Friday, May 12, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of May 2017 (Biological Delay)

May 6, 2017...

nagsimula na naman ang mga demonyo...

ayun..
guguluhin daw ang buhay ko dito sa impiyernong bahay na 'to kung hindi ako sasama sa pesteng reunion nila..
hindi daw ako patatahimikin...

mga demonyo kayo..
puros pagpapahalaga sa apelyido..
puros pagpapahalaga sa reputasyon..
magkukunwari na isang pamilya..
pero hindi naman ganun ang trato ninyo sa lahat...

hindi nasusukat ang isang pamilya sa pagiging present lamang ng bawat miyembro..
hindi basta may Tatay pa eh pamilya na..
hindi basta may Nanay pa eh pamilya na..
hindi basta nandiyan ang mga anak ay pamilya na..
hindi binubuo ang pamilya ng Nang-aano lang, ng Na-ano lang, at ng mga Nabuo sa pag-aanuhan...

mga putang ina ninyo..
pagmamahal at pagmamalasakit ang importante sa isang pamilya..
hindi yung pesteng pagpapanggap ninyo sa harap ng mga kamag-anak ninyo...

balang araw mawawala rin yang peste ninyong pamilya...

was feeling , hostage pa ngayon yung computer na binili para sa akin ng ibang tao...

---o0o---


May 7, 2017...

back to reality..
so no choice ako kundi sumunod lang ulit sa kanila..
wala eh..
yung makapal ang mukha na laging nagpapasa ng responsibilidad niya eh hostage ang computer ko...

haaay..
sa tantsa ko sa ugali ng mga are..
sila yung tipo na kapag may namatay sa amin na karapat-dapat lang naman na mamamatay na eh pilit na naman akong padadaluhin sa mga burol at libing..
siguradong uunahin na naman nila yung reputasyon ng pamilya nila..
kesyo nakakahiya naman na malalaman ng ibang tao na merong hindi nadalo sa mga burol at libing nila...

sa punto ngayon..
hindi ko na kailangan ng pagmamahal o pagmamalasakit ninyo..
hindi ko na rin kailangan ng pera ninyo..
pero ang mas kailangan ko eh yung mga natitira kong oras sa mundo na pilit ninyong inaagaw...

was feeling , magpapainom talaga ako kapag namatay na kayong lahat.. baka magpa-stag party nga ako eh...

>
ayun..
5 hours ang nawala sa buhay ko..
3 hours na nasa biyahe, at naghihintay sa mga tao..
at 2 hours na nandoon sa resort..
at heto nga at hindi pa ako tapos sa paglilinis ng kuwarto at ref...

at inaalok pa akong uminom na kasama nila kanina..
asa pa kayo!
sa mahahalagang tao lang ako nakikipag-inuman...

2 lang ang patakaran ko sa pag-inom, maalin lang diyan:
  • pwede lang akong uminom kung may kasamang kaibigan
  • pwede lang akong uminom kung may kasamang babae

was feeling , makapag-render na nga lang, autopilot, para may magawa naman kahit na naglilinis ako...

---o0o---


May 9, 2017...

baldado at masakit ang katawan..
dahil napadikit ang schedule ng pagbili ng mantika sa mga mabibigat na gawain sa bahay..
bukod pa yung mga malayuang paglalakad...

pero naging okay rin naman..
gumagaan naman ang mga bagay-bagay basta't may cute na supervisor sa supermart...

was feeling , Emoji-Girl...

---o0o---


May 10, 2017...

umabot na ng 1 month yung unang project ko..
kailangan ko pa ng speech bubbles..
tapos mag-e-edit sa photoshop...

was feeling , 44 out of 53 pages + 4 character profile...

---o0o---


March 12, 2017...

[Movie]

Jack Reacher 2

cute yung istorya..
patayan na may light romance, na medyo family-oriented din...

makikipagkita lang sana sa matagal nang katawagan sa telepono..
but then nasangkot na sila sa problema laban sa isang masamang kompanya..
nadamay pa ang isang babaeng teenager dahil sa claim na posibleng anak siya nung bida...

puros pickpocketing at reverse-pickpocketing..
marami ring patayan..
hindi naman masyadong ramdam yung takot o panic..
2 mahusay na military police, at isang cool na teenager na saka lang nagre-react sa panganib kapag nasa harapan na niya ito...

medyo nakakalungkot lang yung ending..
maraming common sa pag-uugali nung 2 eh, kaya nagbigay nga ng idea na posible ngang mag-ama sila..
kaso noong nasa restaurant na yung ina nung bata at si Reacher, ilang beses silang nag-interact pero walang palatandaan na nakilala nila ang isa't isa..
dating prostitute yung ina nung bata..
si Reacher naman yung tipo ng lalaki na hindi daw nalilimutan yung mga babaeng nakakasama niya sa kama..
kaya dahil dun ay napatunayan nung bata na hindi si Reacher ang tatay niya..
hindi na rin sila dumaan sa DNA test..
pero napalapit na rin nga sila sa isa't isa dahil sa naging maikling pagsasama nila...


No comments:

Post a Comment