Saturday, April 12, 2014

April 1, 2013 - The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman


The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman

bale, ginawan ko lang ng english version yung dating title na:
Ang Magnanakaw, ang Sinungaling at Mapagpanggap, at ang Tanga

at ang subtitle for today ay:
Ang Message para sa Blood Aunt


blood aunt,
kung alam nyo lang sana kung gaano nahihirapan ang loob ko sa tuwing sinasabi nyo na ubos na ang pondo sa Manila..
naiintindihan ko naman eh..
akala nyo ba hindi ko sinasabi sa kapatid nyo kung gaanong kalaki ng problema ang nagagawa nila..?
pero sa tuwing gagawin ko yun, bigla niya akong babarahin at sasabihin na huwag ko naman siyang konsensiyahin..
tapos mag-iiiyak siya at magmamakaawa sa diyos nila na sana naman bigyan siya ng swerte sa buhay..
halos hindi na nga siya natutulog gabi-gabi sa kaiisip sa lahat ng pinagka-atrasuhan niya eh, na para bang mababaliw na siya..
ngayon kanino ba ako dapat maawa..?
sa inyo na nape-perwisyo namin at sa lahat ng kababayan nyo na nakikinabang sa serbisyo naten..?
parati ko na lang iniisip na mas kaya ko kayong i-sakripisyo kumpara sa biological mother ko dahil milyones naman ang savings nyo...

alam ko po na may nagawa ulit akong mali..
masyado kasi akong busy sa pagta-type kahapon..
kaya naman nung humiram siya ng 300 dahil a-attend daw siya ng isang birthday party at gusto naman niyang magpanggap na meron siyang tig-100 Php man lang na kayang ibigay dun sa dalawang bata..
eh hindi na ako nakapanlaban at pinahiram ko nga siya ng pera ninyo - este ng pera ng mga kababayan niyo sa probinsya...

kailangan pa naming magtiis hanggang sa tuluyan nang makapag-retiro ang kapatid nyo..
pasensiya na kung mas inuuna namin iyon, although pwede pa naman siyang dumiretso hanggang 65..
pangarap niya kasi talaga iyon, sobrang nahihirapan na kasi siya sa trabaho niya..
kahit ako naiintindihan ko yung pakiramdam niya, dahil nasaksihan ko naman kung anong klase ang karamihan sa mga tao ng gobyerno for almost 5 months..
ang clue - may kinalaman sila sa edukasyon..
siguro maghihintay pa kami ng isang taon bago mapakinabangan lahat ng pinaghirapan niya..
pero kahit iyon eh binastos na rin ng mga kasamahan niya sa trabaho..
dahil sa mga kabobohan ng mga public service passers na yan, sa halip na madaming makukuha ang biological mother ko eh ang nangyari eh pinangbayad pa niya yung iba niyang nalalabing leave credits na pwede sanang i-monetize..
tapos lumabas na sobrang dami niyang leave credits noon na hindi man lang niya napakinabangan..
and to think na ginawa nila iyon sa isang tapat at dedicated na empleyado..
sobrang lulupit nila at mga walang utak..
may pagka-imbecile nga ang taong iyon - pero kung trabaho niya ang pag-uusapan, eh siya na ang pinakamagaling basta huwag lang pag-uusapan ang paggamit ng computer...

pasensiya na rin po kayo kung hindi ko masabi sa inyo nang diretsa ang tungkol sa mga bagay na 'to..
kabisado ko na po kayo..
at dahil ako na lang ang natitirang dapat na maaasahan sa bahay na ito ngayon..
alam ko pong kapag nalaman ninyo ang pinagdaraanan namin, eh didikdikin nyo na naman ako ng buong blood clan natin para lang kumbinsihin nyo ako na kalimutan na ang lahat ng masasamang nangyari sa akin sa nakaraan at magtrabaho na ako nang husto at ibigay sa biological family ko ang lahat ng gusto nila sa buhay..
masuwerte kayo at ang mga anak nyo dahil matapos ang henerasyon nyo eh hindi nyo na talaga muling naranasan ang ibig sabihin ng salitang kahirapan..
kung gusto nyo talaga akong maging productive, eh bakit hindi nyo kaya ako regaluhan ng isang super computer at nang maggawa na lang ako ng sangkatutak na bold comics sa buong buhay ko..
pero kung ayaw nyo sa ideya ko, eh wala kayong magagawa kundi hintayin ang magiging resulta ng ginagawa kong teknik..
okay..?!

at ang isa pang pinagkaiba ng mga biological family natin..
ang worst nyo lang siguro na naranasan eh iyong may nambabae, iyong may anak sa labas, at iyong walang trabaho ang asawa - eh ano namang damage ang magagawa nun sa inyo..?
ni hindi nyo alam ang pakiramdam na may isang certified demon na kasama sa bahay na parang walang kamatayan..
lahat na ng kasamaan nasa kanya na maliban na lang sa pagpatay ng tao at pagkalulong sa alak..
ayoko nang isipin kung ano pa ang magagawa niya kapag natuto siyang maglasing..
nadala na ako nung isang beses na umuwi siyang lasing na naisipan niyang mag-toothbrush, pero sa sobrang kalasingan niya eh yung toothbrush ko pa ang ginamit sa bunganga at pustiso niyang puno na ng nicotine buong buhay niya..
buwisit!


No comments:

Post a Comment