[Business]
sa wakas..
i'm done with my VMobile account..
mahirap na, paliit na nang paliit ang rebate eh..
lugi lang ako ng Php 1.55, imposible nang kunin yun doon sa system eh...
was feeling , done...
---o0o---
April 30, 2017...
may natuklasan na naman ako kahapon..
and in a way, medyo nagkaroon ng pagbabago sa pagtingin ko kay Miss H...
unang beses ko kasi siyang nakilala by the end of 2015..
at single daw siya noon...
lately nga..
nalaman ko naman na posibleng in a relationship siya last 2014..
considering the date, parang medyo malayo naman yun at safe..
but then, nadiskubre ko kahapon na magkasama rin sila nung the same guy from 2014 during an event near the end of 2015..
at nagkatrabaho naman nga kami a month after that...
bigla tuloy akong na-guilty para dun sa lalaki... :(
was feeling , so i guess hindi rin siya isang potential partner kung ganun...
>
biglang nagkaroon ng pagbabago habang nasa kalagitnaan na ako ng first project ko...
did some test, at nadiskubre ko na sa wakas kung bakit ganun yung naging texture na ginagamit ko..
it has something to do with the translucency setting...
kaya ayun, kinailangan kong gumawa ng necessary adjustments habang nasa kalagitnaan na nga ako..
pero ang good news..?
ang laki ng itinaas ng productivity in terms of quality matapos kung i-apply yung naging changes...
was feeling , 26 out of 53 pages...
---o0o---
May 1, 2017...
[Business]
thank you for the month of April..
at thank you rin sa Globe...
was feeling , nilampaso yung VMobile ko in 1 month...
>
[Business]
July 2012 noong sinimulan kong gumamit ng VMobile..
hindi naman talaga ako interesado noong unang beses na nag-aalok pa yung isa kong kakilala..
hindi ko kako linya ang sales, lalo na kung direct...
hindi ko na matandaan kung kailan ko mismo nakuha yung card at account number ko..
basta problemado ako noon sa pera, sobrang bagal ng progress, gaya ng usual cycle ng buhay ko..
tapos isa sa pinakamabubuti kong kaibigan yung nagbigay sa akin nung card..
subukan ko rin daw, kahit yung pagre-retail lang ng load..
that time kasi eh mataas pa yung rebate na ibinibigay nung company na yun..
so ayun nga, tinanggap ko yun, hanggang sa nag-decide na ako na load-an yung account para ma-activate...
hindi rin naman masyadong nagtagal bago ko binayaran yung card..
hindi niya naman ako sinisingil talaga noon para dun..
pero it was the least i could do para makapagpasalamat naman sa tulong ng taong yun...
at after almost 5 years..
eh bibitawan ko na rin nga yung raket..
hindi na kasi feasible na magbenta pa ng load sa tapat na presyo..
uubra na lang siya kung magpapatubo yung retailer...
it ended with Php 2,630 net income..
yun lang nga..
maliit..
pero proud ako na kinita ko yun nang hindi pinapatungan yung presyo ng load (maliban sa ilang klase ng promo load kung saan mas mataas pa yung presyo nung kaltas kesa sa halaga nung load)...
medyo nakakapanghinayang rin..
kung hindi sana ako naduwag noon na ipagamit yun sa publiko..
lalo na noong mga panahon na pumapalo pa sa 10% ang rebate..
kung ginamit ko na yung buong potensyal niya noon pa lang, eh siguradong nagawang makipagsabayan sana nun doon sa ice raket ko..
ganun din noong panahon na nag-decide ulit ako na tumigil dahil sa mga abusadong kliyente ko..
kung na-maximize ko sana siya eh hindi lang yun ang aabutin nun...
pero ayun nga..
kailangan ko nang magpaalam sa isang 'to...
was feeling , salamat.. focus na lang sa Globe...
---o0o---
May 4, 2017...
may nagawa yata akong mali..
may iniwan kasi akong mahalagang istorya somewhere..
at hindi ko alam kung makabubuti ba yun para sa kanya o ano..
medyo inilalagay ko rin ang sarili ko sa alanganin laban sa matandang lalaki na yun...
it also serves as a message for her..
para matuto siyang pahalagahan ang sarili niya..
i still think na hindi maganda para sa kanya na maging kabit lang at palihim na makasira ng ibang pamilya..
siguro nga hindi naman nakakasakit ang mga bagay na hindi mo naman alam, but still - masama at mali pa rin yun...
was feeling , ano kayang mangyayari bukas...?
>
for the nth time, may kung anong institusyon na naman ang nakakuha ng details ko..
9 years na akong graduate pero nag-i-interes pa rin kayo na i-hire ako...
isang kilalang university at gusto akong gawing teacher eh...
nagulat ako dahil bukod sa contact number ng kasama ko sa bahay yung tinawagan..
eh alam din nung tumawag yung nickname ko...
hala!
secret lang po yung mga pangalan ko..
hindi po sila pwedeng ma-associate sa isa't isa..
salamat po sa concern..
pero huwag po ninyong ipamigay ang mga personal details ko sa ibang tao... :(
was feeling , secret lang yun eh...
---o0o---
May 6, 2017...
siguro nasa 20 o 21 years ago na..
meron kaming family picture, o baka mas tamang tawagin na biological picture lang..
at sa picture na yun ay umiiyak ako..
umiiyak ako noon dahil pilit akong pinadalo sa isang family reunion na wala namang halaga para sa akin..
family reunion..?
napaka-plastic..
gusto lang nilang ipakita na buo yung pamilya sa pamamagitan ng presence nila sa event..
pero kapag nasa realidad na ulit eh puros mura at pang-aalipin lang naman ang mararanasan mo...
at ngayon nga eh pinipilit na naman akong dumalo sa isang family reunion..
para sa demonic father side..
para daw ma-update ang family picture...
wala namang problema sa akin noong una eh..
kung sa malapit na lokasyon lang gagawin, tulad nung unang plano..
pero bigla silang nag-decide na dalhin sa liblib na lugar yung event nila..
3 sakay para sa akin (one way pa lang yun), bukod pa yung mga lalakarin ko..
at talagang dinala pa nila sa lugar kung saan may entrance fee...
antagal ko nang ipinaliwanag..
naghahabol ako ng panahon..
kaya hindi ko pwedeng sayangin ang oras ko sa mga kapritso..
August 2016 pa nila ako pinatigil sa ginagawa ko..
at ni hindi nila ako tinulungan na makapagsimula ulit..
samantalang yung paborito nilang anak eh sobrang bilis lang makapagpabili ng more than Php 30,000 worth ng laptop, at ilang beses pa yun..
sinasamantala ko rin yung benta ng mga raket ko, kaya hindi ko pwedeng iwanan nang matagal ang bahay..
pero talagang isusumbat nyo pa sa akin yang pesteng reunion na yan...
wala akong utang sa inyo..
yung buhay ko..?
hindi ko yun utang, bagkus ay isa yung sumpa para sa akin..
sa ibang tao ako may limpak-limpak na utang..
sa mga taong ni hindi ko direkta o hindi ko kadugo..
kaya sa kanila ako may obligasyon na kailangan kaagad maisauli..
kaya wala kayong karapatan na ipamukha sa akin na may obligasyon ako sa angkan ninyo..
kayo lang ang pamilya - kaya kayo lang ang magsama-sama..
anong silbi ng photoshop..?
o mas maige kung ituturing nyo na lang akong patay para hindi ninyo inaabala ang existence ko...
is feeling , ang linya ko ay creation.. hindi yun yung tipo na uupo ka lang maghapon pero kikita ka pa rin ng pera...
No comments:
Post a Comment