Friday, May 26, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Whole Week of May 2017 (The Family Driver)

May 20, 2017...

[V-League]

PVL

eh yung kulay pink na yung jersey ni Galanza...?

nice one Creamline..
at thank you, Coach Padda..
dagdag na training rin yan para sa Ace Player ng AdU..
at kasama pa niya ngayon si Baldo..
idagdag pa yung mga reinforcement nila...

was feeling , sige, pabagsakin na ang Power Smashers! para tumagal sa liga si Galanza...

PS: lagot, yung Champion na Cagayan Team rin pala yung build ngayon ng Power Smashers...

>
okay..
may nakita na akong paraan para mas maging consistent yung style nung ginagawa kong project..
salamat sa isang batikang artist na nagturo sa akin kung papaano..
at salamat rin sa YouTube...

manual na teknik siya..
pero mas ayos nga yung resulta...

was feeling , revising 21 out of 22...

---o0o---


May 21, 2017...

[Emo]

pamura nga ulit ng konti...

ako pa rin talaga ang masama eh...?

1 week na wala yung cellphone nung matandang babae dito sa bahay dahil pinahiram niya sa paborito niyang anak..
baka daw kasi tumawag yung in-apply-an nun ng OJT eh..
this is considering na 4 na cellphone na yung recently na nasasayang nung basurang tao na yun..
3 dun yung nasira dahil pabaya ang paraan ng paggamit..
at 1 nga yung nawala after only a few days, yung brand new pa yun...

ang problema..?
bunganga nang bunganga yung mag-asawa dito sa bahay..
kesyo paano kung may importanteng tawag yung 2 pa nilang anak na nakatatanda..?
paano kung may emergency call yung mga relatives nung matandang babae..?
paano kung may kumo-contact sa kanya na mga kliyente, sayang kako yung kita na dun rin naman sa bunso nilang anak lagi napupunta...?

ay mga putang ina ninyo!
high school pa lang eh obvious na na walang pagpapahalaga sa mga gamit yung basurang tao na yun..
gusto ng mga high tech na gadget pero palagi naman niyang naibabagsak kung saan-saan..
anong nangyari noong nasira yung touch screen na smartphone niya, yung iilang linggo lang ang itinagal..?
nagpaubaya yung demonyong ama, at ibinigay yung internet phone niya dun sa paborito nilang anak, at saka bumili ng second-hand para sa sarili niya..
after a few weeks, nasira na rin yung internet phone na yun..
anong sunod nilang ginawa..?
ibinigay na rin yung second-hand na phone, na ilang linggo rin naman ang itinagal..
after that ano..?
binigyan ng kuya niya ng brand new na smart phone..
pero anong ginawa niya after a week..?
iwinala lang yung phone..
at ngayon nga eh yung cellphone na ulit nung kanyang ina yung napagdidiskitahan...

simple lang ang punto ko eh..
delikado sa taong yun ang kahit na anong bagay..
walang magagawa sa mga taong laging lipad ang utak..
sinira nga yung una niyang laptop para lang mamadali yung pagbili nung padalawa eh..
kaya ang sabi ko, hayaan nyo naman na siya yung mag-ipon para sa gadget niya, baka sakali kakong matuto na pahalagahan ang mga gamit niya kapag ganun ang sistema..
pero wala eh..
paborito - kaya bigay lahat ng luho...

isa pang punto..
mag-o-OJT nga yung nilalang na yun sa malayong lugar..
edi obvious na kakailanganin rin niya talaga ng sarili niyang cellphone..
hindi yung pahiram-hiram lang..
kaya bakit hindi pa siya pabilhin..?
tang ina! nakakagastos nga ng Php 800 para sa prom na hindi naman dadaluhan..
pero ni hindi makabili ng mumurahin na pang-text na cellphone...?

tapos sa akin sila magbubunga nang magbubunganga..
kesyo tingnan ko ang account niya at baka doon may kumo-contact sa kanila..
na paano yung mga kliyente niya..?
na paano sila kikita ng extra..?
na paano yung mga emergency na tawag..?
putang ina ninyo!
nakaya ninyong bumili ng Php 30,000 plus na laptop sa isang iglap..
kaya ninyong sirain yung monthly budget at tapyasan ng nasa Php 3,000 para sa luho ninyo..
tapos ni hindi kayo makagamit nung laptop na yun...

at huwag ninyong pakialaman ang desktop ko!
dahil ibang mga tao ang bumili nito para sa akin..
ang kakapal ng mga mukha ninyo na isumbat sa akin ang desktop na 'to...

tapos biglang ibinalik sa akin lahat ng mga panunumbat ko..
eh ako daw, ilan na ba daw ang nawala kong cellphone..?
tang ina mo!
isa pa lang sa buong buhay ko..
yung dinukot sa akin ng Kadiri Ubo Gang..
at 4 pa lang ang nagagamit kong cellphone sa buong buhay ko..
nasa pa-3 pa lang ako sa ngayon, at pang-Viber lang yung pang-apat...

kung marami man akong dinurog na cellphone nung matandang babae..
yun eh dahil ayaw na ayaw nila akong bigyan ng katahimikan sa buhay ko..
pero wala pa akong sinisira na smartphone sa buong buhay ko...

was feeling , tang ina ninyo! kahit magkuwentahan tayo ngayon, di hamak na sobrang laki na nang nagastos ninyo sa paborito ninyong anak...

>
[V-League]

PVL

teka..?
Laoag ang Power Smashers..?
ibig sabihin, nagtraydor si Galanza...?

lagot sa pauso ng PVL..
ang unang set ng elimination ay para lang sa #1 at #2 seed..
tapos muling pagsasabungin yung matitirang 4 na teams, back to zero ang standings..
single round-robin na lang yata..
at doon kukunin ang #3 at #4 seed..
tapos normal lang yung Semi-Finals at Finals...

mahirap yun, dahil mas nakakakaba para sa matitirang 4 na teams..
wala sigurong masyadong issue para sa 6th placer..
pero kung yung original na 5th placer eh makakasungkit ng puwesto, eh malaking panghihinayang yun para sa malalaglag...

Bualee..
ang lupit talaga ng palo nito..
ang isa sa dahilan kung bakit ako nahilig sa Shakey's V-League, bukod kay Daquis..
hirap na siyang maghabol ng bola..
pero andun pa rin talaga yung power..
meron pa siyang accurate na safe serve, at speed type na jump serve..
sayang nga lang at huling laro na daw niya ito sa bansa..
pero parang retokada na siya ngayon...?

sana Bali Pure at Creamline sa Finals..
Bualee versus Galanza... <3

was feeling , mukhang nalampasan na talaga ni Tots Caloy si Molde sa pagiging Ace Player ah...

---o0o---


May 23, 2017...

nice one DAZ!
libreng Stephanie 6..
panibago na namang sculpt ang nadagdag sa library ko...

regarding naman sa project ko..
for some reason eh mukhang mas mabilis yung sistema ko ngayon, kahit na mas mano-mano pa siya..
was able to edit 9 sa loob lang ng kalahating araw..
busy eh..
kailangang pagsabaysabayin ang mga nano-scale na raket para sa savings, kailangang bunuin yung requirements ko para sa Google, kailangang tapusin yung project, habang kailangan ring i-update yung website for promotion...

was feeling , 31 out of 53+4.. last 26 pages...

>
[Emo]

madalas tingin ko eh alipin talaga ang tingin sa amin ng pamilya na 'to...

babysitter..
taga-pamalengke ng kakainin nila..
cook..
tagahanda sa mesa ng kakainin nila..
tagahugas ng mga pinagkainan nila..
maige sana kung normal yung sitwasyon ng anak nila eh, baka magaan-gaan pa yung trabaho..
samantalang sila yung mga magulang, pero kahit na magkakasama sila eh bibihira nilang linisan ng puwet yung bata sa tuwing tumatae yun...

anong kapalit..?
yung kahati kami sa kinakain nila..?
(sa budget ng bahay kinukuha yung pambili ng bigas at gasul, uy, at tsaka hindi namin kailangan ng maluluhong pagkain sa araw-araw)..
tsaka ano, yung allowance nung paboritong anak nung isa..?
(mas malaki pa rin yung nagagastos para dun nung kanyang ina dahil sa mga kapritso nun)..
tsaka ano pa, yung allowance nung matandang lalaki..?
(na napupunta lang naman sa wala)...

hindi ko lang maintindihan kung bakit pagdating sa side namin, eh kailangan kaming maging mga alipin..
samantalang hindi naman nila yun ginagawa doon sa kabila..
kesyo kami daw yung mas tutok mag-alaga...

tapos ngayon aalukin ako ng Php 3,000 a month..?
para ano - para maging driver nung anak nila papunta sa malayong summer school..?
magsasayang ako ng nasa 7 oras every weekdays para dun..?
isasara ko yung nano-store ko para maging normal sila..?
isasara ko yung remittance para sa kanila..?
ititigil ko yung career na gusto ko para sa kanila..?
ititigil ko ang lahat para sa Php 3,000...???

aba naman!
allowance ko lang yung sinagot ninyo noong nasa college ako..
bakit parang gusto niyo nang angkinin ang buong buhay ko...??

tae na, hindi ko kasalanan kung walang normal na school ang gustong tumanggap dun sa bata..
pakikihalubilo lang sa ibang mga bata ang habol ninyo pero talagang handa kayong ipasok siya sa ibang probinsiya..?
nag-iisip pa ba kayo..?
yung matandang lalaki, pakitang-tao lang ang pag-aalaga nun dun sa bata, nag-aalaga lang siya sa tuwing present yung mga magulang nun, pero sa tuwing wala sila eh ipinapaasa niya yung obligasyon niya sa iba..
ginagawa niya yun para lang sa pera at medical allowance..
yung matandang babae sa totoo lang ang pinakamalaki ang sakripisyo sa lahat..
alipin na nga siya buong married-life niya, tapos lagi pa siyang problemado kung saan kukuha ng perang ibibigay sa paborito niyang anak..
hindi naman niya magawa na yung raket niya ngayon dahil siya nga halos parati yung kasama nung bata...

what's worse..?
may lalabas na ulit na bata..
at anong sinabi nung ina nun..?
edi isama daw sa school yung baby, para magkasama yung magkapatid, madali na lang daw yun...

wow!
seryoso..?
ganyan ba kayo mag-trato ng senior citizen..?
alam ninyo na sa panganay pa lang eh sobrang pahirapan na..
dahil sa takot ninyo na baka makakuha kayo ng masamang yaya eh dito na ninyo ipinapasa sa bahay ang lahat..
anong klaseng mga magulang kayo..?
puros kayo trabaho at pasarap lang sa buhay...

was feeling , nagagawa ninyong gumastos ng malalaking halaga ng pera para sa mga luho, pero hindi ninyo matulungan sa mga gastusin niya yung matandang babae...

---o0o---


May 24, 2017...

[Gadget Related]

naman! Windows 10..
OS ka, kaya wala ka man lang bang kakayahan para magsagawa ng progressive download..?
ilang linggo ka nang nagsasayang ng maximum internet speed eh...

lintik na Version 1607 na yan..
hindi na tayo makakatapos niyan...

was feeling , bakit in-assume ng Microsoft na high-speed at unlimited internet connection ang gamit ng lahat...?

---o0o---


May 25, 2017...

[Pests]

taena na!
kung para sa mga Vampire eh may tinatawag sila na Day Walker..
para naman sa mga langgam eh meron silang mga Water Walkers...

pesteng mga Apanas yan!
palibutan man ng tubig yung matatamis eh napupuntahan pa rin..
sa sobrang gaan nila eh nakakatawid sila sa stagnant water, hindi gaya ng iba pa nilang mga kauri...

huu hirap!
galit na nga ang gobyerno sa matatamis..
tapos makikiagaw pa kayong mga peste kayo... :(

was feeling , paking water walking...

>
[Emo]

ako pa rin talaga yung walang pakialam...?

putang ina!
nasa half-life na ako..
at malapit na rin sigurong mamatay..
kamakailan lang may mga taong tumulong sa akin para masubukan kong abutin yung career na gusto ko..
pero gusto ninyo na muli kong itapon yun para lang magsilbi dun sa bata...?

noon binibigyan ninyo ako ng Php 20 na babysitting allowance for 5 days a week..
pero noong nag-decide yung matandang babae na gastusin na rin yun para sa paborito nilang anak, nagreklamo ba ako..?
tumigil ba ako sa pakikialaga sa depektibong bata na yun..?
sandamakmak na pera ang ginagastos ninyo sa paboritong anak nung matanda, pero kahit kailan ba eh nag-alaga yun nang tama dun sa anak ninyo..?
ang laki ng perang ibinibigay ninyo sa pag-aartista nung matandang lalaki, pero may araw ba na totoong tumutok siya sa pag-aalaga sa bata na yun...?

samantalang ako..
hindi ko maibigay ang buong oras ko sa ginagawa kong project..
dahil maya't maya eh kailangan kong silipin kong ligtas pa ba yung bata...

Php 3,000 a month kapalit ng pagiging driver..
ano pang gusto ninyo, mag-alok na rin ako ng Grab dito sa probinsiya..?
kakalimutan ko na lang lahat para lang masunod ko kayo...!?

tang ina mo, inner demon!
diyan ka lang at huwag kang lalabas...

was feeling , again, hindi ko kasalanan kung depektibo yang pinaghalong mga genes ninyo...

>
[Emo]

minsan..
kailangan mo lang talagang ilabas yung masasamang saloobin mo sa ibang paraan..
dahil nakakatulong yun kahit papaano para manatili kang makatao...

dahil hindi maganda ang nagkikimkim ng poot..
okay lang na magalit gamit ang mga salita..
okay lang na magsira ng mga gamit paminsan-minsan (hindi ka naman basta-basta makukulong nang dahil dun)..
kesa naman isang araw eh mapuno at magalit ka na lang nang walang kontrol sa sarili, at bigla mo na lang pagpapaslangin lahat ng taong nagpapabigat sa buhay mo...

was feeling , always choose the lesser demon...

---o0o---


May 26, 2017...

done with Photoshop..
sa wakas, natapos ko na ang pinakauna kong commercial project..
took me 12 days, though technically, 6 days ko lang ginawa yung revised style sa pagpo-Photoshop...

correction, inabot pala ako ng 54 pages + 4 data sheets..
bale 58 lahat-lahat..
33 days sa render..
at 6 days sa Photoshop..
nasa 40 days lang...

next phase na..
PayPal mode muna, at mag-o-open ng bank account..
baka kailanganin ko na rin ng isa pang ID..
tapos magpe-present na sa mga online retailers for approval...

was feeling , konti na lang...


No comments:

Post a Comment