Sunday, April 6, 2014

My Lotus Nightmare

[originally posted on October 7, 2012]



ilang buwan na nga ba..?
halos pitong buwan na rin pala ang nakalipas simula nung mawala sa akin yung Lotus unit ko..
ni hindi ko nga siya nakita sa personal kundi sa picture lang sa ebay, at tsaka yung details tungkol sa shipment niya dun sa website na ni hindi ko alam kung binura na nung kompanya sa records nila sa ngayon (after a few months kasi simula nung nangyari yung insidente, tas kapag sinusubukan kong i-track sa website nila yung package gamit yung 2 tracking number na ini-assign sa parcel ko, eh error na yung lumalabas na result, hindi gaya nung mga naunang buwan.. tapos hindi na rin naman ako makapagtanong sa Facebook page nila dahil nai-block nila yung account ko.. tapos wala rin namang nagre-reply sa email)...

hanggang ngayon sumasama ang loob ko kapag naaalala ko yung nangyari..
pero kahit nakaka-badtrip, ginagamit ko pa rin yung picture nya bilang wallpaper ng computer ko, wallpaper ng cellphone ko, at profile pic ko sa Facebook..
para kasi maalala ko kung ano yung importanteng bagay na kailangan kong mabawi...

kahit nasabi ko na napatawad ko na yung ibang taong involved sa pagkawala nung unit ko, hindi ko pa rin maiwasan na mapoot kapag naiisip ko na hindi dapat nangyari yung masasamang bagay na yun kung hindi dahil sa naging kapabayaan nila..
parang combo ng kamalasan yung nangyari sa akin nung mga panahon na yun..
after so many years nang paghahanap dito sa loob ng bansa, finally nakakita rin ako ng available unit sa ebay..
siyempre na-excite ako, natuwa nang sobra..
kinailangan ko pa ngang makipad-bid nang mano-mano nang hatinggabi para lang masigurado na makukuha ko yung item sa katapusan ng bidding period..
pero ano nga bang nangyari?
nung pumalpak yung delivery at nagsimula akong mag-imbestiga, paunti-unti ko na lang nadiskubre na nagkamali pala yung staff nung toy store na binilhan ko sa pagsulat nung address ko..
tas are namang mga empleyado ng LBC na nag-handle ng package ko, after mag-fail yung first attempt to deliver (dineliver yung package sa maling address na naibigay sa kanila, at dahil hindi naman talaga ako dun nakatira eh dineclare ako na 'unknown consignee'), eh isinauli daw agad yung item sa sender nang hindi man lang ikina-klaro yung nangyaring failure dun sa sender..
hindi man lang sinubukang i-verify at itama yung address o ano, tapos sabi na ganun daw talaga yung procedure nila na kapag corporate account ang nagpadala ng package eh hindi na nila ibe-verify sa kanila in case na may pagkakamali at agad na ibabalik na lang sa kanila bilang sender yung item..
tapos yung ibang empleyado naman nila iginigiit na mali yung naging desisyon at ginawa nung mga tauhan nila doon sa delivery hub...
nasaan ngayon yung tamang procedure dun? bakit sila-sila ang nagturuan kung sinong mali at kung ano yung maling ginawa? eh iisang kompanya lang naman sila eh...

una kong nakita yung Lotus unit at yung mga kasamahaan nya habang nagba-browse sa website ng Spawn..
naisip ko kasi na impressive yung sculpt nung mga prototype figures nila at hindi na rin naman masama yung mga mass produced copies..
bale sa lahat nung characters na naka-feature dun sa website nila, tatlo yung pinaka-napansin ko..
sumagi sa isip ko na humanap at bumili nga ng mga yun, ..pero hindi naman masyadong seryoso kasi baka nga naman wala namang available dito sa loob ng bansa (nakakatakot naman kasi ang buwis ng mga imported products)..
tapos ilang araw ang makalipas naghahanap ako ng ibang line ng action figures na pwede kong bilhin sa isang mall na within the city lang, at laking gulat ko kasi andun yung dalawang Spawn figures na target ko..
and to think na yung tatlo kong napili eh hindi naman talaga pare-parehas ng series na kinabibilangan o yung date kung kailan sila ni-release, eh naisip ko na parang destiny naman yun na nakita ko agad yung dalawa nang sabay..
at dahil may pagka-impulsive buyer ako, eh binili ko nga agad sila..
at dahil dun, mula sa pagiging 'hindi naman talaga seryoso', eh naging pursigido na akong kumpletuhin yung Spawn Trinity ko - na are na nga lang Lotus na character ang kulang...

for almost 4 years, naghanap ako nang naghanap dito sa bansa..
at nung finally makakita na ako at masyadong na-excite na makumpleto yung koleksyon ko..
sa loob lang ng ilang araw, bigla na lang binawi sa akin yun ng tadhana na para bang combo nga ng mga kamalasan..
sa totoo nga lang simula noon, parang sunud-sunod ng kamalasan ang nangyari sa iba't-ibang aspeto ng buhay ko..
naranasan kong gumuho ang isang maiko-consider kong long term na pangarap..
isa sa pinakamasasakit kong alaala sa buhay, bukod dun sa insidente kung saan pinagnakawan ako ng pinagsususpetyahan kong biological (ibig sabihin - kapamilya) sa loob ng sarili naming pamamahay..
at yung 'almost 4 years' na yun, naging 'more than 4 years and counting' pa dahil sa basurang insidente na yun...

a few months after nang masigasig na pagpa-followup ko dun sa insidente..
wala ring nangyari at parang nauwi lang ang lahat ng kapaguran ko at ng mga taong tumulong sa akin sa wala..
the last move sana ng ahensya ng gobyerno para sa akin ay yung mediation meeting na ini-schedule ng Philippine Shippers' Bureau (o kung anuman yung tamang spelling o paglalagay ng punctuation)..
para sa akin, sa LBC, at sa lahat ng taong invloved..
pero hindi naman sumipot yung may sala eh, ni hindi nga daw sinasagot yung pagkontak sa kanila nung nasabing ahensya..
after nun wala na akong balita...

hanggang ngayon marami pa rin akong katanungan na hindi nasasagot..
kung bakit may mga tangang empleyado ng kompanya?
may naparusahan na ba dahil sa palpak na serbisyo?
kung saan nga ba napunta yung item ko? ninakaw ba ng empleyado nung kompanya? o nahulog ba sa sasakyan habang ibinabiyahe? kasi hindi naman talaga katanggap-tanggap na sasabihin nila na basta na lang yun nawala na parang bula..
nawala yun, pero saan nga ba siya napunta?
kaninong bahay kaya siya naka-display ngayon?
responsableng kolektor ba ang nagma-may-ari sa kanya ngayon, o baka naman ginawa na lang siyang laruan ng isang batang mahilig manira ng mga gamit?

kung tutuusin hindi naman dapat naging malaking problema para sa akin ang lahat kung may maraming pera lang ako..
isang item lang naman yun eh..
madali lang dapat na palitan, kapalit ng malaking halaga ng salapi..
pero sino ba naman ako..
sa ngayon puros masasamang alaala at mga gabi ng bangungot lang ang naiwan para sa akin...

ang masama pa dun, kahit gaano ko kagustong maging bayolente at magtapon ng buhay ng mga walang kwentang tao - hindi naman ako hahayaan ng mga batas at ng mismong society na makaganti man lang sa mga tumarantado sa akin...


image is from www.spawn.com...
click here for a related post...


No comments:

Post a Comment