panahon, at kung sakaling magkaroon ng problema ay siya na ang aayos nito.. bilang kapalit, hiniling ng malditang babae na alisin na ni Tommy sa buhay niya si Park Ha, sumang-ayon naman ang binata, may isa pang kahilingan ang babae at iyon ay ang alisin na rin si ala-Terrence sa landas niya, sumagot naman ang lalaki na malapit nang mangyari iyon...
sa Mansyon.. kadarating lang ni Sena at hinarap siya ni ala-Terrence na naghihintay lang sa labas.. sinabi ng binatang tagapagmana na ipinatawag siya ng kanyang Grandma, kung si Miss Hong daw ang mauuna na makipag-usap sa loob ay siya ang sasagot sa mga katanungan ng Lola Chairman.. pero kung si ala-Terrence ang mauuna ay sasabihin na lang niya na kasalanan niya kung bakit hindi na matutuloy ang kanilang kasal dahil nagbago ang kanyang isip.. pinayuhan ng binata ang dating sekretarya na huwag na itong pumasok sa Mansyon, dahil baka kung ano pa ang masabi dito ng kanyang Grandma.. nagtaka ang babae kung bakit mahinahon na ang binata hindi gaya noong huli nilang pagkikita.. sinabi ni ala-Terrence na siya naman kasi ang dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang kanilang kasal, umaasa daw siya na babalik na ang babae sa dati nitong buhay, bago pa sila nagkakilala, pagkatapos ay sinabihan na niya ito na umalis.. tila ang dali daw sa binata na diktahan na lang siya, sabi ni Sena.. inulit naman ni ala-Terrence sa babae na siya na ang bahala kaya umalis na ito.. naiinis naman na naiwan si Sena sa may labas ng Mansyon...
No comments:
Post a Comment