[originally posted on April 1, 2013]
sino daw yung Marian Capulong..?
bale, member nga siya ng Showtime Dancers ng It's Showtime..
at
ganito yung itsura niya (hindi saken yang picture ha, image taken mula
sa isang Facebook page na nakapangalan sa kanya pero siyempre hindi ko
sigurado kung sino ang admin o pilot nun, p-in-ost ko lang para may
reference, so kung kanino man ito talaga nanggaling - edi thank you ng
marami for sharing...^_^):
pero gaya ng sabi ko..
hindi naman sila talaga magkamukha eh..
magka-istruktura lang siguro..
at magkasing-puti..
basta siya yung medyo kilalang tao na madali kong mai-relate doon sa crush ko..
bale, mas simple siyang tingnan kumpara kay Miss Capulong...
ayun nga..
earlier events..?
may mga pangyayari kasi na hindi ko minsan naisusulat sa journal ko..
kung tama kasi yung naaalala ko, eh before September 27, 2011 pa nangyari yung ibang encounters namin...
minsan
kasi eh humihiram nga sila ng stethoscope at pangkuha ng BP (blood
pressure) sa bahay tuwing sumasama ang pakilasa ng dad niya..
ang akala ko pa nga dati ay isa siyang nursing student, kasi marunong daw siyang kumuha ng BP sabi ng biological mother ko..
kasi instead na iyong biological mother ko ang papuntahin sa bahay nila at pakuhanin ng BP, eh siya na lang daw..
(sa bagay wala namang mahirap sa pagkuha ng blood pressure, kahit yung mga electronic na device ngayon eh may instructions na)..
sa ngayon, ewan..
hindi ko na sigurado kung ano mismo yung course niya eh (LOL, kolehiyala pa lang siya - baka naman makulong ako nare)..
hindi
naman kasi related sa nursing yung uniform niya, i'm not sure kung
nagpalit na ng kulay ng uniform ang La Salle, pero sa tingin ko pang-LCC
yung uniporme niya...
anyway, balik sa istorya..
one time eh nagkataon na ako yung humarap sa kanya nung nagsauli siya nung mga gamit..
nagkataon
rin na siya yung nagsauli noon, usually naman kasi eh yung mom niya
yung lumalapit sa amin tungkol sa mga medikal na bagay..
nakakahiya pa nga dahil iyong manual at bulok na pang-BP ng biological mother ko yung nahiram nila noon..
c'mon DepEd, nasaan naman yung mga bagong equipment?? *joke!*
meron
na nung electronic na pang-BP ang biological mother ko, but for some
reason eh yung lumang-luma na yung nasa bahay (pero not necessarily yung
luma na nasa malaking case na gumagamit pa ng mercury, haha, sobra
naman yun XD)..
ayun..
yun yung first time yata talaga na nagkausap kami eh..
but not because she wanted to..
pero dahil lang may isinasauli nga siya..
and to think of it..
yun
siguro yung rason kung bakit nung September 27 eh bigla na lang niya
akong kinausap sa tindahan kahit na hindi naman kami talaga
magkakilala..
feeling close siya ha, LOL!
ewan..
sobrang miserable naman ng pakiramdam ko ngayon..
masyadong miserable pa para magka-love life..
or mag-attempt na magka-love life..
(hello!
Grade 6 pa ako noong huli akong mapadpad sa loob ng isang sinehan,
except sa 4D theater, at ni hindi ko na tanda kung paano bumibili ng
ticket o ng pop corn - such a bullshit XD)..
at gaya ng sabi ko doon sa nauna kong negative post..
medyo relax pa ako nitong mga panahon na 'to since bakasyon pa ng mga estudyante..
paano na lang kapag panahon na ulit ng gastusan...
kaya minsan hindi ko maiwasang mahili doon sa mga napapanood ko minsan sa Face to Face o di kaya sa Personalan..
biruin nyo yung mga mukhang peasant-eng mga lalaki eh nagagawang mambabae at sila pa yung ginagastusan ng mga chicks nila..
kahit na ba magkaka-level lang sila ng mga itsura nila..
ang punto dun eh - sino ang may kakayahang mambabae..
sa
ganung palabas ko napapagtanto na pwede nga naman pala sa totoong buhay
na hindi na gastusan ang babae, at sila pa yung gagastos para sa'yo..
anak ng mga puge..>,<
pero siyempre, hindi naman ako ganoong klase ng tao..
meron naman akong dangal..
at siyempre meron rin naman akong preference pagdating sa binibini..
masarap ang hipon - basta ba yung totoong hipon yung pinag-uusapan eh... >,<
No comments:
Post a Comment