Friday, May 12, 2017

The Protector

madalas tolerable naman ang mga kalokohan at kapalpakan ng gobyerno patungkol sa kanilang mga patakaran..
maliban na lang sa mga pagnanakaw at pag-abuso ng mga nasa katungkulan throughout the history..
pero hindi na biro kung kabuhayan na naman ng mga tao yung tatamaan..
hindi nakakatuwa na yung mga nasa medyo ibaba eh mas lalo pa nilang ibababa...

---o0o---


update ulit (87 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


May 7, 2017...

maganda yung plano sa Benham Rise..
though parang huli na yung aksyon..
kumbaga eh sana ay last year pa...

meron na rin palang mga Taiwanese na nakikidawdaw doon eh..
so kailangan na rin ng mga taga-taboy doon..
mahirap na..
baka matulad pa sa sinakop na teritoryo kung saan pinabayaan lang ng Imperyo na mas gawin pang endangered yung mga endangered ng species...

was feeling , we'll see...

>
tama rin na pababain yung edad para sa criminal liability..
pwede na nga yung 7 eh..
sa edad na 9 pataas eh meron ng mga bata na kayang mangmura at manakit ng mas nakatatanda sa kanila..
(putang ina, naalala ko yung isa naming mabait na kaklase noong high school na b-in-ully ng mga basurang elementary students)... :(

mali rin yung sinasabi ng ibang tao na nasa patnubay lang ng mga magulang yun..
dahil kung tutuusin eh sapat na na alam ng isang tao kung ano ang pakiramdam ng masaktan sila (yung basic concept ng sakit o pain), para hindi nila naisin na gawin yun sa kapwa nila tao...

pero talagang may mga tao na likas ang kasamaan..
kaya tama lang na papanagutin na yang mga yan..
besides, mali na naman yung pagtingin ng mga tao doon sa panukala eh..
para rin yang yung mga penalty sa paglabag sa traffic rules eh..
pinoproblema na kaagad ng mga tao na kesyo ang laki naman ng parusa o babayaran nila, samantalang hindi nila iniisip na wala namang magiging problema kung hindi naman sila lalabag sa batas..
dapat tingnan nila yung konsepto bilang deterrent..
kung hindi nila madisiplina nang kusa ang mga sarili nila, edi madisiplina man lamang sila dahil sa takot nila sa batas...

pero as usual..
ang drawback nito ay yung existence pa rin ng mga tiwali sa hanay ng mga tagapagpatupad ng batas..
kasi baka mas madalian sila kung mga bata na yung ihu-hulidap o ipe-frame-up nila, considering na totoong nangyayari naman yang mga ganyang bagay matagal na...

was feeling , ipatupad na yan...

---o0o---


May 8, 2017...

may bombing na naman pala na nangyari sa Quiapo..
at 2 magkasunod pa..
sa oras pa na nandoon yung mga pulis nangyari yung pangalawang pagsabog...

2 daw ang patay at 6 ang sugatan...

ang masama pa nito..
pinadala yung bomba gamit ang serbisyo ng Grab..
yung method kung saan yung courier ang na-pickup dun sa package, at saka dadalhin sa recipient..
butas yun sa sistema ng Grab kapag nagkataon..
dahil lalabas na hindi nila chini-check ang laman ng package for security..
hindi nga perpekto ang LBC, pero may mga branch sila na istrikto pagdating sa pagche-check sa totoong laman ng package...

3 na yun...

was feeling , double threat yan.. nagkaka-ideya na ang mga terorista kung saan at ano ang pwedeng gawin na pag-atake.. eh posible pa yang pagsimulan ng panibagong Martial Law...

>
tadtarin na natin ng bad news...

mukhang balak gawing state witness si Napoles..
may mga pangalan na naman yata na gustong maprotektahan sa pamamagitan nang pag-aalok ng immunity...

was feeling , imposibleng walang kinalaman yung mga taong yun sa naging nakawan...

>
yung sa Sampaloc...

yung estudyante na may kasamang girlfriend na napag-trip-an na bugbugin ng 4 na lalaki, at pinagnakawan pa siya...

Criminology student pa yung isa sa mga kriminal na yun..
kesyo nabuyo lang daw siya na manakit ng kapwa niya tao...

naalala ko tuloy yung campusmate ko noong college na isang Psychology student..
habang nasa city proper sila, bigla na lang siyang ginulpi ng mga Criminology student mula sa ibang school na nakapangalan sa [Name of City]..
at nang awatin sila ng mga pulis, ang ibinigay na rason nung mga putang inang mga yun ay kesyo pina-practice lang nila yung natutunan nila sa klase...

was feeling , so yung Criminology pala ay pag-aaral kung paano maging mga dalubhasang kriminal...?

>
sa Bacolor, Pampanga naman..
panibago na namang ebidensiya na may mali talaga sa giyera kontra sa ilegal na droga...

yung government employee na naging biktima ng tanim-droga teknik..
this time ay ginawa pa ng pinagsamang puwersa ng mga pulis at PDEA..
at ang gagaling nilang magsulat ng istorya base sa report nila..
sa sobrang katangahan nga lang nila eh ni hindi nila nagawang i-check na may CCTV pala..
at yun nga ang nakapagsabi na hindi na tugma yung script ng mga awtoridad na yun, kumpara sa kung ano ang totoong nangyari noong mga oras na yun..
at pinagnakawan pa daw yung bahay nung biktima nila...

was feeling , kaya sino ang magtitiwala sa isang sistema na puros kapalpakan...?

>
hoy, international community!
wala pong tino-tolerate na extrajudicial killing dito sa bansa namin...

yung si Mayor Espinosa po bilang halimbawa..
kasalanan niya po dahil nakakulong na siya, pero nakaka-access pa siya sa ilegal na droga..
imposible naman po na tumatae siya ng droga, dahilan para manggaling sa mismong loob nung kulungan yung droga niya DAW..
kasalanan niya rin po na nakakagawa siya ng baril DAW habang nasa loob din ng kulungan niya..
kung totoo man ho yung mga istorya, eh wala hong kasalanan dun yung mga taong nagbabantay sa kanya, at lalo na yung mga taong nag-decide na doon siya makulong sa isang mahinang level ng kulungan..
tama rin ho na sinugod siya doon sa kulungan niya nang alanganing oras..
ganun ho kadelikado yung mga nakakulong sa bansa namin, kaya tama lang ho na hindi yung paghihigpit sa pagbabantay o ang paglilipat sa kanya sa isang mas istriktong kulungan yung ginawa..
karapat-dapat rin ho na makatanggap ng automatic absolute pardon yung grupo nung pulis na Marcos dahil malaking kabayanihan ho yung ginawa nila para sa bayan - ang pagpatay sa isang tao na nakabilanggo na, ang pagpatay sa isang tao na posibleng marami pang nalalaman sa kung ano ang nangyayari tungkol sa ilegal na droga na yan at kung sinu-sino pa ang may kinalaman sa katiwalian..
bayani ho yung tao na yun dahil Marcos siya...

at yun hong mga nadadamay at napapatay na mga inosente dahil sa giyera..
hindi ho sila mga biktima..
"collateral damage" ho ang tawag sa kanila..
hindi ho sila kaawa-awa bagkus ay mga dakilang sakripisyo para sa bayan...

was feeling , huwag ho kayong nambibintang, hindi naman obvious ah!

>
pero yung mas bad news para sa akin, if ever...

talagang pursigido ang gobyerno na 'to na pataasin ang makokolektang buwis sa pamamagitan lang nang pagtataas rin sa koleksyon..
ang galing nga naman..
basic math lang..
lakihan mo nga naman yung tax, at lalaki rin kaagad ang kaban ng bayan...

ang major attack ay sa petrolyo..
at halatang wala silang pakialam kung magtataasan na naman ang halaga ng pamasahe at lahat ng mga produkto at serbisyo na umaasa rin sa petrolyo..
at ang isa pa ngang pag-atake ay ang malalaking buwis para sa hindi naman talaga mako-consider na kapritso products..
sa dinami-dami ng kapritso products sa market, talagang yung kaya rin lang bilhin ng mga mahihirap yung babanatan ninyo...

magaling yung mga eligible at yung mga nako-kontrata para sa 4Ps, dahil sa kanila napupunta yung ibang buwis na galing sa mga mamamayan..
magaling yung mga may regular na suweldo at kahit papaano ay pinaplano na yung pagtataas sa mga suweldo nila..
magaling yung mga likas na mayayaman..
pero talagang kami na naman na nasa alanganing level ng lipunan ang balak patamaan ng pag-atake nila...

puros kayo project, wala naman pala kayong pera...

was feeling , it's going to be a kill...

---o0o---


May 9, 2017...

kagabi ko lang nabasa..
noong una eh akala ko ay nagkataon lang talaga..
pero may mga article na nagsasabi na related nga yung tao na yun dun sa angkan...

probably the reason kung bakit sobrang bibilis ng mga aksyon ng mga nasa itaas patungkol sa kanila..
protektado ang mastermind sa lahat ng ito..
at pilit nilang itinatago kung anuman yung kasamaan nila na yun..
mukhang may kinalaman rin talaga ang angkan sa masasamang gawain sa bansa..
ang rason kung bakit hinding-hindi magalaw ang Norte...

was feeling , akala ko eh parehas lang ang spelling...

>
parang imposible nang ma-reveal yung katotohanan sa likod ng pagtumba kay Mayor Espinosa...

yun kasing mabilis at automatic na pagsasabi na bibigyan kaagad ng absolute pardon kahit na hindi pa nga napaparusahan yung bugok na grupo nung pulis na Marcos, eh parang sinasabi na rin na itago nyo lang yung sikreto dahil hindi rin naman kayo mapaparusahan para sa ginawa ninyong trabaho..
mukhang isa yung paraan para bigyan ng guarantee yung grupo nung pulis na hindi sila mapapahamak dahil sa paglilinis na ginawa nila..
halos kaparehas rin 'to ng bargain na ginawa para sa mga nasa Bilibid, at ang nilulutong hakbang regarding Napoles...

wala talaga silang balak na ilabas ang buong katotohanan...

at dahil mabagal rin ang usad ng imbestigasyon sa loob ng bansa..
at bulok magpaamin ang mga kasalukuyang mga nasa katungkulan..
mukhang wala na talagang maaasahan kundi ipasa yung issue sa international community...

was feeling , front lang lahat ng mabuti, habang ginagawa nila yung totoong plano ng alyansa nila...

>
sa Cabanatuan...

yung 2 pulis na sabog daw sa droga..
na namaril at pumatay ng 2 katao, at nakasugat ng isa pa...

was feeling , eh mukhang wala naman talagang balak na tapusin ang problema sa droga eh.. protektado pa nga yung ibang pulis na nadawit na ang pangalan eh...

---o0o---


May 10, 2017...

sa Quezon City naman...

yung 4 na pulis na hinuli matapos masangkot sa kidnapping at extortion..
isang lalaki at yung kasintahan niya yung naging biktima eh..
at umabot daw sa Php 400,000 yung hinihinging pera..
bukod dun sa 4 na nahuli, ay may 3 pa daw na kasamahan yung grupong yun ng mga tiwali...

was feeling , bigyan ng absolute pardon yang mga yan!

>
(NSFW 18+)

ewan ko lang ha..
marami na rin naman na mga artista na pumasok o dumaan sa mga sensitibong pagganap sa mga pelikula nila, mapababae man o lalaki..
marami rin naman na dumaan sa softcore level ng modeling..
at siyempre andiyan rin yung mga napasabak sa mga video scandal..
meron rin sa kanila na naging mga government officials na eventually..
pero kahit papaano eh directed naman yung mga ginawa nila, kumbaga eh may sinunod naman na script..
oo medyo awkward minsan, na may mami-meet o makikita ka na ganung celebrity, tapos bigla mong maaalala na "teka, nakita ko na yung 'ano' niya dati ah"...

pero parang ibang usapan na kapag halos puros ganun na lang yung ipinapakita mong trabaho o videos sa publiko..
yung parati na lang bastusan yung topic mo..
tapos ay nanghahawak pa ng tutut ng lalaki basta-basta, sa show man o sa concert..
at yung pagiging vocal na vocal tungkol sa kalibugan niya...

marami ng mga celebrities ang nagpakita ng mga maseselang bahagi ng kanilang katawan sa kanilang mga projects..
pero bihira naman yata yung nasa level ng purong kalaswaan lang...

siguro nga lahat naman ng tao ay entitled sa pagbabago..
pero mahahalata mo naman yun sa mga pinaggagagawa niya - kung nagbabago na nga ba siya o nagkukunwari lang..
masasabi ba na nagbabago ang isang tao na demolition job naman ang ginagawa laban sa mga tao na wala namang ginagawang masama..?
pero ang totoong mas nakakapagtaka dito ay yung daig pa ang OLX na ambili-bilis na mga pag-aksyon patungkol sa mga kakampi ng diyos-diyosan..
escort yata 'to nun eh kaya sobrang dikit nila...

ipakausap na yan sa Imperyo..
baka sakaling ibalik na ang mga teritoryo ng bansa kapag nahimas na ang mga tutut ng mga singkit...

o baka naman kailangan siya para parating may happy ending sa PCOO..
pero mabuti na rin at hindi na MTRCB ang hawak niya...

bigyan ng Viagra yang mga yan!

>
sa Manila...

yung 4 na senior citizen na nabiktima rin pala ng tanim-droga at tanim-bala teknik ng mga tiwaling pulis..
mabuti na lang at nakunan ng CCTV yung pangyayari...

antatanga talaga ng mga pulis na 'to..
bakit ba madalas nilang makalimutan yung tungkol sa kuha ng CCTV..?
hindi tulad nung grupo nung pulis na Marcos noon, na alam na dapat mawala yung ebidensya na recording ng mga CCTV...

wala na talagang maaasahan ang mga inosenteng tao kundi ang mga sarili lang nila..
kanya-kanyang depensa na lang...

was feeling , mas deserving palang maging mga Bayani 'tong mga CCTV eh...

>
nagtaka pa na kumikilos ang Imperyo..?
natural lang yun, umamin na nga yung isa dati na binigyan niya ng permiso yung mga yun eh...

at tsaka yung pagbisita sa timog nung mga barkong pandigma kamakailan..
kapani-paniwala ba na friendly visit yun..?
kasi mas mukhang babala yun para hindi mabuksan yung mahalagang topic sa harap ng international community eh..
"subukan ninyong i-open yung topic, at titirahin namin ng mga missile ang bayan ninyo"...

kung anuman ang totoong dahilan ng Imperyo..
ang malinaw ay masasamang mga tao na ang namumuno sa kanilang bansa ngayon..
baka gusto nilang sakupin ang buong mundo..
baka gusto nilang maging universal language yung wika nila..
baka gusto nilang yung pera na rin nila ang maging international standard..
o baka naman kulang na kulang na yung resources nila sa sobrang dami nila, kaya nananakop na sila...

hindi ba pwedeng mag-request ng lindol sa mga inokupa nilang teritoryo..?
yung tipong patay kaagad ang lahat..
yung tipong durog lahat ng mga itinayo nilang istruktura..
o pwede rin naman na sa mainland, yung patay kaagad lahat ng mga Imperyalistang pinuno nila...

was feeling , World War III...

---o0o---


May 11, 2017...

bakit nga ba..?
tadtad na ang gobyerno ng mga artista..
naiintindihan ko pa yung mga pinagbobotohan na katungkulan, dahil nga sa factor ng popularity..
pero pati ba naman yung mga posisyon na by appointment ang pamamaraan ng paglalagay ng tao eh tatadtarin na rin ng mga celebrities...?

at talagang aminado yung isa na kapalit yun ng suporta ng mga taong yun noong halalan..
ibig sabihin ay nag-a-appoint siya nang hindi na base sa interes o pangangailangan ng mga mamamayan..
o baka naman andun pa rin yung paniniwala niya na, "ibinoto ako ng nasa 16 million kaya okay rin lang sa kanila lahat ng mga desisyon ko"...?

bukod sa mga celebrities..
andami na rin ng mga miyembro ng AFP na binibigyan ng mga katungkulan sa gobyerno..
hindi na ba talaga mahalaga yung pagiging related ng career nila sa mga posisyon na ibinibigay sa kanila..?
halos lahat naman talaga ng bagay ay natututunan, pero hindi ba matatanda na yang mga sundalo na yan para magpalit pa ng linya..?
para tuloy ginagawa lang nila ang mga bagay na 'to kapalit ng military favor - ang katapatan ng mga sundalo...

pero para sa anong purpose...??

 was feeling , ano nga ba ang balak nila para sa bansa...???

>
National ID system..
paano naman yun makakatulong sa laban kontra sa mga rebelde at terorista..?
alangan naman na magpa-register pa sa kanila ang mga yun..?
o automatic ba na ituturing ng gobyerno na mga rebelde o terorista lahat nang hindi makakapagpa-register...?

para rin 'tong yung libreng Broadband plan para sa mga pampublikong lugar eh..
kesyo basic na pangangailangan na daw ang internet sa panahon ngayon..
pero talaga bang pinag-aralan nila kung saan ginagamit ng mga mamamayan ang internet..?
baka mamaya eh puros Facebook, Instagram, Twitter, porn streaming sites, at movie o TV series download sites lang ang paggamitan ng mga mamamayan sa pa-internet ng gobyerno...?

at balik nga sa National ID system..
ang mga website nga ng gobyerno eh laging naha-hack..
ang database nga ng COMELEC eh na-hack..
tapos balak pa nilang i-centralize na lahat ng data ng bawat mamamayan, at iko-connect pa yung data nila sa mga kaanak nila..?
tapos sabi nung isang tagapagsalita eh kesyo may parusa naman na naghihintay sa sinumang magpapakalat o mangunguha sa mga information na yun..?
parang sinabi na rin nila na hindi nga ligtas yung information sa kamay nila..
at tsaka hindi yung pagpaparusa ang importante dun eh, kundi yung prevention ng data leakage...

was feeling , patunayan nyo muna na mataas na ang level ng data security ninyo...

---o0o---


May 12, 2017...

nakakalungkot yung mga matataas na opisyales ng kapulisan..
yung mga tipo na nabuking na nga yung mga tauhan nila, pero talagang ipinagtatanggol pa nila...

simple lang yan..
kung totoong kriminal ang sinumang hinuhuli o pinapatay ninyo, edi magpakita kayo ng matibay na ebidensya..
pinapagamit kayo ng mga body camera para dokumentado na rin ang lahat, pero yung iba sa inyo eh tutol pa..
basta siguraduhin ninyo na ang mga ebidensya ay against sa mga sinasabi ninyong mga kriminal, at hindi laban sa inyo..
ang hirap sa inyo eh gumagawa kayo ng mga kuwestiyonable na mga operasyon na nahuhuli ng CCTV eh, kaya paano kayo pagkakatiwalaan ng mga mamamayan...?

tapos yung ngang matataas na pinuno eh panay ang pagkampi sa mga kuwestiyonable nilang mga pulis..
sa halip na maging neutral eh kakampihan pa yung mga akusado, yung iba eh papalit-palit pa ng statements..
ano ba 'to, General Jacob technique...???

was feeling , ano ang tawag sa mga opisyal na protektor ng mga tiwali...?

>
so may kasalanan rin nga sina PNot kung bakit hindi pa nakuha lahat ng pangalan mula kay Napoles noon..
dahil sa pesteng pakikisama na yan sa mundo ng pulitika, kaya hindi nila mailaglag-laglag ang lahat ng mga tiwali...

kaya naman mas mataas na ngayon yung tsansa na hindi na lumabas yung pangalan nung mga taong yun sa listahan..
kung sino ang kaalyado ay sila ang mapoprotektahan ng 'editing'...

katulad rin 'to ng assassination na ginawa nila sa appointment ni Lopez eh..
idinaan sa technicality..
pero personal na mga interes ang totoong namayani..
at nagbigay na lang ng pampalubag-loob sa pamamagitan ng mga mabubulaklak na salita..
pero wala namang kaibahan yung mga salitang yun kumpara sa mga occasional na papuri niya kay Leni - walang kahulugan, mapagkunwari lang, pakitang-tao, malas lang ni Leni dahil may mga paninira pa sa kanya yung manyakis na yun..
pero balik nga kay Lopez, obvious na hindi yun idinaan sa impluwensiya hindi tulad ng VIP treatment sa iba pang mga apostoles..
hinayaan nila na malaglag si Lopez dahil ayaw sa kanya ng mga kakampi ng diyos-diyosan..
dahil mga tiwali rin sila...

kaya ang punto ay..?
ano ang kasiguraduhan na lalabas nga ang tunay na listahan ni Napoles..?
yun ngang pulis na Marcos ay protektado laban sa ginawa nilang panunumba eh..
yun pa kayang mga tao na pagnanakaw lang sa bayan ang atraso...

was feeling , bentahan ng katotohanan...


No comments:

Post a Comment