Sunday, April 6, 2014

February 8, 2013

nagiging madaldal talaga ako basta problemado sa buhay...

---o0o---


hay..
pano ba 'to..?
naghahanap na naman ng pera ang blood aunt ko..
pero nasa 45,000 Php na siguro yung nawawalang pera sa business niya...

ang hirap naman na kulitin yung biological mother ko..
dahil hindi na nga siya nakakatulog dahil sa lahat ng naniningil sa kanya..
mga bangko, credit cards, opisina..
kapag naman inulit pa yun eh iiyak na naman yun at baka mamatay na lang sa depresyon...

bakit ba kasi napaka-impraktikal nila..?
mas inuuna pa yung lecheng prom na yun..
yung lecheng tuition sa HIGH SCHOOL..
yung lecheng graduation..
yung lecheng pangarap na makapag-La Salle yung isa..
hindi ba nila kayang tanggapin na dapat sa mga pampublikong paaralan lang sila??

tama ba na nag-pledge pa siya ng malaking halaga dun sa nakaraang kasal?
tama ba na hinahayaan pa niya yung mga kaanak niya na bumisita dito sa bahay, tapos yung pera nila yung gagastusin para magmukhang may pang-entertain sa kanila??
tama ba na iniisip niya pa rin yung ipapakain niyang masarap sa bagong mag-asawa at sa magiging apo niya???
tama ba na puros mamahaling groceries pa rin ang pinapakain niya sa pamilya niya????
tama ba na binibigyan pa niya ng allowance ang asawa niya?????

wala bang tamang panahon at rason para magdamot naman??????

tang inang buhay 'to!
sa halip na nakakabayad siya ng utang sa kapatid niya..
nagagawa pa niyang unahin yung mga kapritso ng paborito niyang anak at asawa...

---o0o---


Lord!
please naman o'...

kung gusto mo pa akong mabuhay, edi patamain mo naman ako sa lotto at palayain mo na ako sa impiyernong pamilya at bahay na are..?
kakalimutan ko na yung pangarap kong mamatay ang biological father at younger brother ko - pero siyempre gusto ko pa ring mag-celebrate kapag nangyari na yun..
pababayaan ko na sila sa mga gusto nilang gawin..
at kakalimutan ko na lahat ng taong naperwisyo nang dahil sa pesteng existence ko...

pero kung wala ka naman talagang planong buhayin pa ako ng mapayapa..?
hindi ba pwedeng tapusin mo na lang ako nang basta-basta..
kagaya sa pagtulog ko..
yun sanang wala naman sakit, dahil halos buong buhay na akong nasasaktan..
pwede bang hindi ka naman maging sadista madalas..?
sa'yo na 'tong buhay na 'to at huwag na huwag mo nang ibalik pa dito sa mundo kahit na kailan...


No comments:

Post a Comment