Sunday, April 6, 2014

March 3, 2013 (Rise of a New Evil)

negative post, again.. busina! busina!

hindi na naman ako nakatulog nang ayos kagabi..
CONFIRMED..!
namana nga ng BDB (biological demon brother) ko ang demonic genes ng tatay (BDF) niya..
kaya naman nasa DANGEROUS level na rin siya, earning him the rank na BDB...

kagabi kasi napansin ng biological mother ko na hind na gumagana yung cellphone niya..
halos bago pa lang iyon, at ako ang nag-charge noon kagabi sa pag-aakala na na-battery empty lang..
pero noong sabihin niya na hindi na iyon nagana, nagduda na ako..
naisip ko na baka nasira na naman ang battery ng BDB ko na kaparehong unit ng sa biological mother ko..
kung tutuusin ay pinakabago pa iyong cellphone ng BDB ko, nakakailang buwan pa lamang..
ch-in-eck ko yung battery ng cellphone at napansin kong hindi na iyon ang original na battery nun..
sa puntong iyon alam ko na kung anong nangyari..
posibleng na-overuse na naman ang cellphone nung pasaway na bata (dahil ginagawa na niya iyong mp3 player halos buong araw, bukod pa yung dire-diretso niyang paggamit dito habang nagcha-charge pa)..
bumigay iyong battery..
at dahil pareho lang ang unit nila ng nanay niya..
naisip niyang makakalusot siya kung pagpapalitin lang niya iyong mga battery..
dahil hindi naman mausisa sa gamit iyong matanda, at walang masyadong alam sa electronics..
inisip niya na sa gagawin niya eh makakalibre na siya sa pagpapalit ng battery niya..
at iyong nanay niya naman ay mapipilitan na bumili na lang ng bagong battery o mas malala eh bagong cellphone...

kagaya lang iyon nung ginagawa niya noong pagnanakaw sa FHM collection ng biological panganay namin tuwing dis-oras ng gabi..
sa tuwing inaakala na niya na mahimbing nang natutulog ang lahat..
ang hindi niya alam eh kabisado ko ang tunog ng cabinet ko, kaya nagigising ako kapag nararamdaman kong may gumagalaw nun - ganun ako ka-paranoid..
ilang beses ko rin siyang na-counter check..
ilang magazine din iyong nabawi ko sa kanya na itinatago niya sa ilalim ng higaan, sa ibang drawer, at minsan eh sa folder pa niya sa school..
ang ginawa ko nga para maiwasan na iyon ay ni-record ko lahat ng issue na meron ang kuya niya..
dahil sa akin ibinilin ang pangangalaga sa mga iyon, kaya naman responsibilidad ko na sila...

balik sa isyu ng battery..
pero may malaki siyang pagkakamali..
dahil ginagamit ko iyong cellphone ng biological mother ko sa pag-go-golf..
at naging ugali ko na na buksan ang cover nun sa likod..
at napansin ko nga na may vertical markings na iyong battery dahil masikip ang casing nito..
nung i-check ko nga yung battery na nakalagay kagabi ay alam ko na na hindi iyon ang totoong battery nun..
dahil sa sobrang inis, dahil sa ginagawang panlalamang nung bata..
naisip ko na sabihin sa biological mother ko na napalitan ang battery niya, pero hindi ko muna sinabi kung paano ko nalaman..
sinadya kong iparinig yung sinabi ko sa BDB ko, para makonsensya naman siya..
tinanong siya ng biological mother ko kung pinagpalit ba niya ang mga battery nila..
at makailang ulit naman niyang itinanggi ang ginawa niya..
sa puntong iyon, nakumpirma ko na na magkaparehas na talaga sila ng tatay niya..
magagawa nilang magsinungaling para lang makapanlamang sa iba..
ni hindi nila iko-consider na additional gastos na naman iyon para sa biological family...

inisip ko na kung hindi lalabas ang totoo, ay sa akin din babalik iyong kasamaan na iyon..
dahil pareho naming kailangan ng biological mother ko ang mga cellphone para sa trabaho namin..
at kung siya ang mawawalan ay mapipilitan na naman siyang pakialaman ang pera sa negosyo ng blood aunt ko..
kaya naman para lumabas na ang katotohanan..
sinabi ko na alam ko ang itsura nung orihinal niyang battery..
at iginiit ko na may nagpalit lang nun..
ilang saglit pa ay napilitan na ring umamin yung pasaway na bata..
natanong tuloy siya ng nanay niya kung gaano siya kadalas na magsinungaling, lalo na kapag humihingi siya ng pera...

buti na lang at kakaiba yung battery ng cellphone ko..
at may hologram sticker..
kung hindi, ay baka ako ang nabiktima nung masamang bata...

hindi rin naman iyong battery lang ang pinaka-punto dito..
kundi iyong sinubukang gawin na pagsasamantala at pagsisinungaling..
kung hindi ko ginawa ang tama..
malamang mas mabaon pa kami sa kahirapan nare...

sinasabi ko na nga ba eh..
yung mga weekends na umaalis siya ng bahay nang walang pinapipirmahan na permit sa magulang..
at yung halos araw-araw niyang hinihingi na pera na pambayad daw sa school pero wala namang resibo, o hindi man lamang masabi kung para saan nga ba..
lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lang..
malamang pinambabae lang niya ang mga yun..
at nagpaloko naman sa mga kapritso niya ang mahina ang utak na matanda...

buong buhay ko 4 na cellphone pa lang ang nahahawakan ko..
at segunda mano pa yung 2 dun sa 4..
samantalang ang pasaway na batang iyon ay nagagawang magpalit nang basta-basta..
wala siyang ibang kailangang gawin kundi sirain ang current phone niya, at magpaawa epek para makahingi ng bago..
hindi naman envy ang punto dito..
bakit naman ako maiinggit eh mas nagtatagal nga ang mga cellphone ko..
ang punto eh, kaya namang tumagal ng cellphone - kung gagamitin lang nang tama..
para rin hindi na ipinapasok pa iyon sa gastos ng pamilya..
pero wala eh..
mas mahalaga sa kanila na makapagpasikat sa ibang tao...

ang sinungaling ang isa sa pinaka-delikadong klase ng tao sa mundo..
dahil magagawa ng isang taong sinungaling kahit anong bagay..
at mahihirapan ang iba na palabasin ang totoo dahil nga magsisinungaling lang siya..
tiwala ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng pagsasamahan sa mundo..
dahil katumbas ng pagtitiwala ang pagkakaroon ng peace of mind..
at ang pagsisinungaling ang numero uno nitong kalaban...


bakit ba nangyayari 'to sa akin..?
ilang araw pa lang simula noong sabihin ko na ayoko nang magsalita tungkol sa mga negatibong bagay..
pero pilit silang nagpaparamdam..
ang tanong eh..
gaano ba kasama na magsabi ng totoo..?
o, masama ba talaga na sabihin ang katotohanan..??

kaya naman para sa lahat ng mga kakilala ko na nakakakilala doon sa BDF at BDB ko..
mas makabubuti kung iiwasan niyo na lang sila at hindi papansinin kung sakaling mag-krus man ang mga landas niyo..
dahil tinitiyak ko na walang magandang maidudulot ang pakikipagkilala sa kanila..
lalo na doon sa BDF ko, dahil kaya nung mangutang ng pera sa kahit na sinong kakilala niya o kakilala ng mga miyembro ng biological family namin...


No comments:

Post a Comment