Saturday, April 12, 2014

April 2, 2013 - The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman


The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman

subtitle: dapat siguro Thiefman, Thiefboy, at Thief Woman na yung title..?

uunahin ko na 'tong mga bad news sa buhay..
ayun..
dinugas ng biological mother ko kahapon yung puhunan para sa loading business ko..
ang galing..
may binayaran daw siyang mahalaga eh..
at dahil naging alanganin yung pera, eh sinakto na lang niyang 500 Php yung ni-load sa wallet ko..
ano naman yun, keep the change..?!!
EFF!!!

yung blood aunt ko naman medyo tumigil na sa kai-interrogate sa akin..
sinabi ko na kasi na iyak na nang iyak ang kapatid niya, na hindi na nakakatulog araw-araw, at baka mabaliw na kapag kinulit pa nang kinulit tungkol sa mga utang niya..
kaya ayun, shut up na muna..
tapos laking pasasalamat kagabi dahil may biglang pumasok na malaking halaga ng pera..
ang hindi niya alam eh, nakapag-deposit na nang mas maaga yung kapatid niya, kaya hindi na umabot yung bagong pasok na pera..
tapos sabi "praise the lord at may pumasok na ulit na pondo, tumawag lang tayo nang tumawag sa kanya at siya ang tutulong sa atin"..
kung mas naging bastos pa ako na tao..
aaminin ko sa kanya na halos ganun na lang gabi-gabi ang ginagawa ng kapatid niya, ang umiyak at magmakaawa sa kanilang diyos para sa konting swerte - pero wala..
kahit yung sinasabi na ipagpasa-diyos na lang yung biological demon father ko eh wala rin..
at lalong kung hindi pa niya alam, marami-rami na ring pera ng blood aunt ko ang napupunta dahil lang sa pag-entertain sa Katolisismo na yan..

wala akong pakialam sa paniniwala ng ibang tao..
sumamba na sila kung saan-saan hangga't gusto nilang sumamba..
pero sana naman lumagay pa rin sila sa mga tama nilang lugar..
maging praktikal naman sa buhay..
hindi yung baon na sa utang at wala nang makain..
tapos gagastusan ng 500 Php ang isang padasal..?
nasaan naman ang utak doon..???

hay..
ano ba yan..
lahat na lang sila may dugo ng mandurugas..
mandurugas ng pera..
mandurugas ng FHM magazine at battery ng cellphone..
at mangungupit...T,T

partida pa..
medyo relax pa ako nare dahil sa bakasyon ng estudyante..
paano na lang kaya kapag natikman na namin ang kalupitan ng pagtu-tuition sa La Salle..? T,T
sinisisi ko talaga yung panganay kong biological brother sa bagay na 'to..
siya kasi yung nagsabi na mas maganda kapag graduate ng kilalang school..
kesyo kaagad daw na matatanggap sa trabaho..
FYI lang, kung talagang ginusto ko eh tanggap na ako sa trabaho ngayon, ako lang talaga yung hindi sumisipot sa mga final interview, dahil tuwing galing ako sa Makati at biyahe na ako pauwi napapag-isip-isip ko lahat ng masasamang nangyari sa akin sa nakaraan, kaya pakiramdam ko wala talaga akong lakas ng loob na maglalayo o lumabas man lang ng bahay..
huwag niyong isisi sa Batangas State University ang kapalpakan ko!
hindi ko nga gusto ang university na yun, pero doon lang ako medyo naging at ease..
naka-private na nga sa high school, tas ang gusto pati college gagastusan ng malaking halaga..
mabuti siya may 70,000 Php na pampaaral sa elementary student niyang anak..
eh hindi man lang ba niya nare-realize kung gaano na ka-miserable yung ina niya ngayon..?
kaya ayun..
tuwing kokontrahin yung kagustuhan nung biological demon brother ko na mag-La Salle..
eh lagi na lang ginagawang palusot yung "quote" nang panganay niyang kapatid..
mga tinamaan ng topak..
tao ang nagde-decide kung papalpak siya o magsa-succeed sa buhay (although totoo rin naman na ang kahirapan eh isang malaking hadlang sa pag-angat sa buhay)..
hindi yun completely dependent sa university na pinanggalingan..
dahil kung talagang engot ka, eh engot ka...

for example..
yun na nga lang kagustuhan niyang makahanap ng summer job..
para siguro may pera siyang pang-kang-kang sa syota niyang puta..
eh ano ga naman are at sa biological mother ko nagpapa-apply sa DOLE..?
kung sinong gustong mag-inquire at mag-apply yun yung napunta doon sa lugar..
hindi yun parang enrollment sa elementary at high school na pwedeng yung papeles na lang ng estudyante yung present..
bugok!
napala mo, wala ka tuloy trabaho na...


No comments:

Post a Comment