Sunday, April 6, 2014

K-ture: Rooftop Prince - Week 7 Recap

[originally posted on February 22, 2013]

isa na namang exciting na week..^_^
sa bagay, ano pa bang dapat na asahan?
eh madalas naman talagang mataas yung momentum sa mga Koreanoleva sa bandang gitna ng series, tapos bigla na lang ulit kumakalma sa ending na kadalasan ay simple lang..

yung last week local episodes ay natapos sa bandang Episode 11 (early scene, siguro mga 1/3 nung episode na yun) nung totoong airtime ng Korean tv series na 'to..
at nagulat naman ako na malaman na yung local episodes nitong nagdaan na week, ay natapos lang sa eksaktong end ng Episode 12..
ibig sabihin ay yung mga napanood ko sa local tv channel this week eh halos katumbas lang ng more than 1 episode, kumpara dun sa original na airtime sa South Korea..
mahaba-haba pang panonood are...



RTP-31
nahihirapan na si Park Ha na subukang hindi mahalin si Lee Gak...

matapos ma-basted eh nag-senti na lang si Park Ha sa isang playground.. naiyak nang naiyak ang babae, samantalang si Lee Gak eh parang malungkot at nakonsensya naman para sa dalaga...

nagpunta si Lee Gak sa Customer Service para ipaayos yung cellphone na ipinasauli sa kanya ng Stepmom ni Park Ha.. pinabago na niya yung security code nito para mabuksan na rin niya yung phone, at pinapalitan na rin niya yung may lamat na screen nito.. matapos maipaayos, ch-in-eck niya yung mga laman ng album sa cellphone ni Terrence.. nakita niya na ilan sa mga latest photos dun eh masasabing kasama si Tommy ni Terrence.. ch-in-eck niya rin yung details at lumabas nga sa date na nakunan yung picture by February 17, 2010, 2 years ago yun, at yun yung mga panahon bago nawala ang totoong Terrence Yong...

nakipagkita si Lee Gak sa b-in-asted niyang si Park Ha sa isang cafe yata (ang kapal ng mukha).. ginusto kasi ng prinsipe na makita at ma-analyze ulit yung postcard na bigay ni Terrence sa dalaga.. itinanong niya kung paano iyon nakuha ni Park Ha, sinabi naman ng babae na iniabot lang yun ng isa niyang katrabaho sa bar kaya hindi talaga siya sigurado kung kay Terrence nga ba galing iyon.. base sa tantsa niya, mga February 17 niya natanggap yung postcard (bale kaparehong araw kung kailan nakunan yung mga pictures ng mag-pinsan-sa-labas na nasa cellphone ni Terrence).. sinabi ni Park Ha na kung nagkataon na nag-meet nga sila ng totoong Terrence eh posibleng naging magkaibigan pa sila, kaso eh pinaasa lang siya nito at sinayang ang oras niya.. nasabi naman ni Lee Gak na malamang hindi naman sinadya ng binata na hindi siya siputin, na posibleng noong araw na magkikita dapat sila ay namatay na si Terrence.. nagulat naman ang dalaga sa konklusyon ng kamahalan.. hindi pa daw alam ng kamahalan kung ano nga ba ang totoong nangyari noon pero malalaman rin daw niya ito.. posible daw na nakatadhana talagang magkita sina Terrence Yong at Park Ha sa hinaharap (pero bakit hindi niya naisip na siya nga yung tumatayong kahalili ni Terrence, mas iniisip niya kasi yung nangyari sa kanya at sa prinsesa niya sa past?).. habang nag-uusap yung dalawa eh pamisteryosong nag-glow naman yung paru-paro sa sketch sa postcard...

matapos si Park Ha, ay si Dir. Pyo naman ang kinunsulta ni ala-Terrence tungkol sa mga hinala ng nakatatanda.. naitanong niya kung kailan ba siya nawala, February 18 daw ay ipinapahanap na nila si Terrence sa mga pulis, napag-alaman rin nila na nag-rent ang binata ng yate noong araw ding iyon.. February 17 naman daw ang dating dapat ni Tommy sa New York, subalit iginigiit nito na hindi sila nagkita noon ni Terrence (na taliwas na doon sa ebidensya na makikita sa cellphone).. (bale sa tulong nung mga statement nina Park Ha at Dir. Pyo ay mas lumalakas na ang paghihinala ni Lee Gak sa pinsan-sa-labas ng totoong Terrence).. pero sabi ng Director ay mahalaga muna na makahanap sila ng matibay na ebidensya laban kay Tommy (hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa ipinakita ni ala-Terrence yung ebidensya na nasa cellphone ng totoong tagapagmana)...

nag-inuman sa isang bar ang mag-pinsan-sa-labas.. ipinahiwatig ni ala-Terrence na dahil madalas niyang makasama ang mga taong dapat niyang makita, ay unti-unti nang bumabalik ang memorya niya, subalit masasamang alaala lang ang mga ito.. natanong niya kay Tommy kung naniniwala ba ito sa tadhana, sabay kuwento ng tungkol sa nakatadhana sanang pagkikita ng isang lalaki at babae subalit may humadlang dito at may nangyari sa lalaki kung kaya hindi na nagkita ang dalawa (malamang yung pagkikita dapat nina Terrence at Park Ha ang nasa isip niya), hindi daw matanggap ni ala-Terrence ang nangyaring iyon.. natanong niya kay Tommy kung ano ba yung huli nilang napag-usapan noong nasa New York pa siya at bago siya nawala, nagsinungaling naman ang pinsan-sa-labas at sinabi na nasa Seoul pa siya noong mga panahon na iyon at sa tawag lang sila nagkakausap ni Terrence.. sunod namang itinanong ni ala-Terrence kung sa New York ba ay nakapunta na sila sa isang bar gaya ng kinaroroonan nila ngayong, at unti-unting bumalik kay Tommy yung mga alaala niya ng pagkikita nila ni Terrence sa US.. todo tanggi at pag-i-imbento pa rin ng kuwento ang ginagawa ng salbaheng pinsan sa bawat pahiwatig ni ala-Terrence.. nasabi tuloy ng nagpapanggap na tagapagmana, na tila iba yung mga bumabalik sa kanyang mga alaala kumpara sa mga ikinukuwento ng pinsan niya sa labas.. naulit rin ni ala-Terrence na may naaalala siyang nag-usap sila noon sa yate o baka naman guni-guni niya lang iyon, gayong sinasabi ni Tommy na tinatawagan lang siya nito noong mga panahon na iyon (wala talagang ebidensya si Lee Gak tungkol doon sa pagsakay ng magpinsan sa yate, pero assumption niya lang iyon base na rin sa hinala ni Dir. Pyo at sa mga kaduda-dudang pagsisinungaling ng pinsan-sa-labas ni Terrence).. hina-hunting na talaga si Tommy ng alaala ng nagawa niyang krimen.. muli itinanong sa kanya ni ala-Terrence kung nagkita ba sila o hindi sa New York bago siya nawala.. nabadtrip na si Tommy at pinaparatangan na niya ang pinsan na nababaliw na ito.. sa huli ay talagang itinanggi pa rin ni Tommy na nagkita nga sila ni Terrence sa New York.. natawa naman sa sagot niya si ala-Terrence, nagsisinungaling daw siya dahil sinabi niyang 'hindi', pero kung 'oo' naman ang isinagot niya ay mangangahulugan naman na mamamatay tao siya (trick question dahil lang may ideya na si Lee Gak sa totoong sagot).. paasar tuloy niyang tinanong ang salbaheng pinsan-sa-labas kung alin nga ba ito dun sa dalawa.. magwo-walkout na sana si Tommy nang patutyadahan pa siya ni ala-Terrence, ang dalawang klase daw kasi ng tao na nabanggit niya ay iisa lang - ang sinungaling at ang mamamatay tao (direktang patama iyon kay Tommy dahil pareho niya talagang nagawa ang mga pagkakamaling iyon).. napuno na tuloy si Tommy sa mga sinabi ng nagkukunwaring si Terrence.. muli niyang nilapitan si ala-Terrence at binalaan ito, mag-ingat daw ito dahil hindi niya alam kung ano ang kaya niyang gawin, pagsisisihan daw nito ang mga sinabi nito sa kanya, sisiguraduhin daw niyang mapapabagsak niya ito at hindi na muling makakabangon...

sa Office.. magkakasalubong sana sa may spiral staircase sina ala-Terrence at Park Ha.. medyo wala sa sarili yung dalaga dahil naiisip niya yung pagka-basted sa kanya ng prinsipe, kaya naman aksidente siyang natapilok sa pagbaba sa hagdan.. nakita ito ni ala-Terrence at tila nag-alala na naman siya, pero agad namang tinulungan si Park Ha ng isa pang staff na nakakita sa kanya bago pa man makagawa ng aksyon ang prinsipe.. kalalabas lang ni ala-Terrence sa kuwarto ng mga empleyado kung saan tumitigil si Park Ha, nakita siyang lumabas mula dito ng dalaga.. paikay-ikay pa ang lakad ng babae, pero pagkapasok niya ay na-realize niya na nag-iwan pala ang kamahalan ng gamot para sa kanya...

sabay na umuwi sa Rooftop sina Lee Gak at Park Ha.. bago pa man makapasok sa bahay ay kinausap na ng babae ang prinsipe.. naiinis na daw siya sa ugali nito at hindi na rin niya ito maintindihan.. nasabi ng dalaga na ano ba daw sa tingin ng prinsipe ang iisipin niya dahil binilhan pa siya nito ng gamot.. sumagot naman ang kamahalan na huwag bigyan ni Park Ha ng kahulugan ang lahat ng bagay, dahil masasaktan lang siya.. nahihirapan na daw ang babae na hindi siya mahalin, ano ba daw ang dapat niyang gawin, iba daw kasi ang ipinapakita ng prinsipe sa sinasabi nito, naguguluhan na daw talaga siya kaya gusto niyang malaman ang totoo, bakit daw hindi niya ito pwedeng mahalin samantalang nagagawa naman ng lalaki ang lahat ng gusto nito.. (sobrang unfair nga naman nun, pero siguro eh dahil concern rin siya para sa dalaga since may nararamdaman na rin siya para dito, pero bakit hindi niya ito niyaya na maging kalaguyo na lang niya? LOL! hindi niya rin ito nagawang hayaang umalis na lang noon dahil ang totoo eh makasarili siya).. pinaupo ni Lee Gak si Park Ha upang mas makapag-usap silang dalawa.. inamin ng kamahalan na may asawa na kasi siyang prinsesa sa Joseon, at nabanggit ni Park Ha na naikuwento na nga yun sa kanya nung mga alalay, at na ang tinuturing niyang stepsister na si Sena ang naging reincarnation ng prinsesa sa panahon niya.. ikinuwento naman ng prinsipe nang detalyado ang naging paglalakbay nilang 4.. 5 days bago sila mapadpad sa future, ay nadiskubre nila ang patay na katawan ng prinsesa, at nangako siya na bibigyan niya ito ng hustisya.. simula noon ay masigasig na silang nag-imbestiga upang malaman kung ano ba ang totoong nangyari.. sa hindi nila maipaliwanag na dahilan ay napadpad na lang silang 4 sa hinaharap, 300 years mula sa panahon nila.. sa panahon na yun ay nakita nila si Sena na reincarnation nga daw ng prinsesa, at dahil sa paniniwala nila na mauulit ang mga nangyari sa nakaraan sa panahon na iyon, ay posibleng makakita daw sila ng clue tungkol sa kung ano ang nangyari sa prinsesa sa panahon nila kung sakaling mapapakasalan niya si Secretary Hong.. sigurado daw si Lee Gak na meron ring magtatangka sa buhay ni Sena gaya ng nangyari kay Prinsesa Hwa Yong.. sigurado rin daw siya na may dahilan kung bakit sila napadpad sa panahon nina Park Ha.. malulutas daw nila kung sinong pumatay sa prinsesa at kung anong dahilan nito, kapag nagkaganun ay matatapos na rin ang kanilang misyon, at makakabalik na rin sila sa sarili nilang panahon.. yun ang dahilan kung bakit naisipang magpanggap ni Lee Gak bilang Terrence - upang mapalapit siya sa sekretarya.. poprotektahan daw niya si Sena upang hindi na maulit ang mga nangyari sa nakaraan.. yun ang dahilan kung bakit kailangan niyang pakasalan si Sena...

---o0o---


RTP-32
sunog!

niyaya ni Sena si ala-Terrence na mag-meet sa isang cafe.. pagdating ng lalaki eh tila hindi naman ito masyadong excited at nagmamadali pa nga na tinanong ang sinusuyo niyang babae kung ano ba ang mahalaga nitong sasabihin sa kanya.. patampo tuloy siyang nasabihan ng sekretarya na parang hindi naman niya gusto na makita ito, sabay bawi naman ng binata na sinabing masaya nga daw siya kapag nakakasama niya ang dalaga.. nakakahiya man daw na sa kanya manggaling, pero nais na daw ni Secretary Hong na magpakasal na sila ng nagpapanggap na tagapagmana.. parehas naman daw kasi sila ng nararamdaman, kaya bakit pa nila patatagalin.. sa punto palang na iyon talagang nakita ang kasiyahan sa mukha ni ala-Terrence, at nagpasalamat siya sa babae (siguro dahil misyon pa rin ang tingin niya sa ginagawa niya).. nag-shake hands pa ang dalawa hoping for a brighter future, tapos ay napagkasunduan rin nila na silang dalawa na mismo ang magsasabi ng magandang balita nila para kay Lola Chairman...

ibinalita na nina ala-Terrence at Secretary Hong sa pamilya ni Terrence ang balak nila.. pero kahit na natutuwa yung dalawang matandang babae, eh nais ng Lola Chairman na ma-engage muna ang dalawa sa halip na kasal upang mas makapaghanda naman ang mga ito.. nag-comment pa sila na iba na talaga ang mga kabataan sa panahon ngayon, ilang araw pa lang na nagde-date at kasal na agad ang gusto.. sinabihan rin ng Lola Chairman na 'Sena' na lang ang itatawag niya sa sekretarya at 'Grandma' na rin lang ang itatawag sa kanya nito.. andun din si Exec. Yong, at hindi ko malaman kung naaasar ba siya o natutuwa dahil sa ibinalita ng dalawa (siguro tingin niya na napaka-desperada na ni Secretary Hong para patulan si ala-Terrence matapos ang pakikipaghiwalay nito kay Tommy o di kaya ay iniisip niyang magagamit niya iyong kasal laban sa mga lehitimong Yong)...

nalaman ni Tommy na ikakasal na si Sena mula mismo sa Papa niya, at galit na galit ang binata.. sinabihan ito ng ama na hindi pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa pagkakaroon niya ng relasyon sa sekretarya na inaakala niyang anak lang ng isang mahirap na tindera sa palengke (kung alam lang niya na isa sa mga tagapagmana ni Chairman Jang ang inaapi niyang empleyado, eh malamang maghabol silang mag-ama kay Secretary Hong).. nakabuti pa daw sa kanila ang nangyari, at ang kailangan daw ay ang mauna si Tommy na maikasal kumpara kay ala-Terrence.. tila hindi na iniintindi ng anak ang mga sinasabi sa kanya ng Papa niya, at agad itong lumabas ng opisina upang makausap si Secretary Hong.. nakita nito ang dalaga at tinanong kung totoo ba ang nabalitaan niya, sinabi naman ni Sena na gusto na niyang kalimutan ang naging relasyon niya kay Tommy.. sinabi rin ng babae na masaya na siya, at hindi na ito babalik sa dating nobyo kahit ano pa ang gawin nito.. saktong nakita naman ni ala-Terrence na magkausap ang dalawa.. sinabi ni Tommy sa babae na hindi siya papayag na mawala ito sa kanya, at pagsisisihan nito kapag nagpakasal siya.. dumiretso si Tommy sa direksyon ng pinsan niya, saglit na tumigil sa harapan nito, tapos ay saka binangga sa may balikat si ala-Terrence.. nagulat naman si Sena na makita si ala-Terrence.. nilapitan ni ala-Terrence si Secretary Hong upang kumustahin, tila masama daw kasi ang timpla ni Tommy, at mukhang nagalit pa ito sa sekretarya.. nagkunwari naman ang babae na may nagawa lang siyang pagkakamali, at dahil dun ay pinagsabihan siya ng boss niya...

sa bahay ni Susan.. inamin ni Sena sa kinagisnan niyang ina na may boyfriend na siya, at ibinalita rin nito ang tungkol sa engagement nila.. ipinagmalaki niya na apo ng Chairman ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya iyong lalaki, kaya naman napahanga dito ang Mama niya.. pero sinabi rin ng anak na hindi nila kilala at wala silang alam tungkol kay Susan, at saka na lang daw niya ito ipakikilala sa pamilya nung lalaki pagdating ng tamang panahon.. sinabi naman ng matanda na naiintindihan niya ang nais sabihin ng anak, pero mababakas naman ang lungkot sa mukha niya (na para bang alam na niya na ikinahihiya siya ng taong itinuring niyang parang totoo na niyang anak)...

inimbitahan ni Park Ha ang Stepmom niya na kumain at uminom sa labas.. tamang-tama naman daw ang timing ng stepdaughter niya dahil may balak rin siyang mag-inom at magpakasaya mag-isa.. naitanong ng nakatatanda kung bakit hindi nagustuhan ni Park Ha yung inireto nitong ka-blind date sa kanya, sumagot naman ang dalaga na hindi lang talaga ganun yung tipo niyang lalaki.. naitanong rin ni Susan kung alam na ba ni Park Ha ang balita tungkol kay Sena, at um-oo naman ang dalaga.. sinubukan tuloy alamin ni Susan kung ano bang klase ng lalaki yung boss ng mga stepdaughter niya.. nagkunwari naman si Park Ha na hindi niya alam at na hindi niya gaanong kilala ang boss nila, at sumang-ayon rin naman ang Stepmom niya since hindi naman daw basta nakikipagkaibigan ang mga boss sa mga empleyado nila.. tila nasaktan si Park Ha sa narinig niya kaya napalakas ang inom nito ng alak.. nasabi ni Susan na mabuti na lang daw at nandiyan si Park Ha sa tabi niya kaya kahit papaano ay nakakalimutan niya ang mga problema.. uminom na lang nang uminom ang mag-ina at nagsusubuan pa ng pulutan (nakakatuwa na mukhang mas close silang dalawa kahit na ilang taon pa lang naman talaga silang magkakilala, ni hindi naman kasi talaga sila nagkakasama sa isang bahay, patunay lang na mababait na tao talaga yung mag-Stepmom).. matapos mag-inuman ay si Susan pa pala ang nagbayad ng bill, kahit na si Park Ha naman yung nagyayang lumabas sila.. sinabi naman ng Stepmom na siya ang ina kaya dapat lang na siya ang manlibre sa anak.. dahil pareho nang nakainom, nag-aalala si Park Ha sa pag-uwi ng Stepmom niya, sinabi naman ni Susan na huwag na siyang alalahanin nito dahil kaya naman niya, kaya binilinan na lang ni Park Ha ang nakatatanda na mag-ingat sa pag-uwi.. bago tuluyang maghiwalay, pinagmasdan ni Susan ang nakatalikod nang si Park Ha.. tinawag niya ang pangalan nito, at nang lumingon na ay niyakap siya ng matanda na nagsimula nang humagulgol (siguro dahil sa sama ng loob kay Sena), at nag-iyakan na ang mag-ina-inahan...

sa Rooftop yata, sa loob ng bahay, medyo madilim.. pinagmamasdan ni Lee Gak yung Lotus habang parang nag-iisip ng malalim.. naalala niya yung mga sinabi ni Park Ha tungkol sa feelings nito, at kung paanong hindi nagiging patas sa kanya ang prinsipe.. inilagay ni Lee Gak yung Lotus sa may labas ng bahay nila, doon sa may table sa Roopftop.. pinagmasdan niya yung malaking parang billboard ng beach na may palm trees na binili niya para sa dalaga, at naalala niya yung naikuwento sa kanya ni Park Ha tungkol sa beach at palm trees.. saktong dating ng parang lasing nang dalaga.. binati nito ang kamahalan, at naitanong naman ng lalaki kung nakainom ba siya.. pabalang naman na sumagot ang babae na, oo, bakit magagalit ba siya, na hindi na siya pwedeng uminom puwerket yun ang gusto ng kamahalan.. maluha-luha ang mga mata na nasabi ni Park Ha sa prinsipe na sa laki at sa dinami-rami naman ng lugar sa Seoul, eh bakit sa Rooftop pa niya sila napadpad, siya na daw yata ang pinakamalas na tao sa lahat.. tila na-guilty naman si Lee Gak dahil sa mga nasabi ng dalaga...

sa Office.. nagpasama si Man Bo kay Park Ha sa warehouse para magpatulong sa inaasikaso ng grupo nila na project.. nagpapagaling pa kasi si Chi San, at si Yong Sul naman ang nagbabantay dito.. sinabi naman ng dalaga na ayos lang dahil natapos na naman niya ang kanyang mga gawain.. nakasalubong sila ni ala-Terrence at nalaman nga niya na nagpapatulong sa babae si Man Bo, at humingi ng pasensya ang prinsipe dahil parati na lang nilang pinahihirapan si Park Ha.. sinabi naman ng babae na huwag niya itong intindihin dahil gusto niya rin namang tumulong, sabay alis na.. nagpaalam na rin si Man Bo para pumunta nga sa warehouse...

sa warehouse.. nag-aayos ng mga kahong-kahong gamit sina Park Ha at Man Bo.. may isang outlet na may nakasaksak na nagsimulang magdidiklap, hindi naman ito napapansin nung dalawa.. napansin nila na parang may kulang sa mga dala nila kaya pansamantalang umalis si Man Bo para asikasuhin ang mga iyon, at aksidente naman niyang nai-lock yung pinto ng warehouse sa paglabas niya.. sumiklab na yung nakasaksak sa outlet at nagsimula na ang sunog sa loob ng warehouse.. pagbalik ni Man Bo ay nagtaka siya kung bakit hindi na niya mabuksan ang pinto, at nang i-check niya ay naka-lock na nga ito at meron na ngang usok na lumalabas mula sa puwang sa ilalim ng pinto.. sinubukan niyang tawagin si Park Ha subalit hindi ito sumasagot.. tumawag na ng saklolo si Man Bo at may dumating naman na mga security yata, at agad namang tumawag ng bumbero ang mga ito.. sa loob naman ng nasusunog na warehouse ay nagpa-panic na si Park Ha, takot na takot siya, at nagsimula na ring may magbagsakang mga bagay sa paligid niya, napatigil na lang siya at naupo sa isang sulok, habang unti-unting nauubusan ng hangin...

sa isang lugar.. nag-uusap sina ala-Terrence at Secretary Hong tungkol sa target nilang product, marami daw ang naghahabol dito kaya kailangang sila ang makakuha dun.. at nang magsisimula na ang meeting nila sa mga target na kasosyo, ay nakatanggap naman si ala-Terrence ng tawag mula kay Man Bo.. nag-sorry siya sa mga ka-meeting nila at agad na umalis (paano siya nakapag-English?)...

sa nasusunog na warehouse.. gusto sanang tulungan ni Man Bo si Park Ha na nasa loob pa rin, subalit pinipigilan siya ng mga security na nagmamakaawa na maki-cooperate naman ang mga tao at ipaubaya na lang sa mga eksperto ang sitwasyon.. nakarating na rin si ala-Terrence sa warehouse, at naunahan pa nga niya ang mga romespondeng mga bumbero.. agad pumasok sa nasusunog na gusali ang nag-aalalang prinsipe upang hanapin si Park Ha.. sumigaw siya nang sumigaw, pero hindi naman makasagot na ang babae.. narinig pa yata ito ng dalaga nang isigaw niyang 'andito na ako, Park Ha'.. subalit tuluyan nang nawalan ng malay ang babae dahil sa suffocation...

---o0o---


RTP-33
mga nagbabalik na alaala.. unang sighting sa pagkakahawig nina Park Ha at Bu Yong.. lalandiin na ni Lee Gak si Park Ha.. ang pamamangka sa dalawang ilog.. (sadista talaga 'tong prinsipe na 'to)...

balik sa nasusunog na warehouse.. sa wakas natagpuan na rin ni ala-Terrence si Park Ha sa loob ng nasusunog na gusali.. alalang-alala ito na pilit ginigising ang babae.. binuhat na niya ito palabas sa nasusunog na lugar, at tinakpan niya ang ilong at bibig ng babae nung panyo niyang may burda.. agad inasikaso ang babae ng mga rescuer at isinakay na siya sa stretcher.. sasama pa sana ang kamahalan sa pagdadala kay Park Ha, pero saka lang niya naramdaman yung resulta ng ginawa niya, napatigil siya, nag-uubo at inasikaso naman siya ni Man Bo...

sa Rooftop.. mabuti na lang daw at hindi nasunog si Park Ha sabi ng prinsipe.. pinainom siya ng kamahalan ng gamot, nagkomento pa ang babae na mapait daw ito, tapos ay pinanguya rin siya nito ng Park Ha candy.. matapos nun ay sinabi ni Park Ha na ayos na ang pakiramdam niya kaya magpahinga na rin dapat si Lee Gak.. bago naman makaalis, ay naalala ng dalaga na isauli yung panyong may burda sa prinsipe, nalaglag ito habang iniaabot niya sa lalaki, at pumatak sa may mukha niya na natatakpan ang kanyang ilong at bibig.. tila bigla namang may naalala kay Park Ha ang prinsipe.. natanong ito ng babae kung bakit bigla yata siyang natigilan, at sumagot naman si Lee Gak na wala naman, at na may trabaho pa siyang gagawin.. pinayuhan niya ang babae na magpahinga muna at huwag babangon, at umalis na siya...

inis na inis si Sena.. si Man Bo naman ay naroon pa rin sa pinangyarihan ng sunog.. tinawagan ng sekretarya si Man Bo upang tanungin ito kung bakit niya tinawagan kanina si ala-Terrence, na naging dahilan ng bigla nitong pag-alis sa contract signing nila.. at nalaman nga niya na may nangyaring masama sa itinuturing niyang stepsister.. dahil dito nagsumbong ang malditang sekretarya sa Lola Chairman.. sinabi niyang si Park Ha mismo ang tumawag kay ala-Terrence, kaya umalis agad ito, na naging dahilan sa pagka-terminate ng contract sana nila.. galit na galit ang Lola Chairman na sinisisi ang inosenteng babae sa nangyaring pagkabigo ni ala-Terrence sa kanyang project.. pinapunta rin ng Lola ang nagpapanggap niyang apo sa Office...

nagmamadaling bumalik sa Kompanya si ala-Terrence.. nakasabay niya sa elevator si Dir. Pyo at nasermonan siya ng kanyang tumatayong mentor.. hindi daw siya dapat umalis habang nasa contract signing, babawi na lang daw ang binata sa susunod pero wala na daw susunod na pagkakataon dahil yun na mismong project nila na iyon ang pagbabasehan kung nararapat pa ba siyang manatili sa Kompanya.. dahil sa pagpalpak niya ay mayroon na daw tuloy alas si Tommy na magagamit para mapatalsik siya sa Kompanya...

sa Office ng Lola Chairman.. galit na galit ang matanda sa kanyang tinuturing na apo.. hinahanap nito kay ala-Terrence si Park Ha, at naulit nga ng binata na nagpapahinga ito sa bahay nila (ni hindi na pinakinggan ng nakatatanda kung ano ba ang totoong nangyari sa dalaga).. lalo itong nagalit na malaman na nakatira pa rin si Park Ha sa Rooftop kasama ng kanyang apo, sigurado naman daw na alam na rin ng dalaga ang tungkol sa engagement ng apo niya at ni Secretary Hong, sinabihan nito si ala-Terrence na sa Mansyon na lang ito tumira kasama nila, pero iginiit ng nagpapanggap na apo na napagkasunduan na nila ang tungkol sa bagay na iyon dati.. dahil dun naisip ng matanda na si Park Ha na lang ang paaalisin nila sa Rooftop house, siya na daw ang bahalang kumausap dito, bibisita daw siya sa Rooftop mamaya kaya sabihan niya daw ang dalaga na huwag itong aalis ng bahay, at hindi naman nakatanggi pa si ala-Terrence sa gusto ng kanyang Grandma...

sa labas kumain yung 5.. nag-aalala sina Man Bo pati na rin si Yong Sul dahil sa pinagdaanan ni Park Ha, mukhang nanghihina pa daw ito, kaya naman dinagdagan pa nina Man Bo at Yong Sul ang chicken ng babae ng galing sa share nila.. nagparamdam naman si Chi San na hindi lang naman daw si Park Ha ang nanghihina dahil siya man ay kagagaling din lang sa isang operasyon.. dahil dun, si Prinsipe Lee Gak na ang umalo at nagdagdag ng chicken para sa kanyang eunuch.. kinumusta rin ng kamahalan ang kalagayan ni Chi San, at sinabi nito na hindi naman daw nasakit yung inopera sa kanya basta't hindi siya tatawa.. dahil sa narinig, kinulit naman ito nang kinulit ni Yong Sul sa pamamagitan ng pagpapatarak ng kanyang mga mata (parang tinititigan ng taong purong puti lang ang mga mata at walang iris), maging si Man Bo ay nakikitawa sa pagbibiro ng bodyguard, kaya hindi naiwasan ni Chi San na tumawa nang tumawa, na parang inaalalayan niya dahil nga kaoopera lang niya.. tumawa na rin si Park Ha dahil sa nakikitang pagkukulitan nung 3, at noon na lang siya ulit nakitang masaya ng prinsipe, kaya napangiti na rin ang kamahalahan.. pagkatapos kumain, nagdesisyon sina Man Bo at Yong Sul na mag-iinom pa sila, pinauna na nila si Park Ha na umuwi dahil kailangan daw nitong magpahinga pa, sumama naman si Chi San na binilinan ng dalaga na bawal pang uminom ng alak, hindi naman ito iinom at sinabihan niya yung dalawa na sasama siya basta't huwag siyang patatawanin ng mga ito.. pero bago pa man tuluyang makalayo ang 3 eh pinatawa na nang pinatawa nung dalawa ang kawawang si Chi San gamit ang tarak-mata teknik ni Yong Sul, sinubukan niyang magsumbong at humingi ng tulong sa prinsipe, pero binitbit na siya nung dalawa sa kanilang pupuntahan.. natawa naman sina Lee Gak at Park Ha dahil sa kakulitan nung 3...

pauwi na sana sina Lee Gak at Park Ha sa Rooftop.. pero nakaabang pala ang Lola Chairman sa may daan.. sinusubukan itong kumbinsihin ng kapatid niyang si Mary na huwag nang maghintay doon sa labas, pero ayaw makinig ng mas nakatatanda.. nakita sila ni Lee Gak, kaya agad niyang pinigilan si Park Ha na umuwi, nakita rin naman ng dalaga ang pamilya ni ala-Terrence, kaya inamin na ni Lee Gak sa babae na galit na galit ang Lola Chairman sa dito dahil iniisip ng matanda na kasalanan nito kaya hindi napirmahan ang kontrata.. makakabuti daw na umiwas siya at hindi na muna magpakita sa Grandma ng binata...

habang naglalakad-lakad, mukhang naikuwento na ni Lee Gak sa babae ang mga nangyari.. nag-sorry si Park Ha dahil sa pagka-cancel sa contract signing ng nagpapanggap na tagapagmana, sinabi naman ni Lee Gak na siya ang dapat na humingi ng tawad dahil hinayaan niyang pumunta sa lugar na pinangyarihan ng aksidente si Park Ha nang wala namang dahilan.. nagpasalamat naman ang babae dahil pumasok lang lalaki sa nasusunog na warehouse para lang iligtas siya, sinabi naman ni Lee Gak na siya ang dapat na magpasalamat sa dalaga dahil muli na niya itong nakitang tumawa.. natanong ni Park Ha kung bakit naman daw kailangan pang ipagpasalamat yung pagtawa niya, at sumagot ang prinsipe na tila daw kasi hindi na nakakatawa ang babae nang dahil sa kanya.. parang nainis naman si Park Ha na sinabing ano ba daw, laruan ba siya na pwedeng utusan ng prinsipe kung kailan niya lang ito gustong tumawa.. hindi naman talaga iyon ang ibig sabihin ng lalaki, kaya nasita niya na nagsusungit na naman sa kanya ang dalaga...

naupo muna sila sa isang lugar para tumambay.. naitanong ni Lee Gak kung naaalala pa ba ng babae yung mga nasabi nito sa kanya nung huling beses na umuwi ito nang lasing.. naalala nga iyon ni Park Ha, pero todo deny naman siya na sinabi nga niya ang mga bagay na iyon, ibinida pa niya na hindi pa nangyari sa kanya na may hindi siya maalala kapag nakakainom siya.. inulit tuloy sa kanya ni Lee Gak yung eksaktong mga sinabi niya noong gabing iyon.. dahil daw sa mga sinabi ni Park Ha ay nakapag-isip-isip rin siya kung bakit nga ba sa Rooftop pa niya sila napadpad, at totoo naman daw na nagdala nga sila ng mga problema sa buhay ng dalaga, kaya humingi siya ng tawad para sa mga nangyari.. nabanggit tuloy ni Park Ha na mas maganda siguro kung sa bahay ng isang mayaman na lang sila napadpad para naging maginhawa naman ang buhay nila.. agad naman itong kinontra ng kamahalan, na nagsabing swerte nga daw sila sa nangyari at si Park Ha lang ang minalas sa kanila.. dahil dun, nag-sorry si Park Ha na nasabi niyang minalas siya dun sa 4, nagtaka tuloy si Lee Gak dahil nauna nang nasabi ng babae na wala siyang natatandaan na may sinabi siyang ganun, at nagpalusot na lang ang dalaga na nag-so-sorry lang siya kung sakali lang na may nasabi nga siyang ganun.. nag-text na si Chi San sa prinsipe upang sabihan ito na wala na ang Lola Chairman sa bahay nila.. nagsinungaling naman ang lalaki at sinabi kay Park Ha na andun pa daw ang Lola niya at galit na galit pa rin ang itsura nito, kaya hindi pa siya pwedeng umuwi.. naniwala naman ang dalaga, at napangiti si Lee Gak (na parang may binabalak)...

naisipan naman na kumain ulit (?) ng dalawa.. may pinakita pang teknik si Park Ha na pinaghahalo yung drinks, Coke yung isa, tapos nasa green na bote naman yung isa pa (ewan ko lang kung Sprite yun o alak).. napansin ni Park Ha na parang taga-doon na talaga ang prinsipe sa panahon nila base sa mga kilos nito, noong una na daw kasi ay wala pang alam ang mga ito, tapos ay tumawa nang tumawa ang dalaga, inakala daw kasi niya na baliw talaga ang Joseon 4 noong una silang magkakila-kilala.. naasar ang prinsipe sa sinabi niya, kaya nagsimulang mag-asaran ang dalawa tungkol sa mga nangyari sa nakaraan, na masyadong maingay ang bunganga ni Park Ha, na kesyo gustung-gusto nang saktan ni Yong Sul ang dalaga kung hindi lang ito pinipigilan ng prinsipe (na hindi naman pinaniwalaan ni Park Ha), bumawi naman ang babae na sinabing cry baby ang kamahalan dahil dun sa insidente kung saan nasugatan ang daliri nito, sinabihan rin nito ang lalaki na nakakainis yung ganung ugali, hanggang sa aksidenteng isumbat na ni Lee Gak na nagawa niyang magsayaw na parang baliw sa kalye at magsuot ng custome ng Panda para lang maibenta noon ang mga strawberries ni Park Ha.. nasorpresa naman ang dalaga sa nalaman niya, maging si Lee Gak ay nagulat na inamin pa niya iyon, kung ganun ay hindi daw pala si Becky iyon, pero hindi daw niya talaga napansin ang ginawa na iyon ng prinsipe.. sinabi naman ni Lee Gak na hindi lang niya masabi kay Park Ha ang tungkol dun dahil sa tingin nito, habang minumustra kung paano makatingin sa kanya ang babae.. matapos yun ay pinuri naman ni Lee Gak ang dalaga, na inaamin niyang naging maganda ito nung huli nitong blind date.. hindi naman ito sineryoso ng dalaga, matapos daw kasing mang-asar ng lalaki, ay pinupuri naman siya nito.. bumawi rin naman si Park Ha at sinabing g-um-wapo ang kamahalan nang kahit kaunti lang nang ipagupit na nito ang mahaba at puro patay nitong buhok, sinabi naman ni Lee Gak na hindi iyon dahil sa buhok dahil sadya namang magandang lalaki na siya.. masyado naman daw itong feeling sabi ng dalaga.. muling nag-text si Chi San sa kamahalan upang tanungin kung bakit hindi pa sila umuuwi.. nagsinungaling ulit si Lee Gak na sinabing nasa bahay pa rin nila ang Lola Chairman at desidido itong hintayin si Park Ha, kaya nagyaya na muna itong pumunta na muna sa ibang lugar...

naglakad-lakad lang ang dalawa.. walang usapan.. at habang naglalakad nga, ay bumalik sa kanila ang mga alaala ng kanilang mga pinagsamahan simula nang sila'y magkakilala.. nagkatinginan sila at medyo napangiti sa isa't isa.. (loko talaga 'tong prinsipe na 'to)...

---o0o---


RTP-34
preparation para sa paglayas sa Rooftop...

nagpalipas ng oras sina Lee Gak at Park Ha sa sauna.. napansin ng dalaga na hindi naman makatulog nang ayos doon ang prinsipe, kaya kailangan na daw nilang umuwi.. patuloy pa ring nagkunwari ang kamahalan tungkol sa paghihintay sa kanila ng kanyang Grandma, natanong ng babae kung hindi ba nagugutom ang Chairman, at sinabi naman ng prinsipe na tiyak na nagpa-deliver na yun ng pagkain, kaya naisip ni Park Ha na nagsisinungaling lang ito.. nabuking na si Lee Gak, at sinabi nito na madali kasing utuin ang babae.. kung ganoon daw, ay kanina pa pala niyang niloloko si Park Ha, napakasinungaling daw talaga ng prinsipe.. naalala tuloy ng dalaga yung balloon trick na ginawa niya noon sa kamahalan, at inamin niya na nagsinungaling lang siya na matamis yung hangin na laman ng loob, napaka-engot daw ni Lee Gak at palaging nagpapaloko sa dalaga.. napansin ni Park Ha na nakatulog na pala ang prinsipe.. nilagyan niya ito ng towel sa may ulunan para gawing unan, pagkatapos ay sinubukan niyang hawakan ang mukha nito, pero nag-hesitate siya at hindi na itinuloy ang balak niyang gawin.. napanaginipan naman ni Lee Gak ang ilang conversation nila ni Bu Yong, parang may kinalaman sa literary arts yung dini-discuss nila eh.. biglang nagising ang prinsipe, at wala sa paligid niya si Park Ha.. napaisip siya kung bakit nagpapakita sa kanyang panaginip ang kanyang hipag.. bumalik si Park Ha na may dalang inumin para sa kanilang dalawa, pagkatapos daw nun ay uuwi na sila.. napatitig naman ang kamahalan sa dalaga (siguro dahil nga napansin na niya na may pagkakahawig nga ito sa hipag niyang si Bu Yong)...

inumaga na sila ng uwi.. sa may labas ng bahay ay nakita nila si Secretary Hong, nalungkot naman si Sena na makita na magkasama ang dalawa.. akala daw ng sekretarya ay sasamahan siya ni ala-Terrence para maghanap ng dress na gagamitin para sa engagement nila.. humingi ng paumanhin ang lalaki at sinabi na nakatulog lang siya, nagpahintay siya kay Sena, at agad na pumasok nang bahay upang magpalit.. nilampasan lang ang malditang sekretarya ni Park Ha, at nainis naman sa kanya si Sena...

sa Rooftop.. nag-aayos na ng mga gamit si Park Ha, parang nakapag-decide na siya sa kung anong dapat niyang gawin.. nakita niya yung Raddish Doll at naalala niya kung paano nila iyon nakuha ni Lee Gak, inilagay niya ito sa isa sa mga kahon...

sa Kompanya.. kino-congratulate ng mga tao (mga board members siguro) ang mag-amang Yong, tuwang-tuwa ang mga ito kay Tommy dahil napataas nito ang kanilang revenue.. nagsimula na ang board meeting tungkol sa kung anong dapat gawin kay ala-Terrence, naulit ng mga kasama sa meeting ang mga negatibong issue tungkol kay ala-Terrence, gaya nung sinasabi ng mga tao na may deperensya ito sa pag-iisip (siguro naman yung memory loss lang ang nais nilang sabihin), at na di puwerket kadugo siya ng Lola Chairman ay siya na ang magmamana ng Kompanya.. naulit naman ni Dir. Pyo na isa rin sa mga kailangan nilang isaalang-alang ay yung fact na nakapagligtas si ala-Terrence ng buhay ng isang tao, dahil dito iminungkahi ni Tommy na bigyan pa nila ng isa pang pagkakataon si ala-Terrence (na tila kumpiyansa siya na hindi pa rin naman ito magtatagumpay sa susunod)...

sa Office ng Lola Chairman.. napagalitan ng Lola ang nagpapanggap na apo dahil sa pagkapahiya niya sa meeting nang dahil dito.. ibinalita rin niya kay ala-Terrence na tinulungan siya ni Tommy na mabigyan pa ng isang pagkakataon upang patunayan ang kanyang sarili para sa Kompanya, sana daw ay subukan naman niyang tulungan ang pinsan na si Tommy sa trabaho.. pasimple namang nginisian ng pinsan-sa-labas si ala-Terrence...

nag-pulong ang Joseon 4 sa conference room nila.. batid nung 3 alalay na wala silang laban kay Dir. Yong.. sinabi naman ng prinsipe na dahil minamaliit sila ng kalaban ay yun ang gagamitin nila laban sa mga ito, palalabasin nila na mahina sila upang sa ganun ay mas magkaroon sila ng tsansa laban sa mga ito (mukhang gumagana rin naman yung mga combat strategy na mula sa panahon nila).. pinaeespiyahan na sila ni Tommy sa tauhan nito, 3 oras na rin daw ang nakalipas at mukhang wala pa naman ginagawa ang grupo ni ala-Terrence.. natanong naman ng sidekick ni Tommy kung ano ba ang balak ng Director para sa kanilang proposal, at ang target niya ay isang brand ng tennis shoes na sikat sa Hollywood.. balik sa meeting ng Joseon 4, nabatid ng kamahalan na paeespiyahan sila ni Dir. Yong, kaya naman nakaisip sila ng plano na kontra-espiya.. gagawa sila ng pekeng project, ipapakalat ang balita sa mga babaeng empleyado, at magkukunwari na para bang totoo ang gagawin nila...

sinamahan ni ala-Terrence si Sena sa pagpili ng isusuot sa engagement nila.. nagkomento ito sa isa sa nasukat ng sekretarya na pwede na daw ang kasuotan na iyon (na para bang hindi siya masyadong interesado sa ginagawa nilang preparation para sa engagement nila), nagtampo naman dito ang babae...

sa isang cafe.. pinagtapat ni Secretary Hong na unti-unti na siyang napapalapit sa inaakala niyang tagapagmana ng Kompanya, subalit parang ito naman ang unti-unting lumalayo sa kanya.. itinanggi naman iyon ni ala-Terrence, at tinanong kung may nagawa ba siya upang isipin iyon ni Sena.. hindi naman daw talaga ang lalaki ang dahilan, kundi si Park Ha.. natatakot daw ang sekretarya sa maaaring gawin ni Park Ha, na anumang oras ay posibleng maagaw nito si ala-Terrence sa kanya.. ipinagtanggol naman ng lalaki si Park Ha, hindi daw ito ganung klase ng babae, ito daw yung tipo na magagawang magbigay pero hindi magagawa na mang-agaw.. nasabi pa ni ala-Terrence na isa yung malaking pagkakamali ni Sena.. nainis tuloy ang sekretarya, bakit daw siya pa ang mali, bakit daw si Park Ha ang kinakampihan nito, kahit ano pa daw ang sabihin niya ay di ba dapat na siya ang kampihan ni ala-Terrence.. nag-walkout si Secretary Hong, at tila may pangamba sa kanyang itsura...

sa Rooftop.. inabutan ni Lee Gak si Park Ha na nag-aayos ng mga kahon.. mga hindi na daw mapapakinabangan na gamit ang mga iyon.. nabanggit ni Park Ha na balak gusto sana niyang dalhin yung Lotus, subalit tumanggi ang kamahalan, doon na lang daw sa bahay iyon at bisitahin na lang ng babae.. natanong naman ni Park Ha kung paano pa siya bibisita sa Rooftop (siguro dahil alam niyang pinapaiwas na siya ng Lola Chairman sa inaakalang apo nito o di kaya dahil malapit ng ikasal ang prinsipe sa maldita niyang stepsister).. itinanong ni Lee Gak kung saan ba daw pupunta si Park Ha, sumagot naman ito na sa lugar na mas maganda pa kesa sa Rooftop nila, nagbida naman ang kamahalan na wala namang ganung lugar.. naitanong naman ng babae kung para saan yung sparklers, sumagot ang prinsipe na magagamit iyon tuwing may kailangang ipagdiwang, kaya sinabi naman ni Park Ha na dadalhin na rin niya ang mga iyon dahil marami siyang rason para mag-celebrate.. nainis na ang prinsipe, at sinabi na dalhin na ni Park Ha ang lahat.. masungit daw siya sabi ng dalaga, kaya iniwan na siya nito.. at talagang magde-deny pa si Lee Gak sa ginawa niyang pagsusungit...

lumabas yung 3 alalay kasama sina Becky at Lady Mimi.. naibalita na rin nila sa dalawang kapitbahay yung tungkol sa engagement ni Lee Gak sa ibang babae.. nabigla naman yung dalawa, paano na daw si Park Ha, at kawawa naman daw ito, akala pa naman daw nila eh sina Park Ha at Lee Gak.. sinabi naman nung 3 na maging sila ay nasasaktan rin para kay Park Ha (teka, ibig sabihin ramdam rin nila, pati si Yong Sul, na may namumuo na sa pagitan nung dalawa nilang kasama sa bahay), pero may dahilan sila kung kaya't hindi sila pwedeng makialam sa mga nangyayari...

sa kuwarto yata ni Lady Mimi.. magkausap sina Park Ha at Lady Mimi.. nagpapahanap daw kay kulot ng trabaho si Park Ha, pero hindi naman nito naulit na aalis na siya sa Rooftop.. natanong ni Park Ha kung may nalaman na ba itong opening.. meron daw sa landscaping company ng uncle niya, kaso ay malayo yung lugar.. wala na daw pakialam ang babae kung saan man yun (na parang nagsasabi na desidido na talaga siyang lumayo).. pag-akyat sa Rooftop ay maluha-luhang pinagmasdan ni Park Ha ang iiwanan na niyang bahay...

sa Office.. natiktikan na ng sidekick ni Tommy ang galaw ng grupo ni ala-Terrence.. sinubukan na daw ng mga ito na lumapit sa Travel Agency, na hawak na rin nina Tommy, pinatawagan ni Dir. Yong ang manager nito na si Manager Rudoph Kim upang utusan o bantaan ito na huwag tutulungan ang team ng apo ng Lola Chairman...

sinubukan ngang lumapit ng 3 alalay kay Manager Kim.. pero tinanggihan na sila agad nito nang hindi man lang binabasa yung proposal nila.. nagbigay pa ng palusot yung manager.. umakto naman yung 3 na nadismaya sila, malas daw, tapos ay hinampas pa ni Man Bo si Yong Sul gamit yung dokumentong dala niya (lately eh parang parati na lang inaapi ni Man Bo si Yong Sul ah, siguro dahil tingin niya na mas mataas siya dito dahil lang mas matalino siya)...

sa Rooftop.. kinonpronta ni Sena ang kinamumuhian at itinuturing niyang stepsister.. hanggang kailan ba daw ito mananatili sa bahay na iyon, wala naman daw itong pakialam sa bagay na yun sabi ni Park Ha.. sumagot naman ang salbaheng ate, na dahil pinili ni ala-Terrence na tumira sa bahay na iyon eh may karapatan na rin siya doon (dahil malapit na silang ikasal, sa tingin niya).. sinabihan nito si Park Ha na alamin kung saan siya dapat lumugar, sumagot naman ang nakababata na alam niya yun.. bago tuluyang umalis ay inutusan pa ni Sena si Park Ha na ayusin yung pinamili niyang mga bagong damit para kay ala-Terrence...

gumawa ng sulat si Park Ha sa isang berdeng papel.. bigla naman dumating si Lady Mimi sa bahay nila para sabihan ang kaibigan tungkol dun sa job opening sa kompanya ng uncle niya, at isiningit na muna ni Park Ha yung sulat niya sa ilalim ng isang kahon.. kailangan na daw kasi niyang pumunta doon sa lugar nung kompanya ngayong araw, dahil nag-i-screening na doon ng mga aplikante, saktong may dala na ring contact si Lady Mimi.. natanong naman ni kulot kung kailan ba ang alis ng kaibigan niya doon sa Rooftop.. sinabi naman ni Park Ha na after 3 days ay aalis na siya...

sa Kompanya.. nag-abot na ng resignation letter si Park Ha sa immediate boss niya.. pero bago daw siya tuluyang umalis ay may gusto pa siyang matutunan bago mahuli ang lahat (ewan ko kung ano yung tinutukoy niya).. nagpasalamat rin siya dun sa babae...

sa conference room ng team ng Joseon 4.. gaya daw ng inaasahan, nagtagumpay daw ang kanilang balak, at paniwalang-paniwala na ang mga kalaban sa peke nilang plano.. at dahil ganun na ang sitwasyon, ay babalik na muna si ala-Terrence sa factory (hindi ko rin alam kung ano ang tinutukoy niya dito)...

---o0o---


RTP-35
first official kiss...

sa Kompanya.. bitbit na yata ni Secretary Hong ang mga gamit niya.. pinigilan siya ng ex niyang si Tommy, at tinanong bakit siya magre-resign.. sumagot ang sekretarya na na-announce na ang tungkol sa engagement nila ni ala-Terrence at wala ng rason para magtrabaho pa siya para sa Director.. pinakiusapan naman siya ng binata na tumira na muna siya sa England kasama ng Mama niya, sa pangako na aayusin nito ang lahat para sa pagbabalik niya.. sinabi naman ng babae na sawa na siya sa mga pangako ni Tommy.. nagalit ang lalaki, at natabig pa ang mga dalang gamit ni Secretary Hong, at sinabi na hindi pa daw sila tapos.. nakita naman sila ni Exec. Yong.. binalaan ni Tommy si Sena na layuan na nito si ala-Terrence dahil malapit na itong bumagsak.. tuluyan nang umalis ang dalaga at iniwan ang kanyang dating nobyo...

dahil sa nasaksihan niya, kinausap ni Exec. Yong ang kanyang anak.. bakit daw ba habol pa rin siya nang habol kay Secretary Hong, kahit na halatang-halata naman na parang ginawa lang nitong parang mga price tag ang mag-pinsan-sa-labas, na ikinumpara nito kung sino ang mas mamahalin sa dalawa.. sinabi nito na nababalot ng kasinungalian ang pagkatao ng sekretarya, sabay ibinuking sa anak ang tungkol sa inaakalang totoong Mama ni Sena na isa lamang tindera sa palengke.. napagsabihan pa ng nakatatanda si Tommy na nagpaloko lang ito sa dati niyang nobya sa loob ng dalawang taon...

hinanap ni ala-Terrence si Park Ha dun sa immediate supervisor nito.. nabanggit naman nung babae na nagpasa na ng resignation letter si Park Ha kanina lang umaga, at natanong ang binatang boss kung hindi ba nagpaalam sa kanya ang dalaga...

nagmadaling umuwi si Lee Gak sa Rooftop house.. at nakita niyang wala na sa kuwarto ang mga gamit ni Park Ha.. sinubukan nitong tawagan ang cellphone ng dalaga, pero unattended ito.. nakasakay na sa isang bus (yata) ang babae.. sa bahay ulit, muling pumasok si Lee Gak sa kuwarto ng dalaga, at wala na ang mga personal na gamit nito sa loob, pero nandoon pa naman yung mga inimpake niyang mga nakalagay sa kahon.. nakita naman niya yung sulat na iiwanan dapat para sa kanya ni Park Ha at binasa niya ito (ang problema eh hindi pa naman yun yung tamang time para mabasa niya yung letter, nakakatawang isipin kung paanong yung mga ganung klase ng pagkakamali ay nakakapag-trigger ng mas interesanteng mga pangyayari).. sinasabi doon sa sulat na; para sa hangal na kamahalan, sa oras na mabasa daw nitok yung sulat ay malamang naiwan na ni Park Ha ang Rooftop, pupunta daw siya sa ibang lugar na matitirhan at siyempre mas maganda iyon kesa sa Rooftop nila, nagpasalamat rin siya sa kamahalan para sa iniwan nitong magagandang alaala sa kanya, napakasaya daw niya na makasama ang lalaki, sinabi rin ng dalaga na wala itong kasalanan, ang prinsipe na lang daw ang humingi ng pasensya doon sa 3 para sa kanya, mami-miss niya daw ang mga ito pati ang kanilang mga pinagsamahan, tapos eh paalam mula sa mas hangal na si Park Ha.. nasaktan ang kamahalan dahil sa inakala niyang pag-alis na ng dalaga.. napaisip siya, na tila hindi malaman ang dapat niyang gawin, at muling sinubukang tawagan ang cellphone ng babae, pero wala pa rin.. nanlumo ang prinsipe at naupo na lang sa may hagdanan sa loob ng bahay nila (at wala siyang kasama noong mga panahon na iyon para man lang makaramay)...

pinuntahan ni Tommy yung lugar sa palengke na sinabi sa kanya ni Exec. Yong.. nakita niya si Susan na nakilala niya mula sa isang aksidente na kinasangkutan nilang dalawa, at bilang Mama rin ni Park Ha.. nakikipagtalo pa ang matanda sa isang customer na pinaparatangan siya ng pandaraya.. ch-in-eck ng Director yung pangalan ng tindahan ni Susan, at nakumpirma niyang iyon nga iyong mismong tinutukoy ng Papa niya.. matapos ang komosyon ay nilapitan na ni Tommy ang tindera upang kumustahin, nasorpresa pa ang matanda na makita ang Director sa ganoong lugar, nagkunwari na lang ang lalaki na napadpad lang siya doon dahil sa business at nakita niya si Susan kaya minarapat na niya na kumustahin ito, magaling na daw ito mula sa pagkakabangga nito noon, at muli rin itong nagpasalamat sa binata para sa mga naitulong niya dito.. inimbitahan na muna ni Susan si Tommy upang makapag-kape naman (hindi ko sigurado kung sa bahay ba niya o sa isang maliit na kuwarto lang niya doon din sa palengke).. pagkapasok sa kuwarto ay agad napansin ng Director yung family picture (version kung saan magkasama na ang kinagisnang pamilya nina Park Ha at Sena) na naka-display, at naalala niya na yung lalaki sa picture ay kamukha noong nasa family picture naman ni Chairman Jang.. natuwa si Susan sa binata, dahil sa halip daw na magpanggap siya na hindi niya nakita ang tindera, eh talagang pinansin pa niya at kinumusta ito, hindi daw katulad ng ibang kabataan.. napansin ni Susan na nakatitig si Tommy sa family picture nila, kaya ibinida ng matanda ang larawan nila at nagkuwento pa ito, itinuro niya yung dalawang anak niya at si Park Ha daw na nakilala na ng Director ay yung mas bata.. naitanong tuloy ni Tommy kung bakit sa record ni Park Ha sa Kompanya ay isinulat nito na nag-iisa na lang siya sa buhay, tama naman daw iyon sagot ni Susan at naikuwento na rin niya ang tungkol sa pagsasama ng kanilang mga pamilya na wala naman sa papeles, na ang sadyang kasama niya ay iyong nakatatandang babae sa larawan, at ang kasama na sadya ni Park Ha sa buhay ay yung lalaki.. naalala tuloy ni Tommy yung pagkikita nila ni Park Ha sa apartment ni Sena, at tinawag pa nito noon na 'ate' ang dati niyang nobya, subalit itinanggi naman ni Sena ang kaugnayan niya dito.. naitanong tuloy ng batang Director kung Papa ba ni Park Ha yung lalaki sa family picture...

nagmadaling bumalik sa Opisina si Tommy.. v-in-erify niya kung iisa nga lang yung lalaki na nakita niya sa dalawang magkaibang family picture.. nakumpirma niya ang kanyang hinala, at napangiti siya nang masama...

tinawagan ni Tommy si Secretary Hong.. gusto daw niyang makausap ang dalaga, pero saka na lang daw dahil kasalukuyan itong nagda-drive.. bigla naman nabanggit ng Director na may gusto siyang malaman tungkol sa pamilya ng sekretarya, at nagulat si Sena nang marinig niya ito mula sa dating nobyo...

pinuntahan ni Lee Gak si Becky sa bahay nito.. itinanong ng binata kung alam ba ng babae kung saan nagpunta si Park Ha, sumagot naman ito na hindi.. hinanap naman niya kay Becky si Mimi, pero nagkataon pang wala si Lady Mimi (na nakakaalam ng totoong nangyari) dahil nagpunta daw ito sa workshop...

nakipag-meet na si Sena sa ex niya.. kung ganoon daw ay nasabi na pala ni Exec. Yong kay Tommy ang totoo tungkol sa kinikilala niyang Mama.. at yun naman daw pala ang dahilan kung bakit noon pa man ay ayaw na ni Exec. Yong sa nobya ng kanyang anak.. wala naman daw pakialam ang binata sa family background o kung anak man ng isang mahirap si Secretary Hong, pero bakit daw nito nagawang magsinungaling sa kanya.. nabanggit rin ng lalaki na alam na niyang kapatid ng dati niyang nobya si Park Ha, sabay correct sa statement niya na magkakilala lang ang dalawang babae dahil hindi naman talaga sila totoong magkadugo (base sa pagkakaalam nila).. naulit rin ni Tommy na may nalaman na siya tungkol sa pinapahanap sa kanilang anak ni Chairman Jang, at si Park Ha ang taong iyon.. na-realize na niya kung bakit sinadya noon na tumulong ni Secretary Hong sa paghahanap sa nawawalang anak ng Chairman noong makita nito ang family picture, dahil alam na nito noong mga panahon na iyon na si Park Ha ang taong hinahanap ni Chairman Jang, at ayaw ni Sena na makuha nito ang lahat ng pag-aari ng Chairman (base na rin siguro sa pagtatwa ni Sena kay Park Ha bilang kapatid niya o stepsister man lang sa harapan ni Tommy noon pa man).. dapat daw ay si Sena ang maging anak ng Chairman sabi ni Tommy, para ito ang magmana sa shares ni Chairman Jang, at kapag nangyari iyon ay mapupunta na sa kanila ang malaking bahagi ng shares na kailangan para makuha ang Kompanya.. sisiguraduhin daw ng lalaki na mamamalimos na lang sa lansangan si ala-Terrence, at ang kailangan na lang ay ang mailayo si Park Ha sa Kompanya at kay Chairman Jang.. muling kinumbinsi ni Tommy si Sena na bumalik na ito sa kanya, at umarte na lang ito na parang walang nangyari...

nag-iisip si Sena kung anong dapat niyang gawin, habang nag-iisa siya, at lumabas pa talaga siya sa kanyang kotse...

sa Rooftop.. ginamit na ni Lee Gak yung mga sparklers sa may labas ng kanilang bahay, at mababakas sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan...

umaga na nang makauwi si Park Ha.. inabutan niya si Lee Gak na nakaupo sa may labas ng bahay.. natanong niya ang lalaki kung bakit andun ito sa labas, ibinalik naman nito sa babae ang tanong na 'eh ikaw, anong ginagawa mo dito?', nagtaka tuloy si Park Ha kung bakit, naulit ng prinsipe na hindi ba daw ay umalis na ang dalaga (dahil dun sa sulat), at nabanggit naman ni Park Ha na hindi pa siya aalis.. napansin ng babae na ginamit na pala ng kamahalan ang lahat ng sparklers, at nainis ito dahil sinabi daw niya na siya ang gagamit ng mga iyon.. sa puntong iyon ay inilabas na ng prinsipe ang kanyang nararamdaman; bakit daw ngayon lang siya bumalik, nag-iwan daw si Park Ha ng sulat na nagsasabi na aalis na siya at ni hindi naman niya ito matawagan, hindi ba niya alam na matagal siyang hinanap ng prinsipe, nais ba daw niyang atakihin sa puso ang lalaki, labis daw niya itong pinahihirapan, may kakaiba daw na nararamdaman ang kanyang puso at para na itong sasabog, para daw masisiraan na siya nung mawala ang dalaga, kahit pa daw sumigaw siya ay hindi naglalaho ang hapdi, at nang makita na niyang muli ang mukha ng dalaga ay alam na niya ang dahilan kung bakit, na nangulila siya sa pagkawala nito, kaya nais na niya itong makapiling.. naiyak si Park Ha nang marinig ang mga sinabi sa kanya ng kamahalan, pero sinabi ng babae na parati na lang daw nitong ginagawa ang gusto nito, sabay talikod na ng dalaga sa prinsipe.. bigla naman itong hinablot ni Lee Gak, at sa unang pagkakataon (opisyal na pagkakataon) ay hinalikan niya sa labi si Park, umiiyak silang pareho habang naghahalikan (simple lang humalik ang mga Koreano at hindi laplapan), tila nagustuhan rin naman iyon ng babae na humawak pa sa may baywang ng prinsipe...


No comments:

Post a Comment