bale ang loadxtreme ay parang universal loading system para sa iba't-ibang TELCO's (Telecommunications Company), kasama na rin ang iba pang loading services para sa mga bagay maliban sa call & text..
bago pa lang akong TechnoUser o Retailer ng load at chini-check ko pa kung gaano sila ka-efficient..
hindi ko naman siya tinitingnan as a scam, kasi yung retail lang naman talaga ang habol ko.. yung ibang tao naman kasi na nagke-claim na scam siya ay ay mas naka-focus dun sa Networking aspect nung business..
ang totoo, provided na may fixed amounf of incentive sa bawat recruit mo at sa bawat recruit ng mga recruits mo and so on, eh posible naman talagang kumita ang isang member ng libo-libong halaga ng piso.. kasi ang assumption naman dun sa mga pinapakitang graph o table ay magre-recruit ka ng members, tas yung mga recruit mo eh magre-recruit din, hanggang lumago nang lumago na parang malaking family tree.. bale exponential siya in nature..
pero sa mga ganung kaso, mahirap talagang mag-assume na lalago o network o branch mo nang sobrang dali...
anyway, ayun nga, sa ngayon sinusubukan ko yung retailing..
and para sa mga interesadong maging miyembro, eh are ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang:
Requirements para talagang masulit yung service/business:
- Puhunan (kahit less than 1000 pesos lang)
- Cellphone - kasi ili-link yung account mo sa isang cellphone number, tas pwede ring yung cellphone ang gamitin mong pang-load sa mga tao
- Computer or equivalent devices - para maka-access sa internet
- Internet Connection - sa ngayon meron sa website nilang system na magagamit pang-load sa mga tao at libre yun (though logically speaking ang bayad mo dun ay pumapasok dun sa monthly internet bill mo)
- Basic Personal Information - kailangan para ma-identify ka
Positive Notes:
- pwedeng kahit personal na gamit lang talaga, ikaw na mismo ang maglo-load sa sarili mo at a discounted price (mga nasa 8 to 10% ang discount depende sa laki ng ilo-load mo)
- pwede kang maging retailer at magbenta sa iba ng load
- iba-iba ang klase ng load na pwedeng ibenta (para sa halos lahat ng klase ng Network o service provider):
- electronic cellphone load
- cellphone prepaid card equivalents
- landline prepaid card equivalents
- internet load
- online gaming load
- cable/satellite load
- entertainment related (like ABS-CBN voting points, digital albums, etc.)
- walang scheduled date o limit kung kelan mo dapat makonsumo ang laman ng load wallet mo, kaya hindi ka mapu-pwersang maghanap ng customer o mag-ubos ng LX load (o yung laman ng LoadXtreme load wallet mo)
- walang contract na magbi-bind sa'yo kung hanggang kailan ka dapat maging member, kung hindi ka satisfied sa negosyong ito pwede ka nang mag-quit once na mabawi mo na yung puhunan mo para sa membership (300 pesos sa ngayon)
- kung magaling kang mag-convince ng ibang tao, pwede kang pumasok dun sa networking aspect na may incentives
Things to Consider:
- ang security o pangangala ng account details at password mo ay nasa kamay nung company
- ang pangangalaga ng account number at password mo ay nasa kamay mo rin dahil kailangan ito para ma-access mo ang iyong account, hindi mo ito dapat ipaalam o ipagkatiwala sa iba
- sa bawat paggamit nung command maging online man o through text, eh kailangan parating isama yung account number o password.. ibig sabihin dapat iwasan na mai-send sa maling number yung command, iwasang mabasa ng ibang tao ang sent items sa cellphone, at panatilihing ligtas ang computer laban sa mga hackers.. at dahil sa mga ganung bagay, inirerekomenda na dalasan ang pagpapalit ng password
- mas tipid kung maglo-load ka ng mga customer through the internet kasi walang direct charge (gaya nga ng sabi ko damay na yun sa monthly internet bill mo)
- kapag text command kasi ang gamit mo ay may 1.00 peso charge kada-text since katumbas siya ng isang regular text na dadaan sa kung anumang TELCO ang gamit mo
- yung process nung paglo-load ay dependent sa system (o network) nung TELCO o kompanya.. hindi pa ako nagka-problema dati sa paggamit ng mga prepaid cards para sa cellphone o online games.. pero gaya na lang sa electronic load, may mga pagkakataon na nade-delay o nadi-disregard yung pagproseso dahil busy o congested yung network
- yung list of products, suggested retail price (SRP), wholesale price (o yung discounted value na ikakaltas sa'yo everytime na makabenta ka ng load) ay regularly updated sa website nila kaya mahalaga talaga ang internet connection
* bagay na bagay ito sa mga tao o negosyante na magdamag na bukas ang mga computer at internet (gaya ng mga may-ari o manager ng computer shops)
No comments:
Post a Comment