[originally posted on December 27, 2012]
sandali nga..
balak bang patawan ng buwis ng BIR (Bureau of Internal Revenue) ang mga bagay na binebenta online?
ibig bang sabihin titirahin rin nila ang ebay??
hindi ko pa sigurado yung buong detalye..
narinig ko lang kasi sa balita kagabi..
yung mismong term na ginamit eh 'online shopping'..
kaso
base sa comment nung isang buyer na na-interview eh parang online
buy-&-sell community in general yung tinutukoy nya?
ang
komento nya kasi ay maganda nga daw kung ire-regulate din ang mga online
stores para masiguro na yung mga legitimate at authentic lang na
sellers ang matitira para na rin sa proteksyon ng mga buyers...
pero ang punto ko eh..
paano naman yung mga nagbebenta lang ng mga second hand na produkto?
yung mga gusto lang magdispatsa ng mga bagay na hindi na nila nagagamit?
o kahit anong pwedeng ibenta na hindi naman commercial in quantity?
sisikilin ba na naman nila yung kalayaan ng mga tao??
ang taxation ang isa sa mga bagay na hindi ko lubos na maintindihan..
para ngang isa sya sa mga bagay na pumapatay talaga sa mga tao..
raw products pa lang binubuwisan na ang mga bagay-bagay..
kapag ibiniyahe ang mga yun may buwis din..
lahat ng resources na magagamit sa pagproseso ng mga yun may buwis din..
kapag ibinenta na may buwis din..
kapag na-convert na sa panibagong produkto may buwis na naman..
yung iba nga eh may buwis pa pati yung mismong pagkonsumo gaya na lang sa mga fastfood restaurant at ngayon eh yung sin tax..
paulit-ulit lang yung proseso..
gusto ba talaga nila na kikita sila ng pera sa tuwing may item na malilipat ang pagmamay-ari??
hindi ko pa talaga alam kung ano nga ba ang mangyayari..
pero sana naman magkaroon naman sila ng konsiderasyon..
yung mga active sellers na lang ang buwisan nila..
yung mamahaling mga items tulad ng mga electronic gadgets ang ibinibenta..
o yung commercial in quantity yung dating ng mga transaksyon...
walandyong buhay are..
kaya yata hindi pa rin ako naa-approve sa paggamit ng selling feature ng ebay eh...T,T
No comments:
Post a Comment