Sunday, April 6, 2014

Courier 101-A: Local Shipping (LBC) - Part 2

[originally posted on December 20, 2012]

ang post na ito ay related sa naunang post na nandito..

bale halos katatanggap ko lang ng isang panibagong package ngayong araw..
akala ko nga sa JRS Express ipapadala nung nabilhan ko nung item, pero sa LBC naman nila ipinadala...

anyway..
binigay agad nung seller sa akin yung tracking number na na-assign sa parcel ko (na hindi ko na ipapakita for security purposes)..
at nagtaka lang ako sa nakita ko nung ginamit ko yung 'TRACK' function o feature ng website ng LBC...

narito ang ilang larawan na na-printscreen ko (itinago ko ang ilang detalye para pa rin sa security reasons):
(click to enlarge the images)



bale masyado lang mahaba yung content para sa monitor ko, kaya kinailangan ko pang hatiin sa dalawang printscreen images..

at mabalik tayo sa latest review ko para sa performance ng LBC..
kung mapapansin nyo yung mga entries lang na nasa loob ng parihabang may linyang color blue ang tumutukoy o naglalarawan sa mga naging activities ng package ko..
halos magkakadikit yung time at date nila at yung mga detalye ay naaangkop talaga para sa lokasyon..

kaso bukod dun sa mga nakasulat sa loob ng parihaba..
halos lahat nung ibang entries (maliban sa tracking number) ay tumutukoy na sa ibang transaksyon na dated August 2012..
ang nakasulat dun sa area ng Transaction at dun sa nalalabing area ng Transaction History ay tumutukoy na sa ibang item, ibang source, ibang transaction date, at history na nangyari sa ibang lugar (bale malayo ang lokasyon ko sa Cebu)..

ang assumption ko base sa mga nakuha kong impormasyon ay posibleng nagre-reuse sila ng mga transaction number..
hindi ko sigurado kung ang system nila ay nagre-reflect rin ng mga actual na copy ng transaction documents nila (pero siguro naman hindi dahil manual ang pag-fill-up dun)..
pero ang concern ko talaga dito is paano kung magkaroon ng pagkakamali para sa isang delivery na nasa kaparehong sitwasyon gaya nito?
halimbawa eh nawala yung package o hindi naging successful ang attempt to deliver..
magiging efficient ba ang LBC kung hindi na accurate yung data na pinapakita ng tracking system??


anyway, hindi naman ako nagta-trabaho sa kanila para malaman ko yung mismong proseso nila..
hindi ko masasabi kung magkaiba pa ba yung tracking system na ginagamit sa website nila at yung mismong tracking system na ginagamit nila sa pag-proseso ng mga transactions ng kompanya..
napansin ko lang naman, kaya ako nagtataka at medyo napapaisip..

pero ang mas mahalaga sa akin ay ligtas na nakarating sa akin ang package ko this time...


No comments:

Post a Comment