Saturday, April 12, 2014

June 2, 2013

siguro wala naman talagang BETTER ME..
mataas lang talaga ang expectations para sa akin ng mga tao sa paligid ko..
na sila mismo ay may mga binubuong pangarap nila para sa akin..
minsan nadadala ako sa kanila..
na nakakalimutan ko na pinakamahalaga pa rin kung ano talaga yung gusto ko..
na kahit negatibo pa yung pagtingin ng ibang tao sa mga ideolohiya ko..
eh ako pa rin naman yung dapat na masunod sa bandang huli dahil buhay ko naman 'to...

kaya kung matutupad lang sana yung greatest wish ko..
gusto kong hindi na lang ako mag-exist kahit na kailan..
nakakapagod makipaglaban sa buhay lalo na kung parati ka namang na-che-check ng kalaban...

---o0o---


may bago na akong pananaw tungkol sa pakikipagkaibigan...

true friends are those na mas gugustuhin na ikonsulta ka rin naman sa panahon nang mga kabiguan mo - yung tipo na tatanungin ka kung kailangan mo ba ng tulong o mas gusto mong harapin ang mga problema nang mag-isa, yung tatanungin ka kung ano ba yung mga plano mong hakbang o ano ba yung diskarteng mas gusto mong gawin, in short yung andyan para makinig pero sa bandang huli eh ire-respeto pa rin anuman ang maging desisyon mo...

hindi yung tipo na ipapamukha sa'yo kung anong klase ba ng 'ikaw' yung minsan nilang nakita sa'yo, kung ano ba yung nakikita nilang mga strength(s) mo na mas gusto nilang gamitin mo, yung tipong parang sila na yung bumubuo ng mga pangarap mo para sa'yo, na tipo rin na nadi-disappoint sa mga kabiguan mo.. hindi naman lahat ng bagay eh nasusukat sa pera o mga achievements sa buhay eh...

hindi pag-aari ng isang kaibigan ang buhay ng kaibigan niya...

eh sa DEATH naman talaga yung ultimate dream ko eh..
bakit ba kailangang ilihis ako nang ilihis ng mga tao sa pangarap ko..? >,<

---o0o---


nakakaasar isipin..
na yung kaisa-isang bagay na pinaniniwalaan kong makapagbibigay sa akin ng matagal ko nang hinahangad na totoong katahimikan at kapayapaan ng puso at isip..
ay siya ring bagay na lubos ko nang kinatatakutang gawin...T,T


No comments:

Post a Comment