ambush sequence #04..
kung gun-for-hire ako, malamang matagal nang dedz sa akin 'tong target ko... haha! *peace*
anyway, tungkol nga sa pang-apat kong ambush..
na-guilty kasi ako kahapon eh..
para kasing ang selfish nung dating ko, na parang mas mahalaga pa sa akin na makalabas kami, kahit na nalaman ko nang busyng-busy siya lately sa studies niya..
kaya ayun..
gumawa ako ng note, na may kasamang cellphone number ko (since ayaw naman niyang ibigay yung kanya)..
sabi dun sa note:
na ayun yung number ko..
just in case lang na kailanganin niya..
sakaling may mga bagay siyang gustong sabihin sa akin na hindi niya lang masabi sa akin nang harapan..
gaya kung sakaling masyado na akong nakakaabala sa kanya at gusto niyang layuan ko na lang siya..
o di kaya naman eh kapag nakakita na nga siya ng time para makalabas na kaming dalawa..
wala lang..
i'm just trying to provide her with enough options..
gaya ng sabi ko..
mahirap pa siyang basahin..
pangiti-ngiti lang yung si Miss Robledo, pero hindi ko naman alam kung ano talaga ang nasa sa isip niya...
mas maaga siyang umalis today..
white polo shirt with print..
checkered na medyo loose pants (not really my type)..
tas i forgot about her shoes, naka-white sneakers yata(?)..
tas lugay pa rin...
napahaba ulit yung habulan namin today..
tas nahuli na naman niya ako since tinakbo ko na naman siya..
mukhang alam na niya yung palatandaan sa tuwing sinusundan ko siya.. >,<
as usual, nginitian na naman ako..
i greeted her 'good morning', pero ang totoo sasamahan ko pa dapat yun ng 'good morning, Miss Robledo!' para mas cute..^_^
binati niya rin naman ako..
tas, as i was trying to catch my breath..
eh may kinausap siya sa phone..
so siyempre, hindi ko na muna siya inabala...
after niya sa phone..
kinumusta na niya ako..
nasa last block na kami noon.. >,<
ang aga ko naman daw, kaya sabi ko eh 04:30 talaga ako gumigising..
though totoo lang naman yun tuwing ini-schedule ko na sasabayan ko siya..
ang aga naman daw nun, sabi ko nga eh 'daig ko pa ang estudyante'...
sabi ko sa kanya na sinabayan ko siya ulit dahil gusto kong malaman kung seryoso ba siya sa sinabi niya sa akin kahapon..
ano ba daw yung sinabi niyang yun..?
sabi ko, edi yung sinabi niya na 'maglakad na lang kami tuwing umaga'..
sabi ko, kung yun lang talaga yung paraan para makalapit ako sa kanya sa ngayon, edi ganun ang gagawin ko...
tas nag-apologize nga din ako..
para saan naman daw..?
at sinabi ko na nakahanda na talaga yung tanong ko sa kanya kahapon, tungkol dun sa pagyayaya kong lumabas kami..
na although naipaalam na nga niya sa akin na may OJT siya..
eh parang hindi ko naman talaga na-absorb yung sinabi niyang yun, at kinulit ko pa siya na pag-isipan niya yung invitation ko..
tas ayun..
sabi ko na kalimutan na lang niya yung sinabi ko kahapon..
na huwag na niya munang isipin ang tungkol doon..
na siguro saka na lang kami lumabas kapag bakasyon na siya..
sumagot naman siya na 'saka na nga lang' habang nakangiti..^_^
pero, siyempre, hindi ko naman alam kung seryoso ba yung sagot niyang yun... >,<
tas ayun, random topic naman..
natanong ko siya kung pasaan naman siya ngayong araw..
nakuwento nga niya na papasok pa rin, pero dadaan muna siya sa ate niya..
nung time na yun, napaisip na ako..
so totoo palang may ate pa siya (base doon sa isa kong nabasa sa Facebook niya)..
dahil sa pagkatanda ko eh, madalas tatlo lang naman silang anak sa bahay nila..
at nalaman ko nga yung istorya niya..
sa totoo lang, nasorpresa talaga ako...
tinanong ko kung kailan naman siya magtu-20..
at sa May 29 na pala yun..
malapit na yun ah.. >,<
at isa yung Wednesday..
pero wala naman akong balak na regaluhan na kaagad siya..
dahil kakikilala lang namin..
babatiin ko na lang siya...^_^
nasa 3rd Year pa nga lang siya..
bale 4th Year na sa pasukan at hopefully, graduating student..
ano ba ang trabaho kapag Tourism graduate..?
does that mean na lalayo na rin siya sa lugar namin after college..?
kung ganun, may isang taon na lang pala ako para gawin ang mga bagay-bagay...T,T
sinamahan ko muna ulit siya sa may labasan..
habang naghihintay ng bakanteng jeep..
tas inabot ko sa kanya yung note na ginawa ko pa kahapon..
untikan na niyang basahin sa harap ko, pero sabi ko saka na lang niya basahin..
f-in-old niya yung kapirasong papel na binigay ko sa kanya..
tas parang sinusubukan niyang aninagin yung nakasulat doon..
may dumaan nang medyo maluwag na jeep, kaya ba-bye na muna ulet kami sa isa't isa...
yun nga lang..
i forgot to remind her, na pinadalhan ko siya ng friend invite sa Facebook..
hindi ko kasi pangalan ang gamit ko dun sa account na ginamit ko..
for some reason eh, bawal na yatang magpalit ng username o kahit maglagay man lang ng alternate name sa Facebook.. >,<
kaya ayun, nag-aalala lang ako na baka i-reject niya yung invite kapag hindi niya na-gets na ako yun... >,<
---o0o---
by 08:51, i received this message through my Facebook account..
the message is Miss Robledo's response to my Friend Request, and it says:
"Hindi okay. Sorry pero hindi ako intresado sayo eh. Kung pwede din wag mo na akong kulitin."
tas nag-reply naman ako ng ganito:
ganun pala..
naiintindihan ko...
kasalanan ko rin naman..
sabi ko na nga ba at medyo mahirap kang basahin..
parati ka kasing naka-ngiti lang...
kung ganun, hanggang dito na lang pala..
paalam na..
at pasensya na sa lahat ng naging abala ko sa'yo, Miss Robledo...
kalimutan mo na lang sana lahat ng nangyari at lahat ng mga sinabi ko sa'yo...
---o0o---
end of the road..
siyempre malungkot..
basted na naman..
at sobrang bigat nang dibdib ko, na nararamdaman ko siya sa bawat pagkilos ko..
once again, i'm broken..
at ramdam na ramdam ko na naman ang kamalasan ko sa buhay...
i can't believe na kausap ko lang siya kanina..
sabi ko na nga ba at mahirap siyang basahin..
untikan na talaga akong madala sa mga ngiti niyang yun..
mabuti na lang at mas maingat na ako this time...
ang good news..
pwede na akong bumalik sa dating ako..
na walang ibang inaalala kundi sarili ko lang..
at kung paano ba ako mamamatay nang madali...
at ang bad news..
how can i forget about her..?
yun nga pala yung problema kapag magkatapat lang kayo ng bahay...
eto ang mahirap sa pagiging lalaki..
try and try ka, at ikaw lang yung tatanggap ng damages...
ayoko na..
pakiramdam ko talaga malas ako..
hindi na ako lalapit sa mga babae kahit na kelan..
kung meron mang magka-gusto sa akin..
problema na nila yun..
bahala na silang lumapit..
basta ako, maghihintay na lang ako ng sarili kong manliligaw..
at least makakasiguro ako na may gusto siya sa akin...
---o0o---
are ang reply ko sa isa kong kaibigang babae sa Facebook na naki-simpatiya sa aking kabiguan:
nag-violent reaction tuloy 'tong kapatid ko..
okay lang ako..
i mean, oo, hindi ko pa rin maalis yung mga ngiti niya sa isip ko..
sinubukan kong maging sobrang ingat na this time, pero i admit nagkamali ako na isipin na tumaas man lang sa 60% yung chance ko sa kanya nang dahil sa pakikitungo niya saken sa personal..
oo at biglang bumigat ang pakiramdam ko..
pero ganun talaga kaming mga ordinaryong lalaki eh..
asa lang talaga kami sa testing..
siguro hindi lang ako makapaniwala na pang-7 beses ko na 'tong pumalpak sa pagpili ng babae, at 4 na beses na akong sunud-sunod na officially naba-basted..
nakaka-down talaga..
pero, buhay pa ako eh, wala naman akong magagawa hanggang nandito pa ako..
well, matagal naman akong nabuhay na walang babae sa tabi ko..
so i guess kakayanin ko naman 'tong ganitong pakiramdam ng kamalasan hanggang sa huli..
hindi na lang talaga ako lalapit pang muli sa mga nakaka-attract na babae...
---o0o---
at are naman ang reply ko sa isa ko pang kaibigan na lalaki naman sa Facebook din, na naki-simpatiya din sa aking kabiguan:
oo nga eh..
ewan ko ba..
nag-request naman ako na sana hindi ako lalong durugin nang pakiramdam na 'to..
pakiramdam ko tuloy naglason ako nung ininvite ko siya sa Facebook, tas sinabihan ko pa siya na sabihin lang saken yung mga bagay na hindi niya masabi kapag magkaharap kami..
totoong nagkamali ako ng tantsa sa kanya..
at tama yung hinala ko na pinakikisamahan niya lang ako, at hindi niya lang magawang maging pranka saken kapag magkasama kami..
dapat naisip ko na yun nung tumanggi siyang ibigay sa akin ang number niya, tsaka nung nagbigay siya ng mga dahilan tungkol sa pag-iimbita ko sa kanya na lumabas kami...
siguro ang mas masakit pati eh, ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong klase ng rejection..
na kumbaga eh patago na diretsahan..
patago - dahil parang hindi naman siya ganun sa personal..
at diretsahan - dahil sa sobrang pranka..
hindi naman ito yung unang pagkakataon na na-basted ako nang ganito..
pero, yung mga dati naman kasi eh may mga pampalubag loob na kesyo 'hindi nga kita type, pero gusto naman kitang maging kaibigan', mga ganung klase..
na although alam mo na hindi rin naman seryoso yung babae tungkol sa pakikipag-kaibigan, eh hindi naman ganitong kabigat sa loob...
sa bagay..
isa rin naman yun sa mga hiniling ko..
na kung maba-basted man ako this time..
eh sana kaagad na..
at yun na nga yung nangyari..
at least, hindi na gaanong nagtagal yung paghihirap ko..
at magagamit ko pa 'to sigurong motibasyon para kalimutan na yung mga ngiti niya..
nakakapanghinayang isipin na bago ko pa man naintindihan 'tong nararamdaman ko para sa kanya, eh nawalan na ako nang pagkakataon para makilala siya..
pero kung iisipin, wala naman din palang patutunguhan yung pagtuklas ko ng sagot sa tanong ko kung sakaling nagdire-diretso nga ako..
swerte na rin siguro na nahinto na 'to habang maaga pa...
---o0o---
i'm sorry..
but.. i can't help, but cry today..
am i really destined to fail..?
hindi ko maalis yung mga salitang yun sa isip ko..
ang totoo, kinabahan na ako nung kabubukas ko pa lang nung messages nung decoy ko eh 'hindi okay' na kataga na kaagad yung nabasa ko dun sa pasilip na portion..
sobrang sakit..
dahil sobrang totoo nung dating nun saken..
kumbaga, basag na basag ako dun..
pero wala naman akong masisi kundi sarili ko lang...
yun kasi yung pakiramdam ko eh..
na sa kahit na anong mapusuan kong gawin..
kahit na gaano ko pa kagusto yun..
na papalpak at papalpak lang ako..
dahil yun lang yung bukod tanging nakatadhana na para sa akin..
dahil yun naman talaga yung nangyayari sa akin sa loob ng ilang taon...
hanggang kailan mo ba ipaparamdam sa akin na aksidente lang akong nabuo nang dahil sa kalibugan at pagkakantutan ng dalawang tao..?
if there's really a way, para tapusin na natin ang lahat ng 'to nang mabilis at walang sakit o hirap..
gawin na natin..
isasakripisyo ko na pati istorya ng One Piece para lang matahimik na 'tong isip ko..
puros kamalasan na lang ang umiikot sa utak ko eh...
---o0o---
base sa Facebook update..
mukhang nabasa na ni Miss Robledo yung reply ko sa masakit niyang message kagabi..
18:30 daw niya nabasa eh..
pero hindi na siya nag-reply..
so i guess yun na nga yun..
the end na para sa istorya na 'to - sa istorya ko...
pero siguro magta-type pa rin ako nang magta-type ng mga entries dito sa blog..
hangga't may nararamdaman pa rin ako para sa kanya...
No comments:
Post a Comment