Sunday, April 6, 2014

February 13, 2013

badtrip na naman..
halos araw-araw na 'to, ah..
dahil yung lintik na biological demon father eh nilipat yung channel kanina sa programa ng mga karamihan ay opportunista na WoWoWillie habang nanonood ako ng Be Careful with My Heart..
anak ng demonyo talaga!!

alam kung ayaw na ayaw niya ng mga commercial..
pero ako ang matagal nang nagpo-protekta sa bahay na 'to kaya ako lang ang may karapatan na manood dito ng tv..
buwisit na!!
wala namang masyadong sense yung WoWoWillie na yun kumpara sa Be Careful at Sine Mo 'To ng Showtime, at puros katawan lang ng mga babae ang pinapakita..
maige sana kung porn yun, eh kaso hindi rin naman...>,<

tumatagal na naman ang paghihirap ko..
araw-araw ko na naman siyang nakakasama dito sa bahay..
siyempre balik na naman ako sa paninigarilyo ko (secondhand-smoker sa loob ng mismong bahay)..
hindi makapag-concentrate sa gagawin ko sanang K-manga..
bukod pa dun yung kawalan ko ng sense of security..
parati siyang lalabas ng bahay tapos eh ibibilin na iwanan ko lang na bukas ang pinto, ano ako tanga!?
tapos ano - pagnanakawan niya yung negosyo ng blood aunt ko..?
maige nang mag-ingat parati, kesa madugasan na naman...

nami-miss ko yung mga panahon na parati siyang problemado..
yung kung makaarte eh akala mo ay hinang-hina na talaga at malapit nang mamatay..
parati lang nakahiga sa kama at ubo nang ubo..
kung bakit ba naman kasi pinautang pa siya ng pambayad ng mga utang niya ng biological brother ko..
ang mga utang na iyon ay dahil pa sa sugal, at hindi naman napupunta sa pamilya niya..
eh yun nga lang paggamit niya na dahilan sa kasal ng isa ko pang biological brother para lang makapangutang dati eh sapat nang dahilan sana para pabayaan na lang siyang magdusa eh...

kailan ba talaga siya mawawala sa pesteng buhay ko..?

---o0o---


minsan naaasar na ako sa sarili ko dahil sa sobra kong kadaldalan kapag problemado ako..
pero yun na lang talaga yung maaasahan ko sa ngayon na labasan ng mga sama ng loob ko eh - ang kausapin nang kausapin na lang ang Facebook wall ko..
at palihim na ilabas nang ilabas sa mga tao (maging sa mga hindi ko naman kakilala) lahat ng baho ng biological family ko...

minsan nga napapaisip ako..
ano na kaya ang iniisip tungkol sa akin ng mga dati kong kakilala kapag nababasa nila yung mga post ko sa Facebook..?
nanghihinayang ba sila para sa akin, katulad ng mga blood relatives ko..?
nabubuwisit na ba sila na sa halip na maganda ang araw nila, eh sa pag-check nila ng Facebook eh makakabasa sila halos araw-araw ng mga negative na mensahe tungkol sa mga kamalasan, ng mga mura, at mensahe tungkol sa kamatayan..?
para bang sobrang sama ko na sa tono ng pananalita ko..?
sobrang sama ko na ba para hilingin ang mismong katapusan ng biological demon father at brother ko..?
sobrang bayolente ko na ba para naisin na rin ang mismong katapusan ko..?

pero sa bandang huli..
parang wala rin naman talagang makakaintindi na sa akin eh..
sa mga napapanood ko kasi sa tv..
kadalasan eh either mayaman na sira lang ang pamilya, o di kaya ay mahirap na masaya naman at nagtutulungan sa buhay..
pero ako..
pinanganak na ngang mahirap, tapos bulok pa ang pamilya (o yung mga kasama ko lang ngayon sa bahay)..
at hindi pa nila naiintindihan ang trabaho ko..
akala ba nila na basta na lang ako dadampot ng lapis, habang nag-iingay sila, naglilikot, nagyoyosi, nanonood ng tv, nangungutang ng pera, at nagawa ng kung anu-ano pang kalokohan sa paligid ko..
ang masama pa eh halos mayayaman lahat ng mga blood relatives na nakapaligid sa amin kung kaya't hindi rin naman nila lubusang naiintindihan yung sitwasyon namin, bagkus ay nanggigipit pa nga minsan...

kagusto ko gang linisin ang konsensya ko..
kagusto ko gang linisin ang pangalan ko, lalo na sa mga blood relatives ko..
kaso eh nandun na talaga yun eh..
yung poot, yung hatred...

ayun nga..
minsan eh naiisip ko na sipain na lang lahat palayo ng mga Friend ko sa Facebook..
pero aanhin ko pa't nag-Facebook ako simula 2005 kung aalisin ko rin naman lahat ng mga tao na naka-konekta sa akin...

sige na, please..
ibigay nyo na sa akin ang best gift sa buhay..
ang katahimikan ng loob ko...


No comments:

Post a Comment