Saturday, April 5, 2014

July 1, 2012 - Entry B

ngayon ko pa lang 'to gagawin..
susubukan kong mas i-open yung sarili, though hindi ko pa rin kayang i-detalye ang lahat ng tungkol saken..
matagal ko na tong ginagawa..
nagsusulat ng kung anu-ano, hoping na merong makakaintindi saken regardless kung meron man talagang nakakabasa ng mga sinusulat ko o kung sinu-sino man yung nakakabasa..
isa rin tong paraan para mailabas ko yung mga negative emotions na nakikimkim ko, nang sa ganun hindi ko naman yun ma-convert into violent actions..
pero sa tingin ko i'm still too complicated para maintindihan ng mga normal na tao...

sige, unti-untiin naten ang direct family o biological background ko:

walang kwenta na tao ang biological father ko..
ang summary nya is mahilig sa bisyo, sugarol, babaero, utangero, magnanakaw, at sinungaling..
hindi nya hilig ang magtrabaho at ang gusto nya ay sa sugal nakukuha ang pera..
at siyempre ang sugal ay isang walang kasiguraduhan na bagay..
dati na rin syang may kaso ng pambababae, hindi ko nga ba maisip kung bakit tinanggap pa ulet sya ng asawa nya..
dahil inclined sya sa sugal, hindi maiiwasan ang mangutang ng pera - utang dito, utang doon..
pero alam nyo kung anong masakit sa pangungutang nya, may mga pagkakataon na gagamitin niya yung pangalan mo; na kesyo gagamitin yung pera na panggastos ng buong pamilya, pangtuition ng anak, o iba pang panggastos sa school..
may mga pagkakataon rin na ipagsasabi nya sa ibang tao na hindi sya binibigyan ng pera dito sa bahay para lang magmukhang kaawa-awa, ano yun sya pa dapat ang responsibilidad ng mga tao dito??
at ang malala pa, hindi naman talaga dun sa sinabi nyang dahilan nagagastos yung pera kundi sa pang-sarili lang nyang kapakanan..
naranasan nyo na ba yung pakiramdam na ginamit ka ng ibang tao na rason para mangutang pero hindi naman sa'yo ginamit yung pera??
ang biological father ko ginagamit yung technique na yun sa mga kamag-anak nya, mga kamag-anak ng biological mother ko, at ngayon eh pati sa mga manugang at mga kamag-anak ng manugang nya..
sobrang hiyang-hiya na kami dahil sa bagay na yun.. 
ilan yun sa pinakamasasakit na alaala mula sa kabataan ko..
biruin nyo, nasira na nga yung pangalan ko sa mata ng iba, tas nagkautang na loob pa ako para sa wala..
isa yun sa mga dahilan kung bakit ko gustong lumayo na lang sa lahat at kalimutan ang nakaraan..
may mga patunay rin ako na magnanakaw sya..
yung tipong mangangalkal ng mga gamit o taguan para lang makakuha ng pera..
regardless sa amount na nadekwat nya, the fact na nakialam sya at nanguha nang walang paalam eh pagnanakaw na yun, di ba?
isa rin yung masama at traumatic na karanasan para sa akin..
nanakawan kasi ako dati ng ilang libong piso, pero hindi yung amount yung talagang nakapagpabahala sa akin kundi yung posibilidad na sya nga yung nagplano at gumawa nun sa akin..
dati OC lang ako (obsessive-compulsive) pagdating sa mga personal belongings ko - pero ngayon parang parati na lang akong paranoid..
andun at constant yung fear na madali lang mauulet yung mga ganung pangyayari since isa sa mga kasama ko sa bahay ang may motibo para magnakaw..
madalas nga kapag nangungutang sya o kunwaring magpapabarya ng pera sa akin eh parang sinisilip nya talaga kung saan ko dinudukot yung mga pera ko..
bukod pa dun hindi ko rin gusto yung pagiging utusero nya na para syang hari na automatic na kailangang paglingkuran..
ultimo magtapon ng basura sa tamang tapunan o mag-flush ng toilet eh talagang iniaasa pa sa iba..
andyan rin yung paninigarilyo nya, at hindi lang basta paninigarilyo dahil nagyoyosi sya sa loob ng bahay since mga sanggol pa kami..
hindi sya naaawat sa mga gusto nyang gawin..
bale 26 years na akong second hand smoker at ayoko nang magpa-checkup pa..
matakaw, tamad, magastos, lahat na yata ng masasamang ugali nasa kanya..
kung pwede lang sanang pumatay ng biological father...

ang biological mother ko naman..
ang reklamo ko lang sa kanya eh hindi praktikal yung paggastos nya at hindi siya maalam mag-budget ng pera..
ewan ko ba, nung mga bata naman kami parang nagagawa namin yung mga ganung bagay: magtipid, kumain ng tutong at asin, huwag kumain..
pero simula yata nung inakala nyang masusuportahan na sya nung iba kong biological brother eh medyo nawalan na ng kontrol..
nagpapaaral sa private school para sa high school student, hindi masabi ang totoong financial situation sa mga anak at manugang, nagpapanggap na may pera kahit ipinangutang naman ang pagkain, bumibili ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan, madaling makumbinsi ng mga nagbebenta ng kung anu-ano, at masunurin sa mga luho nung bunsong anak..
ewan ko ba, hindi naman kami ganun dati, pero hindi na sya mapagsabihan ngayon..
yung bahay namin na 200,000 plus lang sana eh nasa multi-million na yung halaga at hindi pa rin tapos sa pagbabayad..
mga credit card na hinihintay pang makalampas ang due date bago magbayad..
aba'y kung ganito ka mamuhay, eh talagang lalaki lang ang interes ng mga utang mo..
masipag naman sya at matiisin at tapat sa trabaho..
kung naging matalino nga lang sya eh perpektong tao na siya dapat..
pero kahit na ganun, gusto ko pa rin syang tulungan na makaangat mula sa lahat ng kapalpakan nya sa buhay at maibigay naman sa kanya yung nararapat sa kanya na kaligayahan...
ang isa pa palang problema - ang hindi ko masabi lahat ng gusto ko..
madalas gusto ng biological mother ko na protektahan ang reputasyon ng aming 'pamilya'..
na huwag daw akong magsulat, huwag kong sabihin sa ibang kamag-anak ang totoo, ang sarilihin ko na lang ang mga istorya ng mga pangyayari kahit na they deserve to know the truth..
ewan ko ba, bakit ko pa poprotektahan ang pangalan namin kung alam na rin ng mga nabiktima ng biological father ko ang mga bagay-bagay..?

panganay na biological brother..
oo, dati may reklamo ako sa kanya dahil parati nya akong inaaway..
pero simula nung magka-pamilya na sya malaki na yung pinagbago nya..
siya ang isa sa mga tumulong sa akin para makatapos ako ng pag-aaral..
isa rin sya o ang buong pamilya niya sa mga gusto ko sanang gantihan o bayaran dahil sa malaki kong utang na loob...

second eldest na biological brother..
oo, hindi ko rin sya kasundo nung mga bata pa kami..
pero simula nung may sarili na syang trabaho at unti-unti na ring bumubuo ng pamilya eh malaki na rin yung pinagbago nya..
though ayoko pa rin sa kanya kapag nalalasing na sya, kasi sobrang kulit at nanggugulo ng gamit..
kapag nanlilikot sya, paborito pa naman nya na gawin yung mga bagay na ayaw mo..
isa rin siya sa mga tumulong sa akin para makatapos at mabuti rin naman sa akin yung mapapangasawa nya, kaya gusto ko rin silang mabayaran para sa lahat ng yun...

ang bunsong biological brother..
ito na siguro ang pinaka-basura sa lahat, at aminado akong hindi ko talaga sya gusto..
matakaw, tamad, sobrang magastos, walang galang, hindi naman magaling na tao..
laging text lang nang text, 60 pesos ang allowance sa load halos araw-araw, sari-sari pa ang gastos para mapakinis ang katawan (bilib na bilib sa mga commercial sa tv)..
kapag inutusan mo sya, either magdadabog at maninira o di kaya magkukunwaring clumsy at sasabihin na dapat kasi hindi siya utusan dahil pabaya sya..
pero sunod lahat ng luho nya..
ang pinakaayaw ko ay kapag sinasagot na nya ako: pagsasabihan na magtrabaho, patatahimikin, babarahin, palalabasin na hindi ko dapat problemahin yung magnanakaw na para bang may alam sya sa nararamdaman ko..
dahil din dun natatakot ako na baka malaban na sya at manakit kapag nagtagal..
kung hindi ko pa alam, gusto nya lang na gawin ko yung mga ginawa para sa akin ng mga nakatatanda kong biological brother - ang magtrabaho at suportahan ako para makatapos sa college..
pero ang pag-invest sa katulad nya ay isang malaking kahangalan; hindi siya matalino, tamad, puros yabang, hindi makakuha ng scholarship, puros text, computer at pambababae lang ang alam..
sa isang ito madalas kong mailabas yung bayolente kong pagkatao..
nambabato ako ng ashtray at kung anu-ano pang mabibigat na bagay sa ulo at katawan (paborito ko sa ulo, baka sana matuluyan eh), nagsisira, at lately nanghahampas na ako ng bat (ang kaisa-isa kong kakampi dito sa bahay)..
hindi ko talaga gusto na sinesermonan ako ng isang tao na mas walang silbi kesa sa akin...

pakiramdam ko unti-unti na akong sinisira nung tatlo sa kanila..
pero sa totoo lang, lahat sila gusto kong layuan na...

bata pa lang hindi ko na gusto ang buhay..
para kasi syang walang kwentang konsepto ng survival and death..
nabubuhay ang mga tao para mabuhay..
kung uubusin ko ang panahon ko just trying to make a living, matatawag ko ba yung buhay?
hindi ba dapat ang buhay ay tungkol sa kakayahang magawa ang mga bagay na gusto mo?
isa lang yun sa mga ideolohiya ko kaya bata pa lang hindi ko na gusto ang buhay..
parang nung mga panahon na tinatanong ko kung bakit kailangan sa school na maikli ang buhok ng mga lalaki - magiging mas matalino ba ako kung ganun?
o nung tinatanong ko kung bakit kasama sa disiplina ng mga militar ang pagkakaroon ng maikling buhok - wala na ba talagang freedom of expression? mas makakatulong ba sa barilan kung ganun?
o nung panahong isulat ko kung bakit kailangan pang pag-aralan ang iba pang subjects bukod sa major - na hindi ba pwedeng magpokus na lang ang mga estudyante sa gusto nilang career? na hindi ba pwedeng ang isang individual na lang ang pumili kung anumang mga minor subjects ang sa tingin nya eh makakatulong sa kanya at mapapakinabangan nya sa tunay na buhay? kung hindi ba pwedeng i-discuss na lang ang mga minor subjects at hindi na ipasaulo, ipa-outline, at gawan pa ng exam ng mga prof? - kasi naman, kailan ba nangyari na itinanong sa isang job interview o ginamit sa trabaho ang mga detalye gaya ng pangalan ng mga bayani o date ng isang particular event sa history..? hindi ba talaga namang sayang lang ang space sa utak para alalahanin pa nang husto yung mga ganung bagay...

anyway, are yung iba pang bagay tungkol sa akin - my darker side..
physically, biologically, genetically, psychosocially, emotionally at kung ano pa mang tamang term - pakiramdam ko i do not fit in any form of society..
ewan, siguro dahil na rin sa pagkakilala ko sa mga tao sa direktang paligid ko kaya masama ang tingin ko sa mundo sa labas ng bahay..
bukod pa yung mga araw-araw na balita ng kriminalidad sa tv (totoo, kinakatakot ko ang mga yun)..
marami akong insecurities sa sarili ko..
kung bakit ako may dalawang klase ng hyperhidrosis: 'passive' kung saan naglalawa ng pawis ang mga palad at talampakan ko (nakakalusaw sya ng typewriting paper), at ang teribleng 'active' na mostly eh psychosocial na tipong kapag hindi ako komportable sa crowd o sa isang tao eh buong katawan ko yung nagre-react..
yung mga acrochordon ko na sa mga hindi kaaya-ayang bahagi ng katawan ko tumutubo..
yung cyst ko sa kanang hita, na hindi naman malaki dati pero nung subukan kong gamitan ng charcoal solution eh mukhang mas lumalala at mas malaki na ngayon kesa sa jolen.. sobra nga akong natatakot kapag nakakapanood sa news ng mga kaparehong kaso na sumobra sa laki yung cyst sa kahit ano mang parte ng katawan..
yung bulutong ko na nsa 20's na ako nung na-acquire ko na talaga namang sumira sa balat ng buong katawan ko..
bukod pa yung ibang hindi ko kayang i-share dahil sa sobrang kahihiyan..
minsan, natatanong ko sa kawalan, bakit ba sunud-sunod yung kamalasan sa buhay ko?
meron na nga akong ganito, bakit meron rin ako nung iba, hindi ba pwedeng yung iba lang na hindi sobrang nakakasira sa katawan..?

bukod sa physical marami pa akong itinatagong baho..
bata pa lang OC na ako pagdating sa mga gamit ko, lalo na sa mga koleksyon..
at simula nga nung masira ang depensa ko nung traumatic incident ng nakawan, naging paranoid pa ako..
dati akala ko na ligtas na basta naka-padlock lahat at may mga marker (o palatandaan kung sakaling may gumalaw sa mga gamit ko)..
sinulid, spacing, frequency, pattern - lahat ng mga yun ginagamit ko..
pero simula nga nung mabiktima ako, hindi na pwede sa akin na walang taong mapagkakatiwalaan na maiiwan parati sa bahay..
it's a sickness..
at hindi ko gusto kapag sinasabi ng mga tao na ginagawa ko lang yung dahilan para hindi lumabas ng bahay..
kapag nababastos ako at pinalalabas na mali ng ibang tao, madalas lumalabas yung bayolenteng ako..
hindi ko naman yun gusto pero hindi madaling pigilan..
i believe nag-worsen sya nung nasa college ako..
major exam nun, dahil sa mga pasaway kong classmates sa isang major subject nadamay ako sa isang iskandalo ng kopyahan..
wala akong ginawang mali kaya ang stand ko is i don't deserve a punishment, hindi ko gusto ng retake dahil may mine-maintain akong scholarship at hindi naman ako tanga para maging kampante na parehong mataas na score pa rin ang makukuha ko..
exams are also a matter of luck, swerte ka kapag ang natanong ay yung topic na nabasa mo.. kaya naman hindi option ang magretake..
wala akong ginawang masama, kaya bakit ako parurusahan..
mahinang magdesisyon yung instructor ko nun at iginiit ang gusto nya, bakit, dahil yun din daw ang paraan ng ibang teacher..
nagalit ako, nagwala at nagsira sa loob ng campus nang patago, pero may namurang mga matataas na tao nang harapan dahil sa init ng ulo..
ang resulta - kinailangan kong ibaba ang sarili ko at akuin ang lahat para mapatawad nila..
natakot ako sa sarili ko nun, natakot ako na baka matanggal ang scholarship ko or worse - na baka mapatalsik ako sa university..
after college, dalawang beses ko pa ulit nakita yung pagkataong yun, at dahil yun sa mga maling bintang sa akin..
mahirap syang kontrolin dahil kapag may nadampot na akong bagay eh start na ng rampage..
walang kontrol na bunganga, masira na ang masisira..
kumakalma lang ako nun kapag may nasira na akong mahalagang gamit (may malasakit rin naman kasi ako sa mga kasangkapan namin, sa totoo nga eh ako ang pinaka-maingat sa amin kapag matino)..
kumakalma rin ako kapag malapit na akong makapanakit nang sobra.. yung takot na makulong ang pumipigil saken na gawin ang mga malulupit pang mga bagay...
  
ang dahilan kung bakit gusto ko naman lumayo ay ang sarili kong mga pangarap..
sige na sasabihin ko na pero hindi ko idi-detalyado..
main reason is to protect everything that i have, pakiramdam ko kasi everyone around me is a threat.. yung tipong mahipo lang ng konti ang mga gamit ko, eh panic na ako at parang gusto nang manakit..
gusto kong magbuo ng sarili kong office, sarili kong gallery..
gusto kong protektahan ang mga bagay na gusto ko..
pero bukod dun, may mga bagay din akong gustong protektahan at itago..
itago dahil baka hindi maiintindihan o matatanggap ng iba..
bata pa lang, hindi pa ako pumapasok sa school, aware na ako sa adult world.. siguro yun yung main factor kung bakit ako inclined sa mga ganung bagay..
pabaya kasi ang biological father ko, kaya nali-leak sa akin yung mga bagay-bagay..
oo, gusto ko ang mga babae at yung mga bagay na nagagawa sa mga babae (pero hindi lang naman dahil dun, madalas manyak akong mag-isip pero may emotional side rin naman ako)..
gusto ko at interesado ako dun sa form of art na yun..
bata pa lang na-adapt ko na yung mga ganung tema sa pagdo-drawing ko - nudity, sex, at yung ibang extremes..
bukod sa pagiging kolektor ng kung anu-ano, isa akong amateur writer and line artist na may vision of total freedom of expression - walang rules, may wastong age restriction, and hopefully andun para sa mga target viewers yung sense of responsibility.. meaning hindi lahat ng nakikita at nababasa nila eh kailangang isabuhay, hindi pwerket may tema ng zoophilia eh pwede nang mangantot ng mga hayop, hindi pwerket may tema ng pedophilia eh mangre-rape na at tuturuan na ng kahalayaan ang mga bata..
the only goal is to express, mabigyan ng representasyon ang mga bagay na makikita lang sa fantasy, tumawid sa boundaries ng imagination, pero not necessarily isabuhay yung mga ganung bagay..
sa ibang bansa nakakalusot yung mga ganung representation ng mga taboo, pero dito sa pinas i doubt posibleng maging legal yun.. bukod sa nagkukunwaring konserbatibo ang mga nakatataas, aminado akong hindi responsable ang karamihan sa mga tao dito.. naalala ko yung isa kong experience sa computer shop, may mga batang lalaki na pumasok at sinilip lahat ng ginagawa ng mga customer, tas sumigaw yung isa "ayun ho, nagyo-youjizz!".. to think na alam na nila yung mga ganung bagay sa edad nila, at yung fact na yun talaga yung idinayo nila sa loob ng computer shop eh nakakabahala.. ano na bang nangyari sa moralidad ng mga tao ngayon? nakakatakot isipin na balang araw posibleng maging rapist o pamilyado sa napakabatang edad ang ganung klase ng mga bata..
dahil sa mga ganung dahilan, nababasag ang trip ko..
madalas naiisip ko, bakit ba ako napunta sa isang bansa na walang adult industry?
isang bansa kung saan ilegal yung ganun?
isang bansa kung saan hindi masyadong umaabot yung mga laruan na gusto kong bilhin?
isang bansa kung saan wala ang manga at anime ng One Piece?
kaso parang imposible rin naman saken na tumira sa ibang bansa..
at isa pa, tingin ko kung natural disasters rin lang ang pag-uusapan eh ayos na tong lipa..
sa ngayon gusto kong mag-aral ng erotic and non-erotic 3D arts and sana magawa yung trabaho..
pero wala naman yung perang pambili ng mga kailangan..
problema ko pa kung paano ako magbebenta nun sa mga taga-ibang bansa kung sakaling matuto man ako...
kaya ayun, parang lahat na lang ng tungkol sa akin eh hindi feasible..
ni wala pa nga akong valid ID na kailangan ko rin sa trabaho eh.. nakanang COMELEC yan, eh 2009 pa ako nagpa-register...

iniisip ko, kung napabilang lang sana ako sa maganda at may-kayang pamilya..
yung hindi masasama ang ugali ng mga miyembro at yung kayang suportahan ang mga gusto..
edi baka wala sanang problema...

hindi ako yung tipo ng tao na magpapaliguy-ligoy..
sabi nang iba magtrabaho muna ako ng iba para magawa ko yung gusto ko..
eh paano ko gagawin yung mga gusto ko kung may ginagawa akong ibang trabaho..?
ang gusto ko andun na agad ako..
dahil base sa experience ng ibang tao, eh bihira naman yung nagtatagumpay para magawa yung mga gusto nila..
ang linya ko ng trabaho; pagbuo ng gallery, writing, drawing, design - lahat ng yun kailangan ng napakaraming oras..
kaya ayokong magsayang ng panahon sa mga detour..
alam ko na sa ginagawa ko sa ngayon eh nasasayang na rin ang oras ko, pero yun na yung napagpasyahan ko eh..
okay lang sa akin na mamatay na sinusubukang gawin yung mga bagay na gusto ko..
yun yung dahilan kung bakit ako umaasa sa luck..
na hopefully swertehin ako someday na magkaroon ng maraming pera..
para mabayaran ko na ang mga utang na loob ko sa mga tao..
para makalayo na ako sa kanilang lahat..
at para matupad ko na ang mga pangarap ko..
pero ganun ata talaga, masyadong mailap ang kapalaran para sa akin...


madalas naiisip ko na isa lang talaga akong hamak na lab rat o guinea pig ng isang mataas na entity..
na andyan lang ako para sa katuwaan nila..
na pwede nilang gawin sa akin lahat ng gusto nila kahit kailan man nila gustuhin..
na kahit kailan hindi naman talaga ako magiging successful sa buhay dahil sila na mismo ang pipigil sa akin..
na kahit ano pang gawin kong paraan, walang-wala na akong malulusutan...

No comments:

Post a Comment