Friday, August 31, 2018

The Bounty and The Good Example

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


baka naman kayo ang nagsu-supply, kaya alam ninyong may supply..?
nakakapagtaka rin kasi na kini-claim ninyo na ganun, pero sa halip na trabahuhin eh idinadaan ninyo sa kuwentuhan..
samantalang yung mga ganyan sa teritoryo ng mga miyembro ng alyansa ng kasamaan eh nananatiling discreet...?

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 6 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • (none as of the moment)

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • (none as of the moment)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
-----o0o-----


August 26, 2018...

okay na..
yung isa sa mga key assassins na ang bagong top ng J Branch..
isang taong nag-aral at nag-practice nang mahabang panahon, pero hindi maalam sumunod sa mga sariling patakaran nila... :(

bayad-utang..
para lang mapasama ang pangalan niya sa record nung Brach na yun...

is feeling , ang ganda ng reward system...

---o0o---


August 27, 2018...

naghahangad na rin yung anak na babae nung Basurang Bangkay ng mas mataas na antas ng kapangyarihan..
Jonin level na ang next target...

is feeling , Hokage na Mahilig bilang stepping stone...

---o0o---


August 28, 2018...

ang galing ni Jonin Proceed..
nakahuli ng mga kabataang pa-adik na tumitira ng Cannabis...

2016 pa daw yung video eh..
so posibleng ginamit lang for publicity...?

is feeling , sulit na sulit ang mga naglalakihang tarpaulin...

---o0o---


August 29, 2018...

mga buwisit kayo..
nagsusulat ako ng magagandang alaala, pero kung anu-anong baho ang inilalabas ninyo... :(

seniority..?
ganun ba talaga kahalaga ang principle nun..?
so kahit na masamang tao yung kasunod sa pila, kahit na may iregularidad sa mga pinaggagagawa niya, eh okay lang..?
handa kayong isakripisyo ang sistema ng isang buong branch, para lang masunod yung pesteng seniority na yun...??

nasaan doon ang putang inang malasakit para sa bayan...?? :(

is feeling , mga utak-tiwali...


>
bakit ba nila kinukuwestiyon yung pagmumura..?
eh samantalang dakilang ehemplo nga ng pagmumura yung mismong ipinagtatanggol nila...?

parang tanga lang..
na kapag yung isa ang nagsasalita ng masasamang bagay..
tulad ng kesyo pwedeng rape-in ang mga babae sa battlefield..
kapag kaagad siyang naglalabas ng mga hindi naman pala na-check na mga listahan..
o di kaya eh kapag ibang tao ang minumura niya..
sa mga ganung pagkakataon eh nagagawa pa nilang tumawa...

pero kapag yung diyos-diyosan na ang namura, eh apektadong-apektado sila...??

is feeling , mga put*ng ina ninyo po...


>
sa Caloocan..
yung tila tino-tolerate na ng mga tao doon ang patayan...

yung nakunan ng CCTV camera..
yung panghahampas ng kahoy ng isang 15 y/o na binata sa isang 14 y/o na binata..
na ikinamatay nung biktima..
kitang-kita sa video kung paano sinundan at inabangan nung killer yung biktima, na kasama pa yung mga manonood niya..
na para bang inaabangan talaga nung mga taong iyon yung mangyayari na patayan..
wala talagang umawat dun sa killer, at walang nagmalasakit para dun sa biktima mula sa mga naunang manonood...

bukod dun..
may record daw ng pagnanakaw yung killer..
samantalang may mga criminal record din daw yung mga pangunahing nanood doon sa nangyaring patayan...

yun ang sinasabi sa 2nd chances na yan eh..
hinahayaan nila yung mga masasamang kabataan na makalusot sa mga kaso nila, kaya naman nag-e-evolve pa sila sa mas masasamang nilalang... :(

is feeling , wonderful system...


>
yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman..
yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka..
nasa Php 5 Billion daw yung budget na hindi naman ginamit para sa totoong purpose nito eh...

is feeling , awesome management skills...


>
ano ba talaga ang totoong plano ng alyansa ng kasamaan...?

ang ibaon ba sa krisis ang buong bayan..?
krisis na dulot ng kahirapan, ng patuloy na pagpapakalat ng ilegal na droga, ng pinalalang rebelyon, at ng niluwagan na terorismo..
para ano..?
para umabot tayo sa State of Emergency..?
at eventually eh masabi nila na Dictator's Law na lang ang makakasagip sa bayan..?
tapos ano, sasabihin nila na kailangan ng bayan ng isang angkan na bihasa na sa paggamit ng Dictator's Law..?
na bihasa na sa pagkamkam ng yaman at kapangyarihan...?

is feeling , bakit parang doon na tayo papunta...??

---o0o---


August 31, 2018...

yung turo nang turo..
pero halata namang demolition lang ang purpose...

sino nga ulit yung tao na mabilis na ipinagtanggol yung mga tauhan at kakilala niya noong may nabisto na shipment ng illegal drugs na pinapapasok ng Customs...? :(

eh kung tutuusin, mas madalas pa ngang mabalita yung Safest City pagdating sa mga isyu o kaso tungkol sa illegal drugs at iba pang uri ng krimen... :(

is feeling , opo na po, si Bobong Diktador ang gusto mong maging kapareha mo...


>
ano bang ikinakatakot ng Hokage na Mahilig..?
bakit parating tungkol sa papalitan siya ang pangamba niya..?
bakit, may ginagawa ba silang ilegal kaya takot na takot sila na mapalitan..?
guilty-ng guilty ba siya...?

seriously, walang kakayahan ang Widowed Bus Commuter na baguhin ang bayan..
bakit..?
dahil wala lang naman sa itaas na level ang katiwalian..
at wala siyang kakayahan na magpasunod ng mga tao..
ang totoo, mas mahirap kalabanin yung mga nasa ibabang level lalo na kung hindi naman nahahagip ng balita ang mga teritoryo ng kasamaan..
sa klase ng maraming lipunan sa bayan na ito, kamatayan parati ang kapalit ng paghahangad sa wastong sistema...

mas mukha kasing demolisyon lang talaga yung habol niya eh..
parang gusto lang niyang i-justify yung evil plan nila..
na manipulahin ang recount, at magluklok ng panibagong Hokage bilang bayad-utang...

is feeling , puros ka sundot na tuta ka eh...


>
Safest City..
pero pinakamarami ang kaso ng rape...?

hindi na nakakapagtaka..
eh dakilang manyakis yung idol nila eh..
bangkay nga eh pwedeng bastusin para sa kanya, yun pa kayang mga buhay...

is feeling , ehemplo...


No comments:

Post a Comment