Loveless Story
August 13, 2018...
nadagdagan na naman ako ng 2 strike... :(
yung una, kaagad akong b-in-lock..
yung ikalawa naman, nagde-deny din at hindi daw niya masasagot ang mga tanong ko...
is feeling , 7 down.. nauubusan na ulit ako ng option...
---o0o---
August 15, 2018...
lecheng provincial bus ban yan sa EDSA..
problema ko pa ngayon kung ano nang mangyayari sa biyahe papuntang Buendia..?
ayos na yun kahit papaano eh..
kahit isakripisyo ko na ang Pasig..
kahit papaano eh accessible pa rin ang Buendia at ang North Avenue...
pero bakit puros Southwest Interim Provincial Terminal (SWIPT) lang yung binabanggit..
mukha ngang maluwag doon sa lugar na yun, eh kaso hindi ko naman alam yun..
at tsaka ang layo niya sa Gil Puyat according sa Google Map..
tang ina namang mga namamahala yan o'..
pamamahalin na nga nila ang pamasahe..
tapos ipinagdadamot pa ang paglalabas ng kumpletong guide sa pagbiyahe para sa mga inapi nila... :(
is feeling , panibagong sakit na naman sa ulo...
---o0o---
August 17, 2018...
teka..
mukhang walang umaayon sa mga plano ko ah...?
is feeling , huwag kayong magpasaway kapag nabubuwisit ako...
>
balik sa base... :(
natadtad pa ng mga kamalasan..
nakakaasar, ilang linggo nang hindi magamit yung banko..
kung magtutuluy-tuloy na ganito, sayang yung panahon na dapat eh nag-i-interes yung pera... :(
is feeling , hindi ba pwedeng 6/58 ang kapalit nitong karma..? tapos kunwari na lang eh ipinamalato ko yung 20% tax...?
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 2 - Collegiate Conference - Preliminary Round
August 11, 2018...
SSC-R versus SBU
3-1, panalo ang San Beda..
nakabalik na si Racraquin..
naka-18 points siya, 9 from attacks, 9 from service aces...
UST versus CSB
3-0, panalo ang UST..
pero lumaban ang Saint Benilde sa na-extend na Sets 1 and 2..
wala muna si Coach Kungfu dahil kasama siya ng National Team sa Japan..
isa si Alessandrini sa nagdala ng laro para sa UST with 13 points...
is feeling , parang UST na ang pag-asa para mabago ang istorya sa UAAP Season 81 ah...?
---o0o---
August 12, 2018...
FEU versus UPHSD
ang 3rd 5-setter match ng conference..
3-2, panalo ang FEU..
si Domingo na naman ang nagdala, with 19 points..
nag-experiment pala si Coach Pascua ng mga new players para sa Set 2 at 3, pero kinapos sila..
kaya muli siyang umasa sa mga veterans nila...
AdU versus UP
3-1, panalo ang Adamson..
21 points si Soyud..
nag-triple-double naman si Flora, with 16 points, 18 digs, at 14 excellent receptions..
tapos na sila sa FEU at UP, UST na lang...
is feeling , UAAP pa rin.. pero hindi pa ligtas ang spot ng UP...
---o0o---
August 15, 2018...
UP versus CSB
UP versus Coach Jerry Yee..
3-0, panalo ang UP..
extended ang lahat ng sets..
si Molde ang nagdala sa UP, with 18 points...
is feeling , mukhang safe na nga sa Top 4 ang UAAP teams...
-----o0o-----
August 12, 2018...
[Manga / Anime]
One Piece
okay..
so hindi pala Paramecia type si Sengoku..
Zoan pala siya..
at mukhang ang mga Zoan ay related sa kahit na anong nilalang na may buhay; existing man, extinct na, o kahit na mythological pa..
Mythical Zoan si Sengoku dahil Buddha (Golden Buddha) yung base nung Devil Fruit Ability niya...
tapos..
Awakened Paramecia type parehas sina Doflamingo at Dogtooth..
yun yung dahilan kung bakit kaya nilang ilipat sa mga bagay sa paligid nila yung property ng Devil Fruit nila...
ibig sabihin..
posible pang maging Awakened Paramecia type si Luffy..
parang walang masyadong silbi..
pero sa bagay, kung magagawa niyang rubber si Sunny eh hindi na tatablan ng mga cannon balls ang barko nila...
is feeling , mukhang sa istorya ni Linlin nakuha ni Blackbeard yung idea nang direktang paglipat ng Devil Fruit...
---o0o---
August 13, 2018...
lagot na..
nangangalahati na ang August pero hindi ko madagdagan ang savings ko..
na-trap na naman online yung pera ko..
may mga inaayos pa yung banko para daw maging accredited sila..
kaso ilang linggo nang ganito...
napababa ko pa naman yung laman nung savings ko..
ibig sabihin bababa rin ang interes nun...
is feeling , sa halip na patubo lang nang patubo eh...
---o0o---
August 18, 2018...
Facebook naman..
kapag nag-delete ako ng mga lumang post, eh spam na kaagad...? :(
anak ng bintangero naman o'..
anong klaseng automated logic naman yan..?
kapag user ang nag-delete ng sarili niyang post, walang mali dun..
maghintay kayo na mag-report siya na kesyo na-hack ang account niya, bago kayo mag-isip na may nagpapakalat ng spam..
tang ina, iba't-ibang post mula sa iba't-ibang date, tapos spam..?
karapatan ng mga user na mag-delete ng mga post niya..
dahil kung hindi, eh bakit nilagyan pa ng lecheng delete button na yan...??
nagdi-delete ako ng mga posts, dahil ginagamit ko lang naman ang Facebook bilang notepad..
kapag nagbura ako, ibig sabihin na-record ko na nang ayos yung note na yun sa ibang lugar...
is feeling , maalam pa kayo sa nagsusulat...
No comments:
Post a Comment