Sunday, April 6, 2014

Untimely Love Story (September 27, 2011 - Ang Simula)

[originally posted on April 1, 2013]

okay, garine..
ngayon ko lang kasi ulit naramdaman 'tong ganitong klase ng pakiramdam..
4th year college pa ako nung huli akong nagkagusto sa isang babae..
pero wala rin namang nangyari dahil lahat ng babaeng nagustuhan ko nung nasa college na ako eh either taken na o may gustong ibang lalaki...

ayun nga..
pakiramdam ko nagkakagusto na ako ulit sa isang tao..
hindi ko naman sinasabing mahal ko na siya, dahil sa tingin ko hindi mo naman masasabing mahal mo na ang isang tao kung wala ka man lang talagang alam tungkol sa kanya - lalo na sa ugali niya..
basta ang alam ko attracted ako sa kanya..
hindi ko sigurado kung bakit..
siguro dahil siya na yung closest female stimulus na nasa paligid..
ah ewan...

noong una talaga, ang tingin ko sa kanya eh para siyang kahawig nung pinsang lalaki ng hipag ko tuwing naka-sideview siya..
haha, parang tanga ano, dahil sa isang lalaki ko siya unang nai-kumpara..
pero lately, mala-Marian Capulong na ng Showtime Dancers ang nakikita ko sa kanya..
bale, hindi naman talaga sila magkamukha..
siguro dahil sa hugis ng mukha nila at sa mala-porselana nang kinis ng balat..
basta maputi ang isang babae, parati na lang yung nagiging pansinin para sa akin...

sisimulan ko sa September 27, 2011 iyong analysis ko..
yun kasi yung earliest journal entry ko na may kinalaman sa kanya..
basta mga interesanteng bagay o pangyayari, eh parati kong isinusulat sa journal ko ang tungkol dun...

bago pa man yung araw na yun, eh napapansin ko na siya - siguro simula pa lang noong araw na lumipat sila sa lugar namin..
at noong araw na yun..
nagkataon lang na halos nagkasabay kami sa pagbili sa tindahan sa amin..
mas nauna siya noon sa akin..
hindi ko naintindihan kung ano yung binibili niya..
pero bigla na lang niya akong kinausap, kahit na napaka-suplado kong nilalang..
simple lang yung boses niya, hindi masyadong pambabae (hindi masyadong malumanay, hindi rin naman matinis), basta parang average lang..
sabi niya mauna na daw akong bumili..
ang isa pang nakakaasar sa kanya, eh parati siyang nakangiti kapag kinakausap niya ako..
eh natameme ako, hindi ko naman kasi inaasahan na kakausapin niya ako, tapos nakakahiya pa na pinauna niya ako eh ako pa naman yung lalaki..
saan na lang napunta ang pagiging gentleman ko..? T,T
pero dahil na-blanko na ang isip ko, edi sinunod ko na lang siya..
(hindi kaya pambabaeng diaper ang binili niya noon??)..
bumili na nga ako tapos umalis din ako kaagad..
hindi ko man lang siya hinintay..
ni hindi ko man lang siya pinasalamatan..
ni hindi ko tinanong yung pangalan niya..
antimang ko talaga...

simula noong araw na yun naging interesado na ako sa kanya..
pero hindi ko na lang masyadong pinansin yung pagiging attracted ko sa kanya..
ni-rank ko kasi siya as category B na may tendency ng pagiging category A (bale category B~A)..
mas gusto ko kasi talaga sana ng category A o di kaya kahit ng category S pa, para lang masigurado na hindi ako mananawa sa babae..
pero lately, parang may nagbago..
parang mas gumaganda siya sa paningin ko..
kaya kahit na ayoko pa sana..
kahit na alam kong hindi pa ako ulit pwedeng ma-in-love sa isang babae, dahil sa sobrang daming panggulong rason..
unti-unti, parang hindi ko na maiwasan ang dapat na iwasan..
pakiramdam ko sasabog ako kung wala akong pagsasabihan ng tungkol dito...

matagal ko na rin siyang kilala sa mukha..
pero hindi ko malinaw na maalala ang itsura niya..
hindi ko pa kasi talaga siya nagagawang pagmasdan nang husto..
matagal na kaming halos mag-kapitbahay lang, pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya hanggang sa ngayon..
kahit na nagkakausap naman kami..
sa tuwing bumibili siya minsan dito sa bahay, at kapag humihiram siya ng stethoscope at pang-BP sa amin sa tuwing sumasama ang pakilasa ng dad niya..
bukod sa hindi ko pa alam ang pangalan niya..
eh wala pa talaga akong sapat na data na nakukuha tungkol sa kanya...

hindi ko talaga gusto yung ganitong pakiramdam..
yung kahit na gaano ko pa naisin na magkagusto sa isang tao..
eh hindi naman pwede, dahil wala naman akong karapatan - wala naman akong kakayahan..
ang gusto ko kasi kung may sisimulan man ako this time, eh yung tipong mapaninindigan ko naman hanggang sa bandang huli..
magaling kung babastedin niya kaagad ako sa simula pa lang, eh paano kung patagalin pa niya ang paghihirap ko..>,<
hay.. madalas kasi hindi naman talaga patas ang mundo...


No comments:

Post a Comment