Sunday, April 6, 2014

K-ture: Rooftop Prince - Week 12 Recap

[originally posted on March 28, 2013]

at para sa last week ng Korean Drama na ito, ay meron lamang 3 episode..
since nahagip ang linggo na ito ng tinatawag na Holy Week ng mga Katoliko..
at dahil na rin sa ang majority o ang malaking bahagi ng populasyon ng bansa ay mga Katoliko...

ang masasabi ko lang ay ang linggong ito ay punung-puno ng masasakit na masasaya rin naman na mga pangyayari...



RTP-56
ang pinaka-masakit na paghihiwalay.. ang pagbabalik sa Joseon...

sa may paboritong tambayan ng mag-MU sa bench sa may ilalim ng puno.. tinanong ni Park Ha ang prinsipe, uy Lee Gak, gusto mo ako di ba, sumang-ayon naman ang lalaki, ako naman, ikaw rin, gusto kita, pangiti-ngiti lang na sang-ayon nang sang-ayon ang kamahalan sa bawat sabihin ng babae, maliban na lang ng sabihin na nito na sana pakasalan mo ako kung ganun, nakapikit pa si Park Ha na parang nagwi-wish ng hilingin niya iyon.. tila nabigla at nagbago ang mood ng prinsipe dahil sa proposal ng dalaga.. sumunod daw ang babae sa kanya...

sa fruit juice store, na nakapangalan kay Park Ha, na itinayo ng Joseon 4.. doon dinala ng kamahalan ang babae.. iyon daw ang sagot niya sa proposal, ipagpapatuloy daw nito ang kanyang buhay, hindi daw magtatagal at mawawala na rin sila, kapag daw nangyari iyon ay kailangan nang tahakin ng babae ang sarili niyang landas, naihanda na daw nila ang lahat para sa pagbubukas nito ng sarili nitong tindahan, nagsimula nang magtalo ang dalawa, bakit hiniling ba daw ni Park Ha na gawin nila yun.. una na daw na naglaho si Chi San, at hindi alam ni Lee Gak kung kailan siya susunod, kaya nga daw gusto ng babae na magpakasal sila, ganun din naman daw ang ginagawa ng iba, ang mga ikinakasal ay hindi din alam kung hanggang kailan lang sila magsasama, kahit isang araw lang daw ay pwede na, huwag daw nilang katakutan ang paghihiwalay nila, bagkus ay namnamin ang mga sandali na magkasama sila, gawin din daw nila ang ginagawa ng ibang tao, kung tadhana talaga nila na magkahiwalay, ay wala na silang magagawa dun.. bakit ba daw gusto ni Park Ha ng masasaklap na mga alaala, ano ba daw ang masaklap doon ang tanong ng babae, ang maikasal daw sa kanya at maging asawa niya, yun ang gusto ni Park Ha na alaala, kung ikakasal daw siya gusto niyang kay Lee Gak iyon.. pero nais lang daw ng lalaki na magkaroon ng maginhawang buhay ang dalaga, iyong hindi na nito kakailangang problemahin ang pera at kakainin niya, pero sumagot naman ang babae na anong saysay ng maginhawang buhay kung ang taong mahal niya ay wala sa tabi niya, hindi daw niya kailangan ang tulong nila, kaya daw niyang alagaan ang kanyang sarili, kahit wala na daw sila ay kakayanin niyang mabuhay ang sabi ni Park Ha.. sinabi naman ng kamahalan na "huwag mong ipilit ang hindi maaaring mangyari", at maluha-luhang nag-walkout mula sa tindahan ang babae...

sa paboritong bench.. pinag-iisipang mabuti ni Lee Gak ang mga sinabi ni Park Ha sa kanya.. pagkatapos nun ay nagmamadaling umuwi ang kamahalan sa Rooftop...

sa may labas ng Rooftop.. inabutan ng prinsipe si Park Ha na nag-aayos ng mga sinampay.. sinadya niyang tabigin ang bitbit ng babae na lalagyan ng mga damit, tahimik naman nitong pinulot ang mga iyon.. painis at pasigaw na nagsalita ang kamahalan, gaya ng nakaugalian niya, hanggang kailan ba daw nito balak na inisin siya para makuntento ito, bahala na daw ito, gawin na na daw nito ang gusto nitong mangyari sa buhay nito.. naka-talikod na tumayo ang babae at sinabing "hindi mo naiintindihan kung ano talaga ang gusto ko".. pero muling nagsalita si Lee Gak, "ako ang hindi mo maintindihan, inaalok na kitang magpakasal, iyon ang gusto mo di ba" (ibang klaseng wedding proposal).. lumingon na sa lalaki at napangiti na si Park Ha, ngumiti na rin si Lee Gak, at nagyakapan ang dalawang nag-iibigan...

bumisita ang dalawa sa dating palasyo, na isa nang tourist attraction sa kasalukuyang panahon.. naglalakad-lakad sila sa may gilid ng latian habang magkahawak-kamay.. ang latian daw na iyon ang paborito niyang lugar noong nasa Joseon pa siya, doon sa mismong lugar daw na iyon siya madalas maglakad, sinabi niya kung saang banda siya madalas tumitig, at iyon daw ang walang pinagbago sa lahat ng lugar na nandoon.. pero biglang nagsingit ng tanong si Park Ha, hindi ba daw dapat na inaasikaso nila ang kanilang kasal.. bigla namang sinabi ng kamahalan na may isang bagay na may pinakamalaking pinagbago, at iyon ay si Park Ha, noong panahon ng Joseon ay hindi daw ito ganung kadaldal, ang hindi lang daw nagbago ay ang - napakaganda pa rin niya.. hinalikan ni Lee Gak sa labi ang dalaga, kaagad din naman silang tumigil, tapos ay medyo napahiya sila dahil may mga tourista na dumaan...

pumunta ang dalawa sa isa sa mga gusali.. at may kinuha ang prinsipe mula sa ilalim ng isa sa mga poste nito, nakabaon ito sa ilalim ng ilang bato (na naging palatandaan siguro).. ano ba ang ginagawa niya ang tanong ng dalaga, tumayo na daw ito, ang sabi ng babae habang ingat na ingat silang nakikiramdam kung may makakahuli sa kanila.. pinakita ni Lee Gak ang bagay na kinuha niya, para itong isang mamahaling klase ng bato o hiyas, parang jade na may butas sa gitna.. ano ba daw iyon, pinulot daw ng lalaki ang bagay na yun, ayos lang ba daw na kunin nito iyon.. sinabi naman ng kamahalan na "sa akin talaga ang bagay na ito, noong musmos pa lang ako, 300 taon na ang nakalilipas, itinago at ibinaon ko ang bagay na ito sa ilalim ng poste", namangha naman ang dalaga, ganoon na daw pala katagal iyon.. iyon daw ang regalo ng prinsipe para sa kanya, ngumiti ang kamahalan, ang bagay daw na itinago niya sa loob ng 300 taon, sumagot naman ang babae na kung ganun ay ngayon niya natanggap ang regalo niyang iyon makalipas ang 300 taon.. sandali lang daw, hinubad ni Park Ha ang suot niyang kuwintas at isinuot dito ang batong ibinigay sa kanya ng kamahalan, ipinakita niya ito sa lalaki at itinanong kung ayos ba, "oo, maganda" ang sagot ng kamahalan.. pakisuot naman daw sa kanya ang request ni Park Ha, at isinuot nga ng prinsipe sa dalaga ang kuwintas na ginawa nito gamit iyong regalo niya, napakaganda daw nito sa kanya.. ngayong nabigyan na daw niya ang babae ng regalo ay pupuntahan na nila ang lugar na paggaganapan ng kanilang kasal...

sa isang wedding venue.. pakanta-kanta na chini-cheer nina Yong Sul at Man Bo sina Park Ha at ang prinsipe, masayang-masaya ang apat.. bigla silang napatigil at kinumusta ng kamahalan ang kanyang mga kasamahan, hindi ba daw nabibigatan ang mga ito sa mga bag, sumagot naman si Yong Sul na kailangan nilang tiisin iyon, parang babagsak na nga daw ang balikat ni Man Bo, pero madami daw kasi siyang gustong dalhin sa Joseon.. naitanong naman ng bodyguard kay Park Ha kung nagustuhan na ba nito ang wedding hall na iyon, sinabi naman ng dalaga na alam na daw niya kung saan niya gustong ikasal, at hindi sa wedding hall na iyon.. sumakay na ang apat sa elevator, nagpapatay-patay ang ilaw at nagtaka sila, panandaliang nawala ang ilaw, at pagkabalik nito ay hindi na nakita nina Lee Gak at Park Ha sina Man Bo at Yong Sul.. kinabahan na naman ang dalawa dahil sa paglalaho ng kanilang mga kasama.. bumukas na ang pinto ng elevator, at magkahawak kamay na lumabas ang magkasintahan (na parang naniniguro na hindi pa sila dapat magkahiwalay)...

sa Rooftop house.. magkatabi ulit sa kama ang dalawa.. nawala na daw sina Chi San, Man Bo at Yong Sul sabi ng dalaga, nakabalik daw kaya sila nang ligtas, sinabi naman ng prinsipe na siguradong ligtas lang sila, sana daw ay pwede silang matawagan nang makumusta naman sila ng babae, nasabihan naman si Park Ha ng prinsipe na "engot ka talaga", sinabi naman ng babae na "ikaw ang dapat kong sabihin nyan ah, yan palagi ang tawag ko sa'yo, engot ka kasi eh".. iniba naman ni Lee Gak ang usapan at sinabing "maraming salamat sa lahat, mahal na mahal kita", naluluhang ipinaulit ng dalaga sa prinsipe ang sinabi nito, at inulit nga iyong sabihin sa kanya ng kamahalan, niyakap ni Park Ha si Lee Gak matapos niyang sabihin iyon...

sa Rooftop house pa rin.. umaga na.. nakabihis na ng pangkasal sina Lee Gak at Park Ha (hindi iyong tradisyunal na costume ng Korea).. sinuotan ng babae ang prinsipe ng isang kuwintas, okay ba daw ang tanong niya, at maganda nga daw iyon ang sagot ng lalaki, sana daw ay parati iyong isuot ng kamahalan na malapit sa puso niya, at sumagot naman ito na "asahan mo yan"...

sa labas ng Rooftop.. naka-ayos na iyong lugar na para talagang lugar na dausan ng kasalan.. nagpalitan na ng vows ang magkasintahan na nagmula pa sa magkaibang panahon, sal-itan ang pagsasabi nila ng kanilang mga linya, "sa araw na ito ay tinatanggap ko si Lee Gak bilang aking asawa, tinatanggap ko rin si Park Ha bilang aking asawa, tinatanggap ko ng buong puso, at aking irirespeto, hanggang ako'y nabubuhay, mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan, taimtim akong sumusumpa".. matapos yun ay nag-kiss na yung dalawa.. unti-unting lumabo ang imahe ni Lee Gak, walang nagawa si Park Ha kundi ang pagmasdan lang siyang unti-unting naglalaho habang maluha-luha na ang kanyang mga mata, ang prinsipe naman ay nakangiti lang sa kanya at wala ring sinasabi, hanggang sa tuluyan na ngang naglaho sa panahon na iyon ang kamahalan.. napahagulgol si Park Ha dahil sa sakit nang kanilang paghihiwalay, nabitawan na rin niya iyong bouquet na kanyang hawak.. saka pa lang niya nagawang magsalita, "nawala ka na, ang mga salita ko, hindi mo na ba ako naririnig, sana nagpaalam ako, ang tanga ko dahil hindi ako nagsalita, sana nagpaalam ako bago ka umalis.. biglang may umihip na malakas na hangin, sinundan pa ng dalaga ang direksyon ito, napatingin at nagtaka si Park Ha (na para bang paraan iyon nang pagsagot sa kanya ni Lee Gak)...

---o0o---


RTP-57
ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng prinsesa...

sa panahon ng Joseon.. nakabalik na nga si Prinsipe Lee Gak at napadpad siya sa isang parang kulungan o bahay ng manok, lumabas siya mula dito, at pinagtinginan siya ng mga tao sa paligid niya dahil sa kakaiba niyang kasuotan (iyong damit na ipinangkasal niya).. maya-maya lang ay may dumating na na mga pulis at hinabol siya ng mga ito, arestado daw siya kaya huwag siyang tumakbo ang sabi nila sa hindi nila nakikilalang prinsipe.. dahil sa paghabol ng mga pulis ay muling nagkita ang kamahalan at si Chi San (na nakapang-future pa rin na attire), gutom na gutom na daw ang eunuch at wala itong magawa kundi ang dilaan na lang iyong papel na hawak niya, sa kanilang paglalakad ay nakita nila sina Man Bo at Yong Sul na kumakain sa isang parang tindahan, hindi ba daw at sina Yong Sul at Man Bo ang mga iyon ang tanong ng kamahalan.. nilapitan nila ang mga ito, at sila nga ang kanilang mga kasamahan (na nakapagpalit na sa mga luma at pang-ordinaryong tao na mga kasuotan, hindi nila ginamit iyong sadya nilang mga kasuotan, siguro para hindi mapansin ng mga tao kung ano o sino talaga sila).. mabuti daw at ligtas ang dalawa ang sabi ng prinsipe, nagtaka naman si Chi San kung saan nakakuha ng pera ang mga ito, sinabi ni Yong Sul na binigyan niya ng bubblegum iyong kusinera, at pagkain ang naging kapalit nun, ipinakita pa iyong kusinera o tindera na tuwang-tuwa sa pag-nguya niya nung bubblegum.. nagtaka pa sila kung bakit sila hinahabol ng mga pulis, ipinaliwanag naman ng tutor na si Man Bo na kung iba ang pananamit mo sa panahon na iyon ay siguradong hahabulin ka ng mga pulis, kaya magbihis na daw muna ang kamahalan, na sinang-ayunan naman nito...

sa bahay siguro ng isang Heneral (parang Mu-chan o Wu-chan iyong pagkabanggit sa pangalan niya eh).. hindi ko makuha nang malinaw iyong pangalan niya, pero siya ang katauhan ni Tommy Yong sa Joseon, at siyempre, kontrabida na siya simula pa lang noon.. may isang tauhan o kawal na nag-ulat sa kanyang mga pinuno, hanggang ngayon daw ay buhay pa rin ang prinsipe ang nagtatakang tanong ng isa sa mga nandoon sa bahay, opo daw at sigurado siya ang sabi nung kawal, nakita daw niya mismo ang prinsipe na dumating sa Palasyo.. inulit pa noong nakatatandang lalaki sa Heneral na tinatawag din niyang prinsipe ang balita, umuwi nga daw ang mahal na prinsipe sa palasyo kanina lang (datapwat magkakasama lang naman silang nag-uusap noong mga panahon na iyon dun sa silid).. halatang ikinainis ng Heneral iyong balita, kinuha niya ang kanyang espada mula sa patungan nito, at lumabas siya mula doon sa silid...

sa silid ng mahal na prinsipe, sa Palasyo siguro.. mukhang kababalik lang ng 3 alalay upang mag-report sa kanilang kamahalan.. umuwi ba daw ang mga ito upang kumustahin ang kanilang mga pamilya ang tanong ni Prinsipe Lee Gak, sumang-ayon naman ang mga ito.. hindi daw makapaniwala si Yong Sul na andami ng naging karanasan nila sa Seoul sa loob ng ilang buwan, pero doon daw sa Joseon ay isang gabi lang silang nawala.. natanong tuloy ng kamahalan na sa tingin ba nila ay hindi kaya panaginip lang ang lahat ng yun.. natawa naman ang tutor at ang eunuch sa sinabi ng kamahalan, 'hey' daw, pabirong sumagot si Man Bo na wala namang sense yun, dahil sariwa pa daw sa kanyang alaala ang Rooftop at si Park Ha, pabiro ring nakisali si Chi San na nagsabing "nagpaparinig ba kayo" sa kamahalan, at si Yong Sul naman ay kahit tahimik at mukhang seryoso ay sinabi na "as if".. pabiro namang sinita at pinagsabihan ng prinsipe ang 3 niyang alalay, sinabi nito na "hey!", anong "walang sense", anong "nagpaparinig", at anong "as if", kumilos kayo nang naaayon sa kaugalian dito sa Joseon, yumuko naman at humingi ng tawad ang 3 at masusunod daw ang kanilang kamahalan, napangiti naman si Prinsipe Lee Gak (na hindi ko mawari kung ini-enjoy na ba ulit ang kanyang authority o natutuwa lang siya dahil sobrang naging close na siya sa kanyang mga kasama na umabot pa sa punto na parang nawawala na ang pormalidad at authority sa pagitan nila).. biglang naging seryoso na ang kanilang usapan, dumating na daw ang panahon para lutasin ang pagkamatay ng mahal na prinsesa, kumuha daw ang 3 ng mga tauhan upang maumpisahan na nila ang kanilang paghahanap, kunin daw ng mga ito ang pamilya ng mahal na prinsesa upang mahatulan ang mga ito sa isang hukuman...

kaagad ngang dinakip ang lahat ng miyembro ng pamilya nina Prinsesa Hwa Yong at Bu Yong mula sa kanilang tahanan...

sa hukuman.. tinanong ng prinsipe ang mga nasasakdal kung alam ba ng mga ito kung bakit sila iniharap sa hukuman na iyon, sumagot naman ang head ng family (ang ama malamang nina Bu Yong) na hindi nila alam, dahil kasalukuyan nga silang nagluluksa sa pagkamatay ng kaanak nilang prinsesa, kaya sana daw ay naiintindihan ng kamahalan ang kanilang kalagayan.. tinanong naman ni Prinsipe Lee Gak iyong isang Lady (ang ina malamang nina Bu Yong), nasaan ba daw sa mga oras na iyon ang kapatid ng prinsesa na si Bu Yong, sinabi naman ng babae na may malubhang sakit ang dalaga, hindi ito maaaring lumabas sa kanyang silid, kaya't nagkukulong lang ito.. kung ganun daw ay dapat na siya pala ang pumunta at dumalaw dito ang sabi ng kamahalan (isang pahiwatig sa pamilya ni Bu Yong na alam na niya ang naging kapalaran ng dalaga).. panahon na daw upang malaman nila ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng prinsesa.. sinimulan ng kamahalan ang kanyang pagpapaliwanag, 7 araw daw matapos matagpuan ang patay na katawan ng prinsesa, at binalikan na nga niya ang mga pangyayari noon...

habang patungo sa tinutuluyan ng kapatid niyang prinsesa.. pinagmamasdan ni Bu Yong ang mahal na prinsipe sa paglalakad nito na kasama ang mga tagapaglingkod nito.. naisipan nang magpatuloy ng dalaga, subalit aksidente siyang nadapa at nakita siya ng mahal na prinsipe (LOL, nakakahiya iyon para sa isang maharlikang binibini).. napadapa nga ang babae sa lupa at natapon iyong dala-dala niyang pulbos para sa kapatid niya, nabuksan iyong lalagyan nito at may natapon na lamang pulbos at naamoy niya iyon.. huwag daw itong gumalaw ang sabi ng kamahalan, iniabot ng prinsipe ang kanyang kamay sa dalaga upang tulungan itong makabangon, pero hindi agad ito naintindihan ng babae dahil nga nakayuko siya, saglit na mahinang pumadyak-padyak ang prinsipe, at nilingon na siya ni Bu Yong, at pagkatapos nun ay pinatayo na nga niya ang kanyang hipag.. siya nga daw pala, nasagot na ba daw ng dalaga ang binigay niyang bugtong dito, mamatay man ito'y mabubuhay, mabuhay man ito'y mamamatay, subalit sinabi naman ng babae na hindi pa niya alam ang sagot, natawa tuloy ang mahal na prinsipe, ipinaalala niya na kapag hindi nito nasagot iyong bugtong hanggang bukas ay siya na ang mananalo sa kanilang pustahan, naiintindihan ba daw iyon ni Bu Yong...

sa silid ng mahal na prinsesa.. ibinigay na ni Bu Yong sa kamahalan (mahal na prinsesa) ang pulbos na ipinabibigay daw ng kanilang kapatid, at may liham din na galing sa kanilang ama, nagtaka naman si Prinsesa Hwa Yong na may liham na ipinadala ang kanilang ama para sa kanya, at binasa na niya muna ito.. ang alam daw ni Bu Yong ay galing sa Tsina iyong pulbos pero kakaiba daw ang amoy nito kumpara sa ibang pulbos na ginagamit sa mukha, nagpaalam siya sa mahal na prinsesa kung pwede ba niyang subukan rin ang pulbos na iyon.. saktong katatapos lang basahin ni Prinsesa Hwa Yong iyong sulat ng kanilang ama, hahawakan na sana ni Bu Yong iyong lalagyan ng pulbos, kung kaya't kaagad itong napigilan ng kanyang ate, huwag daw nitong hahawakan ang pulbos na iyon.. kabadong-kabado ang prinsesa doon sa pulbos.. matapos ay sinabi ng prinsesa na handa na siya, kaya makakaalis na ang kanyang nakababatang kapatid...

sa kanilang tahanan.. kababalik lang ni Bu Yong at naabutan niyang may mga kausap na tao ang kanyang ama, namukhaan niya ang Heneral, at nagulat naman ang lalaki sa kanyang biglang pagdating.. natanong si Bu Yong ng kanyang ama kung naibigay ba niya ang kanilang mga ipinadala para sa mahal na prinsesa, at sumagot naman ng "opo, Ama" ang dalaga, pagkatapos nun ay dumiretso na si Bu Yong sa kanyang ina.. naitanong niya dito kung sino ba iyong lalaki na madalas na kasama ng kanyang ama nitong mga nakaraang araw, at nabanggit nga ng nakatatandang babae na isa iyong Heneral at kapatid ng mahal na prinsipe.. ngayon daw lang niya nalaman ang tungkol doon, may kapatid daw pala ang prinsipe, ang pagtataka ni Bu Yong.. at naikuwento nga ng kanyang ina na, 3 taong gulang pa lang daw noon ang Heneral, may masamang nangyari kaya tinaggal sa posisyon ang inang reyna nito, at tinanggal ang buong pamilya nito mula sa katungkulan.. (bale sa nakaraan at sa hinaharap ay parating pamilya lang sa labas si Tommy, naging reyna rin nga ang kanyang ina sa Joseon, subalit naalis rin naman sila sa kanilang puwesto).. (hindi ko maintindihan kung bakit nakipagsabwatan pa ang pamilya o mga kaanak ni Bu Yong sa Heneral gayong ang prinsipeng tagapagmana na mismo ang naging asawa ni Prinsesa Hwa Yong, siguro ay may malalim na ugnayan ang kanilang mga angkan, o di kaya naman ay may mas magandang inalok ang Heneral para sa kanila)...

gabi na, hindi ko sigurado kung kaninong silid naroon si Bu Yong, siguro ay sa silid ng kapatid niyang prinsesa.. habang nagbuburda, napag-isip-isip ng dalaga na bakit daw ganun, hindi naman daw ganun ang amoy ng pulbos para sa mukha.. bigla niyang naalala ang liham ng kanyang ama para sa mahal na prinsesa, kinuha niya ito mula sa isang lalagyan at kanyang binasa.. nakasulat doon na, "mahal na prinsesa, dumating na ang takdang araw, intindihin mo nang mabuti ang aking sasabihin, kumilos ka ng walang pagkakamali"...

sa silid ng mahal na prinsipe.. sabay na kakain ang mag-asawa.. inihanda na ng mga tagapag-silbi ang kanilang pagkain.. masusi ba daw nilang nasiyasat ang mga pagkain, ang tanong ng mahal na prinsesa sa tagapaglingkod (na parang ginagawa niyang mas convincing ang kanyang acting, na kunwari ay inaalala niya ang kapakanan ng kanyang asawa), opo daw, pati daw ang persimones ay natikman na rin nila, kaya wala na daw silang dapat na ikabahala, nagpasalamat ang mahal na prinsipe at maaari na daw nitong iwan sila ng mahal na prinsesa...

nagmamadali namang nagtungo sa mahal na prinsipe ang nag-aalalang si Bu Yong (as usual, inaalala niya ang kapakanan ng prinsipe at maging ng kanyang kapatid) habang naaalala niya ang bilin ng kanilang ama sa kapatid niyang prinsesa.. kapag daw nakaalis na ang mga katulong, ay kunin ng prinsesa ang atensyon ng kamahalan, at saka niya palihim na ibudbod iyong pulbos sa mga persimones.. balik sa silid ng mag-asawa, para magawa niya iyon, sinabi ni Prinsesa Hwa Yong na may bago siyang ibinurdang panyo para sa kamahalan, kung ganun ay may bago na naman daw na ibinurdang panyong may paru-paro ang babae, maaari ba daw niya itong makita ang hiling ng lalaki.. nakakahiya daw ang kanyang kakayahan (akala mo naman eh siya talaga ang nagburda nun >,<), at sinabi naman ng prinsipe na wala siyang dapat na ikahiya dahil tanyag nga siya sa kakayanan niyang magburda.. at ipinakita na nga niya sa kamahalan iyong panyong may burda (kung hindi ako nagkakamali ay iyon rin iyong panyo na may misteryosong paru-paro na nagdala o nag-ugnay sa kanila sa future), habang tinitingnan ng prinsipe iyong panyo ay pasimpleng dumakot ang prinsesa ng pulbos mula sa lalagyan nito at ibinudbod iyon sa isa o ilan sa mga persimones.. napakaganda daw nun at pambihira daw talaga ang husay ni Prinsesa Hwa Yong.. napansin ng kamahalan na nababalot sa puting pulbos iyong persimones kaya lalo tuloy daw siyang natakam...

kakain na sana ang mag-asawa nang biglang tumawag ang kanilang mga tagapaglingkod na nasa labas ng silid, dumating daw kasi ang kapatid ng mahal na prinsesa na si Lady Bu Yong at nais nitong pumasok.. nagtaka naman si Prinsipe Lee Gak at tinanong ang prinsesa kung bakit nagpunta doon ang kapatid nito nang ganung kagabi, maaari daw itong pumasok ang sabi ng kamahalan sa mga tagapaglingkod.. pumasok na nga ang hipag ng prinsipe at naiinis naman na kinakabahan si Prinsesa Hwa Yong dahil sa mga pangyayari.. nalaman na daw ng dalaga ang sagot sa bugtong ng prinsipe, biglang natawa si Prinsipe Lee Gak, nagulat naman daw siya sa pagpunta ni Bu Yong doon, sigurado ba daw ito na may sagot na siya, dahil kung hindi ay siya na daw ang mananalo sa kanilang pustahan kinabukasan, sabihin na daw ng babae ang sagot nito sa kanyang bugtong - mamatay man ito'y mabubuhay, at mabuhay man ito'y mamamatay.. at ang sagot daw doon ay 'bu-yong' ang sabi ng hipag ng prinsipe.. nainis naman si Prinsesa Hwa Yong sa kanyang nakababatang kapatid, sinasabi ba daw nito na ang pangalan niya ang sagot doon sa bugtong, umuwi na daw ito at itigil na ang kalokohan niyang iyon.. sinabihan ng mahal na prinsipe ang kanyang asawa na hayaan na muna nilang magpaliwanag ang dalaga, bakit ba daw bu-yong ang naging kasagutan ni Bu Yong.. ang bu-yong (o Lotus) daw kasi ay namamatay kapag itinatanim ito at mula doon ay uusbong ang isang panibagong halaman, kailangan daw nitong mamatay pero iyon lang ang tanging paraan para kumapit sa lupa ang binhi nito, yun daw ang kapalaran ng bu-yong, kailangan nitong magsakripisyo para magbigay ng panibagong buhay, iyon daw ang aral na makukuha mula sa bu-yong, nabanggit din ng matalinong dalaga na sa Buddhismo ay ang bu-yong ay sumisimbolo sa pag-asa at sa panibagong buhay (sa talaga namang tila itinadhana na pagkakataon ay sinagot ng dalaga ang sagot sa bugtong ng bu-yong sa mismong pagkakataon na susubukan niyang isakripisyo ang kanyang sariling buhay upang mailigtas ang kamahalan).. muling natawa ang kamahalan, tama daw ang sagot ng kanyang hipag kung kaya't natalo siya sa kanilang pustahan.. nasagot nga daw niya ang bugtong ng kamahalan, at gaya ng ipinangako nito, ay ibigay na daw nito sa kanya ang kanyang pabuya.. nagtaka naman ang mahal na prinsipe sa tila pagmamadali ng dalaga, ngayon na ba daw nya gustong makuha ang kanyang pabuya ang tanong ng prinsipe sa babae, at sinabi naman ni Bu Yong na, opo kamahalan, ang nais ko pong pabuya ay ang mga persimones.. nasorpresa ang prinsipe sa hiling ng kanyang hipag, nagulat naman si Prinsesa Hwa Yong sa nais gawin ng kanyang kapatid.. muling nagtanong ang kamahalan, iyon lang ba daw talaga ang kanyang nais - ang mga persimones, muli ring sumagot ang babae na opo, bilang pabuya hayaan nyo pong kainin ko ang mga persimones.. tutuparin daw ng prinsipe ang kanyang pangako, kaya kumain lang si Bu Yong hanggang sa mabusog siya, at nagpasalamat ang dalaga sa kamahalan.. takot na maluha-luhang pinili ni Bu Yong ang kukunin niyang persimones mula doon sa lalagyan, maging si Prinsesa Hwa Yong ay natatakot rin para sa kanyang kapatid (kagaya noong nag-alala si Sena nang ma-ospital si Park Ha dahil sa pagliligtas nito noon kay Lee Gak na binalak na patayin ng magkasintahan).. (ewan, pero parang isang piraso lang iyong kinuha ni Bu Yong eh), nagpaalam na ang dalaga, malalim na daw ang gabi kaya mag-iingat daw ito sa kanyang pag-uwi ang paalala ng prinsipe, at bago tuluyang umalis ay may sinabi pa si Bu Yong, "kamahalan, pakiusap, sana maging mabuti kayo" (na parang pahiwatig niya na sana maging ligtas ang mahal na prinsipe)...

pagkalabas sa silid ay halos matumba na si Bu Yong na parang hinang-hina.. mabuti na lang at nandoon iyong mga tagapaglingkod ng mahal na prinsipe at prinsesa upang alalayan siya.. natanong nila, Lady Bu Yong, ayos lang po ba kayo, kung masama po ang inyong pakiramdam ay kailangan ninyo ng makakasama sa pag-uwi.. hindi na daw, huwag daw nila siyang alalahanin, ayos lang daw siya ang sabi ng dalaga.. nagbilin si Bu Yong sa mga tagapaglingkod, kapag nagtanong daw ang mahal na prinsesa tungkol sa kanya, ay sabihin daw nila na nandoon lang siya sa pavilion.. naitanong naman ng tagapaglingkod kung magkikita ba ang magkapatid ngayong gabi, sinabi naman ni Bu Yong na huwag kakalimutan ng mga ito ang kanyang bilin, at huwag na rin daw siyang alalahanin ng mga ito...

---o0o---


RTP-58
final episode...

sa isang omitted scene para sa nakaraang episode.. ipinakita pa si Bu Yong na nandoon sa pavilion, at nag-iiiyak.. nabasa ko rin sa isang review na inubos talaga ni Bu Yong iyong mga persimones, bago niya tuluyang iwan ang mahal na prinsipe at prinsesa...

sa pavilion.. hinihingal na at mababakas sa mukha ni Bu Yong ang sakit na kanyang nararamdaman.. dumating na rin ang naiinis na si Prinsesa Hwa Yong, pero sinisi lang niya si Bu Yong dahil sa pakikialam nito.. sa tingin ba daw nito ay makakaligtas sila kapag nalaman ang tungkol sa kanilang ginawa, paano daw iyon nagawa ng prinsesa sa mahal na prinsipe.. may huli daw kahilingan ang nakababatang kapatid, ipangako daw ng prinsesa na poprotektahan niya ang mahal na prinsipe.. tiyak daw na matatagpuan ang katawan niya doon sa Palasyo ang sabi ni Bu Yong, kapag nangyari daw yun ay malalaman na may nagtangkang lumason sa kamahalan, ang pamilya daw nila ay pilit na pananagutin, at maging ang prinsesa ay baka ipapatay rin.. muling sinisi ng nakatatandang kapatid si Bu Yong.. kung magpapalit daw sila ng kanilang kasuotan ay aakalain ng mga tao na ang mahal na prinsesa ang namatay, walang makakaalam na pinagtangkaan ang buhay ng mahal na prinsipe (sa tingin ko, ang nangyari ay walang sapat na motibo para patayin ang prinsesa, kaya naman magiging medyo ligtas iyon na alibi dahil nga mahihirapan ang mga tao na alamin ang totoong pangyayari, na siya na ngang naganap sa simula ng series na ito), at dahil daw doon ay ang ate ni Bu Yong at ang kanilang pamilya ay makakaligtas (katulad na katulad nga ng ugali ni Park Ha, kahit na iyong mismong kamag-anak niya at ang lalaking pinakamamahal niya ang mismong naglalaban, ay nais pa rin niya at ginagawa niya ang lahat para lang mailigtas ang parehong panig)...

sa labas ng pavilion.. may dalawang babaeng tagapaglingkod ang medyo nakakarinig sa pag-uusap ng magkapatid mula sa loob (siguro mga alalay sila ng prinsesa), pero hindi nila naiintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa, biglang lumitaw si Heneral Mu (Mu lang yata iyong mismong first name niya) na nakabihis bilang assassin at kaagad na pinaslang ang dalawang tagapaglingkod.. nagpalit na nga ng kasuotan ang dalawang babae.. lumabas at tumakbo paalis ang takot na takot na si Prinsesa Hwa Yong na suot-suot ang damit ni Bu Yong, at nakita siya ni Heneral Mu...

sa loob muli ng pavilion.. naghihingalong tumayo mula sa harapan ng mesa si Bu Yong na nakabihis na bilang prinsesa, wala na iyong maskara niyang pantakip sa kanyang mukha, at makikita na iyong peklat niya sa pisngi na idinulot ng pagkasunog nito dahil sa makalumang plantsa.. tinungo ng dalaga iyong folding na divider at iniwan niya doon ang isang liham...

pagkatapos nun ay lumabas na si Bu Yong doon sa tulay patungong pavilion, sa ibabaw ng latian.. hinintay niya talaga na doon siya mamatay.. nasambit pa niya ang salitang "kamahalan", at pagkatapos ay nahulog na nga siya sa may latian, at padapa nga siyang lumutang dito.. (medyo nagtataka lang ako kung paano nila na-consider iyong ganung pagpapanggap, noon kasing makita ang bangkay ng inaakalang prinsesa ay hindi na ito siniyasat, nakadapa itong binalutan ng tela, at hindi ko masabi kung may kinalaman iyon sa lumang tradisyon ng Korea.. ang isa ko pang naisip na dahilan ay dahil nga magkapatid iyong dalawa, baka naman nais na palabasin na may pagkakahawig sila, at iyong peklat naman sa pisngi nung babae ay posibleng isipin na resulta ng pagbagsak niya o pagkababad nang matagal doon sa tubig)...

balik sa hukuman.. sinasabi ba daw ng kamahalan na hindi ang mahal na prinsesa kundi si Bu Yong iyong namatay ang tanong ng ama ni Bu Yong, at na kasabwat sila sa planong pagpatay sa prinsipe, wala daw bahid ng katotohanan ang mga paratang na iyon.. nagsalita rin ang ina ni Bu Yong, iginiit nito na ang dalaga ay may malubha ngang karamdaman at nagpapahinga, kaya imposible ang sinasabi ng prinsipe na patay na ito, itinanong naman ng mahal na prinsipe, nakasisiguro ba daw ang ginang na si Bu Yong nga iyon.. ngayon din mismo ay hahalughugin daw nila ang bahay ng pamilya ng prinsesa...

pagdating sa tahanan ng pamilya ng prinsesa.. sinabi ni Prinsipe Lee Gak na gagalugarin nila ang buong lugar (maging sina Man Bo at Chi San ay nakapang-kawal na din na attire), hanapin daw ng mga tauhan niya si Bu Yong.. ilang saglit pa ay may nakakita na nga sa babae at ipinaalam ng mga ito sa kamahalan na natagpuan na siya.. ang naka-maskarang si Prinsesa Hwa Yong ang nakita nila (kagaya nung pantakip ni Bu Yong sa kanyang mukha), at inilabas siya mula sa kanyang pinagtataguan upang iharap sa mahal na prinsipe.. aalamin na sana ni Prinsipe Lee Gak kung sino talaga ang nasa likod ng maskara, nang bigla namang may dumating na mga kaaway at nagkaroon ng labanan, habang nagkakagulo ay pinana ni Heneral Mu si Prinsipe Lee Gak, at tinamaan ito sa may dibdib.. nahuli na ni Yong Sul si Heneral Mu bago pa man ito muling tumira ng isa pang pana (naturingan pa man din siyang Heneral, eh halos wala siyang pinagkaiba kay Tommy na walang laban kay Yong Sul), alalang-alala naman sina Chi San at Man Bo sa kamahalan, pero laking pagtataka rin nila nang alisin nito ang palaso mula sa kanyang dibdib.. nilapitan ng prinsipe ang naka-disguise na dalaga at tinanggal ang pantakip nito sa mukha, na-reveal nga na siya ay walang iba kundi si Prinsesa Hwa Yong.. nagmakaawa at hinawakan pa ng babae ang kanyang asawang prinsipe, pakiusap daw, maawa daw ito sa kanya, wala daw siyang alam sa mga nangyari, huwag daw siya nitong ipapatay.. nasabi naman ng kamahalan na "paanong naging prinsesa ang isang hayop na kagaya mo, kay Bu Yong ka humingi ng kapatawaran, parurusahan ko ang lahat ng may sala".. lumapit ang 3 alalay upang kumustahin ang prinsipe, "kamahalan, ayos lang po ba kayo", ang tanong nila, nagtataka namang inilabas ni Prinsipe Lee Gak iyong kuwintas na iniregalo sa kanya ni Park Ha, iyon pala ang nakapagligtas sa lalaki doon sa pana na ipinukol ni Heneral Mu, "muli na naman akong iniligtas ni Park Ha" ang sabi ng kamahalan...

sa harap na muli ng isang hukuman.. nilitis nang muli ng mahal na prinsipe ang kanyang mga kalaban.. ang ama daw nina Bu Yong ang pumatay noon sa kanyang ina, pinainom daw nila ito ng lason, at dahil sa takot nilang gantihan sila ng mahal na prinsipe kapag naging hari na ito ay pinagtangkaan nila ang buhay niya, dahil dun ay hinahatulan niyang pugutan ang ama at kapatid ni Bu Yong (iyong kawal na lalaki na nag-report kina Heneral Mu noong isang araw).. si Heneral Mu naman daw ay kapatid sa ama ng prinsipe, hindi daw niya akalain na nagtanim ito ng galit sa kanya noon pa man dahil tinanggal ang pamilya nito mula sa Palasyo, at dahil nakipagsabwatan ito sa mga kaanak ni Bu Yong ay hinahatulan niya rin ito na pugutan.. pero para daw kay Bu Yong ay hahayaang mabuhay ng mahal na prinsipe sina Hwa Yong at ang ina nito, pero aalisin na si Hwa Yong mula sa pagiging prinsesa at ipapatapon ang dalawa sa ibang lugar...

sa pavilion yata.. muling binisita ni Prinsipe Lee Gak iyong silid.. napansin niya iyong disenyong paru-paro doon sa parang folding na divider, biglang pa-misteryosong kuminang iyong isa sa mga paru-paro na parang may nais itong ituro sa kamahalan.. binuksan ng prinsipe iyong likod na natatakluban nung divider, at nakita niya dito ang liham na iniwan para sa kanya ni Bu Yong.. sinasabi doon na, "kamahalan, kung nababasa nyo ang sulat na ito ay nangangahulugan na kayo ay nabubuhay, may mabuti din naman palang maidudulot ang kamatayan, na ang nilalaman ng aking puso ay masasabi ko na, hindi nyo batid pero noon pa man ay mahal na mahal ko na kayo, sa aking pagkamatay, at sa aking muling pagkabuhay, kahit ilan daang taon pa ang lumipas, hindi na magbabago ang pag-ibig ko para sa'yo".. malungkot at naiiyak na binasa ng prinsipe ang liham para sa kanya ni Bu Yong...

malungkot na pinagmasdan ni Prinsipe Lee Gak ang latian, mula doon sa daan na madalas niyang lakaran.. tumakbo siya, pabalik siguro sa kanyang silid.. at sa isa na namang omitted scene ay ipinakita siyang gumagawa ng liham para naman kay Park Ha (bale hindi na niya kasi makakausap kailanman ang mismong si Bu Yong dahil patay na ito)...

ibinaon ng kamahalan iyong liham na inilagay niya sa loob ng isang parang kawayan na time capsule doon sa lugar sa ilalim ng poste na pinagbaunan niya noon nung batong iniregalo na niya kay Park Ha...

at sa future.. bumisita ulit si Park Ha doon sa Palasyo, at naisipan niyang muling hukayin iyong spot na pinagbaunan ng regalo para sa kanya ni Lee Gak, nagbabakasakali na meron na ulit nakabaon doon, at nakita nga niya doon iyong time capsule na pinaglagyan ng liham para sa kanya ng prinsipe, nakita niya iyong sulat sa loob nito na tila naluma na rin sa panahon na nagdaan, at napangiti siya habang maluha-luha ang kanyang mga mata.. naupo siya sa isang concrete yata na upuan, at maligaya na malungkot na naiiyak niyang binasa ang mensahe para sa kanya ng kanyang pinakamamahal.. kumusta na daw siya, nakabalik daw sila ng ligtas sa Joseon, kapag nabasa na daw ito ng dalaga ay 300 taon na ang nakalipas, kung nagawa daw niya itong hanapin ay binabawi na ng kamahalan ang pagtawag nito sa kanya na engot, at humingi rin siya ng tawad dahil dito, napangiti naman si Park Ha habang naluluha, kumikita daw ba iyong fruit juice business ang tanong ng prinsipe, palagi daw niyang inaalala ang dalaga, gusto niyang marinig ang boses nito, gusto niyang makita ito ulit, kung kinakailangan daw niya na mamatay para lamang makita si Park Ha - ay gusto na niyang mamatay, sana daw ay mas nasabi niya dito kung gaano niya ito kamahal...

sa fruit juice shop ni Park Ha.. um-order si Terrence ng apple juice sa dalaga (tugmang-tugma doon sa una nilang pagkikita, dahil aksidente siyang nabato noon ng babae ng mansanas, at tinawag nila ito ni Tommy na Apple-Girl), nasorpresa ang binata na makita si Park Ha doon sa shop, patunay na naaalala niya pa rin ito mula sa New York kahit na na-comatose siya sa loob ng mahabang panahon.. napangiti siya, pero hindi naman siya napansin ng babae, tila masyadong malalim ang iniisip nito, tumatanggap pa rin naman siya ng mga order mula sa customer, pero hindi na niya sila masyadong binibigyan ng atensyon.. nagpasalamat si Terrence, at salamat din daw ang sabi ni Park Ha, umalis na sa shop niya ang binata nang hindi man lang niya ito tinitingnan...

balik sa Joseon.. nagtayo ang 3 alalay ng prinsipe ng kainan, at ang specialty nila - ang omurice (sa tingin ko isa yung sinadyang humorous na butas dun sa script, kagaya na rin nung mga electronic devices na dinala ng 4 sa Joseon, dahil imposible talaga na mapakinabangan nila iyong mga ketchup at mga music player sa loob ng mahabang panahon, maliban na lang siguro kung kaya nung mga gadget na mag-recharge ng mga sarili nila gamit ang solar energy, anyway, sa tingin ko nga eh ginawa lang yun para sa katuwaan).. napakahaba ng pila ng mga tao sa kanilang restaurant, si Yong sul ang nagtatawag ng mga tao kapag handa na ang order nila, meron na rin silang mga tagapag-silbi, sina Man Bo at Chi San naman ang naghahanda ng omurice, mukhang nakaisip si Man Bo ng sarili niyang paraan para gumawa ng ketchup mula sa kamatis (pero siyempre nakakapagtaka pa rin na makuha kaagad nila iyong tamang tekstura nun sa panahon nila, LOL), nagtalo pa nga iyong dalawa dahil sa ketchup, mali siguro iyong proportion na ginagawa ni Chi San, at sinabi ni Man Bo na ang ketchup pa naman daw ang pinaka-importante sa paggawa ng omurice...

sa silid ng mahal na prinsipe.. dumating ang 3 na suot na ulit iyong mga uniform nila sa trabaho.. bakit daw ang tagal nila ang tanong ng kamahalan, eh bakit kaya hindi daw siya ang pumunta doon sa restaurant, naulit naman ni Man Bo na "magbayad kaya kayo ng utang ninyo", sumagot naman si Prinsipe Lee Gak na sa tingin nyo ba ay meron akong pera.. nagyaya ng kumain ang 4, at sa next scene ay nakapagpalit na sila sa kanilang mga color coded na sweatsuit habang suot pa rin nila iyong mga tradisyunal nilang sumbrero, nang magsimula na silang kumain ay lumipat iyong 3 sa lapag habang ang prinsipe na lang ang naiwan na kumakain sa mesa, at gaya ng dati ang lakas nilang kumain ng omurice (halos katulad ito noong unang beses silang ipaghanda ni Park Ha ng omurice sa Rooftop house, sa lapag din noon kumain iyong 3 alalay, at dahil sa respeto nila sa kamahalan ay ito lang ang naiwang kumain sa may mesa, ang pinagkaiba lang sa eksena ay noong una ay nasa makabagong panahon sila at kumain sila na nakasuot ng mga tradisyunal nilang damit, pero ngayong nasa Joseon na ulit sila, sabay-sabay naman silang kumain ng omurice habang suot-suot iyong mga sweatsuit na unang mga kasuotan na ibinigay sa kanila ni Park Ha sa future).. matapos makakain ay bigla na lang napaiyak ang kamahalan, "kamahalan" ang sabi ng 3 habang nag-aalala sa prinsipe, at nagkunwari na lang ito na napaiyak siya dahil napakasarap kasi ng niluto nilang omurice...

sa future.. magbubukas na sana ng kanyang shop si Park Ha, nang mapansin niyang may postcard na nakadikit sa bintana o pinto ng kanyang shop, merong note dun na nagsasabing magkita sila sa Seoul Tower ng 5pm, tiningnan ng dalaga ang likuran nung postcard at nakita niya ang isang panibagong sketch niya habang nagbubuhos ng juice sa baso, makikita rin dun ang signature ni Terrence, nasorpresa si Park Ha at naalala nga niya si Terrence Yong...

nagpunta nga si Park Ha sa meeting place.. isang saglit ay dumagsa ang maraming tao, at isang saglit din ay halos nawala silang lahat, at nandoon na si Terrence sa may gilid ng babae, nasa likod ang mga kamay niya kagaya nang madalas na postura ni Lee Gak habang tinititigan niya ito.. napalingon si Park Ha at napangiti na silang dalawa.. "bakit ngayon ka lang dumating, matagal na kitang hinihintay" ang sabi ng binata, sumagot naman ang babae na "saan ka ba kasi nagpunta, nandito lang ako, hindi naman ako umalis".. iniabot ng lalaki kay Park Ha ang kanyang kamay, hinawakan ito ng babae, at pag zoom out ng camera ay si Prinsipe Lee Gak na ang makikita sa katauhan ni Terrence Yong (na suot-suot iyong tradisyunal niyang royal outfit), naluha ang dalawa nang muli silang magkatinginan.. tila nasambit nila sa kanilang mga sarili, nasabi ng binata na "kahit ilan daang taon pa ang lumipas", at itinuloy naman iyong statement ni Park Ha na (at nagsabay pa yata sila na sinabing) "hindi na magbabago ang pag-ibig ko para sa'yo".. (sa statement na yun pinalabas na nagkakaintindihan na ang dalawa, dahil kung tutuusin eh hindi naman nabasa ni Terrence Yong iyong mga salitang iyon mula sa sulat ni Bu Yong, hindi rin naman alam ni Park Ha na minsan na nga iyong nasabi ng nakaraan niyang katauhan, na parang pinalalabas na nag-synchronize na nga ang dalawa sa mga dati nilang katauhan upang ipagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan nila)...

THE END



to follow iyong final review ko sa Rooftop Prince..
may kasama na yung mga pictures (na hiram lang)...^_^


No comments:

Post a Comment