start pa lang ng taon kaya sinusubukan kong huminahon kahit sangkaterbang threats ang nag-aabang sa mga susunod na araw..
sinusubukan kong pigilan ang sarili ko na mang-curse at humiling ng masasamang mga bagay..
pero ang mga tao talaga sa paligid ko ang nag-uudyok saken na gumawa at mag-isip nang masama..
dahil sa pagpasok ng sin tax law, mas naging mapanganib na ang addiction ng demon biological father ko..
na-activate na naman ang magnanakaw-mode at para siyang baliw..
kahit sa mismong presensya ko nagagawa na niyang maghalungkat ng higaan ko para lang makakuha ng perang pantustos sa napakasamang bisyo niya..
tapos lahat ng mini-negosyo na hawak ko gusto niya ring idamay sa pagwawaldas niya ng pera para lang sa kawalan..
ilang beses ko nang hiniling na sana mawala na lang siya..
dapat talaga hindi na siya tinaggap dati nung mga panahong nambabae siya..
at ngayon eh wala na talaga siyang kasilbi-silbi sa buhay..
at nakakaperwisyo pa nga..
ang ikinakatakot ko eh mukhang araw-araw ko na naman siyang makakasama sa isinumpang bahay na 'to..
araw-araw na naman akong mamomroblema sa pagprotekta ng mga itinatago kong pera at pera ng kamag-anak..
araw-araw ko na namang kailangang magsinungaling..
araw-araw ko na namang kailangang pigilan ang sarili ko na pumatay ng tao..
kamatayan na lang talaga ang nakikitang solusyon para maisalba pa ang kaluluwa ng ilan sa amin..
pero alam kong hinding-hindi nila ako hahayaan..
kung pansamantala lang sanang mawawala ang mga batas na pumoprotekta sa buhay ng mga tao..
kung igagarantiya lang sana nila na hindi nila ako ipapakulong kung sakaling mapatay ko ang sarili kong demon biological father..
edi sana makukuha ko na ang katahimikan at kapayapaan na matagal ko nang inaasam...
---o0o---
hangga't maaari pwede nyo bang ipagdasal ang napakasama kong kaluluwa.. ayokong makulong.. mas gusto ko pa ngang mamatay.. kaso hindi ko naman kayang patayin ang sarili ko.. kailangan ko pa ng sandamakmak na pasensya dahil parang hinding-hindi naman nanghihina ang demon biological father ko.. baka nga mas matagal pa siyang mabuhay kesa sa akin dahil sa sobrang stress na inaabot ko dahil sa kanila..
kung meron man akong natutuhan sa buhay, yun eh - ang pinaka-nakakatakot na klase nang trauma ay yung takot sa mga pangyayaring alam mo na posibleng maulit nang maulit, at wala ka man lang magagawa para pigilan ang mga yun..
gusto ko nang palayin ang sarili ko.. pero hindi ko talaga alam kung paano...
---o0o---
nung nasa elementary pa lang ako..
naaksidente ako minsan nang papauwi na ako sa bahay ng mga lola ko na ilang daang metro lang ang layo sa school..
nabangga ako ng isang motor..
wala agad akong naramdaman noon, at nalito pa nga ako sa mga isasagot ko sa tanong nung nakabangga sa akin..
basta inihatid na lang nila ako sa tapat ng bahay ng lola ko..
pagkatapos nun saka ko pa naramdaman yung sakit sa katawan na inabot ko..
walang kwentang karanasan..
ni hindi naman msasabing near death experience yun..
pero paminsan-minsan, kapag tinotopak ako..
hindi ko talaga maiwasan na hilingin na sana mamatay na lang ako nang bigla...
No comments:
Post a Comment