[originally posted on May 27, 2012]
FilFox..
hindi ko sigurado kung anong klaseng courier ba talaga sila.. kung nagde-deliver nga ba sila o nag-a-act lang as 'middleman'..
pero based dun sa experience ko, nag-function lang sila as 'middleman'..
unfortunately naka-transaction ko sila dun sa traumatic incident na na-experience ko with LBC...
Sample Case Summary:
-
nakabili ako ng isang item through ebay, yung seller pinadala yung item
sa FilFox, tas yung FilFox pinadala naman yung package sa LBC, at ang
magaling na LBC eh iwinala lang yung sobrang importante kong item...
Positive Notes:
- they can track your package for you..
-
i'm not sure about this, pero may nabasa kasi akong article dati sa
forum na nagsasabi na mas mabuti kung corporate account gaya ng sa
FilFox yung magpapadala nung package mo compared sa individual kasi mas
pina-prioritize daw yung corporate account.. pero ayun nga, base sa
masama kong karanasan eh hindi naman naging totoo yun, na kahit
corporate account yung naghandle nung shipment nung item ko eh parang
wala rin naman silang naitulong para maresolba yung kaso...
Negative Notes:
-
ang obligasyon nung sender ay nandun sa original na nagpadala sa
kanila at hindi sa'yo na recepient lang.. kasi sila yung nagbayad para
sa serbisyo sa nila eh..
- dahil sila yung tatayong sender mo,
kapag nagka-problema sa shipment posibleng mahirapan kayong
makipag-communicate sa lahat ng taong involved.. gaya sa karanasan ko, i
had to talk to the seller, tas sa FilFox, tas sa iba't-ibang branches
ng LBC na involved just to try to solve my problem with the missing
package..
- dahil rin sila yung tatayong seller, hindi mo makukuha
yung mga details nung seller mo (in case na wala kang alam sa details
nila simula't sapul).. sa karanasan ko naman kasi eh nagkataon na toy
store talaga yung nabilhan ko kaya yung names, addresses at contact
numbers nung seller eh alam ko na kasi available yung mga yun sa
internet...
Conclusion:
- wala akong makitang magandang dahilan para gumamit pa ng mga 'middleman' pagdating sa shipments...
Tip:
-
itanong muna sa seller/original sender kung gumagamit ba sila ng
corporate account or services gaya ng sa FilFox para magpadala ng
package/s.. para lang alam mo na yung mga dapat mong i-expect once na
makipag-deal ka sa kanila...
No comments:
Post a Comment