Sunday, April 6, 2014

March 2, 2013 (Darkest Memories)

this is a negative post na Rated SPG, kaya naman - busina! busina!

hindi ko kasi maintindihan ang mga tao..
sa tono kasi ng biological mother ko eh isa talaga ako sa may kasalanan kung bakit minamalas ang biological family na 'to,.
ang rason - dahil hindi ko daw ginagalang ang BDF (biological demon father) ko..
at madalas niya yung sinasabi sa akin sa tuwing naikukuwento ko sa kanya ang mga kasamaan na naituturo o napapasa nung BDF sa apo niya...

ang gusto ko lang naman eh ang maiwasan ang mga iyon..
kaya ko iyon sinasabi sa kanya..
para hindi naman lumaki yung bata na may masasama rin na ugali...

pero wala eh..
dahil ang bahay na ito ay ayaw at takot sa katotohanan...


- sanggol pa lang ako noong matuto akong manigarilyo..
baka nga fetus pa lang ako eh bisyo ko na yun through second-hand smoking, bale third-hand na yung sakin kung sa sistema pa ng biological mother ko iyon dadaan..
hanggang sa ngayon naninigarilyo pa rin ako, dahil sa bahay namin eh pwedeng manigarilyo sa loob..
namulat ako sa mundo na mahilig na talaga sa bisyo ang BDF ko..
sabihin na nating mas mabuti noon, kasi medyo nagtatrabaho pa siya, at yun ang nagiging pangtustos niya sa pagsusugal at paninigarilyo..

- hindi ko alam kung ano ang sakit niya, pero ugali na niyang laruin ang ari ng mga batang lalaki..
isa ako sa mga naging biktima niya noong bata pa ako..
inabot iyon hanggang grade school kaya naman natatandaan na ng isip ko..
hindi ko maintindihan kung bakit gugustuhin ng isang matandang lalaki na laruin ang ari ng isa pang lalaki, patitigasin tapos ay babalatan sa ulo..
mas hindi ko matanggap ang mga alaala na iyon kapag nakikita ko siyang ginagawa ang bagay na iyon sa mga pamangkin ko, eh nasa grade school pa naman na yung isa, edi gumagana na rin ang memorya nun..
ano na lang kaya ang matututunan nung bata sa paglaki niya..?

- ugali niya noon na manakit kapag nagagalit siya..
naiinggit nga ako sa biological bunso namin dahil hindi na niya naabutan yung panahon na hinahabol pa kami ng palo kahit saan kami magpunta, maging mula sa bahay man hanggang sa bahay ng biological lola ko..

- tapos grade school rin ako noon nung mambabae ang BDF ko para lang sa pera..
wala pa akong masyadong alam noon, ni wala akong pakialam na nasasaktan ang biological mother ko..
pero ang pinagsisisihan ko talaga sa mga nangyari ay yung tinanggap pa niya ang asawa niya sa kabila ng lahat..

- nung nasa high school na ako, mas tanggap ko na na wala na dapat kaming asahan mula sa BDF ko..
siguro noon lang talaga gumaan ang buhay ko..
kahit hirap sa buhay, at least hindi naman ako direktang naaapektuhan ng iba pang problema sa bahay..

- una kong nasaksihan na ginamit ng BDF ko ang aking pangalan sa pangungutang ng pera noong katatapos ko lang ng grade 6..
naimbitahan ako noon ng mga blood cousin ko na magbakasyon sa bahay nila sa Manila dahil sa request ng isa sa mga pamangkin ko..
nung last day ko doon, ang BDF ko ang isa sa mga sumundo sa akin..
na-realize ko na lang na ginamit niya iyong pagkakataon upang mangutang ng pera sa blood relatives ko sa mother side..
at siyempre para lang iyon sa pansarili niyang gamit..
college ako noong sunod ko na masaksihan iyon..
no choice na ako kundi ang magpatuloy sa UP Diliman, siya iyong may kakilala doon na blood relative niya kaya siya ang sumama sa akin para mag-enroll..
as usual sumimple siya at humingi ng pera sa pinsan niya, gagamitin daw sa pag-aaral ko..
yung isa pang insidente ay sa kasal ng biological brother ko na pangalawa..
katulong ng blood relative niya ang nagsabi sa biological mother ko na idinahilan yung kasal ng kapatid ko upang makautang ng malaking halaga ng pera, na hindi naman namin alam kung saan talaga napunta..
marami pa sigurong pagkakataon na ginawa niya iyon sa mga pangalan namin, hindi ko na lang talaga nasaksihan iyong iba..

- isa pa pala sa masasakit kong alaala noong bata ako ay nung sinamahan ako ng biological lola sa BDF side ko na mamasko sa kamag-anak nila..
aminado naman ako na mga piggy bank ang tingin ko sa mga blood relatives sa mga ganoong okasyon..
noong nalaman nung matanda kung kanino akong anak, pinabigyan niya ako ng fruitcake sa katulong, tapos kinausap niya ng masinsinan yung biological lola ko..
may utang daw ang BDF ko sa kanya, kaya naman hindi na niya ako bibigyan ng pera..
natatandaan ko na may iba pang mga bata noon doon sa bahay niya..
maging iyong mga hindi naman niya kaanak na mga kapitbahay lang ay binigyan niya ng pera maliban sa akin..
hiyang-hiya ako sa sarili ko kung bakit ba ako pumunta pa sa bahay na iyon..
nalungkot ako siyempre
at na-realize ko kung gaano ba makapanira ang pangungutang ng pera..
simula noon, natutunan ko rin na kalimutan na ang mga taong wala namang silbi na sa akin..
it may sound greedy na parang naghahabol ako sa kanila..
pero sa tingin ko hindi naman tama na ginantihan nila ako ng dahil sa isang bagay na wala naman akong kaalam-alam..
tapos sa sobrang katangahan noong matandang iyon ay nautangan na naman siya ng BDF ko noong kasal ng biological brother ko..
at ang masama na namang nangyari, sinubukan niyang habulin ang mismong biological family namin para magbayad noong utang..
binalak niyang habulin ang biological mother ko, hanggang iyong panganay ko ng biological brother ang umayos sa gusot..

- high school yata at college noong nangyari iyong mas masasakit ko pang alaala..
isang araw nadiskubre ko na lang na nanakaw na iyong kauna-unahan kong 10 peso coin, na ginawa kong taong bahay sa wallet ko sa loob ng ilang taon..
kung hindi pa ako nagwala at nagtanong eh hindi pa aamin..
ang ahilan - kinati siya sa paninigarilyo kaya niya nagawang magnakaw sa akin..
sa tuwing wala siyang magalaw na pera madalas na nahuhuli ko siya na nangangalkal ng wallet ng may wallet, o drawer ng may drawer..
yun ang isa sa mga dahilan kung bakit malakas ang kutob ko na siya ang tumarantado sa akin noon..
isang araw nadatnan ko na lang na bukas na ang aming bahay..
walang ibang binuksan kundi iyong cabinet ko..
parang alam na alam nung trumabaho ang sched ko sa school, kung nasaan yung mga gamit sa likod ng bahay, at kung nasaan yung wallet ko, dahil iyon lang naman yung kaisa-isang kinuha..
isa rin siya sa mga nagsabi na huwag nang ipaalam sa mga pulis iyong nangyari, kesyo apat na libo lang naman yung nawala..
pero ang pinakamalaking nawala sa akin noong panahon na iyon - ay ang tiwala ko sa aking sarili, lalo na ang tiwala sa mga tao sa paligid..
mas nag-ingat na ako simula noon..
para na nga akong baliw sa pagbabantay ng bahay..
ni hindi na ako basta-basta makaalis dito..
nadagdagan pa iyon noong mapasa na sa akin yung pagma-manage ng business ng blood aunt ko..
siyempre mukhang maraming pera yung pumapasok dahil money transfer na negosyo..
at dahil doon parati nang mainit ang mata ng mga tao sa bahay..
na parang naging dependent na nga sila sa pagnanakaw doon..
at kasalanan ko ang lahat, dahil hindi ko sila matiis kapag sobrang alanganin na ng sitwasyon..


ngayon, paano ko ba igagalang ang isang tao na halos sumira na ng sarili kong buhay..?
sapat na ba talagang dahilan na siya ang isa sa nag-contribute dun sa union ng egg at sperm cell na bumuo sa akin..?
eh malay ko ba kung anong motivation niya noong gawin niya yun..
malay ko ba kung dala lang yun ng libog ng katawan...

hindi ko talaga naiintindihan kung bakit kailangang ipagtanggol pa ng mga aral ng kabutihan iyong mismong masasama..
na hindi talaga kami pagpapalain ng diyos hangga't hindi ako natutong gumalang sa BDF na yun..
eh bakit binuo pa yung konsepto ng self-defense..?
kung tama na magpasaklaw o magpatalo sa kasamaan, edi hayaan na lang natin na gawin nila lahat ng gusto nila laban sa atin...

mali ba talaga na maging praktikal na lang..
bakit naman yung mabubuting magulang ng iba kong kakilala, maagang nawala dito sa mundo..
pero yung sa akin naman, antagal ng life span..
tapos gusto pa ng biological mother ko na ipagagamot iyon kung sakaling magkasakit iyon dahil sa sarili nitong bisyo...


No comments:

Post a Comment