December 13, 2012..
bale hindi naman talaga tungkol kay miss crush ang entry na 'to...
last December kasi eh hanggang puwitan ko pa ang haba ng buhok ko..
(na-realize ko lang kung gaano kahaba yung ganung klase nung makita ko na yung picture mula sa wedding ng biological brother ko)..
anyway..
yun nga, noong araw na yun eh yung mom niya (yata) yung bumili ng yelo dito sa bahay..
by default eh hindi talaga ako palabati sa mga tao..
kahit pa mga kapitbahay ko lang sila..
hinahayaan ko lang sila sa mga buhay nila, hoping na pababayaan rin nila ako sa sarili kong buhay..
pero kapag may kumakausap naman sa akin eh pinagbibigyan ko naman..
yun nga lang, ang initial reaction ko parati eh naso-sorpresa naman ako sa kanila...
ang nangyari eh medyo in-interview niya ako tungkol sa buhok ko..
ano ba daw ang sikreto ng buhok ko..?
ano ba daw ang ginagamit kong shampoo..?
maganda daw eh (sa totoo lang, dudang-duda ako sa mga tao sa tuwing sinasabi nila yun tungkol sa dati kong buhok - parang hindi naman kasi eh >,<)..
ayun, edi sinabi ko na rin yung teknik ko..
na Dove na yung gamit kong shampoo dahil nakakatuyo ng buhok ang Clear at Head & Shoulders para sa akin..
at na gumagamit din ako weekly ng mayonnaise bilang medyo pampatibay at pampadulas ng buhok...XD
hindi ko masiguro kung sya talaga yung mom ni miss crush..
pero doon siya umuwi sa bahay nila eh..
para kasing iba yung itsura niya noong gabing yun..
para kasing itim yung kulay ng buhok niya, eh madalas naman eh parang reddish-brown yun..
tas medyo mas mukha pa siyang bata noon..
ewan ko ba sa mag-inang yun..
may tendency na magpabagu-bago ng itsura at ng category...
wala lang..
naisip ko lang na kung ganun yung tingin ng mom ni miss crush sa akin..
eh paano naman kaya siya..
napapansin man lang ba niya ako..?
---o0o---
naalala ko rin tuloy..
dahil December itong entry na 'to..
meron dating New Year kung kailan napasabugan ko ng paputok yung bahay nila..
hindi naman talaga yung loob ng bahay, pero yung pader na medyo malapit pa sa alulod...
yung mabait kasi naming kapitbahay eh nakaugalian na dati na binibigyan kami ng mga kuwitis tuwing bagong taon..
eh ayoko pa naman sanang magpaputok na dahil wala na akong kasamang maalam sa bahay..
pero dahil andun na, edi pinatos ko na rin..
kaso palyado yung iba dun sa mga kuwitis (hindi naman sa nagrereklamo ako, o nagiging choosy pa - gusto ko lang siyempre na parating safe ang lahat)...
ayun nga..
dahil medyo lantutay na yung patpat na kawayan..
pumalya yung lipad niya, at tumama sa may bahay nila..
sa sobrang hiya at takot ko nun eh nagtago muna ako sa loob ng bahay at nagpalamig ng kaunti..
pero inubos ko pa rin yung mga kuwitis na pinagamit sa amin kahit medyo buwis buhay na... >,<
No comments:
Post a Comment