[originally posted on January 3, 2013]
Rooftop Prince..
isa na namang Korea-novela na nasa listahan ng mga papanoorin ko..
bale next week pa ang start ng pag-ere niya sa local tv channel..
base sa preview niya, para siyang romantic-comedy na tv series na nilagyan ng element ng historical setting at time travel..
sa ABS-CBN siya mapapanood..
at
tingin ko kaya kinuha nila yung series na 'to eh dahil dun sa leading
man na siya rin yata yung leading man dun sa papalitan niyang Korean tv
series..
pero siyempre ibang dahilan yung nakakuha sa atensyon ko kaya nilagay ko siya sa 'To Watch' list ko..
at yun eh dahil sa leading lady..
siya ang Korean actress na si Han Ji-Min..
hindi naman talaga siya masyadong kataasan na kalidad ng babae..
una ko siyang nakita sa isang late night Korean historical drama sa GMA, at hindi naman siya masyadong attractive doon..
Han Ji-Min as Park Ha..
eto yung future na katauhan niya..
at sa partikular na series na 'to eh nakuha niya talaga ang interes ko..
at ang pinaka-dahilan eh areng isang style ng buhok nya (shoulder length na may bangs) na gaya ng picture sa itaas..
wala lang.. parang sobrang ganda niya sa ganitong look, lalo na kapag paiyak na siya..♥.♥
bukod pa yung mukhang mas maganda ang kutis niya dito..
eto naman yung simpleng ayos nya..
naka-bun tapos andun pa rin yung bangs..
cute rin siya dito..
yung nakalugay ulet na style..
pero medyo malaki yung nabakante ng bangs..
Han Ji-Min as Bu Yong..
are naman yung katauhan niya sa past..
for some reason sadyang may suot siya parating pantakip sa ilong at bibig niya..
hindi ko yata siya nakikita sa preview..
at nadiskubre ko lang 'tong alternate character niya habang naghahanap ng pictures ni Park Ha..
at dahil sa kanya, mas tumaas yung level ng curiosity ko..
ayun nga..
cute siya..
iba-iba yung kahawig niya depende sa anggulo at facial expression..
minsan para siyang younger version ni Kim Jung-Eun ng Lovers at I Am Legend..
minsan
naman para rin siyang lesser version ni Han Hyo-Joo ng Shining
Inheritance at Dong Yi, na si Han Hyo-Joo naman eh parang lesser version
ni Song Hye-Kyo (aka Jenny) ng Endless Love (Autumn in my Heart)..
isa ko pang napansin sa kanya eh, parang masyadong mahaba yung dimple niya sa kaliwa yata yun...
No comments:
Post a Comment