Loveless Story
August 19, 2018...
advanced grocery day...
sa wakas..
nakabili na ng invisibility cloak..
ginamit ko na rin yung card ng 7 Eleven, para naman may silbi yun...
pero doon ako medyo nasurpresa sa Rose Pharmacy..
bigla akong tinanong nung pharmacist..
kung sadya ba daw akong gumagamit ng Passion Max..?
siguro kasi aware siya sa effect nun, at tsaka dahil hindi pa naman ako mukhang senior citizen..
pero okay lang kako...
panlaban lang naman sa goma ih...
is feeling , pahinga na muna...
>
bigla kong naalala yung isang magandang bahagi ng pagiging elementary student..
uso pa noon yung mga practice teacher..
noong time na yun, nasa Grade 2 to 4 ako..
tanda ko yung building namin, pero hindi ko na tanda kung nasa anong Grade ako noon...
masaya noon kapag maganda ang practice teacher na natapat sa klase ninyo..
hindi ako sigurado, pero mga education student yata ang mga ganun na nagpa-practicum..?
o baka mga nag-a-apply na para maging teacher...?
noon may naging crush ako na naging practice teacher namin..
simple lang naman yung itsura niya, cute, at hindi makolorete sa mukha..
siya yung pinakamaganda sa batch nila noon..
tapos nakakakaba kapag ikaw yung tinatawag niya sa klase, kasi alam mo na nasa iyo ang atensyon niya ng mga oras na yun...
si Ma'am [Surname]..?
hindi ko na matandaan kung tama ba yung pangalan na naaalala ko..
hindi ko rin tanda ang first name niya..
kumusta na kaya siya ngayon...??
is feeling , bigla kong naalala...
---o0o---
August 20, 2018...
kailangan na ulit i-implement ang 48-Hour Rule simula bukas ng 5:00 AM..
kagugulo nila eh..
puros wrong timing... :(
for some reason, parang nauulit yung pattern ko from 2015..
April, then July, tapos August kaagad...
after this, isang tao na lang ang posibleng makapagpabalik sa akin...
is feeling , checking...
---o0o---
August 22, 2018...
eh yung ginawa pa akong DJ ng isang 22 y/o..
na probinsiyana..
na kasalukuyang nasa Bukidnon..
na may problema sa love life niya...
kinabahan ako noong una..
kaboses kasi siya noong una nung babaeng hinahanap ko..
tapos halos magkahawig pa yung pangalan nila..
pero later na-realize ko naman na may punto siyang pang-probinsiyana...
anyway..
kahit papaano, okay na rin yung nakatulong ako sa isang taong pasabog na ang puso...
is feeling , at talagang sa ganung pagkakataon pa...?
>
stop na ulit ang war clock...
grabe ang inabot ko..
combination ng best at worst..
pero ang masama, eh nasa finale pa talaga yung worst... :(
double-dead..
na-mislead ako ng presyuhan..
nasira ang isa kong goal..
naholdap ako ng worth Php 5,000..
tapos nangamoy RF pa ako..
hindi ko pa matatanggal yung amoy kung hindi ko pa hinugasan ng Betadine...
putang ina..
ni walang konsiderasyon eh..
ni hindi marunong gawin kung ano yung tama..
hayop na bangungot yun... :(
pucha..
ayoko na ulit makakita pa ng BW sa hinaharap... :(
is feeling , traumatic ending...
---o0o---
August 23, 2018...
[Book]
Updated/Revised Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy Marquez as me..
• Marian Rivera as Almeja
• Justine Battung as Jacqueline (yun pala yung public name niya)
• Bela Padilla as Anne
• Megu Fujiura as Emoji-Girl
• Ana Capri as Miss A (pinalitan para bigyan ng daan si Miss V)
• Jinri Park as Miss J
• Julia Barretto as Strawberry (aaminin ko na, yun talaga yung kawangis niya, but with less cheeks)
• Valentina Nappi as Miss C (dahil sa cleft chin)
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Coraleen Waddell as Miss Co (yung simple look ni Cora, tapos yung may kasamang ngiti)
• Abby Poblador as Miss H
• Kylie Page as Miss P (pero brunette)
• Jinky Vidal as Miss S (yung face, pero gawin mong Sensual Jane yung body)
• Maja Salvador as Miss V
• Juliana Palermo as Miss Al (ang totoo mas Isabella de Leon yung facial details niya, pero dahil bata ang tingin ko dun eh Juliana Palermo na lang)
• Meg Imperial as Love Burger
• Cristine Reyes as The Korean
• Connie Sison as YAM (yung fit version ni Connie Sison dati)
• Cassandra Calogera as Dime (yung matabang version, tapos gawin ding morena)
is feeling , updated with horror...
---o0o---
August 24, 2018...
mga kliyente naman..
bakit ba saka kayo nagsusulputan na parang mga kabute sa tuwing naka-Xerex-mode ako...?
mga istorbo kayo..
nagsusulat ako ngayon ng horror story eh...
is feeling , andami ko pang kailangang maalala at gawing babala sa sarili ko...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 2 - Collegiate Conference - Preliminary Round
August 18, 2018...
UAAP versus UAAP ulit...
AdU versus UST
mas masusukat na sana nito ang kakayahan ng UST..
kaso injured si Eya Laure, kaya hindi rin nagkaalaman..
3-1, panalo ang Adamson..
top scorer si Perez with 12 points, na may 5 attacks, 4 kill blocks, at 3 service aces..
tig-10 points naman sina Flora, Soyud, at ang Rookie na si Genesis..
si Alessandrini naman ang nagdala sa UST with 23 points, plus 19 digs para sa may height na kagaya ng sa kanya..
dahil sa nangyari mahirap pa rin matantsa ang full power ng buong team ng UST..
for now, good job para sa Lady Falcons...
FEU versus UP
ang 4th 5-setter match ng conference..
at 3rd 5-setter match para sa FEU..
3-2, panalo ang FEU..
upset yun para sa UP, lamang na sila sa Set 4, pero naagaw pa yun sa kanila ng FEU..
wala sa match na 'to sina Domingo at Carandang..
sobrang laking 42 errors ang pinakawalan ng UP..
samantalang nakagawa naman ng 10 service aces ang FEU..
top scorer ng UP si Molde with 20 points..
statistically, lamang sa puntusan ang UP, kaso paunahan sa 25 ang goal ng volleyball at naglason nga sila sa sarili nila...
is feeling , ano bang nangyayari sa Volleyball ngayon, ang dalas na ng mga injury...?
---o0o---
August 19, 2018...
AdU versus SBU
ang 5th 5-setter match ng conference..
at back-to-back schedule rin para sa Adamson..
3-2, panalo ang Lady Falcons..
Soyud with 17 points; from 12 attacks, 4 kill blocks, at 1 service ace..
Dacoron with 13 points with 6 kill blocks..
Flora with 12 points..
si Racraquin naman ulit ang nagdala sa San Beda with 23 points...
CSB versus SSC-R
3-1, panalo ang CSB..
ang laki talaga ng inihina ng SSC-R...
is feeling , nasa panganib pa nito ang UP...
---o0o---
August 22, 2018...
SBU versus UPHSD
3-1, panalo ang San Beda..
pero matindi yung naging counter ng Perpetual sa 3rd set, overkill na 25-9 eh...
is feeling , lagot sa posibilidad ng three-way tie...
-----o0o-----
2018 Asian Games - Women's Volleyball
August 19, 2018...
Philippines versus Thailand
3-0, panalo ang Thailand..
wala..
hindi pa talaga kaya ng National Team ang kalibre ng Volleyball ng Thailand..
iba talaga ang agwat pagdating sa power...
kailangang matalo ng Philippines ang Indonesia at Hong Kong para makaabante sila sa Quarterfinals...
is feeling , sa first set lang sila nakalaban nang matino...
---o0o---
August 22, 2018...
Philippines versus Japan
3-0..
wala ring nagawa ang National Team laban sa speed-type na Japan...
is feeling , Indonesia at Hong Kong ang pag-asa...
---o0o---
August 23, 2018...
Philippines versus Hong Kong
3-0, panalo ang Philippines..
14 points si Baldo from 10 attacks and 4 service aces..
12 points naman si Jaja from 8 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
hindi ko makita yung stats nung iba eh...
is feeling , nakaisa na, posible din laban sa Indonesia...
-----o0o-----
August 18, 2018...
yung nagtitinda ka ng sobrang mumurang produkto na damay na rin yung pamilya nila..
yung taon-taon naman eh binibigyan ninyo ng mga rambutan yung pamilya nila..
tapos eh binibigyan pa sila ng mga napaglumaang mga gamit, maging ng lilibuhing scooter...
pero bakit ganun...?
tang ina, simpleng pakiusap na huwag akyatin yung gate dahil wala na sa puwesto at baka masira, eh hindi nila magawang sundin..
sinabi mo na nang personal sa harapan nung ina at ng mga bata..
isinulat mo na rin at ipinaskil sa harap ng gate para parati nilang mabasa..
pero wala eh...
sa sobrang gahaman ng pamilya nila..
eh gusto nila na sa kanila lahat ng bunga ng puno ng rambutan namin..
at willing silang mag-trespass at makasira para lang dun... :(
is feeling , isa pa, ban na kayo sa nano-store ko...
No comments:
Post a Comment