Loveless Story
August 26, 2018...
ang plano...?
tulog muna ulit ng konti..
tapos pasok na ulit sa Xerex-mode..
kahit papaano mas maikli naman yung istorya dahil horror nga yung isang chapter...
after that, balik na sa Project #8..
titingnan kung ano pang magagawa ko para malabanan ang buhay...
is feeling , 6/58.. kahit kunwari eh ipinamalato ko na lang yung 20% tax...
---o0o---
August 27, 2018...
yung pakiramdam na gusto mong ma-trap na lang sa mga panahon na yun..
dahil yun na lang yung masaya at may thrill sa mundo eh...
kaso..
alam mo na hindi naman pwede..
physically..
at lalo naman financially..
imposibleng gawin yun nang tuluy-tuloy lang...
is feeling , 64 minutes...
>
hindi ko pa rin talaga natapos yung horror part.. :(
tapos masisingitan pa bukas ng grocery day dahil lumakas ang pamimili ng mga kliyente ko lately...
gustung-gusto ko nang lumipat sa best part eh..
gusto kong matabunan ng masasayang alaala yung trahedyang sinapit ko...
is feeling , reverse narrative...
---o0o---
August 28, 2018...
may konti pang panahon..
81 days left...
is feeling , baka naman...
>
sa wakas..
natapos rin sa chapter ng bangungot...
narration na lang bukas nung mga happy memories..
sana eh madali kong makumpleto yun...
is feeling , puke (as in yung English term)...
---o0o---
August 30, 2018...
sobrang distracted..
still busy with the last chapter...
tapos biglang pinasok ko na rin ang community building..
ang daming kailangang pag-aralan..
samantalang kailangan ko na ring tapusin yung Project #8 ko para kumita ng pera...
also..
may hinihintay akong photo updates ni YAM..
kaso biglang nagdamot na yung site owner...
is feeling , 6/58, baka gusto mong tumulong para magkaroon naman ako ng oras para sa ibang bagay...
---o0o---
August 31, 2018...
ang totoo, wala naman na talagang importante sa loob ng lugar na iyon..
yun nga lang..
may hinihintay sana akong update hanggang sa katapusan ng August..
kaso bigla namang nag-decide yung management na maglinis na, 2 days bago pa matapos yung buwan...
ayun..
curious na curious tuloy ako tungkol sa naging update ni YAM... :(
is feeling , malas na naman sa timing...
>
lagot..
ano na naman ba ang napasok ko...?
ambilis nila akong nahanap..
hindi ko masabi kung may nagturo ba sa akin o ano..
basta sila pa yung kauna-unahang nakakita dun sa community na binubuo ko... :(
nakakatakot naman ang masasamang tao..
tama na..
ayoko namang pati buhay ko eh pagtangkaan pa nila sa pinaka-brutal na paraan ng mga organized groups... :(
is feeling , okay, game over na kaagad...
>
[Book]
Updated/Revised Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy Marquez as me..
• Marian Rivera as Almeja
• Justine Battung as Jacqueline (yun pala yung public name niya)
• Bela Padilla as Anne
• Megu Fujiura as Emoji-Girl
• Ana Capri as Miss A (pinalitan para bigyan ng daan si Miss V)
• Jinri Park as Miss J
• Julia Barretto as Strawberry (aaminin ko na, yun talaga yung kawangis niya, but with less cheeks)
• Valentina Nappi as Miss C (dahil sa cleft chin)
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Coraleen Waddell as Miss Co (yung simple look ni Cora, tapos yung may kasamang ngiti)
• Abby Poblador as Miss H
• Kylie Page as Miss P (pero brunette)
• Jinky Vidal as Miss S (yung face, pero gawin mong Sensual Jane yung body)
• Maja Salvador as Miss V
• Juliana Palermo as Miss Al (ang totoo mas Isabella de Leon yung facial details niya, pero dahil bata ang tingin ko dun eh Juliana Palermo na lang)
• Julz Gotti as Love Burger (pero fair skin)
• Cristine Reyes as The Korean
• Connie Sison as YAM (yung fit version ni Connie Sison dati)
• Cassandra Calogera as Dime (yung matabang version, tapos gawin ding morena)
is feeling , revision.. may nakita lang ako na mas kahawig...
>
tried asking for help from Dime..
at talagang sa most horrific date ko pa (actually, nag-iisa naman siya na horrific eh)...
sana lang magkaroon naman siya ng konsensiya..
sana tulungan niya ako..
kahit yun na nga lang yung kapalit nung Php 5,000 na hinoldap niya sa akin...
is feeling , mercy, please.. konting pagpapakita naman ng pagiging patas sa buhay...
---o0o---
September 1, 2018...
may 55th (logically 53rd) retirement na..
baguhan lang naman..
ni walang lumabas na image...
is feeling , mukhang malapit na silang mag-disband...
>
anong nangyari...?
ayun..
talagang pang-Horror nga pala ang isang yun..
mapagmataas na, eh masama pa talaga ang ugali..
ni hindi nakonsensya matapos niya akong dayain noon..
konting pabor lang ang hinihingi ko, pero b-in-lock pa ako...
may araw ka ring balyena ka..
madidisgrasya ka rin diyan sa ginagawa mong raket...
is feeling , pa-request.. pabalik naman sa kanya nung negative karma na yun...
>
masyadong mahirap ang infiltration..
mas madali pa kung ire-report ko na lang sila..
kaso eh may mga kakilala pa ako sa loob...
so hindi ko muna sila pakikialaman..
ang best chance ko ngayon ay kapag ipinasok na siya sa sugalan...
is feeling , natatanga talaga ako sa timing na yun...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 2 - Collegiate Conference - Preliminary Round
August 25, 2018...
UST versus FEU
ang 6th 5-setter match ng conference..
at talagang 5th 5-setter match para sa FEU..
3-2, panalo ang UST..
si Alessandrini ang top scorer para sa UST with 16 points..
naka-12 points naman si Eya Laure..
si Carandang naman ang nanguna para sa FEU with 13 points...
dahil dun, UST at FEU ang maghaharap sa Semifinals...
CSB versus UPHSD
3-0, panalo ang Saint Benilde..
nakadepende na ngayon ang kapalaran ng CSB sa kahahantungan ng laban ng UP at San Beda...
is feeling , ang tindi ng FEU, ang sipag...
---o0o---
August 26, 2018...
AdU versus SSC-R
3-1, panalo ang Adamson..
hindi muna naglaro si Dacoron na sumama muna ulit sa team ng BanKo para sa isang exhibition game..
17 points si Flora, from 14 attacks at 3 kill blocks..
15 points si Soyud..
at 28 excellent sets naman ang nagawa ng converted Setter na si Igao..
nanatiling bokya sa ranking ang San Sebastian..
at hindi na nga nadungisan pa ang record ng Lady Falcons sa Preliminary Round...
UP versus SBU
3-0, panalo ang UP..
19 points si Molde, from 17 attacks, at may 16 digs pa..
nalimitahan naman si Racraquin sa 4 points lamang..
dahil dun, Adamson at UP ang maghaharap sa Semifinals...
is feeling , UAAP pa rin nga sa bandang huli...
---o0o---
PVL Season 2 - Collegiate Conference - Semifinals
August 29, 2018...
AdU versus UP
3-1, panalo ang UP..
at talagang extended set pa yung nakuha ng Adamson..
nagsayang pa ng 4th Set ang AdU..
si Buitre ang nanguna para sa UP..
25 points, with 23 attacks, at 8 points dun ay ini-score niya sa 4th Set lamang..
hindi naman masyadong umatake si Molde na may 9 points lang, pero gumawa naman ng 17 digs para sa depensa..
si Flora na naman ang nanguna para sa Adamson, with 20 points..
Soyud with 16 points..
at Perez with 11 points...
lagot ang Lady Falcons, sila na ang tagilid ngayon..
sayang ang pagiging #1 seed kung mapapalaglag lang sila ng #4...
UST versus FEU
3-1, panalo ang UST..
nanguna para sa UST si Eya Laure, with 19 points, na may 15 attacks at 4 kill blocks..
sunod naman si Alessandrini with 16 points, na may 13 digs at 8 excellent receptions..
para sa FEU, hanggang 10 points lang ang naging ambag ni Malabanan..
at 9 points naman para sa nagbabalik na si Domingo...
lagot na, gumagaling na rin bilang defender si Alessandrini kahit na matangkad siya...
is feeling , UAAP incomplete preview...
-----o0o-----
2018 Asian Games - Women's Volleyball
August 26, 2018...
Philippines versus Indonesa
3-1, panalo ang Indonesia..
walang nagawa ang Philippines sa ace player ng Indonesia, pucha lalaki talaga ang dating eh..
16 points si Baldo..
13 points naman si Jaja...
is feeling , wala, hanggang 1-3 lang ang naging ranking nila...
---o0o---
2018 Asian Games - Women's Volleyball - Quarterfinals
August 29, 2018...
Philippines versus China
at talagang reigning Olympic Champion pa pala ang China..
3-0, panalo ang China..
overkill, 25-15, 25-9, at 25-7..
wala eh..
ganun talaga..
kapag putot ka, top team ng kabilang Pool ang makakaharap mo...
dahil dun, sunod nilang makakaharap ang Kazakhstan...
is feeling , 5th to 8th classification na lang ang habol nila...
---o0o---
2018 Asian Games - Women's Volleyball - 5th to 8th Classification
August 31, 2018...
Philippines versus Kazakhstan
3-2, panalo ang Kazakhstan..
muntik na, konti na lang eh..
11-25, 25-22, 15-25, 25-19, tapos extended yung 5th Set sa 14-16..
naman...
Jaja with 19 points..
Baldo with 13 points, na may 18 excellent digs at 24 excellent receptions..
pucha, parang defender ang laro niya..
at nakakatuwa na si Morado ang mas nagdala nung laban with 26 excellent sets...
pero kinapos lang talaga sila..
hindi napangalagaan yung 5th Set eh..
at dahil dun, Indonesia ulit ang makakalaban nila para sa 7th Place..
meaning 8th Place yung pinakamababa nilang pwedeng maging rank..
iyon ay out of 11 teams...
is feeling , kaya ba nilang talunin ang lalaki na yun...?
-----o0o-----
August 27, 2018...
i see..
so nakigulo pala ang Bangko Sentral ng Pilipinas..
gusto nila na lahat ng remittances eh dumiretso sa mismong local bank..
wala silang pakialam kung subsidiary ito ng ibang bangko, at kung doon sa bangko na yun idadaan yung withdrawal..
basta ang gusto nila eh kung ano yung nakapangalan na bangko, eh doon lang dadaan yung pera...
parang tanga lang kasi..
eh logically, sa ibang mga bangko pa rin naman idinadaan yung mga fund transfer kung wala namang branch yung destination bank sa ibang bansa..
gaano ba kalaki ang ipinagkaiba ng pagkakaroon ng partnership sa pagiging subsidiary ng ibang bangko...?
thank you sa timing.. :(
perfect...
is feeling , ilang taon nang may ganung process, pero ngayon nyo lang naisip na gawing istrikto yung sistema...?
No comments:
Post a Comment