hindi ko idea yang title na yan ha..
nabasa ko lang yan sa social media..
eh ang ganda ng tunog, kaya ginamit ko na rin..
napapanahon rin kasi eh...
may lilinawin rin akong isang bagay..
hindi ko kina-count under [Heroes] yung mga nakahuli lang ng mga kriminal..
karamihan kasi sa kanila eh nakakalaya rin naman kapag ikinulong lang..
yung iba eh nakakatakas..
yung iba eh mailki lang ang panahon ng pagkakakulong..
at yung iba eh nadadaan na lang sa piyansa..
yung iba eh hindi rin napaparusahan dahil sa pagiging menor de edad daw nila..
ang masama kasi dun eh yun ibang mga kriminal eh kahit marami na ang naging mga kaso noon eh paulit-ulit pa rin na nakakalaya at nagagawa laban sa ibang tao yung mga kasamaan nila..
kaya naman parang useless lang kung hinuhuli at ikinukulong lang sila sa loob ng maikling panahon..
naniniwala pa rin ako sa accurate na death penalty o lifetime slavery laban sa mga taong may multiple o mabibigat na criminal offense...
---o0o---
update ulit (83 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
- yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
- yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
- yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
- sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
- sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
- sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
- sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
- sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
- yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
- sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
- hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
- sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
- sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
- yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
- yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
- sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
- yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
- yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
- yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
- yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
- ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
- yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---
April 30, 2017...
natawa naman ako sa latest na digmaan sa social media..
yung tungkol sa pagkakaroon ng multiple partners...
tang ina!
halatang-halata talaga kapag bulag na tagasunod na ang mga tao eh..
almost the same issue lang yang mga yan..
ni wala yang kinalaman kung gaano na kalamig ang pakikitungo sa isa't isa nung mga totoong naikasal..
pero iba-iba ang pagtingin ninyo..
kesyo okay lang kapag lalaki ang gumagawa..
na puta kapag babae ang nakagawa..
ano ang susunod ninyong katwiran, na kesyo uso naman yan kahit saan...?
huwag nyo nang pagandahin yung image sa pamamagitan ng paglalagay ng caption..
simple lang ang punto dyan..
bakit ang kakapal ng mga mukha nila na mangpahiya ng ibang tao patungkol sa mga pagkakamali na ginawa o ginagawa rin naman nila..?
karma lang yan...
wala rin yang kinalaman sa annulment..
alamin nyo muna ang dahilan kung bakit naghiwalay...
was feeling , pantaye naman ang pagtingin...
>
[Natural Calamities]
shit!
panibagong lindol na naman pala..
near Saranggani this time..
kahapon daw..
yung different reports tungkol sa magnitude ay nagre-range sa 6.9 to 7.2 eh...
tang ina!
eksakto yung warning nung Oarfish..
yung naisulat ko sa files ko last April 17, 2017...
was feeling , hindi na dapat pagdudahan ang mga Oarfish...
>
at dahil hindi ako nakapanood ng mga balita kahapon dahil yung bata ang naghari sa TV namin, dahil puros nagsialis ang mga totoong bantay niya dapat...
mga siraulo kayo..
busy kayo sa pagtatalo kung sinu-sino ang mababa ang moralidad..?
ang sagot diyan - pare-parehas lang sila...
samantalang may 14 pala na na-injure sa pambobomba sa Manila, kahapon yata yun..
ayaw rin nilang palabasin na may kinalaman sa current international event yung pangyayari, probably bilang palusot, para walang maging pagpa-panic..
but still, butas yun para sa inihanda nilang seguridad considering na mas alerto nga sila supposedly sa ngayon...
was feeling , butas na naman ang depensa...
>
hala!
isang Credit Information Corp. na government-controlled agency daw ang nangongolekta na ngayon ng mga information ng mga kliyente mula sa telecommuncations company...
ano na naman kaya ang plano ng gobyerno sa mga data na yun...??
was feeling , ayusin nyo muna ang data security ninyo...
>
[Natural Calamities]
coincident nga lang ba talaga yun dahil nasa Pacific Ring of Fire ang bansa...??
pero 7 na yun na major earthquakes sa listahan ko para sa buwan pa lamang ng Abril..
wala pa ngang masyadong napipinsala, pero sunud-sunod pa rin yun...
posible nga kayang babala yun mula sa mga nasa itaas..?
nagiging mabait pa nga ba sila sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Oarfish..?
dahil ba 'to sa patuloy na pagsuway sa ika-7 Utos..?
Thou shalt not kill..
arawan na kasi ang schedule ng pagpatay dito sa bansa..
at talagang may mga tao na hanggang ngayon ay kinukunsinti ang mga ganitong klase ng patayan, kahit pa sinasabi ng iba na mga inosente sila at kahit pa talaga namang may mga inosenteng nadadamay..
dahil ba nasa 16 Million ang may kagustuhan sa pagdanak ng dugo...?
3 pa sa mga lugar na tinamaan ng mga naganap na lindol ay may kinalaman sa alyansa...
kung totoo man na malapit nang magunaw ang bansa dahil sa pagsuporta ng mga tao sa pagsuway sa ika-7 Utos..
baka naman may ibang paraan pa para ma-delay yun..
seriously, ayoko ring mamatay sa pamamagitan ng lava o mga gumuguhong bahay at lupa..
kaya baka naman pwedeng patamaan na lang ng kidlat lahat ng mga taong totoong may kinalaman sa mga patayan na nagaganap sa bansa ngayon...
PS: nilindol rin pala ulit ang Batangas noon ding Sabado..
sa may Nasugbu daw eh..
naman! hindi po namin Governor yung taong yun..
huwag niyo po kaming parusahan..
nagko-commercial lang po siya... :(
was feeling , ngayon pa lang ako nagsisimula ng buhay ko...
---o0o---
May 1, 2017...
Php 750 na minimum wage..?
ano bang gusto nila, magbuhay hari at reyna na..?
eh mukhang kuwentado na rin doon yung savings nila eh..?
haha...
o baka ang reference doon eh yung buwanan na bayad sa sobrang mamahal na upa sa mga urban areas..?
yung sobrang mahal na singil sa patubig..?
at pati yung sobrang mahal na singil sa kuryente...?
pero with respect sa ibang mga probinsiya..
sobrang laki na nung Php 750 na yun...
was feeling , saan galing yung computation nila...?
>
parang tanga na naman yung pinuno na yun..
so balak na naman nilang palabasin na paninira na naman yun ng CHR sa gobyerno 'nila'..?
itinaon daw sa international event...??
tanga ka pala eh..
sino bang mga tanga ang nagkulong nung mga inarestong tao sa lugar na hindi naman classified bilang kulungan..?
sino bang mga tanga ang nagkulong na sa mga iyon nang wala pang sapat na dokumento...?
mas napaghahalata tuloy na PRO-abuse kayo eh..
noong una eh yung grupo nung pulis na Marcos ang talagang kinakampihan ninyo kahit na panunumba yung kaso nila..
tapos ngayon naman ay istasyon ng MPD..
at balak niyo pang baliktarin na naman yung sitwasyon sa mata ng mga panatiko ninyo by claiming na itinaon yun sa pagpupulong ng mga bansa...?
ay wala ka talagang utak..
sa tingin mo ba may masisita ang CHR kung walang nakakulong na mga tao doon noong panahon na yun..?
mag-isip-isip ka rin, puros kayo salita...
was feeling , parang mas lalo tuloy lumalabas na planado nga ang pagkakulong kay Mayor Espinosa sa lugar kung saan delikado siya...
---o0o---
May 2, 2017...
[Natural Calamities]
may Oarfish na pala ulit..
sa may Surigao...
kung saan mang Surigao yun...
was feeling , para ba yun sa paparating pa lang o sa nakaraan na...??
>
panibagong kaso na naman ng pag-abuso sa kapangyarihan...
sa Antipolo City..
yung jeepney driver na pinatay ng isang pulis..
at dahil na naman 'to sa away-trapiko...
was feeling , baka mas yumayabang sila dahil alam nila na protektado sila.. bigyan ng pardon yan!
---o0o---
May 3, 2017...
tapos si Lopez..
isang patunay na interes pa rin ng iba ang nananaig hanggang sa panahon ngayon..
may listahan naman ng mga bumoto sa kanya eh, so alam na kung sinu-sino ang pabor sa patuloy na pagsira sa kalikasan...
ang good news..
hindi na siya magagamit na isa sa mga front ngayon para pagtakpan ang mga masasamang agenda...
yun nga lang..
kapalit na naman nun eh ang paggahasa sa kalikasan..
na eventually nga eh sa mga mamamayan rin ang balik ng masasamang epekto...
was feeling , sinasabi nyo noon na may mga lumalapit na mga negosyante sa inyo, bakit hindi nyo magawang ilabas yang mga pangalan ng mga kaibigan ninyo...?
>
parang tanga..
pati ba naman isasagot sa media eh may nagdidikta pa...?
was feeling , nasabi mo na yung gusto mong sabihin noon eh, wala nang bawian.. huwag papalit-palit ng statement...
---o0o---
May 4, 2017...
medyo kakaiba na nga ang turing ni Tito Sen sa mga kababaihan..
parang nagsimula yun noong nanalo sa Eat Bulaga yung babae na hiniwalayan ng asawa niya dahil kesyo inisip nung lalaki na may nangyari sa pagitan nito at nung kaibigan niya..
basta may kinalaman din yun sa alak at naungkat pa yung tungkol sa pananamit...
matagal naman na yung biruan sa Eat Bulaga eh..
at hindi na bago yung ganung joke kina Jose at Joey, lalo na kay Joey na madalas na green ang mga jokes..
in fact eh yung mga babae na rin nga madalas yung gumagamit nung term na 'na-ano lang' para i-describe ang mga sarili o ang pamilya nila..
okay lang sa kanila yun kasi sanay na sila sa ganung klase ng vocabulary...
pero sa napansin ko eh parang mas naging hot nga para kay Tito Sen yung mga ganung klase ng topic simula noong nasita niya yung babaeng winner na yun..
lalo na noong nagkaroon sila ng segment na Kap's Amazing True Love Story..
madalas siyang magtanong tungkol sa 'gapangan' na nangyari lalo na kung tila biglaan yung naging pagpapakasal nung featured couple, kung parang naging arranged marriage, yung mga tila tanan yung nangyari, at kung ang dating ay naagaw yung babae mula sa isang previous na karelasyon nito..
basta parang tawang-tawa siya kapag nakuha yung babae sa 'gapangan' o 'na-ano lang'...
was feeling , napansin ko lang naman...
>
panibagong pagbubuwis na naman ng mga inosenteng buhay para lang sa giyera...
sa Maguindanao..
yung anti-illegal drugs operation (malay ko kung ano pang kaibahan nito sa Tokhang)..
basta kung saan 2 bata yung nadamay at napatay sa barilan, edad 6 at 10 daw..
at sugatan rin yung 2 pa nilang mga batang kapatid rin daw...
hindi na ba parte ng pagpaplano ng pag-atake na alamin kung may mga inosente bang mga tao, lalo na kung mga bata, na posibleng madamay in case nga na magkabarilan...?
wala bang nagtataka kung bakit walang gumagawa ng operasyon habang kumukuha na yung pusher ng supply mula sa supplier nila..?
tutal eh identified na rin yun mga pusher, eh bakit hindi nila i-entrap para malaman na rin kung sinu-sino pa ang mas malalaking supplier...??
pero in a way, parang okay na rin yung nangyari para doon sa mga napatay na bata..
napatay na rin lang naman ang mga magulang nila, kaya siguro ay easier escape na rin yun out of life para sa kanila..
kesa naman lumaki sila bilang mga pasaway na mga ulila at maging mga kriminal pa balang araw...
was feeling , collateral damage LANG naman, di ga...?
---o0o---
May 5, 2017...
tama naman na i-regulate yung loading at unloading ng mga pasahero ng mga PUV...
pero ang isa sa mga hindi naiintindihan ng mga de-kotse na reporters na 'to, eh makatwiran ba yung distansya sa pagitan ng bawat loading at unloading station..?
magagaling lang kayong magsalita na kesyo sundin na lang ang batas o sistema para sa pagbabago puwerket hindi naman kayo nagamit ng mga ganung uri ng mga sasakyan..
magagaling kayo, nakasakay lang kayo hanggang makarating kayo sa parking..
pero ang totoo eh hindi nyo rin naman naiintindihan nang lubos ang nangyayari...
siyempre kung dadaan yung PUV sa tapat ng pupuntahan ng pasahero eh natural lang na gustuhin niya na doon na bumaba..
hindi ideal para sa isang pasahero ng PUV na magdagdag pa ng mga panibagong sakay dahil lang sa napalayo na siya nang husto sa kanyang dapat na bababaan..
halimbawa ako..
EDSA-Shaw talaga ang target kong kalye..
pero bawal talagang magbaba-sakay doon sa intersection na yun, at sa ilalim pa dumadaan yung mga sinasakyan kong bus, kaya ang best option ko eh yung loading at unloading station sa Mega Mall..
tinitiyaga ko nang lakarin yun, bilang respeto na nga sa traffic rules..
pero yung pinaka-last kong experience, eh sa may Ortigas na lang daw yung pwedeng babaan..
kaya nasaan naman ang pagiging makatwiran doon..?
totoong halos isang block lang yung lugar na yun, pero sobrang habang block naman yun dahil urban-standard nga..
bukod pa yung hindi naman akma ang temperatura sa NCR para maglakad ng pagkahaba-haba...
ang dapat diyan, yung may tamang distansya naman sa pagitan ng bawat loading at unloading station, yung in terms of meters at hindi in terms of available station o waiting shed..
yung tipong sa loob ng 10 minutes eh mararating mo rin naman yung dapat na binabaan mo..
at dapat na may loading at unloading station talaga na malapit sa iba pang uri ng sakayan gaya ng MRT at LRT..
hindi yung pati pagpunta mo sa terminal eh kailangan mo pang sumakay ng panibago, dapat talaga eh walking distance lang ang ganun mula sa mga babaan..
kaya nga gumagamit ng pangmaramihang PUV ang karamihan eh, para makatipid sa pamasahe..
bagkus eh mas pinapahirap nyo pa yung sistema...
kung tutuusin eh kasalanan yan ng mga nakaraang mga pamunuan eh..
approve lang nang approve ng mga rehistro ng mga bagong sasakyan..
approve lang nang approve ng mga documents ng mga gustong mag-provide ng mga PUVs..
tapos hindi naman nire-regulate yung tagal ng panahon kung kailan pwedeng mag-operate yung mga sasakyan sa lansangan..
yang mga sasakyan ang bawasan ninyo dahil sobra-sobra na talaga yang mga yan, hindi yung dagdag pahirap pa kayo sa mga mananakay...
was feeling , para kayong [Name of City]...
---o0o---
May 6, 2017...
ano ba yan..?
sobrang talino nga naman..
at talagang sa panahon pa ngayon (lang) ipamimigay ang mga bayad sa ilang biktima ng Martial Law..
nasa 300 families daw yun eh..
magagamit na namang pampapogi yan..
magagamit ring panghugas-kamay yan..
napaka-inutil nga naman ng mga nagdaang gobyerno para hindi kaagad maibigay ang mga bagay na yun..
at napaka-inutil nila para hindi maparusahan ang mga nagkasala sa bayan...
pero ang tanong ay sapat na ba yun..?
idadaan na lang ulit sa pera ang lahat..?
at kanino manggagaling yung pera na yun..?
hindi ba dapat ay sa sariling pera ng mga umabuso sa bansa...?
sana lang ay hindi mabili ang prinsipyo ng mga naging biktima ng Martial Law..
hindi ito dapat maging isang paraan ng arelgo o danyos..
dapat makamit pa rin ng bayan ang totoo at walang katapusan na hustisya...
is feeling , natawa ako dun sa Change Scamming.. ang galing...
No comments:
Post a Comment