Friday, September 7, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of September 2018 (Love for Skills)

Loveless Story


September 1, 2018...

lagot na..
na-inlove na yata ako..
sa skills... <3

wala na..
nahati na yung nararamdaman ko eh..
isang more on sa panlabas na anyo..
at isa sa pandamdam...

is feeling , siguro nawalan na nga ako ng kakayahan na magmahal...

---o0o---


September 5, 2018...

[Online Marketing]

okay..
so natanggap ko na yung kita ko for June and July..
nasa Php 500 plus yung charge para sa transfer, pero ayos na rin yun..
technically speaking, hindi pa rin naman maganda ang performance para sa Project #7 ko..
pero kahit papaano eh b-in-oost nung promo yung sales para sa first 5 issues..
at dahil dun eh nasalo na nga ang month of August ko...

halos patay na yung sales mula sa 1st store, hindi na siguro nakakapagtaka dahil dun nga nanggagaling yung mga pirata..
at yung 2nd store naman ang pumapalo sa ngayon, pero hindi ko alam kung hanggang kailan..
so far wala pa naman akong nakikita na pirated copy mula sa 2nd store..
kaso tumigil na nga rin pala ako sa pagpupulis, so hindi ko na rin talaga maoobserbahan yun...

ang iba pang okay na balita..?
sigurado na rin na may mare-release akong kita for both October and November..
yung sa October eh halos tinapatan itong natanggap ko ngayong September...

ang plano ko..?
babaliktarin ko yung sistema - kung uubra..
kung makakakuha ako ng malaking market sa Patreon, doon ko na muna gagawin ang initial release..
after a month, saka sa 2nd store..
tapos after a month ulit, saka naman sa 1st store...

is feeling , thank you, international people...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Collegiate Conference - Semifinals


September 1, 2018...

bawi day...


UST versus FEU

3-1, panalo ang FEU..
nakabalik na nang husto si Domingo..
19 points from 9 attacks, 6 kill blocks, and 4 service aces - halimaw talaga..
Malabanan naman with 17 points..
si Alessandrini lang para sa UST ang umabot sa double digits na may 13 points...


AdU versus UP

3-0, panalo ang Adamson..
Soyud with 14 points from 12 attacks and 2 kill blocks..
Flora and Permentilla with 9 points each, may 9 digs at 9 excellent sets pa si Flora..
na-check nila si Buitre today, na naka-7 points lang, bale naka-score lang siya ng 6 out of 29 attack attempts...

is feeling , bukas na kaagad ang deciding matches nilang 4...

---o0o---


September 3, 2018...

AdU versus UP

3-1, panalo ang UP..
mula sa pagiging defender nitong mga nakaraang laban, lumabas ang pagiging Ace Player ni Molde..
27 points from 23 attacks at 4 kill blocks..
maging si Buitre eh bumawi, 19 points from 12 attacks at 7 kill blocks..
at Estranero with 35 excellent sets..
nakagawa ang UP ng 17 kill blocks laban sa Adamson...

Soyud with 15 points..
Perez with 14 points..
Permentilla with 12 points..
pero pinatunayan lang nito na hindi pa kaya ng Adamson na makuha ang Season 81 nang ganun kadali..
partida na wala pa nito si Caloy..
malaking sayang ulit para sa Lady Falcons, since last PVL Season eh maganda rin ang nilaro nila sa umpisa, but then nawala yung tsansa nila noong na-injure si Galanza..
tapos ngayon, from being an unbeaten team, tapos biglang napalaglag sila ng #4 Seed..
worst case pa nila kung hindi sila makakakuha ulit ng medal this time...


UST versus FEU

3-1, panalo ang FEU..
Malabanan with 13 points..
Negrito and Ebon both with 12 points..
yung kay Negrito ay 5 attacks, 4 kill blocks, at 3 service aces, plus 22 excellent sets...

si Eya Laure ang nanguna para sa UST with 15 points..
kaso eh nakagawa naman sila ng 33 errors...

is feeling , at talagang #3 at #4 Seeds pa ang nagtapat sa Finals...

-----o0o-----


2018 Asian Games - Women's Volleyball - 5th to 8th Classification


September 2, 2018...

Philippines Versus Indonesia

3-1 lang ulit, panalo ang Indonesia..
mas kuminang na ang laro ni Paat this time, with 10 points from attacks..
9 points naman ang kay Baldo...

ang lakas ng Thailand, natalo nila ang South Korea sa score na 3-1..
pero hanggang Silver Medal lang sila..
China ang nakakuha ng Gold Medal, tinalo nila ang Thailand sa score na 3-0..
Bronze Medal ang sa South Korea, at 4th Place naman ang Japan...

is feeling , wala, hanggang 8th Place lang, out of 11 teams...

-----o0o-----


September 2, 2018...

[Piracy]

wala na..
pagod na ako sa paglaban sa piracy..
mababaliw lang ako kung ipagpapatuloy ko pa 'to...

ang lesson sa buhay..?
never work on copyrighted materials, na may visual, lalo na kung gumagamit ng universal language..
considering na hindi ka naman kumikita ng millions of dollars mula sa actual sales mo..
magiging parang suicide lang yung laban kapag ganun...

so ngayon i'm trapped once again..
hindi ko na alam kung paano ko pa ipu-pursue yung bagay na gusto ko talagang gawin, habang nagkakaroon ng paraan para maka-survive sa napaka-bayolenteng mundo na ito... :(

i'm almost good as dead... :(

is feeling , 6/58, baka gusto mong tumulong...??

---o0o---


September 3, 2018...

[Piracy]

okay..
mula bukas hindi na ako magche-check ng mga pirate attacks..
ang takaw na sa oras, tapos eh nakaka-depress pa...

susubukan ko na ang Patreon..
kapag hindi umubra, edi saka na lang ulit ako mag-iisip...

is feeling , pero fastest way pa rin yung 6/58...


>
ano ba yan...?

Patreon ako nang Patreon..
eh hindi nga pala ako pwedeng mag-set ng rate na mas mura kumpara dun sa mga prices na andun na sa mga tindahan..
may kontrata nga pala ako sa kanila...

anyway..
salamat na lang dahil patuloy yung 2nd store sa pagsuporta sa akin..
ito ay sa kabila ng pambabastos sa copyright ko ng kung sinong mga users mula doon sa 1st store...

is feeling , paano kaya ang magandang diskarte nito...?


>
naggawa na nga ng Patreon account..
pero pinag-aaralan ko pa ang lahat...

probably my last chance para i-pursue ang hilig ko...

is feeling , let's see...

---o0o---


September 5, 2018...

[Climate Change / Natural Calamities]

please po..
tama na po ang pananalanta sa Japan..
basta pangalagaan lang lalo si Oda, at ang mga draft ng One Piece laban sa Bagyong Jebi...

is feeling , sa Empire po, malawak ang lugar at maraming masasamang opisyales.. pwede po dun ang mga archangel...


>
[Lottery]

ayun..
nanalo na ulit kaagad..
sa 6/58 naman..
7-8-41-25-13-30...

yun nga lang..
hindi naman yun yung nire-request ko na good karma eh..
hindi sapat..
3 numbers lang, kaya Php 20 lang..
eh Php 20 na, plus Php 4 documentary stamp tax ang basic na taya ngayon..
kaya lumalabas na talo pa rin ako ng Php 4... :(

ni hindi man lamang kasi gawing Php 25 yung lowest prize..
para kahit papaano eh parang naka-libre sa tax kapag nanalo...

is feeling , please naman.. tutal eh ipinagkanulo nyo na rin lang ang career ko sa mga pirata...

---o0o---


September 6, 2018...

[Natural Calamities]

at tinamaan pa ng Magnitude 6.7 na lindol ang Japan... :(

please naman po..
sa sobrang daming masasamang pinuno sa mundo..
sa sobrang daming mananakop na mga opisyales ng ibang bayan..
huwag naman po Japan...

hindi po masama ang Manga..
hindi po masama ang Anime..
hindi po masama ang JAV kung sa tama gagamitin..
at hindi po masama ang kabuuang kultura ng Japan..
kaya please..
huwag naman po sila...

is feeling , konting pagiging patas naman po sa pagrarasyon ng mga kalamidad...


>
done with all the renders..
took me a total of 71 days..
pero dahil sa naging klase ng schedule ko, dahil sa piracy at sa dating..
eh lumalabas na nasa 30 days akong naging idle..
so bale parang 41 days lang akong nagtrabaho...

photoshop-mode na ulit..
habang naghihintay sa sagot ng Patreon...

is feeling , panibagong turning point...

---o0o---


September 7, 2018...

ano ba yan..?
bawal na nga mag-transfer sa PSBank..?
tapos pati Metrobank eh wala na rin sa listahan ng PayPal...??

hindi naman ako pwede sa BDO..
kasi nga hinahanapan ako ng proof na ako rin yung artist side ko, na para bang may ID ako na nagsasabi na iisang tao lang nga kami...

is feeling , divine entities..? seriously..? mas masamang tao pa ba ako kumpara sa grupo ng Hokage na Mahilig, para danasin ko ang mga ganitong klase ng check...??


>
[Manga]

George Morikawa talaga o'..
at inakala ko pa naman na magiging inspirasyon si Hayami..
pero puros paasa lang talaga, tapos sabay ilalaglag din naman sa bandang huli...


>
[TV Series]

Sana Dalawa Ang Puso

yung sa sobrang daming ginawang masama, ilegal, at mapanganib nung daddy ni Liza..
tapos parang wala naman pala siyang kinalaman sa sindikato..?
bale ipinalit lang si Liza sa namatay nilang anak eh...

is feeling , so talagang overprotective at abusive lang yung character niya...??


No comments:

Post a Comment