Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (May 17, 2013)

May 17, 2013..
(non-journal entry)

nakapang-tourism attire ulit siya..
white long-sleeves..
grey office skirt..
black shoes..
at basang buhok na nakalugay (sa tuwing sinasabi ko na basang buhok, eh hindi naman talaga basang-basa ang ibig kong sabihin, basta wet-look pa)...

still can't get over of this feeling..
i was desperate to get a link to her account nitong mga nakaraang araw, kasi akala ko talaga may makukuha akong impormasyon dun na direktang patungkol sa akin..
siguro kung nasabi nya dun na makulit ako, na huwag na akong umasa, na masyado akong feelingero pagdating sa kanya, o siguro kung may direkta siyang nabanggit na gusto niyang guy - edi sana mas madali kong natatanggap ang mga bagay-bagay...

kaso sa halip na ganun yung nangyari..
eh parang naglason pa ako sa sarili ko..
dahil mas na-realize ko lang na kahit na hindi naman siya perpektong babae base sa preference ko, eh talaga naman palang na-attract ako sa kanya..
pero hindi ko naman pinagsisisihan ang mga natuklasan kong iyon..

i really thought i could find a way to hate her..
hindi naman talaga hate, pero basta yung isang bagay o trait na tipong hindi ko kailanman magugustuhan sa isang babae..
pero mukhang mas lalo ko lang siyang nagustuhan sa ginawa ko...T,T


2 weeks after kong ma-reject, at 2 days after kong ma-confirm mula mismo sa kanya yung ginawa niyang rejection..
nasa magkataliwas pa rin na direksyon itong nararamdaman ko para sa kanya:

sa negative na direction, nasasaktan pa rin ako dahil sa naudlot kong pakikipagkilala sa kanya..
i mean, pakiramdam ko kasi na total rejection na may pagka-'absolute' pa nga yung ginawa niya sa akin..
bawal ako sa text..
bawal ako sa Facebook..
tas pinagbawalan na rin niya ako sa personal..
tas sinabihan pa niya ako na hindi siya interesado sa akin..
eh sino naman yung hindi manlulumo nun..? T,T
habang tumatagal, parang tuluy-tuloy lang yung impact sa akin nitong panghihinayang na nararamdaman ko para sa sarili ko...

pero sa positive direction naman, eh hindi ko pa rin magawang pakawalan yung pantasya na pinanghahawakan ko about her..
andun na nga eh..
i remember, by April 4 eh na-discuss ko na (sa journal ko lang yata) yung mga bagay, 3 instances, kung kailan may mga na-overhear akong impormasyon nang hindi ko naman sinasadya..
and then dumating 'tong cheesy na tsismis last May 10 (yata)..
why the f*ck do i still have to hear about it?
one week na akong 'basted' noon..
tas ni hindi ko nga alam kung gaano ka-recent yung kuwentong yun..
mas ginulo lang nun yung pag-iisip ko eh..
sa halip na mas nakaka-concentrate ako sa pag-move on eh parang binibigyan pa ako nun ng false hope..
gaano ba talaga katotoo yung kuwento na yun..?
why would someone, na may crush 'daw' sa akin, ask me to stop trying to get close to her..?
at sa ganun pang ka-brutal na paraan, na parang na-checkmate na ako, na tipo na wala na talaga akong moves na pwedeng gawin..
ni hindi man lang niya ako binigyan ng chance eh..
hindi ba pwedeng ipakita ng mga babae na hindi naman sila 'easy to get' sa ibang paraan..?
hindi yung itataboy na kaagad nila yung lalaki sa umpisa pa lang, in case na gusto rin talaga nila yung lalaki edi sila rin nga ang nawalan nun kung sakaling tigilan na nga sila nung guy...

pero kung tutuusin..
naranasan ko na nga pala dati itong ganitong istorya..
there was this girl, na hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong b-in-asted..
nakayanan ko lang na paulit-ulit na subukan dahil people were telling me na mukhang may pag-asa naman daw ako..
and every time na may makita akong kahit na ga-butil na pag-asa, eh hindi ko talaga maiwasang i-risk ang damdamin ko..
at siyempre, kapit na din dun sa fact na wala pa naman siyang boyfriend noong mga panahon na yun..
sa bandang huli, hindi talaga naging kami..
hindi ko na pwedeng i-detalye pa ang mga bagay-bagay..
at ang masasabi ko na lang eh, mabuti rin naman ang naging ending ng istorya kong iyon...

at ang tanga ko na sa lahat ng kuwento ay yun pa talaga yung nakalimutan ko sa panahon at sa sitwasyon ko ngayon..
eh halos parehas na parehas nga lang pala sila eh..
i don't know..
or i guess, hindi ko lang matandaan na kung nasabihan na ba ako dati na 'hindi sila interesado sa akin' at na 'huwag ko na silang kulitin'..
sa tanda ko, parang ang pinaka-pampalubag-loob na sa akin ng mga babae noon eh na 'hindi pa siya handa', o 'gusto rin naman niya akong makilala o maging kaibigan', o di kaya eh sasabihin nila na 'tumigil na ako dahil masasaktan ko lang ang sarili ko'..
at kung ako ang mag-i-interpret ng ganung mga dahilan, eh sasabihin ko na pinapaubaya pa nila sa akin yung desisyon kung susubok pa ba ulit ako o hindi na..
ewan ko ba..
sa tuwing ina-analyze ko kasi yung paraan ng pag-reject sa akin ni Miss Robledo eh pakiramdam ko na yun na talaga yung final decision niya eh...T,T

pero ayun na nga..
gusto ko pang malaman kung ano ba yung mas malalim na katotohanan sa istorya na 'to..
parang hindi kasi ako makapaniwala na nagkataon na nagka-tugma lang yung mga bagay na narinig ko lang mula sa family nila at yung nai-tsismis ng mga biologicals ko sa akin na galing rin naman mismo sa tumatayo niyang mom..
tas sa desisyon niya eh biglang lumalabas na wala naman palang katotohanan ang lahat ng iyon..?
hindi ko talaga maintindihan ang mga babae..
sa tantsa ko, mukhang no boyfriend pa siya since birth..
na medyo nakakapagtaka, dahil although ang Base Category niya ay B lang, may mga qualities naman siya na nagpapaangat sa kanya kumpara sa ibang babae, madali rin naman kasing makakuha ng atensyon yung mga kagaya niya eh..
ewan, siguro maselan rin siya pagdating sa pagpili ng lalaking gugustuhin niya...

basta ang alam ko..
hangga't single siya, may pag-asa pa..
kung sasabihin niya lang sana talaga sa akin yung buong katotohanan..
hindi naman niya kailangang magbigay ng motibo eh..
gusto ko lang bawiin niya yung sinabi niya at bigyan niya ako ng chance para maipakita ko naman kung gaano ako kaseryoso pagdating sa kanya...


No comments:

Post a Comment