Friday, May 12, 2017

V-League: Farewell to a Legend

May 6, 2017...

[V-League]

UAAP Season 79 - End of Campaign

at naulit na nga yung resulta ng Finals last Season..
tabla sa 2-2 ang score sa labanan sa UAAP sa pagitan nina Morado at Fajardo..
next Season malalaman kung makakaya ni Morado ang bagong DLSU na imamaniobra ni Cobb (provided na walang papasok na bagong Setter para sa La Salle)...

mas okay yung labanan sa Game 2 kumpara sa Game 1..
though kulang talaga sa power yung mga pinakakawalan na palo ni Tolentino..
mas mataas yung score niya for this match, pero hindi consistent na power-type..
totoong sa ADMU ang Set 1..
na-Kim Fajardo naman kaagad sila sa simula pa lamang ng Set 2..
5 service aces ang nagawa ng La Salle, at pinalala pa yun ng 9 errors ng Ateneo..
ang 3rd Set naman ay talagang sa Lady Eagles ulit..
dikitan ang labanan sa 4th Set, hanggang sa naiwanan na ng DLSU ang ADMU sa bandang pahuli...

at para sa 5th Set..
natadtad kaagad ng errors ang Ateneo sa simula pa lamang..
naghabol naman sila, pero alanganin na talaga yung simula ng paglaban nila...

sa bandang huli, pinatunayan ng DLSU na talagang mas gusto nilang mapanatili sa poder nila ang korona...

lugi na naman sa ticket sales ang UAAP...

was feeling , susubukan na lang ulit sa Season 80...

---o0o---


May 7, 2017...

[V-League]

sad news..
so nag-decide na pala si Morado na hindi na lang maglaro ulit for Season 80... :(

sa bagay..
hindi na rin masamang desisyon..
with 2 Championship Titles, and 2 2nd Place sa UAAP..
at isang Best Setter award, again sa UAAP pa lang..
that should be a safe ending..
siya rin ang nagdala sa Lady Eagles sa kauna-unahan nitong Championship sa UAAP..
at yung Season 76 na ang pinakamagandang istorya ng volleyball na nasaksihan ko..
yung stepladder Semi-Finals and Finals..
ang pagtapos sa campaign ng magkapatid na Santiago ng NU (ang Strongest NU Lady Bulldogs)..
ang pagtalo sa naghaharing koponan na meron pang hawak na advantage noon..
sila talaga yung totoong Generation of Miracles..
at si #12 Jia Morado ay isa talagang napakahusay na player...

mami-miss ko yung mga intelligent plays niya..
yung mga mapanlinlang na no-look drop ball niya..
at siyempre yung pagiging simple niya sa loob ng court - walang angas, walang yabang...

so ayun..
wala na palang dapat suportahan sa Ateneo next year..
mas makakapag-focus na ako sa pag-cheer kay #8 Galanza (a former #12) next Season...

was feeling , salamat sa magandang istorya ng volleyball, #12 Jia Morado...

---o0o---


May 12, 2017...

[V-League]

ewan ko lang ha..
pero parang mas maayos ang sistema noon under pa ng Shakey's..
dati kasi eh on time naman na nakakapaglaro ang mga reinforcement...

pero under ng PVL..
may mga problema pa sa documents na kailangan..
ang sabi noong una, eh makakalaro na ang mga import by weekend..
pero panibagong weekend na ulit bukas at hindi pa rin makapasok sa mga game ang mga reinforcement..
6 na teams lang sila, at patapos na ang unang set ng round robin..
siguradong badtrip yan para sa mga nag-invest, dahil nagbabayad sila ng imports para sa wala..
at Reinforced Conference pa talaga 'tong pinag-uusapan sa ngayon...

was feeling , hindi magandang umpisa para sa PVL...

---o0o---


May 13, 2017...


(credit for this particular photo goes to whoever owns it)

#12 Julia Melissa 'Jia' Morado..
ang paborito kong jersey number..
kalahati siya ng Ace Player na kailangan ng Lady Eagles..
unfortunately, hindi lang sa kanya naka-depende ang atake ng team niya, kaya naman hindi siya pwedeng maging isang Ace Player...

sa 2 games sa Finals, ipinakita na hindi lang sa dami ng alam na play naka-depende ang bawat pagkuha ng score..
hindi lang magandang koneksyon sa pagitan ng Setter at Spiker yung mahalaga..
dahil importante rin na magaling yung Spiker sa placing ng atake niya, at mas maganda rin kung malalakas yung mga palo niya/nila..
at isa yun sa naging kalamangan ng La Salle kontra sa Ateneo..
kapansin-pansin naman yun sa bawat long rally na nilaro nila, kung saan di hamak na mas marami ang naipanalo ng DLSU..
bukod sa pag-atake, ay malinaw rin naman na lamang ang La Salle sa floor defense, dahil kitang-kita yun sa bawat paghabol nila sa bola..
at isa yun sa proof na mas gustung-gusto nga nila yung korona...

ang Ateneo naman sa kabilang banda ay kulang sa determinasyon..
marami na silang laban kontra sa La Salle since Season 78 (maging yung laban sa latest NU team) kung saan makikita ang paghina ng loob nila..
unfortunately for them, ay lumabas rin nga yun sa 2 Finals Match nila laban sa DLSU..
for Game 1 nga eh yung bangungot na inabot nila matapos silang ma-Kim Fajardo sa isang set kung saan lamang na lamang na sila..
at for Game 2, ay naulit pa yun for Sets 2 and 5..
ang punto kasi dun ay dapat mas humihigpit na yung depensa nila kapag na-iskoran na sila ng kalaban, pero bagkus na yun ang maging adaptation nila eh parang kinakabahan pa sila lalo kung kaya sila nabubugbog..
at hindi yun trait ng isang team na nais na maging Champion...

kulang sila sa consistently malalakas na mga attacks (Galanza, DLSU's Tiamzon, and Cheng are some of the players na nagawang i-prove na kaya ngang ma-improve ng mga players ang power ng mga palo nila)..
kulang sila sa service accuracy..
at kulang sila sa consistent na floor defense..
basta parang wala na sa kanila yung HeartStrong...

at dahil dun, hindi na sila deserving na maging Setter pa nila si Morado..
hindi na kasi 'to tungkol sa tsansa, kesyo baka kaya pa ng current team na masungkit pang muli yung Championship..
if ever, hindi lang naman yun magiging labanan sa pagitan nina Morado at Cobb..
hindi nila dapat maliitin ang La Salle puwerket mawawala na si Fajardo..
kaya ng mga Setter na gumawa ng puntos, pero hindi para sa buong match..
hindi kaya ng Setter na gawin lahat ng puntos para sa team niya sa loob ng buong laro..
in the end, magiging labanan pa rin yun ng mga Attackers..
oo, magandang isipin na baka nga kaya ni Morado si Cobb next Season, considering the experience and the height - pero hindi nila dapat alisin yung konsepto na isa yung team sport..
they should also remember na hindi rin nila nagawang talunin sina Nabor, na kayang talunin ng ibang teams na kinaya nila..
hindi maganda yung idudulot nung pressure para kay Morado, na kesyo kailangan niyang makuha yung korona puwerket graduating na siya..
marami na siyang naputanayan sa career niya sa UAAP..
ipinakita nga niya na kaya rin niyang iskoran ang halos walang butas na floor defense ni Macandili eh..
kaya naman sapat na yun..
hindi na nila dapat i-convince pa si Morado na manatili pa sa Ateneo...

it was a good story for DLSU..
lumaban sila at i-d-in-edicate yung Championship nila for Fajardo..
pero hindi ganun ang ADMU..
wala na sa kanila yung uhaw para makuha yung korona...


No comments:

Post a Comment