Sunday, April 6, 2014

The Dark Knight Rises

[originally posted on February 17, 2013]


The Dark Knight Rises..
the Bat, the Cat, and the Robin, plus the Commissioner..
kagabi ko lang siya napanood...>,<

bale..
yung impact nung story eh hindi naman kasing lakas nung kagaya sa plot ng The Dark Knight na installment..
iba kasi talaga yung naging atake dun ni Joker, na parang more on psychological..
na nagamit niya yung mga bida laban sa isa't isa, na pati yung mga sibilyan eh sinubukan niyang paglaruan ang mga isip, ultimo yung konsepto niya na ayaw niyang patayin si Batman dahil siya yung dahilan ng existence niya bilang villain eh napakagandang plot..
tapos andun pa yung ending na nakakapagpaisip at nakaka-buwisit rin, na bakit ba naman inako ni Batman yung kasalanan, na bakit napakahina ni Harvey Dent para magpa-kontrol kay Joker..
halos perpektong istorya na..
kung may pintas man ako dun sa second film, eh yun yung kawalan ng chick - ng magandang leading lady para kay Batman...T,T

okay rin yung nakailang taon rin bago nailabas yung lihim tungkol kay Harvey Dent..
nagkasaysay yung ginawang sacrifice ni Batman sa second movie..
medyo naging mapayapa naman after..
bale for several years naniwala ang mga tao sa mga ipinaglaban ni White Knight..
at naitago yung fact na maging siya man ay nakagawa ng pagkakamali na labag sa batas..
yung guilt sa loob ni Commissioner Gordon - yung parang ipinagkalulo mo sa buong mundo yung taong nagligtas sa'yo, sa pamilya mo, at sa maraming tao; para lang palabasin na mabuti at isang bayani yung mismong tao na nagtangka sa buhay ng kapamilya mo - isa rin yung matinding sacrifice para naman kay Gordon na mas nakadagdag ng dating sa character niya..
yun nga lang, kinailangan rin talagang lumabas yung totoo, at linisin yung pangalan ni Batman..
para sa huli, siya pa rin yung mananatiling hero...


si Bane mula sa Batman & Robin film..

sa totoo lang, naisahan talaga ako nitong last installment na 'to..
ang kauna-unahan ko kasing tanong eh kung bakit sa dinami-rami ng mga kalaban ni Batman, eh bakit naman si Bane pa yung naging final boss..?
hindi ako familiar dun sa mga reading materials (comics o books) na related sa Batman..
pero sa mga cartoon kasi eh mas nakilala ko si Bane na usually ay tumatayo lang na alalay o sidekick ng mas kilalang kontrabida..
yun kasing itsura niya eh parang brute strength lang ang build, tapos drug-induced pa madalas yung nature nung lakas niya, at walang kakayahan para mag-lead lalo na ang gumawa ng magandang strategy..

yun nga, yung inakala kong final boss eh alalay lang pala talaga..
hindi ko talaga na-predict na magiging kalaban yung character na Miranda Tate o Talia..
although puzzled naman ako sa simula kung anong purpose nung character niya..
hindi ko kasi kilala yung character na yun, at kung may iba pa mang kalaban na lalabas dun sa story, eh inakala ko naman na popular yun at naka-costume pa..
pero hindi eh..
at dun mas lumabas yung koneksyon niya doon sa first movie, na anak pala si Talia ni Ra's al Ghul (na hindi  rin naman ako masyadong pamilyar kung sino >,<)..
sobrang dami nung pahiwatig eh.. gaya nung paggamit nung salitang 'child' sa halip na sabihin yung pangalang 'Bane' (kasi magkaiba naman pala talaga silang tao), yung bigla ngang pagsulpot nung katauhan na Miranda Tate, at yung tanong na sino ba talaga ang leading lady ni Batman dito sa pelikula na 'to..
lahat yun ay dahil sa masyado kong pagiging dependent dun sa cartoon version..
at yun nga, saka ko pa nalaman sa bandang huli na hindi popular na character ang final boss, nung sinaksak na ni Talia si Batman at ni-reveal kung sino ba talaga siya..
hindi nga sikat na kalaban, pero naging matalino yung twist na yun para sa movie na 'to..

sa tingin ko naging epektibo pa rin itong ending na 'to para sa Dark Knight Trilogy..
andun yung koneksyon nung istorya dun sa dalawa pang naunang movies..
kahit yung mga characters eh may nagbalikan rin mula sa mga previous film..
parang mas tumindi o na-intensify yung plot, kasi mula sa small scale na mga labanan (hero versus mga parang gang lang), this time eh parang naging war na, na naka-sentro lang sa isang buong city..
ligtas rin yung ideya na yun, kasi Gotham naman talaga ang primary target ng pagkasira, tapos eh andun na rin mismo sa siyudad lahat ng mga kailangan ng mga kalaban para sa kanilang plano..
at yun ay ang technology na hawak ni Wayne na inagaw ng mga kalaban para magamit laban mismo sa kanya at sa lahat ng mga taga-Gotham - napakatinding strategy...


okay yung technology..
hindi masyadong classy yung dating gaya nung motor, nung mga bat mobile at yung bagong aircraft ni Batman (LOL, nalahat ko pala), hindi kagaya nung mga konsepto ng sasakyan sa ibang mga pelikula gaya ng Total Recall o Star Wars na tila parating smooth yung edges ng mga vehicle..
pero sa tingin ko safe naman yung ginamit na concept, kasi nagmukhang palaban at durable naman talaga yung mga ginamit nilang sasakyan..

ilan sa mga details pa na nabigyan ko ng pansin eh yung pinang-shutdown ni Bruce Wayne nung mga camera - astig yun na anti-paparazzi device..
tapos andun rin yung weakness ng mga wireless device at wireless internet standard, biro nyo naman nagamit pa yun ng mga kalaban sa paggawa ng kalokohan..
anlupit nung character ni Fox, sobrang talinong tao niya..
si Alfred parang nasobrahan naman sa concern at arte, umiyak pa tapos eh isang malaking joke lang naman pala..
okay rin yung parang pinamana kay Blake yung pagbabantay sa Gotham bilang Robin..


pero mapunta naman tayo sa mas interesanteng character..
the Cat:


Anne Hathaway as Catwoman..
full body shot ng catsuit niya..
kung ako ang tatanungin, siya na ang hottest kitty sa lahat ng naging Catwoman..
kahit na lumihis pa yung costume niya sa traditional design na gamit ni Catwoman sa mga cartoon..



Alicia Silverstone as Batgirl para sa Batman & Robin film..
ang totoo, dahil sa costume ni Anne Hathaway eh mas naaalala ko o naikukumpara ko siya sa Batgirl character ni Alicia Silverstone..
siguro dahil parehong tinaggal sa costume design nila yung buong traditional headgear ng mga respective character nila, bagkus ay pinalitan lang ng mga face mask..
bukod dun, eh kasi pareho silang sexy..♥.♥


Anne Hathaway sa movie na Get Smart..
hindi naman kasi niya ako fan talaga..
pero doon sa movie na yun ako pinaka-nagandahan sa kanya..
siguro gawa nung buhok, o nung white coat niya dun..
tingin ko mas maganda yung form niya dun kesa dito sa Dark Knight..


Liv Tyler..
isang picture mula sa movie na The Incredible Hulk..
gaya ng sabi ko kanina lang, hindi naman talaga ako fan ni Anne Hathaway..
parati ko kasi siyang naikukumpara dito kay Liv Tyler, at tingin ko eh parang lesser version lang siya ni Liv.. *sorry* >,<


Catwoman na naka-kitty-band (parang Ragnarok lang ah)..
ano ba yun goggles, visors..?
yun yung isang kaibahan dun sa traditional na costume eh..
pero wala naman akong masyadong reklamo pagdating sa bagay na yun..


ang killer high heels..
dapat talaga lahat ng super heroine o kahit mga kalaban eh nagsusuot ng garine..
sobrang nakakadagdag kaya sa kaseksihan..♥.♥


at ang sexy ass..
nabigyan din diyan ng emphasis yung high heels dun sa tuntungan niya..
thank you sa motorbike ni Batman, dahil kung hindi dahil dun eh hindi magiging posible ang mga garineng shot..

parang nakakapanghinayang na wala siyang naka-PvP (nakalaban na boss) sa movie na 'to..
bale pinagmalupitan niya si Bane at tinira niya lang ng baril o cannon netong motor eh (hindi naman kasi talaga parating pwede yung gusto ni Batman na bawal mamaril ng mga kalaban eh)..
pero siguro okay na rin yun, since wala naman siyang ka-match up na babaeng villain dito..
si Talia naman eh tumalon lang yata sa bangin ang skill, tsaka yung palihim na pananaksak kay Batman..
at aminado naman etong si Catwoman na takot siya kay Bane..

isa sa magandang katangian ni Catwoman ay yung kaya niya rin yung ginagawa ni Batman..
yung biglang nawawala na lang habang kinakausap pa..
bastos na kausap eh..>,<
at natawa ako nung naranasan na rin sa wakas ng Dark Knight na malayasan siya ng kausap niya - sa katauhan nga ni Catwoman.. LOL!

bagay naman sila sa istorya na 'to..
isang retiradong hero, at isang nagbabagong buhay na master thief..
hindi na masamang love team, kumpara naman dun kay Rachel..
bale si Wonderwoman o Diana lang naman yata yung matinong karibal talaga ni Catwoman sa buhay ni Batman eh...

hindi na masyadong kakaiba yung ending..
yung bida eh palalabasin na namatay siya sa huli..
pero yun naman pala ay mamumuhay na nang tahimik..
ang hindi ko ma-gets ay kung bakit sinabi pa niya kay Catwoman na wala siya o hindi siya gagamit ng auto-pilot, tapos madidiskubre naman ni Fox na naigawa nga niya ng auto-pilot system yung aircraft niya at nagamit pa niya yun sa pagtakas mula sa suicide mission niya - malaking kasinungalingan, siguro sina Gordon ang target niya dun sa kasinungalingan niya..
ang mahalaga eh nalinis yung pangalan at naging bayani na ng Gotham si Batman..
at nag-iwan pa siya ng kapalit sa katauhan ni Robin..


sa lahat ng paborito at nagustuhan kong palabas na may masked hero..
dito lang yata sa The Dark Knight Rises yung kaso na sinabi ng diretsahan yung purpose nung mask..
1) na yun ay para maprotektahan yung identity nung nagsusuot para maprotektahan niya rin yung mga taong mahahalaga sa kanya mula sa mga kalaban..
2) at na isa yung simbolo, na hindi mahalaga kung sino man yung totoong may suot nun, bagkus ang mas mahalaga ay kung ano ba yung ipinaglalaban niya..
mabuti na lang at meron pang ibang natira na ideya...


No comments:

Post a Comment