hindi pa ako nakakatulog nang ayos..
magdamag na nag-aaway at nag-iingay at nagsisira ng mga gamit sa bahay yung mag-ina...
sobrang natatakot ako..
na baka mabaliw na yung bata at patayin kaming dalawa na kasama niya sa bahay para makakuha sa amin ng pera...
lahat
ng mga kaguluhan sa loob ng pamamahay na 'to sa mga nakalipas na araw
nang dahil lang sa kagustuhan niya na makabili ng kumpletong attire para
sa xmas party nila sa school..
hindi ko malaman kung bakit ganun
na lang siya sobrang ka-kapritsoso sa buhay kahit alam niya na baun na
baon na sa utang ang nanay nya..
kung tutuusin swerteng-swerte na siya dahil bigay na lahat ng luho niya tuwing may dumarating na pera..
eh mas inuuna pa nga yung mga gastos niya kesa magbayad ng mga utang eh...
hindi pa ba siya masaya na ginagastusan yung mga kapritso niya sa tagihawat niya?
na nasa private school siya ngayon at posibleng sa college din?
na pa-load siya ng nanay nya?
na sobrang laki ng baon niya sa high school?
na
nakakailang cellphone na siya na wala man lang siyang ginagastos at
basta-basta nya lang mapapaltan ng bagong model sa pamamagitan ng
sadyang pagsira sa current phone niya?
hindi pa ba sapat na parang ang inay na nya ang nanliligaw sa babae nya?
tapos ngayon gusto pa ng bago at mga branded na long sleeves, pantalon at rubber shoes...
kelanman hindi ko natikman yung ganoong klase ng pamumuhay..
ni hindi nga ako uma-attend sa mga party nung nasa college ako eh..
hindi naman sa nagseselos ako..
ang punto eh pwede namang maging mapang-unawa eh, lalo na at nanghihingi lang naman siya ng pera..
kung
ako ang tatanungin, mas praktikal sana na bayaran na muna yung mga
utang sa opisina at sa negosyo ng kamag-anak sa halip na gumastos sa mga
kapritso ng isang batang wala naman ibang alam kundi gumastos, gumala,
mag-aksaya, mang-alipin at wala pang galang sa magulang niya...
hindi ko alam kung impluwensiya ba yun ng Lipa Grace Secondary School?
ng barkada nya?
o ng babae nya?
halos gabi-gabi na lang silang nag-iingay..
hindi naman siya dinidisiplina ng mga magulang niya...
kung hindi lang sana siya pinagtanggol ng ina niya nung papatayin ko na siya dati sa palo ng bat..
kung ginarantiya lang sana niya sa akin na hindi nila ako ipapakulong kung sakaling mapatay ko ang hayop na yun..
sana hindi na lumalala ang problema ngayon..
wala na siyang pag-asa...
ayos lang na makipag-away kung tama naman ang dahilan..
pero
kung dahil yun sa hindi mo mabili ang mga gusto mo sa pamamagitan ng
paghingi ng pera sa magulang mo kahit na alam mong baun na baon na siya
sa mga utang..
eh isang malaking kalintikan na yun...
please lang..
sana hindi na siya makauwi sa bahay sa araw na 'to..
bigyan nyo naman ako ng katahimikan sa buhay...
No comments:
Post a Comment