Sunday, April 6, 2014

K-ture: Rooftop Prince - Week 11 Recap

[originally posted on March 22, 2013]

2nd to the last week..
dahil sa bagong kabayo show, ginawang 16:45 ang schedule nung Korean drama tuwing hapon, at 9:45 naman ang replay sa TV 10..
at napakarahas ng ginagawa ng ABS-CBN para series na ito..
maraming omitted scenes..
tapos iyong replay naman ng ABS-CBN TV 10 Batangas tuwing umaga ay nagloko na rin..
muli nilang isiningit sa morning show iyong isang anime..
at bilang resulta, yung kina-cut na episode ng ABS-CBN ay parang tinadtad pa nila na halos wala na ngang maintindihan doon sa palabas...

darating pa ang Holy Week ng mga Katoliko..
at nasa kalagitnaan pa lang ng Episode 19 ang naipapalabas sa ngayon..
kaya mukha iyong nalalabing mahigit sa isang episode ay mukhang pagkakasyahin nila sa loob ng 3 araw na lang...

anyway..
iyong linggong ito ay puno ng karahasan, at meron rin namang mga eksena nang pagbabagong buhay...



RTP-51
reunion ng ina at ng bunso niyang anak.. 4th na insidente ng paglalaho para sa Joseon 4, 3rd na insidente para kay Lee Gak, pero first time niyang nakita itong mangyari sa kanya...

nakabalik na nga ang mag-Tita-Lola sa Mansyon.. pagpasok ni ala-Terrence sa kanyang kuwarto ay natapakan niya iyong bagay na naihulog ni Sena noong kinuha nito ang laptop ni Terrence, isa palang susi ng condo o apartment ang bagay na iyon.. kinutuban siya, kaya ch-in-eck niya kung may nawawala sa kuwarto niya, at nakita nga niyang wala na iyong laptop sa istante kung saan ito inilapag noon ni Tommy, may duda na siya kung sinong may kagagawan sa pagkamatay ng Lola ni Terrence...

on the way na papunta sa airport ang mag-inang Helen at Sena, ipinagda-drive sila ng secretary ng Chairman na si Park Ha.. balisa pa rin si Sena.. naalala ni Chairman Jang na isauli sa sekretarya iyong white envelope na naiwan nito sa kanyang suite, gagamitin niya daw iyon para mahanap niya ang kanyang totoong ina, nasabi daw sa kanya ng dalaga na iyon lang ang family picture na meron siya, kaya naman ingatan daw niya iyon nang mabuti.. kinausap naman ni Helen ang kanyang panganay, kahit na daw siya ang tunay nitong ina ay ituring pa rin nitong kapatid si Park Ha, sumagot naman si Sena na "siyempre naman po" (nakalusot pa rin nga siya sa paglilihim niya sa kanyang Mama ng tungkol sa bunso niyang kapatid)...

sa airport.. ibinigay na ni Chairman Jang ang sweldo ni Park Ha, dinagdagan na din daw niya iyon para makatulong sa paghahanap ng dalaga sa Mama nito.. alam daw niyang wala siyang karapatan para sabihin ito sa dalaga, pero ingatan daw sana nito si Susan, siguradong mahirap daw kasi para dito ang pag-alis ng kanyang anak.. maging si Sena ay sinabihan si Park Ha na mag-iingat sila ng Stepmom nila (na parang concerned talaga siya sa ikinahihiya niya dating ina-inahan)...

habang naglalakad paalis ng airport.. naalala ni Park Ha ang analyzation ni Lee Gak tungkol sa posibilidad na maging Mama niya rin si Chairman Jang.. maluha-luha nitong tiningnan iyong envelope na kinalalagyan ng punit na family picture nila, at muli siyang bumalik sa loob para kausapin si Chairman Jang...

sa loob ng airport ay naghihintay pa lang naman sina Chairman Jang, nakaupo ito at wala naman si Sena sa paligid.. nilapitan ni Park Ha si Helen, at sinabing sandali lang po, meron lang po akong gustong itanong, baka po itong picture ay nakilala ninyo sabay abot sa Chairman ng punit niyang kopya ng family picture nilang mag-anak (tila nahihiya pa si Park Ha, pero hinugot na niya lahat ng lakas ng loob kasama na ang theory ni Lee Gak upang itanong ang bagay na iyon sa Chairman).. nabigla at kaagad na nakilala naman ni Helen ang kanilang larawan, naluha siya at nasambit na "ikaw si Inju Park".. hindi naman makapaniwala si Park Ha sa kanyang natuklasan, at sinabing "ako si Inju".. muling sinabi ni Helen na "Inju, anak", marahan siyang lumapit sa dalaga, hinawakan niya ito sa mukha sa may pisngi, at niyakap niya ang bagong kakikilala pa lang niyang bunsong anak.. tinawag na ng dalaga na 'Mama' ang Chairman, nasabi naman ni Helen sa kanyang bunso na matagal niya itong hinanap, muling nagyakapan ang mag-ina nang mahigpit habang umiiyak.. sa may di kalayuan ay pabalik nang naglalakad si Sena, nakita niyang magkasama at emosyonal ang dalawa niyang kapamilya, natigilan siya (at malamang na-realize na niya na alam na ng dalawa ang katotohanan na pilit nilang itinatago ng nobyo niyang si Tommy mula sa mga ito)...

sa bus o sa train siguro.. nag-text ang guiltyng-guilty na na si Sena sa kanyang Mama, "sorry Mama, iyong Inju na hinahanap nyo ay si Park Ha, pero hindi ko po sinabi kaagad sa inyo, wala na po akong mukhang maihaharap sa inyo, kaya hindi na po ako sasama sa Hong Kong, goodbye Mama"...

habang nasa burol ng Lola Chairman.. tinawagan ni Sena si Dir. YOng.. nasorpresa naman ng binata sa kanyang nobya, (nabanggit niya ang pangalan ng babae habang nag-uusap), bakit daw nakakatawag pa ito sa kanya, hindi ba daw ay dapat na nakaalis na ito, paano daw siya makakaalis ngayon doon sa funeral, ang dalaga na lang daw ang pumunta doon sa lugar ng burol.. pero nagkasundo rin ang dalawa at si Tommy na lang daw ang pupunta sa apartment ng babae, narinig naman ni ala-Terrence ang usapan ng magkasintahan...

sa apartment.. nag-iinom si Sena nang mag-isa.. ginamit ni ala-Terrence iyong (hightech na) susi na naihulog ni Sena sa kuwarto ni Terrence upang buksan ang pinto ng unit ng dalaga, at gumana nga iyon.. sa pag-aakalang si Tommy na iyong pumasok sa kanyang apartment ay naglintanya na ang babae, bakit daw sa funeral ng Chairman siya pinapupunta ng lalaki, paano daw nito nagagawang tumayo sa harapan ng kanyang Lola, hindi ba daw ito natatakot sa kanya.. narinig ni ala-Terrence ang mga sinabi ni Sena na para sana kay Tommy, nang humarap ang dalaga ay nagulat siyang si ala-Terrence pala ang nakausap niya, unti-unti siyang nilapitan ng binata, napatayo sa takot ang dalaga at napaatras at napatuon sa mesa.. dumating na rin si Tommy doon sa apartment, at nagulat nga siya na makita na nandoon si ala-Terrence, nauutal pa niyang sinabi na "T-Terrence", sa sobrang galit ay sinuntok ng binata ang kanyang pinsan-sa-labas, sabay sabi dito na "walanghiya ka".. nasa labas na sila ng unit ng babae, nagkukuwelyuhan sila, sinabi ni ala-Terrence na "ikaw ang pumatay kay Lola di ba" (bale medyo mali iyong pagkaintindi niya sa statement ni Miss Hong).. sumagot naman si Tommy na "nasisiraan ka na, wala kang alam sa nangyari".. suntukan pa rin nang suntukan sa hallway ang kunwaring magpinsan.. noon pa man daw ay alam na ng nagpapanggap niyang pinsan na isa siyang sinungaling at mamamatay tao (nagkamali yata siya sa pagkasabi niya nito dahil halos ganoon rin yung nabitawan niyang mga salita noon bilang impostor ni Terrence), sinabi naman ni Dir. Yong na huwag daw siyang pagbintangan ni ala-Terrence.. sa huling pagkakataon ay sinuntok ng nagpapanggap na tagapagmana ang salbahe niyang pinsan at bumagsak naman ito sa sahig, sisiguraduhin daw ni ala-Terrence na pagbabayarin niya ang binatang Director sa lahat ng mga kasalanan na ginawa nito, at tandaan daw nito iyon.. umalis na ang galit na galit pang binata, at naiwan naman si Tommy na duguan pa ang labi...

binisita ni Lee Gak si Terrence sa ospital na pinaglipatan nila dito.. nasa coma pa rin hanggang ngayon ang binata.. kinausap niya ito, patawad Terrence Yong, hindi ko naprotektahan ang Lola mo para sa'yo, nakagawa ako ng malaking pagkakamali sa'yo, huhulihin ko ang taong pumaslang sa Lola mo, at saka ako hihingi ulit ng tawad sa'yo, Terrence Yong lumaban ka...

sa may bench na paboritong tambayan ng mag-Mu.. muling napag-usapan nina Lee Gak at Park Ha ang tungkol sa pamilya ng babae.. ang nakilala daw ng prinsipe na katauhan nina Park Ha at Sena sa Joseon ay tunay na magkapatid kaya naman hindi siya kaagad makapaniwala sa sinabi sa kanya ng dalaga noong una, at dahil sa mga naging kaganapan ay may misteryo daw na bumabagabag sa kanya ang nabigyan niya ng kasagutan.. dahil hindi daw alam noon ng babae ang tungkol sa tunay niyang pamilya ay siguro'y nagsisisi ito, kung nalaman lang daw sana nito ang katotohanan ay sana'y hindi na nito naramdaman ang ganoong kalungkutan.. sinabi ng kamalahan sa babae, ngayong nakita mo na ang iyong tunay na Mama, sapat na iyon upang maging masaya ka, at sumang-ayon naman si Park Ha.. iniisip daw niya na sana nakilala na lang daw niya si Lee Gak nang maaga, tumayo ang babae at bahagyang lumayo sa prinsipe.. tahimik lang siya nakatayo ngunit maluha-luha, sinubukan siyang yakapin ng lalaki, pero nagulat ito nang mapansin niyang hindi niya magawang mayakap ang dalaga, pinagmasdan niya ang naglalaho niyang mga kamay (unang beses niyang masaksihan ito), takang-taka siya sa nangyayari sa kanya, at di kalaunan ay nagbalik na rin ang imahe ng mga kamay niya at naging stable na ulit ang existence niya.. ngumiti na ang babae at humarap sa binata, napansin niyang parang may gumugulo sa isip ng prinsipe, ano ba daw ang problema, sumagot naman ang lalaki na wala at ayos lang siya, sabihin na daw niya kasi kung ano yun ang sabi ni Park Ha, pasungit namang sumagot ang kamahalan na hindi ba't narinig mo ang sinabi ko kaya huwag mo na akong alalahanin.. hindi pa masabi ni Lee Gak sa babae ang kanyang nasaksihan, umalis na ito sa tambayan nila, pero sinundan rin naman siya ni Park Ha.. habang naglalakad ay inamin na rin ng prinsipe sa babae ang nangyari, may nangyayari daw kasi sa kanya, naglalaho ang aking katawan, hindi kita magawang yakapin nang mahigpit.. nabanggit ng dalaga na, nakita mo na pala na naglalaho ka, nainis naman sa kanya ang kamahalan at nasigawan siya nito, alam mo na pala ang nangyayari pero bakit hindi mo sinabi sa akin.. sinabi ng dalaga na hindi naman niya kasi alam kung paano iyon sasabihin sa kanya, at natatakot kasi siya, bahagyang tumalikod ang babae.. sinubukan itong hawakan ni Lee Gak sa may balikat, at sa pagkakataon na iyon ay muli na nga niyang nahawakan si Park Ha, niyakap niya ito nang mahigpit habang umiiyak silang pareho (siguro dahil sa pakiramdam na malapit na silang magkahiwalay)...

---o0o---


RTP-52
kalaboso ang prinsipe.. at ang lihim ng panyong may burda...

sa isang parke na may background na fountain.. ngayong batid na daw ni Lee Gak ang kanyang paglalaho, ibig sabihin ay babalik na siya sa Joseon.. sumang-ayon naman si Park Ha na "kapag umalis ka, kailangan mo ring bumalik".. nabanggit naman ng kamahalan na maaaring ang dahilan ng pagpunta nila sa future ay para makilala si Park Ha, wala na daw siyang magawa kundi ang magustuhan ang dalaga.. sinabi naman ng babae na nandoon ang prinsipe upang hanapin ang pumatay sa kanilang prinsesa.. sumagot naman si Lee Gak na mas gusto niyang makasama ang dalaga sa mga nalalabi niyang oras, at wala na daw siyang oras.. pinaalala rin ni Park Ha na kailangan pa niyang mahanap ang pumatay sa kanyang Lola, at sinabi naman ng kamahalan na gagawin niya talaga iyon...

ipinatawag ni Lee Gak ang 3 niyang alalay.. ano na daw ang balita tungkol sa pagkamatay ng Chairman, sinabi naman ni Yong Sul na iniimbestigahan na ang tungkol sa bagay na iyon ng mga pulis.. naulit naman ni Lee Gak na malakas talaga ang kanyang kutob na may kinalaman si Tommy sa pagkamatay ng Chairman, kung ganoon daw ay merong pinaghihinalaan ang prinsipe ngunit wala itong ebidensya ang sabi naman ni Chi San.. nasabi naman ng kamahalan na siya na mismo ang magpapataw kay Tommy ng kaparusahan nito...

sa Kompanya, ipinatawag ng abugado ng Lola Chairman ang mga kaanak nito pati na rin si Dir. Pyo.. hawak na daw nito ang last will and testament ng matanda, at ini-brief na niya ang mga malalapit sa Chairman tungkol doon.. nakasaad daw doon na ang kabuuan ng pamana ni Chairman Yong ay mapupunta kay Terrence Yong, pero kung hindi magpapakita ang binata sa reading ng last will and testament ay ang mangyayari ay mapupunta ang lahat ng mamanahin nito sa apo din ng Chairman na si Tommy Yong, isinulat daw iyong dokumento ng Chairman noong mga panahon na nawawala pa si Terrence, pero dahil nandito na si Terrence at ligtas, ang mangyayari ay siya na nga ang makatatanggap ng lahat-lahat ng arian ng yumaong Chairman, kung sino daw ang may balak na mag-object ay magsumite na ng kanilang apila sa law firm.. sinabi naman ni Dir. Pyo sa abugado na wala nang mag-o-object, at sa sobrang pagkadismaya ay lumabas na sa room na iyon ang mga Yong-sa-labas...

nag-usap ang mag-amang Bernard at Tommy Yong.. ganun na lang ba daw kadaling mawawala ang lahat ng pinaghirapan ng binata, sinabi naman ni Exec. Yong na kung may makikita lang sana silang butas...

sa hallway.. naalala ni Tommy iyong mga binitawan sa kanyang salita ni ala-Terrence noong nagpang-abot sila sa apartment ni Sena, tinawag siya nitong sinungaling at mamamatay tao noon kaya naman naikumpara niya iyon sa mga nasabi sa kanya noon ng impostor ni Terrence sa bar - na iisang tao lang daw iyong sinasabi niyang sinungaling at mamamatay tao.. dahil doon ay nagduda ang Director kay ala-Terrence.. sa kanyang office, ni-review niya iyong video na kuha noong ibinulgar niya sa board na ang totoong Terrence ay nasa ospital at comatose, at nakita niya doon na may singsing sa kamay ang nagpapanggap niyang pinsan, at napanood niya rin kung paano ito itinago ng binata mula sa kanya noong mga panahon na iyon...

sa garahe yata ng Mansyon.. ch-in-eck ni Dir. Yong ang SUV ni ala-Terrence, nagkataon namang naiwan itong bukas.. binuksan ng kontrabidang binata ang harapan at may iniligay siya sa loob nito na ebidensya na nakalagay sa isang itim na balot na magagamit niya laban sa nabuking na niya ulit na impostor...

habang naglalakad sa daan.. seryoso at malalim ang iniisip ni Lee Gak, nasa likod ang mga kamay niya gaya ng nakagawian na niya, habang si Park Ha naman ay nilalaro ang mga iyon, basta barley at rice iyong kinakanta niya eh.. humingi ang prinsipe ng paumanhin sa babae, magkasama daw sila pero iba naman ang nasa isip niya ngayon.. sinabi naman ng dalaga na ang haring naka-focus lamang sa babae ay walang charm, kung kaya't ipagpatuloy na nito iyong iniisip niya.. nasabi naman ng prinsipe na maalalahanin talaga si Park Ha.. naitanong ng babae kung naghahanap pa rin ba ang binata ng ebidensya na may kinalaman sa pagkamatay sa Lola-lolahan nito, may hinala na daw ang lalaki subalit wala pa siyang ebidensya.. biglang may advertisement na ipinalabas sa isang public tv o monitor, at tungkol iyon sa paggamit ng blackbox para sa mga kotse at iba pang sasakyan, nabanggit doon sa commercial kung paano nakakatulong ang gamit na iyon sa paglutas ng mga aksidente o krimen sa daan.. naalala ni Lee Gak iyong mga nakita niyang sulat at mga nagkalat na bubog sa kalsada malapit sa may Mansyon noong araw na napatay ang Lola ni Terrence, at mukhang may kinalaman nga ang mga iyon sa isang banggaan.. naitanong ng kamahalan sa babae kung lahat ba ng sasakyan ay meron nung sinasabi sa patalastas na blackbox, nasabi naman ng dalaga na marami na ngang kotse ang nag-i-install ng ganung device.. noong araw daw na mamatay ang Chairman ay may aksidenteng nangyari sa may labas ng bahay nito, nabanggit naman ni Park Ha na posibleng may blackbox nga ang mga sasakyan na iyon, kung ganun ay pwede na daw nilang makita kung sino ang huling tao na nanggaling sa Mansyon noon...

nagtanong-tanong ang mag-MU doon sa malapit sa pinangyarihan ng aksidente.. may nakausap silang ale, kilala nga daw niya iyong nasangkot sa banggaan at may blackbox nga daw ang koste nun, pero sa kamag-anak lang daw nila na bumibisita sa kanila iyong sasakyan at nakatira iyon sa medyo may kalayuan na lugar...

medyo masaya ang dalawa dahil sa kanilang nalaman, at nagbabalak nang pumunta doon sa lugar na nabanggit noong ale.. bigla naman silang hinarang ng isang mama na naka-sibilyan, itinanong nito sa binata kung siya si Terrence Yong, um-oo siya at muling nilinaw ng mama kung siya ba talaga ang totoong Terrence Yong.. sa puntong iyon ay nagpakilala na ang mama at ang iba pa niyang kasama na mga pulis sila, inaaresto daw nila ang binata dahil sa pagpapanggap bilang si Terrence Yong at bilang suspek rin sa pagpatay kay Chairman Yong, may karapatan daw siyang manahimik at kumuha ng kanyang abugado, at sa prisinto na lang daw siya magpaliwanag.. iginiit naman ng nagpapanggap na siya nga si Terrence Yong, maging si Park Ha ay sinabi na ito talaga ang apo ng Chairman.. subalit wala na silang nagawa, sinabi ni ala-Terrence sa babae na huwag itong mag-alala sa kanya, babalik daw siya kaagad.. at isinakay na nga ng mga pulis ang binata sa kanilang kotse...

sa istasyon ng mga pulis.. in-interrrogate na ng isa sa mga pulis doon si ala-Terrence, nasaan daw si Terrence Yong, at muling iginiit ng binata na siya nga ang totoong Terrence Yong.. may ipinakita iyong pulis sa kanya, nahanap daw nila iyon sa kanyang sasakyan (iyong ebidensya na itinanim ni Tommy laban sa kanya).. nagpanggap daw siya at nagsimulang tumira sa bahay ng mga Yong, at pinatay rin niya si Chairman Yong.. bukod doon ay napag-isipan pa daw niyang magnakaw ng pera at magtago sa ibang bansa.. itinatanggi naman ni ala-Terrence lahat ng bintang laban sa kanya...

sa prisinto pa rin, ipinatawag si Dir. Yong ng mga pulis.. sinabi ni ala-Terrence na nabanggit na nga niyang magkasama sila noon sa bar ni Tommy, at pinakiusapan ang kanyang pinsan-sa-labas na sabihin ang totoo sa pulis.. tinanong na ng pulis ang binatang Director, noong araw daw na mamatay si Chairman Yong, nasaan daw siya.. sinabi naman ni Dir. Yong na nasa Kompanya siya noon at kasama si Secretary Hong.. nagulat si ala-Terrence sa panibagong kasinungalingan ng kaaway, ano ba daw ang gusto nitong palabasin, gusto na nga daw niyang umuwi noon sa bahay pero niyaya pa siya nito na uminom pa.. sinabi naman ni Tommy na kung gusto ng pulis na i-verify ang mga sinabi niya ay maaari niyang tawagan si Secretary Hong as his witness.. dahil nakiki-cooperate daw ang salbaheng binata sa imbestigasyon ay pwede na itong umalis.. umalis na muna iyong pulis, at naiwan ang magpinsan-pinsanan sa may table nito.. nasabi daw ni Tommy na kasama nito si Sena (na pagkakamali na kaagad ni Dir. Yong dahil kung hindi pa nila nare-realize na magkasintahan - ay may naiwang mga ebidensiya si Sena noong mga oras na iyon sa pinagyarihan ng krimen), nasabi tuloy ng inosenteng binata (medyo lang, para lang sa murder case) na "tandaan mo, mabubunyag din ang iyong mga kasinungalingan".. sinabi naman ni Tommy na walang karapatan si ala-Terrence na sabihin sa kanya ang mga bagay na yun, matatapos na daw ang lahat bukas ng tanghali, at tahimik siyang mabubulok doon, tapos ay unti-unti siyang dudurugin ni Tommy, tandaan daw iyon ni ala-Terrence.. sumagot naman ang bidang binata na hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga balak ni Dir. Yong...

hindi ko sigurado kung sa apartment ba o kung nag-dinner sila sa labas.. magkausap ang magkasintahang Tommy at Sena.. huwag na daw alalahanin ng babae iyong impostor, after tomorrow ang Kompanya ng Grandma ay mapupunta na daw kay Tommy, naitanong naman ni Sena kung sigurado na ba ang binata sa mga sinasabi nito, at sinabi ng Director sa dalaga na kalimutan na nito ang mga problema niya...

sa Rooftop house.. parang mag-isa lang si Park Ha.. napansin niyang nasa center table sa living room iyong panyong may burda ng kamahalan.. ch-in-eck niya iyong panyo, at may napansin siyang parang mga initials na nakalagay sa sulok nito...

sa kulungan.. binisita ni Park Ha si ala-Terrence.. pakiramdam daw ng lalaki na wala na siyang magagawa, sinabi naman ng dalaga na makakalabas rin ito doon.. inilabas ng babae iyong panyong may burda ng prinsipe, at ipinakita sa lalaki iyong napansin niya doon, ano ba daw ang ibig sabihin noon, parang initials daw sa Hangul.. at sinabi ni ala-Terrence na Bu Yong nga daw ang ibig sabihin ng mga yun, iyon daw ang panyo na pinagpuyatang iburda ng kanilang prinsesa, at nagkamali daw siya dahil si Bu Yong pala ang nagburda nun.. nagtaka naman si Park Ha, bakit hindi mo ba alam ang tungkol doon hanggang ngayon.. sinabi naman ng kamahalan na noong unang makita niya iyon sa Joseon ay hindi niya alam ang ibig sabihin, kay Bu Yong pala galing ang panyong iyon.. sinubukang abutin ni ala-Terrence iyong panyo, at nasorpresa siya na tumagos iyong kamay niya sa salamin at rehas na nasa pagitan nila ng dalaga.. biglang naglaho nang buo ang binata, may pulis pa na pumasok doon sa kuwarto na may kasamang bagong ikukulong, pero wala namang napansin ang mga ito.. pakunwari yatang sinagot ni Park Ha ang kanyang cellphone, nakita nga daw niya itong pumasok, at pupunta na daw siya doon.. umalis na si Park Ha doon sa room na iyon.. mukhang tumagos sa kabilang pader si Lee Gak na nakatayo na sa isang hallway at manghang-mangha sa nangyari.. kaagad siyang pinuntahan ng babae, at lumabas na sila sa police station, may ibang pulis silang nakakasalubong, pero hindi naman sila pinapansin ng mga ito (siguro ay dahil hindi naman nila inaasahan na may makakatakas sa poder nila).. pagkalabas sa istasyon ay sinabihan ni Park Ha na umalis na si ala-Terrence, sinabihan naman siya ng lalaki na mag-iingat siya...

sa Kompanya siguro.. oras na ng reading ng last will and testament ng pumanaw na si Chairman Yong.. iko-confirm na daw ng abugado ang mga pangalan ng mga beneficiaries ni Chairman.. ang primary beneficiary daw ay si Terrence Yong, nandoon ba daw ito ngayon, nanghihinayang si Dir. Pyo, nagsimula namang tumawa na parang nang-aasar si Exec. Yong.. dahil wala daw ang binata ay dadako na ang abugado sa secondary beneficiary, at iyon ay si Tommy Yong, sumagot naman ang Director na "i'm here".. nag-sign na si Tommy sa dokumento, tawa pa rin nang tawa ang Papa niyang si Bernard, naiinis naman sina Tita-Lola Mary at Dir. Pyo, itatatak na lang sana ng binata ang kanyang seal ng biglang dumating si ala-Terrence.. sandali lang daw, paumanhin daw pero nahuli lang siya.. sinabi naman ng asar na asar na naman na si Tommy na hindi ito ang totoong Terrence Yong dahil isa lang itong impostor.. sumagot naman ang bidang binata na kung hindi siya si Terrence ay bakit nandoon siya ngayon.. at muling nilinaw ng nagpapanggap lang na tagapagmana na "nandito ako attorney, si Terrence Yong"...

---o0o---


RTP-53
setting ng evil plot (ang madalas problema sa mga bida - masyado silang mabait at madaling maniwala na magagawa ngang magbago at maging mabuti ng mga kalaban.. bakit ba madalas ganoon ang mga script? hindi ba pwede yung tipo na kapag nasaktan na sa umpisa yung bida, eh magbigay lang sila hanggang 2nd chance, tapos kapag umulit pa rin ang kalaban ay dapat wala nang pansinan habang buhay?? ^_^)...

sa Kompanya.. natutuwang niyakap ni Dir. Pyo si ala-Terrence, halos mamatay daw siya sa kaiisip na mamanahin ni Tommy ang Kompanya.. sinabi ng binata na ligtas na daw ang state ni Grandma kaya wala ng problema.. ngayong si ala-Terrence na daw ang may-ari ng Kompanya, pwede na daw nitong patalsikin sina Tommy at ang Papa nito.. nabanggit naman ng binata na umaasa po ako sa galing ninyo, President Pyo, nasorpresa ang dating Director sa sinabi ng binata, sinodaw ang tinawag nitong president, at sinabi naman ni ala-Terrence na siguradong magugustuhan iyong ginawa niya ng Lola Chairman.. tuwang-tuwa naman si President Pyo sa bago niyang katungkulan.. natanong niya sa kanyang estudyante kung maghihiganti ba ito, at sumagot naman ang nakababata na mananagot ang pumaslang sa kanyang itinuring na rin na Grandma...

sa may labas ng Kompanya.. biglang dinakip ni Yong Sul si Dir. Yong.. isinakay ito ng 3 alalay ng prinsipe sa kanilang kotse at dinala sa isang lugar...

doon sa lugar na pinagdalhan ng Joseon 4 kay Tommy Yong.. humarap si Lee Gak sa kalaban bilang ang impostor, inutusan niya ang kanyang mga kasamahan na papuntahin din doon si Secretary Hong.. matapos ninyong gawin ito, sa tingin nyo ba ay okay na ang lahat, ang sabi sa kanila ni Tommy, k-in-arate chop naman ang Director ni Yong Sul upang tumigil na ito.. muling iniutos ng impostor na tawagan na si Sena ngayon din...

nang makarating na si Miss Hong sa lugar na pinagdalhan rin kay Dir. Yong.. sila-sila lang ang naroon, walang mga pulis, at wala ring mga kamag-anak ni Terrence (malamang ay dahil nga hindi naman nila pwedeng ipaalam yung sarili nilang istorya bilang mga nanggaling pa sa Joseon).. ipinag-utos ng impostor na, sige buksan na ang video.. makikita sa video na kuha ng blackbox ng sasakyan na lumabas nga si Secretary Hong sa gate ng Mansyon at dala-dala pa ang laptop ni Terrence (hindi ko maintindihan kung bakit hindi na nila pino-point-out yung naging pagnakaw sa laptop ng totoong tagapagmana, kasi kung tutuusin iyon ang dahilan kung bakit nangyari iyong aksidente).. kabadong-kabado si Sena habang ipinapakita sa kanila iyong video, hindi naman iyon inaasahan ni Tommy, at asar na asar ang binata dahil doon.. nakunan daw iyong video na yun noong oras na mamatay ang Lola Chairman.. dinipensahan naman ni Miss Hong ang kanyang sarili, nanggaling nga daw siya sa bahay ng Chairman pero ano naman daw ang kahina-hinala doon, araw-araw naman daw siyang pumupunta sa bahay ng Chairman, may nakakapagtaka pa ba daw doon.. sinabi naman ng impostor na ang oras ng pagkamatay ng Lola ay tugma sa oras ng pag-alis ni Sena, ipinaliwanag naman ni Tommy na ang estimate time of death ay may gap na 1 oras, kaya naman nagkakamali daw ang binata sa mga paratang nito, sinasayang lang daw ng mga ito ang oras niya eh.. tumayo na si Dir. Yong pero pinigilan siya ni Yong Sul at muling pinaupo.. ang gusto lang daw ng impostor na gawin ni Tommy ay ang pagsisihan ang mga nagawa nitong kasalanan, imbis daw na gumawa ng krimen ay mas maganda kung magbabago na ito, umalis na daw ito at iwan ang Kompanya, at ang pera na ninakaw nito mula sa Kompanya ng Grandma ay kailangan rin nitong ibalik ng buo, kung hindi daw niya iyon gagawin ay hindi magugustuhan ng dalawa ang kanilang kaparusahan.. sumagot naman si Tommy na hindi daw niya susundin ang iniuutos ng impostor, sabay yakag kay Miss Hong na umalis na sila.. inulit naman ng bidang binata na ito na ang huling pagkakataon ng dalawa, wala na daw ang mga itong natitirang panahon, kaya naman mag-isip na sila nang mabuti, tandaan daw nila ang mga sinabi niya.. binigyang daan na ni Yong Sul ang kalabang magkasintahan, at umalis na nga ang mga ito...

sa isang deleted scene (crap naman, ABS-CBN!).. nag-usap ang magkasintahang Tommy at Sena.. sinabi ng dalaga sa kanyang nobyo, yung mukha ko sa video kanina, kailangan mong gawan ng paraan.. si Tommy naman ay napasambit na lang ng "walanghiya siya, papatayin ko siya"...

oras na ng pagtulog sa Rooftop house.. nasa labas lang ng silid ng prinsipe si Park Ha.. tinawag niya ang lalaki, malalim na daw ang gabi kaya dapat natutulog na ang babae ang sabi ni Lee Gak, sumagot naman ang dalaga na "okay, sige, good night".. pero muli din niya kaagad na kinumusta ang prinsipe, "sandali lang kamahalan, tulog ka na ba talaga", sumagot naman ang lalaki na 'oo', nasabi naman ni Park Ha na "tulog daw pero sumasagot naman, sira ba siya?".. bumangon na ang prinsipe at hinarap ang dalaga.. ano ba daw ang bumabagabag dito at naghihintay ito sa labas ng kanyang silid, naulit naman ng babae na naaalala mo ba nung dinala ka sa police station, natatakot kasi akong maglaho ka ulit.. pinapasok na ng kamahalan ang babae sa kanyang kuwarto at ihiniga sa tabi niya sa kanyang kama, nahiga na rin siya at hinawakan niya ang kamay ng dalaga, sabay sabi na sana gumaan na ang pakiramdam mo.. nabanggit naman ng babae na kung hindi daw naglaho noon ang binata ay hindi nito maililigtas ang Kompanya, malapit na daw itong bumalik sa Joseon para lutasin ang pagkamatay ng prinsesa, kailangan daw niyang bumalik dahil yun ang dapat niyang gawin.. bumaling ang prinsipe sa side ni Park Ha at tiningnan ito habang hawak pa rin ang kamay nito.. hindi daw makabubuti para sa kanya kung iisipin niya na magkakahiwalay na sila, mas gusto daw niyang isipin ang mga araw na kasama niya ang dalaga, gaya na lang ngayon na katabi niya ito, sabay daw silang tayong gagawa ng magagandang mga alaala.. sinabihan ni Lee Gak ang babae na isipin na kung ano ang gusto nitong gawin nila kinabukasan, tapos ay sinabihan niya itong matulog na...

sa isang reservoir.. magkasama ang magkasintahang Tommy at Sena.. tandaan daw ng babae ang itsura ng buong lugar at pag-aralan niya.. sumagot naman ang dalaga na naiintindihan niya.. sinabihan din ni Dir. Yong ang dalaga na gawin nito ang lahat ng makakaya niya para pumunta doon si Terrence (mukhang kumbinsido na nga rin sila na ang Terrence na nakikita nila ngayon ay yun pa ring impostor nito)...

sa labas Rooftop.. inabutan ni Sena na nagsasampay si Park Ha.. nagpunta daw ito dahil meron itong sasabihin, sumagot naman si Park Ha na "sige, sa loob na lang tayo mag-usap", mabuti na lang daw at pumayag ito sabi ng kanyang ate.. sa loob ng bahay.. nag-drama na ang salbaheng ate ni Park Ha, alam daw niyang ayaw siyang makita ng kanyang kapatid, naiintindihan daw niya ang nararamdaman nito, pasensiya na daw talaga, mukhang kailangan daw muna niyang humingi ng sorry, kaya "sorry" daw.. bago daw niya naisipan na kausapin ang bunsong kapatid ay kinailangan niya muna ng kaunting panahon, bakit daw kasi niya nagawa iyon, naisip daw niya na tuluyan na lang sana siyang namatay, talagang nahihiya daw siya dahil sa masasamang ginawa niya, at wala na daw siyang mukhang maiharap sa kayang Mama (Stepmom), pati na rin kay Park Ha, at pati na rin sa tunay niyang Mama (inangkin pa rin hanggang ngayon).. siguro daw ay kailangan na talaga niyang mamatay para mapatawad na sya ng mga ito nang tuluyan.. inawat naman ito ng mabait niyang kapatid, bakit daw ganun siyang magsalita, huwag daw niyang sabihin ang mga bagay na yun.. pinatahan na muna ni Park Ha ang kanyang ate, kukuha lang daw siya ng makakain, at hintayin lang daw siya ni Sena...

pagkaalis ni Park Ha, ay saktong may dumating na message para sa kanya.. ginamit ni Sena ang cellphone ng kanyang kapatid, ch-in-eck niya iyong message na kadarating lang at galing iyon kay Lee Gak (so paano niyang nalaman na si Lee Gak ay si ala-Terrence), sinasabi sa SMS na "hindi ka pa rin ba nakakapag-isip kung saan tayo pupunta ngayong gabi".. pumasok ang malditang babae sa cr at doon ni-reply-an ang binata, magkita daw sila sa reservoir (Gongrim iyong romanization eh) ng 8pm, mag-fishing daw sila.. sa Kompanya yata, nagtaka naman ang prinsipe kung bakit naman sila magpi-fishing sa gabi.. pero anyway (siguro inisip na lang niya na kakaibang trip iyon ng dalaga), ni-reply-an pa rin niya ang babae, may couple t-shirt daw sa taas ng cabinet ng sapatos, kay Chi San daw iyon, at may kasama pa sa text na tawa na "hahaha", isuot daw iyon ng dalaga para lalo itong gumanda.. matapos mag-usap ay napangiti na si Sena (na para bang natuwa siya na successful na ang pag-lure niya sa impostor papunta sa kanilang patibong)..
nagmamadaling bumalik sa living room ang malditang dalaga, saktong kababalik lang ni Park Ha na may dalang fruits at juice.. niyaya na nito ang kanyang ate na kumain na.. biglang namang nagpaalam na si Sena, kailangan na daw niyang umalis, natanong naman ng nakababatang kapatid kung may nangyari ba, at ganun na nga daw ang sabi ng kanyang ate, huwag na daw lumabas si Park Ha ang bilin ng malditang kapatid.. nasabi na lang ni Park Ha na "pero ate" (na parang nanghihinayang).. umalis na si Sena na nasa bag pa niya ang cellphone ni Park Ha, kinuha rin niya iyong sinasabi ni ala-Terrence na t-shirt sa ibabaw ng cabinet ng mga sapatos...

sa may labas.. paalis na sana ang kotse ni Sena, pero hinabol ito ni Park Ha.. huminto naman ito, at kaagad pumasok sa loob ang bunsong kapatid, ayaw daw niyang umalis na lang nang ganun ang kanyang ate, kumain daw sila sa labas, at treat ni Park Ha.. napansin ng nakababatang dalaga ang GPS ng sasakyan ni Sena, bakit daw ito pupunta sa reservoir, wala naman daw itong gagawin na masama hindi ba, nagkunwari naman si Sena na nagkamali lang ang setup nun, makinig daw muna ito sa sasabihin ni Park Ha, kung may nagawa daw ito na mali ay pwede naman daw na maayos iyon eh, matatapos daw ang problema kung hihingi lang siya ng tawad.. sinabi naman ni Sena na uuwi rin daw siya, kaya huwag mag-alala ang kanyang kapatid.. sakto namang nag-ring ang cellphone ni Park Ha na nasa loob ng bag ng kanyang ate, napansin niya iyon at nasabi na, iyong ringtone ng phone natin magkapareho pala.. hindi magawang sagutin ng panganay na kapatid ang cellphone na hindi naman sa kanya, natanong tuloy siya ni Park Ha kung hindi daw ba niya sasagutin iyong phone mo, kabadong-kabado si Sena habang secure na secure niyang hinahawakan ang kanyang bag...

---o0o---


RTP-54
nabangga ng kotse si Park Ha at tumilapon ang katawan sa may reservoir.. ang simula ng pagbabago ni Sena...

sa Rooftop house.. hinahanap ni Park Ha sa living room ang kanyang cellphone, ang weird daw dahil doon lang naman daw niya iyon inilapag kanina.. bigla namang dumating si Chi San sa bahay, nagtaka ito na makita si Park Ha sa bahay, bakit daw nandoon ang babae, hindi ba't mamimingwit daw sila ngayon ng kamahalan.. naitanong naman ng babae na "mamimingwit, sino naman ang may sabi sa'yo", sumagot naman ang eunuch na ang kamahalan, nandoon na sya at naghihintay sa'yo, at nagbilin pa ito na "magpakasaya kayo ha" bago dumiretso sa silid nila siguro.. naguguluhan naman ang dalaga, sandali daw, hindi daw niya maintindihan si Chi San.. biglang naalala ni Park Ha ang pakikipag-usap at paghingi sa kanya ng tawad ni Sena, iyong pagkakapareho ng ringtone nila ng inakala niyang cellphone nga ng kanyang kapatid, iyong biglaan nitong pagpapaalam at sinabi na wala na siyang ganang kumain, at iyong pagkaka-set ng GPS ng kotse nito sa lokasyon ng reservoir...

sa reservoir.. nakarating na nga doon ang prinsipe na walang alam sa naghihintay para sa kanya na panganib.. wala pa doon ang babae, kaya naisipan niyang tawagan na ito, subalit patay na ang cellphone nito at ipino-forward na siya sa voicemail, nagtaka tuloy siya, "nasaan na ba siya, nakalimutan na naman siguro niyang i-charge ang kanyang cellphone", at napatanong rin siya na paano kaya kung may nangyari.. bahagyang nagpakita sa lalaki ang naka-disguise bilang si Park Ha na si Miss Hong, hindi niya namukhaan ang dalaga dahil silhouette lang ang nakita niya dito (naka-cap siya at naka-wig, at suot nga iyong couple shirt na ibinilin ng impostor).. pabirong-painis na tinaasan ng boses ng kamahalan ang babae sa pag-aakalang ito nga si Park Ha, bakit daw ngayon lang ito dumating, kung mahuhuli daw siya ay sana ay tumawag ito kanina.. bigla namang umalis ang babae na tila nais magpahabol, medyo nagtaka naman ang lalaki at nasabing, gusto niyang habulin ko siya, napangiti siya at sinigawan ang dalaga na "humanda ka kapag nahuli kita".. ini-start na ni Tommy ang makina ng kanyang sasakyan...

dumating na si Park Ha sa may reservoir sakay ng isang taxi.. kaagad nitong sinimulan na hanapin si Lee Gak.. si Sena naman ay tumakbo nang tumakbo hanggang makarating na siya sa kanyang hiding spot, umupo na siya kung saan medyo mataas ang mga damo at tahimik na nagmasid sa mangyayari.. ang naghahanap naman na si Lee Gak ay nasabi na lang na "iba ka ring magbiro".. dahan-dahan nang pinatakbo ni Tommy ang kanyang kotse sa direksyon ng impostor.. nakita na ni Park Ha ang prinsipe at maluha-luha siya (malamang dahil sa pag-aalala sa lalaki), pero nakita rin niya ang nakaambang na panganib para sa binata, tinawag niya ang kamahalan, nakita na rin ng prinsipe ang dalaga at napangiti siya sa saya.. binilisan na ni Dir. Yong ang takbo ng kanyang sasakyan, dahil sa ilaw nito ay napansin na rin ito ni Lee Gak, pero mukhang huli na ang lahat para sa kanya, nang bigla na lang itulak siya ni Park Ha palayo sa direksyon ng kotse ni Tommy.. nagpagulung-gulong ang kamahalan sa lupa dahil sa pagkakatulak sa kanya, ang kawawang dalaga naman ang nabundol ng sasakyan at tumilapon siya sa may tubig...

nabigla si Sena sa hindi nila inaasahang pangyayari.. takot na takot naman si Tommy na dali-daling b-um-uwelta at umalis doon sa lugar.. nakabangon na si Lee Gak at nakita niya ang katawan ni Park Ha sa tubig, nakadapa ang babae na lumulutang sa may tubigan, bigla niyang naalala na ganoon rin ang itsura ng prinsesa nang madiskubre nila ito na patay na sa may latian sa Joseon.. nasambit ng prinsipe na "hindi maaari, Park Ha...", mangiyak-ngiyak ang kamahalan, tumakbo siya patungo sa katawan ng dalaga upang kuhanin ito, binuhat niya ang babae, at makikita na may dugo ito sa gilid ng kanyang mukha, ginigising ito ng prinsipe subalit wala, at sumigaw na nga ang kamahalan upang humingi ng tulong...

isinugod na si Park Ha sa ospital.. mukhang may sugat siya sa gilid nga ng kanyang mukha at may dugo pa rin siya dito...

sa isang parang bahay bakasyunan.. naalala ni Sena kung paanong iniligtas ng kanyang kapatid na si Park Ha ang impostor noong gabi ng insidente.. bigla siyang tinawagan sa cellphone ni Lee Gak, kaagad naman niyang kinumusta ang kalagayan ni Park Ha, nais daw ng binata na mag-usap sila ng harapan...

sa ospital.. nakasilip lang sina Sena at Lee Gak mula sa labas ng kuwarto ng walang malay na si Park Ha, nagi-guilty na napaiyak ang malupit na kapatid, bigla itong umalis.. pero hinabol rin naman siya ng binata, kung pababayaan daw nila si Park Ha ay mamamatay ito, dahil daw sa aksidente ay napinsala ang atay nito, hindi daw niya pinapunta doon si Miss Hong para tanungin kung sino ang sumagasa sa dalaga (teka, paano naisip ni Lee Gak na may kinalaman si Sena sa nangyari? sa bagay, ang madalas paghinalaan sa mga krimen ay iyong mga dati nang nakaaway), pinapunta daw niya ito doon para tulungan nito si Park Ha, dahil kapatid niya ito...

nag-usap sina Lee Gak at Sena sa Rooftop yata ng ospital.. kung natatandaan daw ni Sena ay tinanong siya noon ng binata kung naniniwala ba siya sa reincarnation.. ipinaliwanag na ng prinsipe sa babae ang tungkol sa kanilang nakaraan, si Sena daw at si Park Ha ay magkapatid sa nakaraang buhay nila.. ano naman daw kalokohan iyong pinagsasasabi ng impostor, kung yun lang daw ang pag-uusapan nila ay aalis na lang siya.. pinigilan naman si Sena ng binata, at sa puntong iyon ay nasaksihan ng babae na medyo naglalaho ito.. ano daw ang nangyari, ang takang-takang tanong ni Miss Hong.. ngayon daw na nasaksihan iyon ng dalaga ay paniniwalaan na ba daw niya si Lee Gak, sa Joseon daw ay nagawa na ni Park Ha na isakripisyo ang kanyang buhay para lang mailigtas si Sena, at kahapon din daw, kahit na alam na ni Park Ha na may balak na gumawa ng kasamaan si Sena ay hindi ito tumawag ng mga pulis, hindi lang daw ang binata ang pakay noong mga oras na iyon ni Park Ha, gusto rin daw iligtas noon ng dalaga si Sena kaya nito nagawa iyon.. si Sena lang daw ang tanging makapagliligtas kay Park Ha, dahil kahit ano daw ang mangyari ay magkapatid pa rin sila, pero sa bandang huli ay si Sena pa rin daw ang bahalang magpasya, iniwan na ni Lee Gak ang babae.. sa may table ay may ipinatong siyang bagay (iyong susi ng apartment ng babae, at memory card), yun daw ang mga ebidensya na gustong mailigpit ng kalabang magkasintahan, wala na daw silbi ang mga iyon para sa binata ngayon, ang gusto lang daw niya ay ang mailigtas si Park Ha.. at tuluyan na nga niyang iniwan si Sena...

habang naglalakad sa may kalsada.. lumung-lumo si Sena, naalala niya lahat ng masasamang nagawa niya noon sa bunso niyang kapatid, ang kanilang mga pagtatalo, at iyong pagiging magkapatid nila sa inang si Helen Jang.. natumba na lang siya at napaluhod sa sobrang pagkalumo, at naalala niya ang mga huling sinabi sa kanya ng impostor...

sa bahay bakasyunan.. sinalubong ni Dir. Yong ng sigaw ang kababalik lang na si Sena.. bakit daw biglang umalis ang babae, saan ba daw ito nagpunta, mamayang gabi na daw ang alis nila.. hindi na daw siya sasama ang sabi ng dalaga.. binisita daw niya si Park Ha sa ospital, kailangan daw ng babae na dumaan sa transplant surgery, kaya nangangailangan ito ng donor, at wala na daw ibang pwede kundi siya.. dahil sa ibinalita ni Sena ay tila may naisip namang masamang plano si Tommy...

tinawagan ni Tommy ang impostor.. kailangan daw ni Park Ha na mag-undergo ng surgery, totoo ba daw ang balita na yun, paano daw ba yun, bago daw iyong surgery ay nakaalis na ang dalawa ni Sena sa bansa.. natanong ni Lee Gak kung bakit ba tumawag sa kanya ang Director.. gusto daw ni Dir. Yong na makuha ang pera at shares ng Chairman, ibigay daw iyon ng impostor sa kanya kung gusto talaga niyang mailigtas pa ang dalaga...

nagkita na nga ang dalawang binata sa isang lugar.. kaagad ibinigay ni Lee Gak ang demands ni Tommy.. tingnan daw muna ng Director iyong mga papeles ang sabi ng bidang binata, payabang namang sinabi ni Tommy na hindi na niya kailangan pang i-check iyon dahil may tiwala naman siya sa impostor, sinabi naman ni Lee Gak na kahit na madami na ang naganap sa pagitan nila ay hindi na niya bibigyan pa ang Director ng problema, pangako daw niya iyon.. bago umalis si Tommy ay sinabihan naman niya ang impostor na maghintay lang sila sa ospital, darating daw doon si Sena sa oras ng operasyon, pangako daw yun, sabay alis na ng tusong binita...

nagtaka naman si Sena sa daan na tinatahak ng kanyang nobyo.. saan daw siya dadalhin ng lalaki, hindi naman daw iyon ang daan papunta sa ospital.. kung iniisip daw ng babae ang magiging buhay nila sa America ay huwag na itong mag-alala, nakuha na daw niya lahat, nagkasundo na daw sila nung impostor.. pero paano daw si Park Ha ang tanong ni Sena, kailangan daw muna niyang iligtas si Park Ha bago sila umalis.. naririnig ba daw ng babae ang sarili niya, iyon na daw ang pera na magpapasaya sa kanya (habang ipinapakita iyong mga dokumento na nakuha niya mula sa impostor), madami naman daw tao doon sa ospital kaya maililigtas nila si Park Ha.. tumawag na ang nag-aalalang si Lee Gak kay Sena, pero inutusan ni Tommy ang nobya na huwag nitong sagutin iyong tawag...

sa ospital siguro.. nag-aalala na nga ang prinsipe sa hindi pagsipot ni Miss Hong.. dumating sina Yong Sul at Chi San, itinanong ng kamahalan kung nahanap na ba ng mga ito si Sena, pero hindi ito nakita ng dalawa.. sunod naman na dumating si Man Bo, may natuklasan daw siya, may nakita daw siya sa files ng Kompanya na isang bahay bakasyunan na nakapangalan kay Bernard Yong...

---o0o---


RTP-55
ang katapusan ng kasamaan ni Tommy Yong at ang pagbabago ni Sena...

habang nasa biyahe pa rin ang magkasintahan.. palihim na i-d-in-ial ni Sena ang number ng impostor (na nakapangalan bilang Terrence Yong sa phonebook niya), sinagot ito ng binata sa kabilang linya, at narinig nga niya ang usapan nina Tommy at Miss Hong.. saan ba daw sila pupunta ang tanong ng babae, dapat daw ay alam niya kung saan siya dadalhin ng lalaki, sasakay daw sila ng barko papuntang China at doon sila sasakay ng eroplano ang sagot naman ng nobyo, muling nagtanong ang dalaga, nagmamadali ba daw sila dahil gusto sana niyang mamili muna, at sinabi naman ng Director na alas-siyete ang kanilang alis...

sinundan na ni Lee Gak ang magkasintahan.. ang dalawa naman ay nakarating na sa pier.. itinuro ni Tommy sa babae ang barkong sasakyan nila, sinabi naman ni Sena na hindi na niya sasamahan ang binata, pero sinabi ni Dir. Yong pagsakay nila doon ay matatapos na ang lahat, saktong dating naman ni Lee Gak na nakita kaagad ang dalawa.. si Sena ba daw ang tumawag sa lokong yun ang tanong ni Tommy, ano daw ang ginawa ng dalaga, paano daw nito nagawa iyon.. biglang sinampal at nasigawan ni Sena ang kanyang nobyo, umayos na daw ito, tigilan na daw nila ang kanilang ginagawa.. pero muling nahuli ni Dir. Yong ang nais nang magbago na babae, inutusan siya ni Lee Gak na bitawan si Sena.. pinigilan ng prinsipe si Tommy sa paghahabol at sapilitang pagsama kay Miss Hong, nagsusumamo naman ang kasintahan ng babae na hiwag itong umalis, sinabihan ng kamahalan na umalis na ang dalaga, at sumakay ito sa SUV na dala niya, pero hindi niya ito ma-start, humarang naman si Dir. Yong sa harapan ng SUV habang sinusubukan pa rin siyang ilayo ni Lee Gak mula sa babae.. dumating na rin ang 3 kasamahan ng kamahalan, ano pa daw ang hinihintay nila, bilisan daw nila at dalhin na si Sena Hong sa ospital, pinalipat ni Man Bo ang babae sa kanilang sasakyan at umalis na nga ang apat.. habang pinigilan ni Lee Gak ang Director, ay biglang umalis na rin ang barko na sasakyan sana ng dalawa papuntang CHina, sandali daw, pero huli na ang lahat, sinuntok naman ni Lee Gak ang Director at natumba ito sa daan.. nakatakas pa rin si Tommy at tumakbo palayo mula sa impostor, hinabol naman siya ng bidang binata pero nakapagtago siya.. habang hinahanap siya ni Lee Gak, ay patraydor niya itong pinagpapalo ng kahoy, bumagsak sa lupa ang prinsipe.. nagawa pang magyabang ni Tommy, at tinanong ang impostor kung may gusto pa ba itong sabihin.. bakit daw sinubukang patayin ni Tommy si Terrence Yong ang tanong ni Lee Gak, kung sasabihin daw iyon sa kanya ng Director ay doon na siya mamamatay, gusto ba daw niyang malaman, ang nangyari daw ay sumakay sila ni Terrence sa isang yate sa New York, pero pinikon daw talaga siya ng hayop na yun, nag-away sila at napalakas ang suntok niya dito, kaya nalaglag ito, pero wala daw siyang ginawa para iligtas ito, dahil simula pa lang daw noon ay pangarap na niyang mawala ito, kaya naman noong nagkita sila sa New York ay sinamantala na niya ang pagkakataon, at kailangan na daw ni Lee Gak na sumunod kay Terrence.. pinagpapalo na ni Tommy ang impostor, pero nakapanlaban ang binata at nailayo sa Director ang hawak nitong kahoy.. narinig nila ang sirena ng mga sasakyan ng mga pulis, nag-panic at sinubukang tumakas ni Tommy, pero napalibutan na siya ng mga ito...

andun yung pulis na umaresto noon kay Lee Gak at nag-interrogate sa kanilang dalawa ni Dir. Yong.. mukhang siya ang lider ng mga pulis.. may dugo na sa bibig ng kalabang binata.. inaaresto daw nila si Tommy Yong sa salang embezzlement at murder, may iniabot naman si Lee Gak sa pulis (voice recorder siguro), iyon daw ang patunay na ang binatang Director ang nagtangka noon sa buhay ni Terrence Yong (sa puntong ito ay wala na siguro talaga silang nakitang pagkakataon para magbago pa si Tommy, at tsaka mas konkreto na yung ebidensya nila laban sa binata para ipakulong na ito, may ideya na rin sila kung ano ba ang dapat nilang matuklasan sa future na may kinalaman sa panahon nila, tsaka medyo naglalaho-laho na rin ang Joseon 4 na palatandaan na malapit na silang bumalik sa nakaraan, kaya hindi na nila problema ang imbestigasyon ng mga pulis sa puntong ito)...

sa ospital.. inihahanda na para sa operasyon ang magkapatid.. hinawakan ni Sena ang kamay ng wala pa niyang malay na bunsong kapatid, at napangiti siya (siguro dahil sa kasiyahan na malinis ang konsensya, maitama ang mga maling nagawa, at ang makagawa naman ng mabuti para iba)...

successful ang naging ang operasyon.. binabantayan ni Lee Gak si Park Ha nang magising na ito.. natanong ng prinsipe ang babae, "Park Ha, gising ka na ba, alam mo ba kung sino ako".. sa halip na sumagot ay inuna pang kinumusta ng dalaga ang lalaki, "kamahalan, ayos ka lang ba".. hindi daw talaga nag-iisip ang babae na hanggang ngayon ay ang prinsipe pa rin ang inaalala, noong wala daw itong malay ay pakiramdam nya na walang saysay ang kanyang buhay, huwag na daw nitong uulitin ang ginawa niya kailanman, mula daw ngayon ay handa na siyang gawin ang lahat para sa ikabubuti ni Park Ha.. ipinakita naman ng babae sa kamahalan iyong hand gesture para sa paggawa ng mga pangako (iyong gamit yata ang mga hinliliit na daliri), para saan naman daw iyon sabi ng lalaki, sumagot naman ang dalaga na kapag hindi tinupad ng kamahalan ang kanyang pangako ay lagot ito sa kanya, nangako ang prinsipe at ginawa na nga nila iyong hand gesture, "pinky promise" daw ang sabi ni Park Ha...

binisita ni Sena si Park Ha sa kuwarto nito sa ospital.. mabuti daw at tuluy-tuloy na ang paggaling nito, at patawarin daw sana niya ang dalaga.. sinabi naman ni Park Ha na, "ate, nabuhay ako dahil sa'yo, maraming salamat".. pag-alis daw niya ay pupunta na siya sa mga pulis ang sabi ni Sena, magpagaling daw si Park Ha.. palabas na sana si Sena sa kuwarto ng kanyang bunsong kapatid, maluha-luha itong tinawag ni Park Ha na "ate", lumingon naman ang dalaga, at sinabi ni Park Ha na hihintayin niyang bumalik ito, ilang ulit na napangiti na maluha-luha si Sena at maging si Park Ha (palatandaan na nagkasundo na nga sa wakas ang magkapatid)...

sa lobby siguro ng ospital.. kinausap nina Susan at Helen Jang si Sena.. sinabi ni Chairman Jang na anuman ang ginawa nito noon, na silang mga Mama niya ay handang unawain at tanggapin siya, tandaan daw ng dalaga na palagi niyang kakampi ang mga ito (ang palabas na ito ay tungkol din talaga sa pagpapatawad eh, biro mo halos makapatay na yung anak nila ng ibang tao at nang mismo rin nilang anak, pero madali lang nila itong napatawad).. si Susan naman sy sinabi na silang dalawa ni Helen ang pinakamatatatag na babae sa buong mundo, kaya huwag na daw mag-alala si Sena para sa kanila.. niyakap nang mahigpit ni Sena si Susan at naiyak sila, lumapit naman si Helen at nakiyapak na rin, at nag-iyakan ang tatlong mag-iina...

sa Rooftop siguro.. napag-usapan ng Joseon 4 ang pagkaka-ospital kay Park Ha.. sigurado daw na malaki ang kailangan na bayaran ng babae sa ospital, paano daw kaya sila makakatulong dito ang tanong ng kamahalan.. nabanggit ni Man Bo na naiisip nilang 3 na kumuha ng part-time job, nasabi naman ni Chi San na dahil sa kanila kung bakit naghirap si Park Ha kaya kailangan nila itong tulungan, si Man Bo naman ay nag-suggest sa prinsipe na ano daw kaya kung magtayo sila ng tindahan, at si Yong Sul ay ganun rin daw ang gustong sabihin...

nagsimula nang gumawa ng kani-kanilang raket ang Joseon 4.. pumasok muna ang 3 alalay bilang mga extra sa pagsu-shooting ng mga palabas na ginagawa doon sa dati nilang palasyo, hindi magaling sa fight scene iyong isang stuntman o artista, kaya sinubukan ni Yong Sul na pumalit dito, mahusay talagang makipaglaban ang bodyguard dahil iyon naman talaga ang kanyang linya, at nagalingan sa kanya ang mga gumagawa nung palabas.. si Chi San naman ay tumugtog sa harap ng publiko gamit ang isang tradisyunal na instrumento na parang gitara, at napabilib niya rin ang mga tao, binigyan siya ng kung anu-ano ng mga babae, at binibigyan rin siya ng pera ng mga nanonood sa kanyang street performance.. si Man Bo naman ay pinakitang nagta-type gamit ang isang laptop, hindi ko sigurado pero malamang katalinuhan ang ginamit niya doon, may "Joseon Scandal" doon sa title nung isinulat niya eh (script yata o nobela iyon).. naging sikat ang 3 sa kani-kanilang mga larangan, at na-diyaryo pa sila.. pagkatapos nun, ay pinakitang naglilinis ng isang lugar ang Joseon 4, mukhang nagtayo sila ng isang restaurant o kung ano man iyon, at masaya sila sa kinalabasan ng kanilang mga pagsisikap...

sa kotse.. nakalabas na ng ospital si Park Ha at mukhang pauwi na ang 5.. congratulations daw sa paggaling ni Park Ha, nagpasalamat naman siya sa kanilang lahat.. sa dami daw ng ginawa nila ay hindi pa nakakakain si Chi San, kaya kainan na daw, nasita pa siya nina Man Bo na doon pa niya naisipang kumain, nagkasiksikan pa sila sa likuran ng sasakyan.. nang biglang sumigaw si Man Bo, "kamahalan, bigla na lang pong nawala si Chi San".. natakot naman sina Lee Gak at Park Ha sa nangyari, at maging sina Man Bo at Yong Sul...

sa Rooftop house.. alalang-alala sina Man Bo at Yong Sul.. paano na daw ang gagawin nila, noong bumalik daw kasi si Chi San ay naka-shorts at tennis shoes ito, ang sabi ng tutor.. kailangan na daw nilang ihanda ang mga lumang damit nila, pinapahinahon naman sila ng prinsipe, nang biglang mapansin ni Yong Sul iyong group picture nila na naka-display sa kanilang bahay, nawala daw si Chi San sa litrato, at mas nag-alala na nga sila (ibig sabihin mabubura rin lahat ng mga bagay o pisikal na mga alaala na maiiwan sana nila para kay Park Ha)...

sa paboritong bench na tambayan ng mag-MU.. t-in-ext at pinadalhan ni Park Ha ng multimedia message ang kamahalan, sabi dun sa animated na text ay "Mahal na prinsipe, mag-inuman tayo ngayong gabi", at sa video message naman ay "hoy, kamalahan! hihintayin kita kaya bilisan mo".. napangiti naman si Lee Gak sa imbitasyon ng pinakamamahal niyang dalaga...


No comments:

Post a Comment