Loveless Story
August 5, 2018...
at hindi pa rin talaga ako natapos sa Xerex-mode kahapon..
last chapter na, pero mukhang aabutin pa ng Monday...
11 days na akong hindi nagtatrabaho..
ika-12th ngayong araw, dahil schedule ng general cleaning...
wala pa rin akong maisip na paraan para maprotektahan ang copyright ko..
sayang naman kasi yung project #8 kung hindi ko na tatapusin..
kailangan ko ng isang pledge system..
yung tipong titiyakin muna na may sapat na papasok na income, bago ko i-release ang lahat ng pinaghirapan ko..
kaso maging ang Patreon ay napasok na rin ng mga pirata...
basically, nagnanakaw rin sila ng mga credit information ng ibang mga tao sa iba't ibang bahagi ng mundo..
nagnanakaw sila ng pera ng iba, para ipambili ng mga copyrighted content na babastusin nila ang copyright...
is feeling , paano na...?
---o0o---
August 6, 2018...
puros inggit na naman... :(
yung mga lalaking kayang basta-basta na lang mamigay ng smartphone sa babae nang wala naman talagang kapalit..
yung kayang dalhin ang babae sa kung saan-saang mamahaling resort at hotel..
yung mga lalaking kayang basta-basta lang mamigay ng sapatos, relo, at alahas sa babaeng hindi naman talaga nila kaano-ano...
seryoso ba sila..?
sabay-sabay ang mga babae sa buhay nila, pero parang talagang labis-labis ang mga pera nila para magawa pa yung mga ganung bagay...?
hindi masyadong nakakainggit yung pambababae eh..
pero yung magkaroon ng labis-labis na pera sa buhay..
leche, ano bang trabaho ng mga yun...??
parang ipis lang ako kung ikukumpara sa mga ganung level ng mga lalaki eh... :(
is feeling , samantalang ako, ni hindi ko maprotektahan ang copyright ko...
---o0o---
August 7, 2018...
[Strange Dream]
isang maikling panaginip kaninang madaling araw...
nasurpresa na lang ako na nasa bahay na ako ni Miss H..
sa may dining at living area, directly na magkadugsong lang sila..
pero walang tao sa ibabang bahagi na yun ng bahay nila..
sa tingin ko ay madaling araw rin noong na-teleport ako doon...
nagmasid-masid daw ako sa paligid..
sinilip ko ang loob ng banyo sa ibaba, at nakita ko na maraming nakasampay sa loob nun na parang yung colored na mga outfit ng nurse..
after that ay natukso akong umakyat sa second floor para silipin kung sinu-sino ang mga tao doon..
may mga nakasampay rin na mga puting kasuotan papaakyat ng hagdanan..
at for some reason ay hindi ko na itinuloy ang balak ko...
muli akong naglibut-libot sa ibaba..
sa dining area..
tapos ay sa salas..
nang bigla ko na lang naramdaman na kailangan kong magtago..
so ibinaba ko ang aking katawan sa may likod ng sofa, habang nakalabas ang ulo ko para tingnan kung ano ba yung paparating..
sa totoo lang, kitang-kita noon ang ulo ko sa paraan nang pagkakatago ko...
hanggang sa may gumalaw na nga sa second floor..
una kong nakita yung pares ng legs ng isang babae..
naka-shorts lang siya..
bumaba siya sa hagdanan nang may dala-dala na parang maliit na palanggana..
bale hindi ko kilala ang babaeng iyon..
sa tingin ko ay balak niyang mag-bake ng kung ano, kasi paulit-ulit niyang sinasabi ang timer para sa gagawin niya...
matapos yun ay nagising na nga ako...
is feeling , ni wala akong kakayahan na mag-apologize nang personal...
---o0o---
August 11, 2018...
nakaka-strike 3 na ako..
nagtanong na naman ako sa taong hindi alam ang sagot sa tanong ko..
o ayaw sagutin yung tanong ko...
is feeling , sino pa bang malalapitan ko...?
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 2 - Collegiate Conference - Preliminary Round
August 5, 2018...
UAAP versus UAAP...
UP versus UST
3-1, panalo ang UST..
dinadala na talaga ni Eya Laure ang team nila..
walang nagawa sina Molde...
AdU versus FEU
ang 2nd 5-setter match ng conference..
3-2, panalo ang Adamson..
Soyud with 24 points..
Perez with 17 points..
Dacoron with 12 points..
Flora with 11 points...
is feeling , mukhang posible nang mabalasa ang UAAP Season 81...
---o0o---
August 8, 2018...
single match Wednesday...
UP versus SSC-R
3-0, panalo ang UP..
wala pala si Caloy this conference para ipahinga ang shin injury niya, kaya kay Molde muna umaasa ang UP...
is feeling , para tuloy naka-pull out ang mga Ace Player...
-----o0o-----
August 6, 2018...
[Natural Calamities]
yung naging lindol sa Indonesia na pumatay ng maraming tao...
mali naman eh.. :(
ang request ko eh doon sa location ng mga server ng mga online pirates..
sa base ng Keep2Share, FileBoom, at iba pang supporters ng mga magnanakaw...
is feeling , mas maraming deserving para sa ganyang mga trahedya...
---o0o---
August 7, 2018...
[Lottery]
ngayon na lang ulit nakapanalo sa Lotto..
kaso hanggang 3 numbers lang ulit.. :(
at ngayon ko lang na-realize..
kahit na manalo nga pala ng lowest prize sa Lotto ngayon, eh ang dating ay talo pa rin..
Php 24.00 na ang tayaan..
Php 20.00 naman ang lowest prize..
bale talo pa rin ng Php 4.00 sa documentary stamp tax... :(
tapos..?
confirmed na rin..
nataniman na ng bomba si Emoji Girl..
buntis na siya...
is feeling , tapos sa mga kagaya lang nina Kape napupunta yung ibang pera...??
>
[TV Series]
Since I Found You
medyo madami ngayong palabas ang gumagamit ng ganung plot..
yung sumama sa ibang lalaki ang ina (sa kung anumang dahilan), tapos eh bumuti yung buhay niya..
at eventually eh nai-redirect sa dati niyang pamilya yung benefits...
ang arte ni Tito Nathan..
akala mo naman eh binaboy at pinagsasaktan siya ng kanyang ina noong bata pa siya..
pucha, kung ako ngayon..?
"thank you for being rich, mom" na kaagad...
eh kami nga eh..
binalikan nga nung matandang lalaki..
pero para lang magamit niya for his own survival... :(
is feeling , sobrang mahalaga ang pera sa mundo, kaya hindi na dapat tinatanggihan pa...
---o0o---
August 9, 2018...
balik na sa trabaho...
kailangan munang gumawa ng paraan para malabanan ang piracy...
is feeling , dagdag abala pa...
---o0o---
August 10, 2018...
pucha!
nakaltasan pa ng Php 250... :(
yung banko ko kasi..
p-in-ull out yung advisory tungkol sa PayPal..
akala ko tuloy eh ayos na yung isyu..
tapos nagkataon pa na hindi ma-contact yung chat at hotline nila during that time..
edi ayun, nag-transfer tuloy ako ng pera dahil sa maling akala...
tapos saka ko nalaman na ilang araw na ngang hindi nareresolba yung isyu..
napatawan tuloy ako ng penalty na Php 250..
ang problema ko pa..?
kapag hindi na sila pwede sa PayPal, eh mata-trap na naman online yung kita ko... :(
is feeling , sunud-sunod na kamalasan...
---o0o---
August 11, 2018...
[TV Series]
Since I Found You
okay lang naman yung series..
nakakalibang dahil nandun si idol Empoy..
nagsimula sa puros gantihan at pagmamataas..
at natapos nang may kapatawaran para sa lahat...
ang hindi ko lang talaga gusto na concept na ginamit dun..?
ay yung mahalaga rin talaga ang pera para mas mapadali ang success..
kagaya nun, ni-reveal pa ng ina ni Tito Nathan na nandun naman pala talaga siya at tinulungan na mag-improve ang anak niya along the way..
parang f*ck, importante talaga na may mayaman or at least responsable kang magulang... :(
is feeling , tapos jackpot pa si Gino sa leading lady niya sa ending.. anong klaseng karma naman yun...??
>
[TV Series]
Ang Probinsiyano
tang ina!
imortal na nga si Cardo..
tapos mukhang imortal na final boss rin ang dating ni Don Emilio..?
pero pati ba naman si Homer eh gagawin na rin nilang imortal na mini-boss...??
pero ang mas matindi dun..?
yung natapos na yung serye na Ikaw Lang Ang Iibigin..
at natapos na rin nga yung Since I Found You..
pero talagang buhay pa rin si Manager sa Ang Probinsiyano..??
dinaig pa niya si Papa Tom eh... XD
is feeling , tae na, lagare eh...
>
[Lottery]
so may sumagot na dun sa lotto question ko..
yung 1% daw na kaltas sa jackpot prize sa mga 6/N na lotto games ay agent's commission...
i'm not sure kung meron ng ganun dati..
basta ngayon eh ibinabawas na yun sa jackpot prize...
is feeling , ang laki na ng bayad, tapos andami pa ng bawas.. labis pa sa pang-balato yung kaltas eh...
No comments:
Post a Comment