tapos na, nagawa ko na..
primary data extraction complete..
at since wala ngang interesanteng nangyari kahapon ng hapon..
eh, heto na rin nga yung post ko mula sa Facebook (copy-paste na lang XD)...
so si Miss 068 pala ay isang Miss Robledo, siyempre hindi ko pwedeng i-disclose yung full name niya, baka kasi mamaya eh may nakakakilala pala saken na nakakakilala rin sa kanya, edi yari naman ako.. >,<
may 'M' rin siya na pangalan gaya nina Miss Marian Capulong at #5 Miss Mae Tajima, what a coincidence..^_^
nakita ko na rin yung Facebook account nya (yun talaga yung silbi nung name eh XD), at kumuha ako ng picture na panlagay sa phone, haha..
at masasabi kong maingat siya, dahil naka-private-mode ang account niya, maging yung sa Twitter (andamot XD)..
madaming beses ko siyang initsurahan habang magkasabay kami at nag-uusap kahapon, at nasa category B~A nga siya, not very consistent pagdating sa looks..
ang medyo good news - eh she's single..
sabi ko anong ibig niyang sabihin sa 'wala pa siyang boyfriend' - at ang sagot niya ay dahil HINDI PA PWEDE (naman, hindi kaya shotgun-dad ang tatay neto T,T)..
she's from LCC, at may summer class nga siya kaya siya maaga umaalis tuwing weekdays..
ang medyo bad news - she's only 19 (kaya siguro hindi ko pa siya napapansin dati, before 2011)..
naman, teenager pa siya samantalang nasa late 20's na ako, nasa 7 to 8 years bale ang agwat namin, tapos parati pa niya akong ino-'opo'..T,T
(hindi kaya ako makulong nare XD)..
unfortunately, hindi niya pinagkatiwala saken ang cellphone number niya..T,T
ano ba ang ibig sabihin kapag hindi sa'yo binigay ng babaeng gustong mong diskartihan yung number niya..??
ang rason niya kasi is - magkatapat lang naman daw kami ng bahay at palagi naman kaming nagkikita..
(hello! siya pa, halos parati kong nabobosohan XD; pero kami, bihira lang kaming magtagpo talaga ng landas)..
sabi ko nga sa kanya eh, bihira lang naman kaming magkausap kahit na nagkikita kami..
antanga ko, hindi ko na dapat sinabi yun, obligasyon ko nga pala na gumawa ng paraan bilang lalaki...
anyway, there goes the first batch of data...
yung tungkol naman sa mismong encounter namin..
eh, edi ga nga ay pinilit ko lang yun - yung sabayan siya..
parang mas napaaga yung alis niya kahapon sa bahay nila eh..
untikan pa akong hindi makahabol dahil nagtu-toothbrush pa ako nung lumarga na siya..
ang original na plano kasi eh ambush na kaagad sa unang kanto pa lang, para sana mas mahaba-haba yung conversation..
black tee shirt..
jeans..
black na flat shoes..
at yung basa niyang nakalugay na buhok..
ayun nga..
pagbukas niya ng gate eh, nagulat naman ako, tas karipas na ako sa pagtapos kong mag-toothbrush..
paglabas ko naman ng gate namin eh medyo malayo na siya, so kinailangan kong tumakbo para mahabol siya..
alam nyo yung tawag ka nang tawag sa may likod nung babae na 'Miss, saglit lang', tas yun pala ay naka-earphones siya (dugoink! awkward.. buti na lang walang masyadong nakakita sa akin)..
pagdating sa ikalawang kanto (yun yung last kanto bago tuluyang makalabas sa subdivision namin), eh nasabayan ko na siya..
napansin niya naman ako, pero nginitian niya lang ako..
tas sinubukan ko ulit siyang kausapin sa malapitan, pero hindi talaga matinag yung earphones niya eh..
and since masyado na akong desperado para tapusin 'tong Level 1 na mission na 'to na matagal nang nakabinbin, eh edi kinalabit ko na siya (feeling close XD)..
sa wakas pinansin niya rin ako..
ayun nga in-interview ko na siya..
nagpakilala, nag-shake hands..
tas diniretsa ko talaga siya kung may boyfriend na ba siya dahil interesado akong makipagkilala sa kanya (ganun talaga, may time limit yung pakikipag-usap ko sa kanya eh >,<)..
kaso nga lang, eh hindi ko talaga nakuha yung number niya..
iti-text ko na lang sana siya kapag yayayain ko na siyang lumabas eh..T,T
ano kaya yung dahilan kung bakit hindi pa niya binigay saken ang number niya..?
it was fun..
oo, medyo buwis-buhay o buwis-reputasyon nga..
pero nag-enjoy ako..
kahit andun yung adrenaline, eh hindi naman ako inatake ng hyperhidrosis ko (buti na lang XD)..
ewan, napapangiti ako sa tuwing nagbabato ako sa kanya ng tanong eh..
napapangiti rin naman siya, at mukhang hindi ko naman siya natakot (hindi gaya nung time na ginawa ko yung ganitong move noong nasa college pa ako)..
hindi na ako nasorpresa nung sinabi niya na wala pa siyang boyfriend..
at natuwa talaga ako sa sagot niyang yun - although sa tingin ko eh Iglesia nga sila, na baka maging problema ko din..
sabi ko 'hindi nga, seryoso ka?', at yun nga daw ay dahil hindi pa pwede..
since safe na ako dun sa tanong na yun, naisipan kong magdagdag pa ng ibang tanong..
at nalaman ko nga na 19 y/o pa lang siya (pakiramdam ko tuloy sobrang tanda ko na, parang D.O.M. na ang dating ko T,T)..
nasabi ko tuloy na 'ang bata pa pala niya'..
tas ayun nga, pagdating sa cellphone number eh ni-reject na niya yung request ko..
natanong niya ako kung bakit ang aga ko din daw, nagkunwari na lang ako na pinapupunta ako ng biological brother ko sa bahay nila..
tas natanong niya rin ako kung graduate na ba daw ako, at sabi ko nga eh 'medyo matagal na rin'.. >,<
sinabayan ko na lang siya hanggang sa may tapat ng highway, sa sakayan..
saktong may tumigil na jeep, tas nagpaalam na siya sa akin..
ang totoo hindi ko na naintindihan yung sinabi niya, hindi ko masabi kung maingay lang ba talaga noon sa labasan o baka naman wala talaga siyang pinalabas na boses mula sa bibig niya..
sabi ko na lang na 'ingat'..
tapos para mapanindigan ko naman yung alibi ko, eh naglakad na nga ako papunta sa direksyon ng bahay ng biological brother ko (hindi na masama, dahil exercise na rin)...
seriously..?
kino-consider mo ngayong magka-trabaho ng dahil sa isang teenager na babae..?
eh ni hindi mo pa nga alam kung may pag-asa ka nga sa kanya kung sakali eh...
---o0o---
Dear Hasbro Star Wars 3 & 3/4 inch line & Dear Padme,
i'm sorry kung parang hindi ko na kayo nako-consider lately..
wala namang mali sa nagawa kong evaluation..
totoo naman kasi na mas madali kayong i-maintain kumpara sa babae..
hindi pa naman ako sigurado hanggang sa ngayon eh..
pero in case na mag-decide ako na ilipat na nga yung budget ko para sa inyo sa pambababae, gusto ko lang malaman nyo na hindi ko naman talaga kayo kalilimutan...
kung ano man 'tong bagay na 'to na nararamdaman ko ngayon para kay Miss Robledo..
talagang masyado na lang 'tong naging intense sa paglipas ng panahon..
na nawala na sa kontrol ko..
kaya naman pakiramdam ko na kailangan ko na 'tong subukang mas maintindihan..
dahil pakiramdam ko, kung hindi ko pa 'to gagawin sa ngayon, eh baka sobrang magsisi lang ako kapag talagang huli na ang lahat...
babalikan ko din kayo, once matapos na ang lahat ng ito..
at para naman dun sa mga benta-bles nyong mga kasamahan, sana naman eh mabili na kayo, please...
---o0o---
at isang masamang balita..
sinasabi ko na nga ba at hindi pwedeng hindi hahalo areng istorya ng 'The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman' sa istorya ng buhay ko...
nakakaasar na isipin na hindi pa man din nag-i-start ang pasukan eh anlaki na kaagad ng problema dahil sa pangarap nilang La Salle na yan..
4,000 Php na yung reservation fee (na ibabawas naman sa matrikula)..
pero 7,000 Php na down payment, that is just a total bullshit!
at mga B.S! din ang biological mother at biological demon brother (BDB) ko - B.S. as in biological shits!
napaka-social climber..
hindi pa naranasan noon ng biological mother ko na mag-down payment sa school ng ganung kalaking halaga..
eh yun ngang 1,500 Php every term na binabayaran niya para sa university namin dati eh hirap na hirap na siya..
saan ba sila kumukuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha para ituloy 'tong kapritsosong pangarap nila sa buhay..?
eh kaya nga may mga public colleges at state universities eh - para doon sa mga tao na hirap sa buhay..
mabuti sana kung nakikita kong pursigido sa buhay yung demonyong bata na yun eh, pero ano ang ginagawa niya..
ni hindi niya inaasikaso ang sariling enrollment niya, at iniaasa na lahat sa mama niya..
ni hindi pa niya kabisado yung mga mahahalagang office dun sa balak niyang pasukan na campus eh...
bukod pa 'tong gabi-gabi na naman nilang pagdadabugan at pagsisigawan tungkol sa problema sa pera..
alam ng buwisit na yun na sa 50% niyang scholarship ay may 18,000 Php pa siyang kailangan na bayaran..
nagawa na nilang magbayad ng 4,000 Php (na galing sa utang), at kung magagawa nilang makapangutang rin para doon sa 7,000 Php, ay may poproblemahin pa rin silang 7,000 Php, bukod pa yung mismong gastos sa pagpasok..
pero ano eto't hingi pa rin siya ng hingi ng pera..?
para ba yun sa pagbo-'Born Again' niya..?
anong klase naman ng demonyo yung hinding-hindi na talaga kino-consider yung totoong kalagayan niya sa buhay..?
siyempre nahihiya na rin ako sa mga kapitbahay namin..
lalo na kay Miss Robledo..
mabuti sana kung hindi nila pakinig yung gabi-gabing pagtatalo at pag-iiyakan nareng mag-ina..
kaso eh sobra na talaga eh..
hindi naman dapat maging isyu yung pagiging mahirap kung makiki-ayon lang sila..
kaso eh talagang mga kapritsosong mga shit sila eh...
bukod pa areng mga blood relatives ko..
nagpa-renovate ng bahay, tas ngayong tumatakbo sa eleksyon eh aangal na 'broke' na daw sila..
kaya ba nila ginalaw yung pondo nung money transfer business ng blood aunt ko..?
kahit wala akong karapatang magreklamo, eh nasasaktan talaga ako..
lalo na ngayong pakiramdam ko na nahuhulog na yata ako para sa isang kolehiyala..
siyempre kailangan ko ng pang-date..
nasa evaluation process pa nga lang ako neto eh..T,T
alam naman nilang yun yung pinaka-trabaho ko ngayon..
tas sisirain nila dahil sa kagustuhan nilang pumasok sa maduming pulitika na yan..
unti-unti na tuloy nawawala ang respeto ko sa kanila..
eh hindi lang nila ako inaalisan ng trabaho neto eh..
mas sinisira na nila ang pangalan ko sa blood aunt ko..
tas pinapahiya pa nila ako sa mga taong umaasa sa amin dito sa Lipa branch..
3 birds in 1 stone..
mga B.S! din kayo - as in blood shits!
---o0o---
so, balik kay Miss Robledo..
paano na ang balak mo ngayong natapos mo na ang mission Level 1..?
sinabi na sa'yo nung teenager na hindi pa naman siya pwedeng magka-boyfriend..
at base sa mga nadiskubre mo online eh, mahirap pang matantsa kung posible ngang maging compatible kayo pagdating sa ugali..
oo nga't andyan na yang physical attraction at mukhang pati yang lust na tinutukoy mo..
pero it's still too early to assume things...
siguro pakikiramdaman ko muna kung may magiging pagbabago ba sa pakikitungo niya saken after ko siyang diretsahin kahapon at bigyan ng ideya tungkol sa totoo kong motibo..
mas magiging magiliw ba siya o baka naman iiwasan na niya ako..?
kung swertehin ako, at hindi naman niya subukang lumayo..
siguro mag-i-start na lang muna ako sa kung ano man yung available resources dito sa paligid namin..
yayayain siguro siyang mag-halo-halo paminsan-minsan dyan lang sa malapit..?
o di kaya mag-lomi sa may labasan..?
dun muna ako sa getting to know stage...
---o0o---
Bosing,
talaga naman pong aminado ako sa inyo na hindi ko pa kayo matanggap nang buong-buo sa sarili ko..
ni hindi ko nga masabi kung kinakausap ko ba kayo dahil sa background ko sa pagiging Katoliko o ano..
ewan, siguro act of desperation na rin..
sa totoo lang po..
hindi ko pa rin masabi hanggang sa ngayon kung sino ba yung 'lumikha' - ang mga sinaunang tao ba ang lumikha sa 'inyo' gamit ang kanilang imahinasyon (since mapapatunayan naman na mahusay talaga sa ganung bagay ang mga tao) o totoo bang nilikha nyo ang lahat ng bagay..
tuwing iginigiit kasi ng mga pari nyo na mahalaga ang buhay ng mga tao at maging iyong mga hindi pa nabubuong tao, na humayo lang sila at magpakarami, hindi ko maiwasang isipin ang negative effects ng population explosion dito sa mundo..
totoo pong mga tao rin lang ang mga pari at nagkakamali rin, pero yun daw po kasi yung turo ninyo eh..
hindi naman po lingid sa kaalaman nyo na naging rapid ang deterioration ng Earth o ni Gaia ng dahil sa advancement ng technology ng mga tao..
marami na rin pong mga nilalang ang na-extinct ng dahil sa naghahari-hariang uri nila..
kaya naman po, hindi ko masabi kung may magandang basehan nga ba ang mga nag-e-exist na relihiyon sa ngayon..
puros sangkatauhan lang naman po kasi ang mahalaga sa kanila, at sila-sila eh nagpapataasan rin lang ng ihi..
mas maganda po sana kung ang mundo o maging ang buong universe ay magiging lugar kung saan ang lahat ay pantay-pantay...
anyway, tama na muna yang sentiments ko..
ilan lang naman yan sa mga issues ko sa buhay eh...
ang totoong rason kung bakit gusto ko kayong makausap eh para humiling na naman (as usual)..
napansin nyo naman po sigurong maging ang mga blood relatives ko eh nakikisali na sa pag-checkmate saken..
alam nyo po kung ano talaga yung mga plano ko..
alam nyo po kung ano yung mga gusto kong gawin sa buhay, at maging yung mga ayaw ko nang mangyari pang muli sa akin..
pero kung posible lang naman po talaga..
baka naman po pwede nyo akong tulungan..
wala naman po kasing nakakaintindi sa akin dito sa mundo..
kahit ipaliwanag ko pa kung saan ko alam na magaling ako, eh hindi naman nila ako papansinin..
eh yun ngang mga rules ko sa mismong kuwarto ko eh binabastos nila, at ganun din sila sa mismong mga goal ko sa buhay..
kailangan ko lang po talaga ng something to start with..
yung masubukan kung gagana nga ba yung mismong mga plano ko..
gusto kong magkaroon muli ng sense of security..
although areng mga balita tungkol sa iba't ibang klase ng krimen sa loob ng bansa eh hindi rin naman nakakatulong sa kondisyon ko..
mukha mang random lang na nangyayari ang mga masasamang bagay dito sa mundo, eh masasabi mo pa ba na random nga yun kung ikaw na mismo yung ma-involve..
please po, Bosing..
pa-resbak na lang po (sabi po kasi ni Juan dela Cruz)..
kahit konti at minsang suwerte lang..
bigyan nyo man lang po ako ng chance para masubukan ko yung sarili kong paraan para subukang ma-enjoy 'tong buhay..
paraan ko na nga lang po, eh kailangan ko pa ding gawan ng ibang paraan..
please, hayaan nyo naman pong maramdaman ko na may sense rin nga naman 'tong buhay at konting talento na nai-toka dito sa organic vessel na ginagamit ko sa ngayon...
No comments:
Post a Comment