Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (May 31, 2013 - The Last of May)

May 31, 2013..
(non-journal entry)

the last day of May...

hindi na naman nga siya pumasok ngayong araw..
i saw her in the morning, nasa terrace kasi ako habang nag-o-audit kami ng blood aunt ko ng mga business transaction over the phone..
i was surprised to see her kasi akala ko eh nasalisihan na niya ako sa pagpasok niya..
as usual, bumili na naman ng junk food sa tindahan..
naka-lugay lang yung buhok niya..
dark-blue tee shirt na naka-v-neck, pero may black na tela naman na reinforcement sa may neckline at chest area..
dark-colored jeans shorts..
at black slippers...

ilang beses ko rin siyang nakita ngayong araw..
after lunch dumating yata yung isang kuya niya na kakilala ng isa sa mga batchmates ko..
sa ayos nila eh mukhang susubukan na nilang i-enjoy ang mga huling araw ng bakasyon..
medyo marami silang bagahe eh..
at naka-jacket at bonnet yung stepmom niya..
so i guess pupunta sila somewhere cold..
Tagaytay or even Baguio..
naka-Chevrolet na SUV pa sila today at iniwan lang yung isa nilang auto sa bahay nila...

noong unang alis nila eh papasok ng subdivision yung takbo nila..
tapos ilang minuto pa ay bumalik din naman sila sa bahay nila..
bumaba na mag-isa si Miss Robledo, kahit na malakas na ang ulan noon at wala naman siyang dalang payong..
naka-jacket o sweater na siya..
pumasok siya saglit sa bahay nila, siguro may nakalimutan..
tas paglabas niya eh tuluyan na silang umalis...

i probably won't see her for a few days..
sa hula ko, siguro Sunday na ang balik nila..
and this is how my May ends..
so lonely...T,T

---o0o---


nasa Baguio nga sila..
doon sa may Burnham Suites..
ang galing ko talagang mag-analyze..
siguro 2 nights, 2 days yung accommodation nila..
kaya malamang Sunday na nga sila makabalik...

---o0o---


i feel so stupid...

araw-araw akong umaasa na magpaparamdam man lang si Miss Robledo sa text..
yung tipo na makakatanggap na lang ako ng message from an anonymous number..
i get excited whenever makita ko na hindi naka-register yung number na nag-a-appear sa screen ng phone ko..
kaso - either kliyente lang naman yung nagte-text sa akin, o di kaya eh mga pesteng scammer..
iniisip ko tuloy, siguro itinapon lang niya yung number ko nung mismong araw na ibinigay ko yun sa kanya...T,T

kahit sa Facebook..
araw-araw kong chini-check kung may message ba ako sa inbox ko..
hoping na mag-reply naman siya sa mga PM ko sa kanya..
pero wala talaga eh, kahit na isa...T,T

nakakapagod magkagusto sa taong ayaw naman at walang kapaki-pakialam  sa'yo...T,T


No comments:

Post a Comment