nakaka-miss yung mga panahon kung kelan 1.50 pa lang yung pamasahe sa
jeep, noong sa 2.50 lang makakabili ka na ng Rebisco choco sandwich
para sa merienda, noong 5.00 peso pa lang ang pancit canton, noong piso
pa lang ang yelo, 1.50 ang itlog, at 0.50 pa lang ang mga candy..
kung iisipin ganun lang ang buhay noong 90's..
pero konting panahon pa lang ang nakalipas pero lubhang mas mahirap nang mabuhay sa mundo..
patuloy na nagmamahal ang mga bilihin na para bang nauubos yung resources, kahit na hindi naman talaga..
pero sa kabilang banda halos walang pinagbago ang rate ng sweldo ng mga nagtatrabaho...
yung
bahay namin na 200,000 plus lang ang original value, sa ngayon ay
milyon na ang halaga dahil sa interes sa housing loan, bale parang hindi
rin nababayaran yung mismong bahay kundi sa interes lang napupunta yung
kaltas sa sweldo.. daig pa ang umuupa, baka nga patay na yung
nagbabayad eh hindi pa rin sa kanya yung bahay...
halos 20 years lang ang nakalipas simula noong ako na ang humahawak ng pera at nagbabayad ng mga bagay-bagay sa sarili ko lang..
kung ikukumpara dati, sa ngayon:
- dapat kaya mo pa sanang manlibre ng 5 katao (1.50 x 5 = 7.50) sa mininum rate ng pamasahe sa jeep na 8.00..
- dapat sana 2 Rebisco choco sandwich pa ang mabibili mo sa 6.00 peso na presyo ngayon, may sukli pang piso pambili ng candy..
- ang 10.00 piso makakabili pa dapat ng 2 pancit canton para sa agahan o pwede ring iulam sa kanin..
- ang yelo 3.00 piso na, supposedly makaka-3 pa sa ganung halaga..
- sa bagong presyo ng itlog na 6.00, eh di dapat makaka-4 pa sa dating presyo na 1.50..
- ang mga candy naman na dating panlibang sana, ngayon eh nasa piso na rin ang halaga..
ang presyo ng LPG, gasolina, tubig, kuryente, bigas, bahay..
lahat na lang patuloy na tumataas, na parang ayaw nang hayaan na mabuhay yung mahihirap..
dati nasa may-kaya pa kami, ngayon kabilang na rin kami sa mahihirap..
kung
iisipin, wala naman yata talagang mahirap dapat, ang meron lang eh mga
ganid na patuloy na kinokontrol ang antas ng pamumuhay sa mundo...
ano na bang nangyayari at sobrang bilis nang magbago ng panahon..?
No comments:
Post a Comment