let's start this post with some Galanza videos..
para pampa-good vibes naman.. ^_^
ang current na Prinsesa ng Volleyball na deserving para sa isang award..
pwedeng prettiest player sa UAAP..
o di kaya eh most fresh-looking player kahit na babad sa laro..
pwede ring player with the most feminine voice (though si Cabanos ng UST eh pang-chick rin ang boses)..
o di kaya eh best all-around player..
pero magaling talaga 'tong player na 'to...
#8 is LOVE... <3
credit for the videos above goes to their respective creator(s) and uploader(s)...
---o0o---
April 30, 2017...
[V-League]
PVL Initial Review
anong klase naman yan..?
umpisa na ng liga pero wala pang permiso para makapaglaro ang mga reinforcement..?
may kailangan pa daw na documents eh...
sa wakas, bumalik na si Jeng Bualee sa minahal niyang liga - iba na nga lang ang pangalan nito ngayon..
ang Thai import na loyal sa SSC-R..
kahit papaano eh kasapi naman niya si Soltones na isang Lady Stag...
natawa naman ako sa Pocari..
mukhang talagang humina ang team nila..
at least ngayong hindi pa makapaglaro nga ang mga imports...
hindi pa nakakatuwang manood...
PS 1: oo nga 'no..
kung saka-sakali..
ang team ng Perlas ang tsansa nina Bersola at Tiamzon para makasungkit ng kampeonato sa paglalaro nila ng higher level ng volleyball..
kawawa naman si De Jesus, demoted pala siya sa pagiging Libero, hindi na niya magagamit yung pagiging The Elevator niya..
at ang lupit ni Gervacio, inaapi si Valdez...
hindi naman pala maganda ang lineup ng Creamline..
well at least, habang naka-deactivate pa nga ang imports ng lahat ng team...
PS 2: haha, nice one Ivy Remulla, sa Creamline pala siya... :D
was feeling , 6 teams lang, hindi masyadong All-Star, at wala pang mga imports...
---o0o---
May 2, 2017...
[V-League]
ADMU versus DLSU
Finals - Game 1
napeke ako ni Ogunsanya, Tagalog pala siya eh..
hindi pa masyadong maganda ang laro nito ni Dy dahil marami siyang errors noong mga unang set..
maganda naman ulit ang laro ni Cheng dahil power-type na naman ang mga palo niya..
ambababa pa ng service ni Fajardo..
at talagang magaling ang floor defense ng La Salle...
sa Ateneo naman..
palitan na ulit ang pagsalo nina Wong at Tan sa mga palo ng DLSU..
maganda ang blocking nila for this match, pero kulang sa opensa..
konti lang yung quick plays para kay BDL noong mga unang set..
at deactivated rin ang attack ni Tolentino...
safe set yung unang set para sa ADMU..
andaming pinakawalan na errors (with service errors) ng La Salle..
leading sila with their 14 attacks, pero 11 ang na-commit nilang errors..
naging lason naman yung 2nd Set para sa Ateneo..
pinakawalan pa nila yung 22-17 na kalamangan nila, at naagaw yung set mula sa kanila..
lamang naman sila with 13 attacks, pero 14 errors yung pinamigay nila, bukod pa sa mga service ace ni Fajardo..
3rd Set naman eh talagang sa DLSU..
at para sa 4th Set eh hindi nagawang panghawakan ng Ateneo yung 18-16 nilang kalamangan...
2-1 na ang standing nila ng DLSU for this Season..
at talagang sa Finals na naman sila nagpadale..
at dahil nasa La Salle na ang momentum, eh delikado na ang Ateneo sa Game 2..
hindi pa naman magaling maghabol ang current team nila...
hindi talaga dapat nila pinakawalan yung 2nd Set na yun...
was feeling , naman team o', paano na yung 3rd Championship para kay Morado...??
---o0o---
Mar 5, 2017...
[V-League]
bukas na ulit ang araw ng digmaan..
posibleng yun na yung maging Championship Match o hindi pa...
at nakakatakot talaga ang La Salle..
kung hindi ako nagkakamali, last season rin nila nagawa yung naghabol sila sa score, kagaya ng ginawa nila last game..
sina MaraƱo, Gumabao, Reyes, Demecillo, at maging ang mga current players na sina Baron at Tiamzon, sila yung mga nakakatuwang talunin dahil makikita mo talaga sa mga mukha nila yung pagkaasar..
iba pa sina Fajardo, Galang, Dy, at Macandili na hindi masyadong sumisimangot sa loob ng court..
at nagawa na noon nina Morado na palabasin yung mga mukhang yun ng mga Lady Archers...
pero talagang malakas na team ang La Salle..
at mas lumalakas pa ang loob nila habang nakakakuha sila ng panalo...
last year na rin ng paghaharap nina Morado at Fajardo, at least sa UAAP..
pero obvious na mas malakas na Setter si Fajardo, dahil kaya niyang mag-convert bilang attacker, hindi lang drop ball yung kaya niyang gawin kundi pati yung toss sa mga open zone sa backrow, at talagang mas maganda yung form ng service niya..
si Fajardo rin ang pinaka-cool mag-serve sa lahat; kukunin yung spot niya sa service area, isasakbit sa may tagiliran yung bola, pagmamasdan ang target habang hinihintay ang pito ng referee, at pagkarinig sa pito ay saka magpapakawala ng mabilis at mababa na bola..
sa ngayon, nasa 2-1 ang score nila ni Morado in terms of Championship Title sa panahon ng paghaharap nila..
at malapit nang magkaalaman kung may lalamang ba o kung magtatabla lang silang 2...
siyempre gusto kong ngayon na makakuha ng karagdagan na Championship si Morado..
si Tan lang ang graduating sa kanila, kaya kung wala ng iba pang mawawala sa current lineup nila eh mukhang mas may laban sila sa DLSU next season kung si Cobb na lang ang magiging Setter ng La Salle..
8 lang ang team sa UAAP, so halos walang dating kung 2nd place ka lang...
pero nakakatakot na baka maulit lang yung Finals last year..
na baka wala na namang maging laban ang ADMU sa DLSU..
nanalo nga ang ADMU sa 2 laban nila sa ranking match..
pero sa pagitan nilang 2, Lady Eagles talaga yung mas madaling kabahan kapag nagkakalamangan na sa laban...
kapag nagkataon, magiging bangungot para sa Ateneo yung pagkatalo nila sa 2nd Set ng Game 1 nila...
No comments:
Post a Comment