isang panibagong journal entry...
so galing nga ako sa birthday-an noong gabi ng May 14..
and nai-set ko na sa isip ko na this day (May 15) eh kailangan ko nang tanungin si Miss Robledo nang harapan..
bale, i went home before 07:00..
tapos hindi na muna ako dumiretso sa bahay..
tumambay muna ako somewhere na posible ko siyang mai-spot-an kapag umalis na siya sa kanila..
noong unang beses ko siyang nakita na lumabas eh pumunta muna siya sa tindahan..
tas after mga more than 10 minutes yata yun, eh saka pa lang siya lumarga...
white polo shirt with print..
checkered pants..
white shoes..
basa pang buhok na nakalugay..
nakita ko na dati yun eh..
tama, same outfit yun noong araw na ni-reject na niya ako..
that was May 3...
noong nakita ko na nga siya eh kumilos na ako..
kunwari magkakataon lang na magkakasalubong kami..
dahil FATE is building a bridge of CHANCE for someone you love..
mabuti na lang kamo at hindi siya umiwas ng daan..
kunwari hindi ko pa siya napapansin sa simula..
tas noong magpapanalubong na kami, eh kunwari na noon ko pa lang siya nakita na parang nagulat pa ako..
at inulit na naman niya - nakakaasar..
binati na naman niya ako ng ngiti niyang yun..
tas totoong medyo natigilan ako sa ginawa niya..
nagkalampasan muna kami nang kaunti..
tas bigla akong tumigil sa paglalakad..
tas tinanong ko siya kung pwede ko ba ulit siyang sabayan..
ang totoo hindi ko na siya narinig kung sumagot pa ba siya o ano..
wala na rin naman siyang magagawa, dahil sinabayan ko na siya...
at ang parang tanga doon sa nangyari..
alam mo yung pakiramdam na kasabay mong maglakad yung taong gustung-gusto mo..
tas biglang makakatapak ka ng pupu ng aso sa kalye..
hindi naman talaga ako nakatapak, kaso eh natadyakan ko yung pupu eh..
kakadiyahe tuloy..
ewan ko lang kung napansin niya..
dammit f*cking doggies at ang mga amo nila..
sa sobrang gagaling nila, pinapakawalan nila ang mga alaga nila sa oras ng pagdumi nito, para wala na silang kailangang linisin...
anyway, dedma na lang dun sa awkward moment na yun..
balik sa main topic..
masyado na siyang tahimik this time..
na parang malamig na yung pakikitungo niya saken..
hindi na siya umiimik kung hindi rin lang ako magtatanong..
i told her na may gusto ulit akong itanong sa kanya..
i asked her 'ikaw ba talaga yung...', pero for some reason eh hindi ko maituloy yung gusto kong sabihin..
pero mukhang nabasa niya kung anuman yung nasa isip ko during that time..
sabi niya 'yung sa Facebook..? oo, ako nga yun', basta parang ganun..
and ayun..
wala na akong magawa kundi tanggapin yung face to face na rejection..
i told her kung gaano ako nanghinayang..
tapos tinanong ko pa nga siya na 'seryoso ba yung message mo?'..
at oo nga daw..
although hindi naman siya nag-attempt na magpaliwanag pa...
frontal assault siya..
pero relieving rin naman yung dating..
i mean, at least wala na akong duda na siya nga yung nakausap ko noon...
medyo mahaba pa yung lakaran..
and damang-dama ko yung pananahimik niya..
kaya sinubukan kong mag-open ng ibang topic..
tapos siya naman eh sagot pa din nang sagot sa interview ko... >,<
tapos sa sakayan na..
medyo nagtagal kasi na walang dumadaan na pa-bayan..
tinitingnan ko lang siya, samantalang siya eh puros pagse-cellphone lang..
nung pasakay na siya sa jeep..
nginitian na naman niya ako nung magba-bye na siya..
wala naman akong magawa kundi mapangiti na rin, sabay sabi ng 'ingat'...
well..
isa na namang nabigong pangarap...
---o0o---
heto naman ang kopya nung 'final' message ko para sa babaeng gustung-gusto ko pa sa ngayon:
Miss Robledo..
sorry for this..
pero sana naman basahin mo 'tong message ko..
wala lang, gusto ko lang malaman mo ang lahat ng gusto ko pa sanang sabihin sa'yo..
don't worry, dahil last na 'to..
i mean, last depende kung ito na nga ba yung gusto mong maging last...
unang-una..
gusto kong mag-apologize for approaching you this morning (May 15)..
galing kasi ako sa birthday-an..
and nakita kita, kaya kinausap na kita...
i know sinabihan mo ako na huwag na kitang kulitin..
and ginawa ko naman yun nitong nakaraang 11 days..
may bagay lang na medyo gumulo sa isip ko, kaya i felt na kailangan kong makasiguro kung ikaw ba talaga yung nakausap ko dito sa Facebook..
i wanted to hear 'it' mula mismo sa'yo..
i don't know..
hindi naman sa masokista ako..
siguro it's my way para mas madali kong matanggap ang lahat..
and it turned out nga na ikaw talaga yung nag-reject sa akin...
hindi ako galit sa'yo (nagpapaliwanag na ako just in case na ganun ang pakiramdam mo)..
wala naman kasi akong rason para magalit..
i mean, it's totally normal..
at parte na talaga yun ng buhay naming mga lalaki..
trial and error pagdating sa pagpili ng babae..
tas responsibilidad na namin na tanggapin kung anuman yung pasya nung babae, kesyo rejection pa yan o pamba-basted o kung ano pa man...
oo, aaminin ko na nanghihinayang ako gaya ng nasabi ko sa'yo kanina..
i thought na advantage ko yung pagiging magkalapit ng mga bahay naten..
naisip ko na dahil dun, and since medyo matagal na nga tayong magkalapit bahay lang, eh baka maging interesado ka na kahit makipagkaibigan o makipagkilala man lang sa akin..
unfortunately, it turned out na wala ka ngang kainte-interes pagdating sa akin..
nakakapanghinayang rin dahil it took me almost 2 years bago ako nakapag-decide na kilalanin ka..
pero bago ko pa man nagawa yun eh ni-reject mo na yung attempt ko...
September 27, 2011..
i believe hindi naman talaga yun yung unang beses na kinausap mo ako, na nagkausap tayo (base sa pinaka-simpleng definition ng pakikipag-usap)..
nagkasabay tayo sa may tindahan noon..
tas out of no where, bigla mo na lang akong kinausap at sabi mo mauna na akong bumili..
ang simple lang nung nangyari ano..?
pero naalala ko talaga yung araw na yun..
ang totoo ilag ako sa mga tao sa paligid ko, at hindi ako basta-basta nakikisama sa iba..
pero ikaw, hindi ka natakot at kinausap mo pa rin ako kahit na hindi naman kailangan..
yun yung rason kung bakit ako naging interesado sa'yo noong una..
nasorpresa ako noon..
ako yung lalaki kaya tama lang naman na paunahin kitang bumili..
pero wala na akong nagawa eh, yun kasi yung sabi mo, kaya sinunod kita..
kahit na mawala pa yung pagka-gentleman ko..
ni hindi nga yata kita kinausap noon eh..
wala man lang 'thank you'..
ni hindi kita sinabayan na umalis doon sa tindahan..
na-blanko na kasi ako, kaya iniwan kita nang wala man lang akong nasasabi..
i felt stupid kasi pagkakataon ko na rin yun sana para malaman ko man lang yung pangalan mo..
pero wala na akong nagawa...
dumaan yung panahon at may mga pagkakataon na nakikita pa rin naman kita..
at kahit na naiisip ko pa rin na gusto kitang makilala sana..
eh pinipigilan ko pa rin yung sarili ko..
dahil tulad nung nasabi ko sayo dati..
tingin ko hindi naman ako deserving na makipagkilala sa isang tulad mo..
pakiramdam ko na kahit na makilala pa kita, wala namang mangyayari, wala naman yung maidudulot na maganda - lalo na para sa'yo...
hanggang sa dumating na nga yung March 31, 2013..
bigla na lang kitang nakita sa Sunday Dress mo..
may pagka-green at white yata yun..
short sleeves..
one piece lang yata ng dress na may parang panali o belt sa baywang para magka-korte..
knee-high yung portion na skirt..
tas naka-ponytail ka if i'm not mistaken..
tas naka-wedge type na sapatos..
you were lovely, lalo na sa puntong yun..
kaya naman parang yung mga nakaraan kong kagustuhan na makilala ka eh parang nagsama-sama na at naipon na..
naisip ko na balewalain na lahat nung mga negative thoughts ko regarding sa balak kong pakikipagkilala sa'yo..
and nag-decide nga ako to finally go for it kapag nakakita ako ng chance...
i like you..
hindi ko alam kung gaano o kung hanggang saang punto ba, kasi nga hindi pa naman kita masyadong kilala..
kaso nga, ni-reject mo na ako bago ko pa madiskubre yung sagot sa tanong ko..
yun kasi yung rason kung bakit gusto ko ring mapalapit sa'yo..
para naman mas maintindihan ko sana yung nararamdaman ko..
hindi ako komportable na lapitan ka kapag nasa lugar naten tayo..
ang main reason ko eh dahil hindi ko gustong malaman ng mga biologicals (i mean yung mga kasama ko sa bahay) ang tungkol sa kahit na anong ginagawa ko - lalo na kung tungkol sa babae..
ganun na yata talaga ako - malihim pagdating sa halos lahat ng bagay..
i was asking you out hoping na makakakuha naman ako ng ilang parte ng oras mo..
so i can get to know you..
hindi naman kita niyayaya sa isang romantic date eh..
hindi pa naman kasi kita mahal..
ang gusto ko lang sana eh friendly date..
pero ayun nga..
bukod sa wrong timing ako..
eh hindi ka naman interesado na makilala man lang ako..
kaya sorry na lang sa akin...
i admit na hindi naman ikaw yung pinakamagandang babae na nakilala ko..
hindi ka naman kasi perpekto..
pero ang alam ko, sa'yo ako attracted sa ngayon..
and during those last 3 approaches ko sa'yo..
pakiramdam ko na mas nagustuhan kita..
ewan ko ba..
kung may masama mang naging epekto yung ginawa kong paglapit-lapit sa'yo..
yun eh dahil parang nag-marka tuloy lalo yang boses at ngiti mo sa isip ko..
parati ka kasing nakangiti..
kahit nga kanina eh, noong nakasalubong na kita, ngumiti ka na naman..
at sobrang ganda mo kapag ngumingiti ka...
pakiramdam ko may nagawa akong mali dun sa moves ko..
pero at the same time, siguro tama na rin na ganito na yung nangyari..
noong May 3, noong inabot ko sa'yo yung note na may kasamang number ko..
i was convinced na may itinatago ka saken..
na baka may gusto kang sabihin na hindi mo lang masabi saken nang personal..
nung nag-joke ka na 'edi maglakad na lang tayo tuwing umaga'..
alam kong nagbibiro ka lang noon..
pero ewan ko ba, parang umasa pa rin ako na sana nga totoo yun, pero hindi naman kita sinisisi..
so i decided to provide you with all the options na posible..
dahil dun pakiramdam ko na ako pa yung nag-provoke sa'yo para tanggihan ako..
na ako pa yung gumawa nang paraan para diretsahin mo na kaagad ako..
nakakapanghinayang isipin, na siguro kung hindi ko kaagad ginawa yun, baka sakaling nagtagal pa yung mga araw na sinasabayan kita, na baka mas nakilala pa sana kita..
pero tama nga rin siguro na natapos na kaagad lahat..
since mukhang doon rin naman mapupunta ang lahat..
siguro ikaw lang talaga yung tipo ng babae na hindi kayang mag-reject ng ibang tao nang harapan..
tas nagkataon nga na may friend invite na rin ako noon dito sa Facebook..
kaya dun ka naman nag-reply..
at kanina, nalinaw mo na nga na ikaw nga yung nakausap ko sa Facebook, at na yun nga yung totoo..
so wala na akong magagawa kundi sundin yung kahilingan mo...
noong unang beses kong nabasa yung message mo tungkol sa pag-reject mo saken..
parang pinagbagsakan talaga ako ng langit..
ang bigat ng loob ko noon..
ni hindi nga ako makapaniwala na kausap lang kita noong umaga noon..
tas bigla na lang ganito pala yung totoong iniisip mo tungkol sa akin..
na-blanko ako noong time na yun kaya nag-reply ako na parang nakikiayon na kaagad ako sa gusto mong mangyari...
pero sa tingin ko hindi talaga yun yung tamang gawin..
kaya heto ako ngayon..
sinasabi sa'yo lahat ng gusto kong malaman mo..
habang may pagkakataon pa..
para naman mailabas ko rin 'tong mga dinadala ko sa dibdib ko...
i'm sorry dahil sa tingin ko nagustuhan kita..
i'm sorry din para sa lahat ng mga pagkakataon na nakaabala ako sa'yo..
sorry sa pagtatanong ko ng mga personal na bagay sa'yo...
pero sana naman hindi mo ako tuluyang iwasan..
i mean, magkalapit bahay nga lang kasi tayo..
pwede naman tayong maging casual sa isa't isa kung kinakailangan talaga nating magkatagpo at magkausap, di ba..?
ako naman eh okay lang..
it may take some time bago kita tuluyang makalimutan..
siguro dahil na rin ito yung unang pagkakataon na na-attract ako sa isang babae na sobrang lapit lang sa kinaroroonan ko..
tsaka medyo mahirap kasing kalimutan yang ngiti mo eh..
pero ganun talaga ang buhay eh..
malas lang yata talaga ako pagdating sa babae...
hindi ko alam kung anong rason mo kung bakit mo ako ni-reject..
pero wala na siguro ako sa lugar para magtanong pa...
anyway..
ayun nga..
last time na 'to na kakausapin kita tungkol sa feelings ko para sa'yo..
last time na rin yung ginawa kong paglapit sa'yo kanina..
after this message gagawin ko na kung ano ang gusto mo..
ang dating kasi saken nung message mo eh iwasan na talaga kita..
kaya ganun yung gagawin ko..
pero gaya ng sabi ko, pwede naman tayong maging casual sa isa't isa kung kinakailangan..
ito na yung 'last' kung talagang gusto mo na ito na yung maging 'last'...
Miss Robledo..
ingatan mo sana parati ang sarili mo..
tsaka sana maging successful ka sa career mo...^_^
---o0o---
sabi sa Facebook..
she already read or at least saw my message by 21:14 kagabi..
kaso with no reply...
---o0o---
at para naman hindi masyadong malungkot ang dating ng mga pangyayari..
here's a video of Showtime Dancer's Miss Marian Capulong..
solo at full (pero may naka-fast forward portions) na version niya ng Gentleman ni PSY..♥
galing yung link sa twitter niya eh..
so credit goes to her..
and pati na rin sa kung sino man ang tumulong sa kanya sa pag-edit nung video or whatever...
No comments:
Post a Comment