April 25, 2013..
(non-journal entry)
wala lang..
sighting lang noong umaga..
pink tee shirt..
jeans..
yung black flat shoes niya..
at siyempre yung medyo basa pa niyang nakalugay na buhok tuwing umaalis siya nang maaga..
oo nga pala, parati lang siyang naka-shoulder bag tuwing napasok siya..
walang folder, walang binders, shoulder bag lang...
narinig ko pa yung boses niya noong umaga..
anlakas niya kasing magsalita, haha...XD
zero encounter after 3 days..
and, ayoko namang gumawa pa ulit ng forced-encounter ng wala namang magandang dahilan..
kung ako lang ang masusunod, eh kahit araw-araw (tuwing weekdays) ko siyang ihatid o sabayan hanggang sa may labasan..
kaso nga eh, kailangan ko munang malaman kung ano ba yung talagang reaksyon niya dun sa una kong move..
siyempre ayoko naman yung pakiramdam na iniiwasan ako nung babaeng gusto ko..
kapag ganun, eh di hindi ko na lang ipipilit yung sarili ko sa kanya, dahil ako lang naman yung mapapahiya..
kapag ayaw sa'yo ng babae - edi ayaw niya..
hindi naman lahat ng bagay eh nadadaan sa pangungulit, dahil ikaw lang yung magmumukhang tanga kapag nagkataon...
medyo iba na naman yung schedule nila nitong nakaraang mga araw..
madalas na umaalis yung buong family nila tuwing hapon, bago pa man siya makauwi..
kaya naman hindi ko na matantsa yung totoong oras ng uwi niya from school..
tapos eh medyo gabi na sila kung bumalik..
sa labas na sila siguro nagkikita-kita, tas sabay-sabay nang nauwi...
---o0o---
ang cute ng picture niya sa cellphone ko..♥.♥
parang kuting..
nakakatuwa siyang pagmasdan..
pero sana makakuha ako ng mas magandang photo niya...
No comments:
Post a Comment