Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (April 1, 2013)

[originally posted on April 10, 2013]

April 1, 2013..

wala lang..
ito yung araw na naisipan kong ilabas na lang sa blog na 'to at sa Facebook account ko lahat-lahat ng nararamdaman ko para kay Miss 068..
medyo delikado sa Facebook, dahil baka mabasa ng mga kakilala ko, pero okay naman at mananatiling okay siguro hangga't wala naman akong binabanggit na mga pangalan..
dito naman sa 'dark' blog ko eh, although may content warning sa simula (dahil dun sa original nature ng blog ko na 'to), eh halos available na rin for public viewing yung content nito...

wala eh..
napuno na ako..
at hindi maganda para sa akin na mapuno ng mga ganitong klase ng emosyon..
ginagawa ko na rin 'to dati sa Friendster eh..
yung pagpo-post ng kung anu-ano sa tuwing may nagugustuhan akong kolehiyala noong nasa college pa ako..
buti na lang nag-reformat na ang Friendster..
nakakatulong naman siya kahit papaano..
yung thought na nakikipag-usap ka with someone na hindi mo naman kilala o ni hindi mo nga alam kung nandiyan nga at binabasa ang thoughts mo..
basta yung pakiramdam na nakikipag-usap ka eh sapat na..
at ang maganda pa nun, eh magagawa mo yun sa loob ng sarili mong blog habang nananatiling anonymous sa halos lahat...

---o0o---


3rd day in a row ko na siyang hindi nasisilayan..
at talaga namang nakakalungkot na..
ngayon pang nasa proseso ako ng evaluation..
nasaan na ba siya..?
bakit puros yung kapatid na lang nilang lalaki yata yung lumalabas ng bahay nila..?
tas madalas na ring walang tao sa kanila before mag-lunch hanggang sa gumabi na...

bukod dun eh..
sinusubukan ko pa ring alamin kung ano ba talaga dapat ang maging mas matimbang para sa akin..
Miss 068 versus Star Wars Collection...

kung si Miss 068 ang pag-uusapan (o babae in general):
  • isang malaking sugal yun at wala namang kasiguraduhan kung magiging successful ka sa bandang huli o olats
  • isang hindi secure o hindi insured na financial invesment na posibleng may makasama pang emotional investment.. kahit na mapasagot mo pa ang isang babae, hindi mo naman masasabi kung hanggang kailan kayo tatagal, para ring sa mga matatandang tao na kailangan ng maintenance, meaning gastos pa rin
  • ang pag-intindi sa mga babae at sa mismong emosyon mo eh isang malaking sakit ng ulo
  • kung may matino man akong posibleng makuha dito - yun eh walang iba kundi memories (yun eh kung hindi ako maba-basted)

kung Star Wars Collection ko naman ang ia-analyze:
  • may kamahalan nga sila pero, tangible sila eh - maalala mo man yung perang nagastos mo eh pwede mo naman silang tingnan para masabi mo sa sarili mo na wala naman talagang nawala - hindi katulad ng mga pagkain sa mamahaling mga restaurant na lalasahan mo lang pero ita-tae mo rin pagkatapos, mga tiket sa sinehan na pwede mo na sanang ipambili ng isang DVD na pwede mo pang ulit-ulitin ang panonood, ng mga bulaklak na nalalanta, mga chocolates na itina-tae rin lang, mga pet na namamatay din, o mga regalo na hindi mo alam kung naa-appreciate nga ba o ano
  • ang mga koleksyon ay hindi ka basta-basta iiwan, maliban na lang kung may siraulo o pabayang tao na makasunog ng bahay na kinaroroonan ng mga yun

nakakaasar na ako..
maya't-maya na lang akong bumabalik sa isyu ng pera..
mortal na kaaway ko ba ang pera..?
nakakaasar isipin kung anong nagawa ko noon dahil lang sa problema ko sa pananalapi..
yung pakiramdam na yun..
na nawawalan ka ng silbi dahil sa kahirapan..
na ultimo mo pamasahe sa jeep eh kailangan mo pang pag-isipan nang husto kung dapat ka nga bang umalis o huwag na lang...

naiinggit ako sa mga tao na hindi na kailangang mag-isip ng patungkol sa pera..
pero wala na akong magawa..
ito na talaga ang checkest checkmate of my life..T,T
at kinamumuhian ko na kung ano man ako...


No comments:

Post a Comment