Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (December 2012)

[originally posted on April 7, 2013]

alam ko na kung anong itatawag ko sa kanya sa ngayon..
si Miss 068...^_^

hindi ko talaga sigurado kung kailan yun nangyari..
nung nagpalit kasi ako ng journal after August 2012 eh naging madalang na yung journal entries ko, dahil bago na yung format ng bago kong journal...

basta sa tantsa ko eh December 2012 nga yun, siguro December 15 (basta weekend)..
dahil may malaki akong order noon ng mga action figures from NCR, eh kinailangan kong mag-cash-in sa GCash wallet ko..
maaga akong pumunta sa mall..
tapos saktong paalis rin silang dalawa ng mom niya..
dumiretso lang ako ng lakad eh..
hindi ko sila pinansin di gaya ng ginagawa ng ordinaryong magka-kapitbahay..
tapos siyempre mas mabilis pa akong maglakad..
maya-maya lang may bumusina mula sa likod ko..
hindi ko rin kaagad pinansin yun..
tapos eh tinapatan na ako ng isa kong kabarkada na taga-dun din sa lugar namin..
dala niya yung motor niya eh..
kaya inalok niya ako na sumabay na lang ako sa kanya..
sabi ko papunta ako sa mall, may aasikasuhin lang sa Globe..
sabi niya idadaan na lang daw niya ako doon..
edi sumabay na nga ako sa kanya...

ewan..
hindi ko na nilingon kung kasunod ko pa yung mag-ina noon eh..
mukha namang hindi sila sumakay..
dahil kung sumakay man sila eh di dapat na mas nauna sila sa akin..
ayun, sayang..
siguro kung si Miss 068 lang yung nakita ko noon, baka pa sinabayan ko siya at ch-in-ika na..
ngayong naalala ko yun..
naisip ko lang na hindi ko pa nga siya nakakasabay kahit na kailan...

---o0o---


medyo malaki nga yung pinagbago saken mula last-last Sunday..
noong araw yun na makita ko siyang naka-dress at wedge..
hindi ko alam kung ano ba yung tawag sa ganung kasuotan ng mga babae eh, basta: wala yung collar, may short sleeves, naka-korte sa waist yung yari niya (parang may built-in na belt), at knee-high yung pinaka-palda region niya..
light color yun na parang may pagka-environmental pa yung mga kulay, kaya tamang-tama lang para sa summer - dahil malamig siyang tingnan para sa mga mata..
tapos i-m-in-atch pa niya yun sa isang light-colored din na wedge type na sapatos..
weakness ko pa naman yung mga babae na magagaling magdala ng heels.. >,<
hindi ko na tuloy yun makalimutan..
at parati ko na siyang hinahanap araw-araw...

parati ko nang inaalam kung anong suot niya sa bawat araw..
kung naka-ponytail ba siya o nakalugay lang ang buhok..
sinusubukan ko pa ring hanapan ng butas yung magandang itsura niya..
ni hindi ko na kailangang maging stalker dahil by default eh makikita at makikita ko rin siya sa tuwing lalabas siya ng kanilang bahay...

netong nakaraang tatlong araw eh parati lang akong may ginagawa sa may terrace namin..
pero kung kailan naman ako nasa mismong labas na lang ng bahay namin eh saka naman siya hindi naglalalabas ng bahay..
sad naman..T,T
direktang boso na sana yun eh..
(LOL! joke lang yung 'boso', natutuwa lang kasi akong gamitin yung term na yun eh)..

dapat na ba akong makuntento sa patingin-tingin na lang..
o kailangan ko na bang financially at emotionally na mag-invest muli..
kahit pa ma-basted lang ako sa bandang huli..??

pero bago yun..
kailangan ko munang may makausap tungkol sa isang bagay..
kailangan kong mag-aral ng Iglesia 101... >,<


No comments:

Post a Comment