[originally posted on October 29, 2012]
ang lupit ng episode ng palabas na 'to kagabi..
matapos
madiskubre ng kuya ni Yeon Woo ang kinalaman ng asawa niyang prinsesa
sa misteryosong pagkakasakit at pagkamatay ng bunsong kapatid nito 8
taon na ang nakararaan, agad na kumilos ang mga corrupt na ministro ng
palasyo upang ipapatay siya...
limang assassin ang ipinadala sa bahay ng mga Heo..
pero bago pa man nila maisagawa ang masamang balak, agad namang dumating si Seol upang ipagtanggol ang kanyang dating amo..
madaling
nai-dispatsa ng dalagang dalubhasa sa espada ang dalawa sa mga kalaban,
subalit sa mga sumunod niyang pag-depensa ay lumabas ang kalamangan ng
mga kalaban sa bilang at napuruhan siya nang napuruhan ng mga taga at
saksak..
nagawa pa niyang makapagpatumba ng isa pang tagapaslang, ngunit delikado na ang lagay niya..
mabuti na lang at dumating ang bodyguard ng hari na si Woon, at madaling tinalo ang huling dalawang kalaban...
sa mga bisig ng kanyang dating amo..
ipinarating nito ang taos puso nitong pasasalamat na nabigyan ng katauhan ang alipin na si Seol..
hindi
lang nito binigyan ng pangalan ang dating katulong, kundi naging mabuti
pa sa kanya ang buo nitong pamilya at itinuring na rin siya bilang
isang kapamilya..
inihingi niya ng tawad na hindi na niya magagawa
pang protektahan si Yeon Woo na minsan na nitong inihabilin sa kanyang
pangangalaga..
ipinagtapat rin niya at inihingi ng kapatawaran ang kapangahasan niyang mahalin ang dating amo sa loob nang matagal na panahon..
at sinabi niya na rin dito na buhay pa talaga ang nakababata nitong kapatid...
sa pinagtataguan nina Lady Jang at Jan Shil..
naramdaman ng dalawang babaylan ang pagkawala ni Seol..
sa
pamamagitan ni Jan Shil, ipinarating ni Seol ang taos pusong
pasasalamat sa pagkupkop at pagprotekta sa kanila ng punong babaylan at
ang paghahangad nito na makita rin ng dalawa ang tunay na kaligayahan sa
buhay..
tila nakausap rin ni Lady Jang ang espiritu ng dalaga sa kalagitnaan ng pagbuhos ng niyebe..
itinanong
nito kung naging masaya ba si Seol sa naging desisyon nito na ibuwis
ang kaniyang buhay para sa taong kaniyang pinakamamahal, at sumagot
naman ang dalaga na iyon ang naging pinakamasayang bahagi ng kanyang
buhay...
ang non-intelligent part ng episode na ito ay yung hindi man lang tinulungan ng dating amo ang dalaga sa pakikipaglaban..
oo
nga at iminungkahi niyang dapat na dalawa silang humarap sa mga
tagapaslang dahil nga sa kalamangan ng mga ito sa bilang, na iyon naman
ay agad na tinanggihan ni Seol..
subalit sa pagkamatay nung unang
kalaban, mas matalino sanang kuhanin ang espada nito upang matulungan
man lang ang dalaga kahit na papaano o di kaya ay namulot siya ng bato
sa malayo at binato ang mga kalaban...
bilang review..
hindi mahusay sa larangan ng espada ang kuya ni Yeon Woo..
madalas siyang talunin noon ng kaibigang sina Prinsipe Yang Myung at Woon..
subalit kahit papaano ay meron pa rin siyang background at kasanayan sa pag-e-espada...
isang malungkot na katapusan para sa character ni Seol..
siguro
kinailangan rin siyang mamatay dahil hindi na naman niya makakatuluyan
ang lalaking pinakamamahal niya dahil nga kasal na ito sa prinsesa...
No comments:
Post a Comment