mahigit isang taon na ang nakalipas simula noong huli ko siyang makita..
pero laman pa rin siya ng isip ko sa araw-araw na dumadaan...
bakit ba ako nagkagusto sa isang nanay..?
parang hindi naman yata yun patas para sa akin..?
pero aminado ako na ang hirap talagang makakita ng ibang babae na kaparehas niya ang kalibre..
masyado niyang tinaasan yung bar para sa akin..
para tuloy lason ang ma-expose sa isang babae na katulad niya..
alam mo na posible..
alam mo na nag-e-exist sila na nasa ganung level..
pero hindi mo alam kung saan ka makakatagpo ng para sa'yo...
ang ikinakatakot ko lang sa ngayon ay paano kung kaparehas rin siya ng mga kasamahaan niya..
na kesyo paano kung false information rin lang yung pagiging single niya..?
what if hindi naman pala talaga siya hiwalay sa asawa niya..?
o what if may iba na siyang karelasyon all along..?
paano kung kagaya rin siya ng iba niyang mga kasamahan, na ginagamit lang yung false information for their advantage - para sa madaling pagkita ng pera..?
pero yun naman pala ay ang totoo ay in a relationship na sila...?
sinabi ko naman sa'yo, matagal na..
ikaw talaga yung pinaka-nakakatakot na babae na nakilala ko... :(
---o0o---
May 14, 2017...
done with all the renders para sa pinakaunang project..
64 lahat-lahat..
pero 53 lang ang kailangan ko..
it took me 33 days...
pero kailangan na muna ulit magpalit ng schedule..
photoshop mode naman..
walang auto-pilot kaya marami ang magiging idle na oras..
wala eh, hindi naman gagana yung photoshop nang wala ako...
was feeling , palit muna ng program...
>
haaay..
ang hirap bumati sa taong iba-iba ang ginagamit na cellphone..
hindi mo malaman kung nababasa ba niya yung mga messages, o kung napi-filter pa yun ng ibang tao para sa kanya...
ah basta..
Happy Mothers' Day sa'yo..
stay beautiful..
stay sexy..
at magpakabait ka na...
was feeling , ikaw naman ang bukod tanging hindi ko ma-track...
---o0o---
May 15, 2017...
2 months na ang unit na 'to...
was feeling , last 10 months...
---o0o---
May 16, 2017...
done with the profiles..
done with the warning page..
done with the introduction...
sa mas mahirap namang part..
speech bubbles..
with editing...
was feeling , 7 out of 53 + 4...
---o0o---
May 17, 2017...
[V-League]
nakakahiya na ang PVL ah..
nasa Round 2 na ng round-robin pero hindi pa rin makapasok ang mga reinforcement..
mukhang magkakalaglagan na ng mga teams nang hindi man lamang nakakalaro yung ibang imports...
hindi na nga tumaas yung tsansa ng ibang teams na mapataas yung ranking nila..
tapos eh lugi pa sila sa bayad...
was feeling , sana tinawag na lang muna nila na All-Filipino yung Conference na 'to...
---o0o---
May 18, 2017...
[Medical Condition]
nitong nakaraang linggo..
napansin ko na konti na lang yung naipalalabas kong fluid mass mula sa cyst ko..
bukod dun eh halos flat o ka-level na lang ng mismong balat ko yung appearance niya...
was feeling , good or bad...?
---o0o---
May 19, 2017...
[TV Series]
mahihirapan na nga si Cardo na talunin ang mga kalaban..
leche! si Hagorn na ang makakalaban niya hanggang 2018 eh..
hindi nga matalo-talo ng mga pulis sina Joaquin eh, yun pa kayang kalaban na may totoong powers..
wala pa namang brilyante si Cardo..
baka kailanganin na rin niya na humingi ng tulong mula kay Bathalang Emre...
sobrang boring na nung palabas..
hindi katulad dati noong paiba-iba pa yung mga misyon nila..
noong madalas at iba-iba pa yung nakaka-extra na mga artista...
pero in a way, eh naipapakita pa rin nga nila yung masamang realidad kahit na sa humihina na nilang script..
na hindi naman talaga basta-basta natatapos ang kasamaan..
na basta may pera at kapangyarihan o impluwensiya - eh hindi rin nga kaagad matatalo ang kasamaan...
was feeling , makatotohanan pa rin naman...
>
[Movie]
Logan
bagay nga yung paggamit nung title, medyo mortal kasi siya dito..
hindi ko lang ma-gets yung trend ng ibang movies kung saan ginagawa nilang bayolente at brutal ang mga batang babae...
isang mala-Uber driver ng Chrysler..
kaso nagsa-suffer na pala yung katawan niya dahil sa Adamantium poisoning..
naging banta naman si Charles Xavier sa maraming tao dahil sa Alzheimer's niya, at napatay pa nga niya yung ibang X-Men noon dahil dun..
katulong niya ang isang Albino mutant tracker sa pag-aalaga sa dating professor..
at nag-tso-chauffer nga siya para makaipon ng sapat na pera para makalayo na sila ni Charles sa mga tao...
simple lang yung plano nila..
kaso nakilala naman nila yung genetic daughter ng Wolverine..
na madaldal pala na Mexicana..
siyempre, may mga nagka-interes na naman sa mga mutant abilities, at gumawa nga sila ng mga artificial mutants para sa kanilang evil plan...
chronologically speaking, iwan in terms of technology ang X-Men film na 'to..
balik sa pakikipaglaban lang sa mga sundalo..
though, more on Genetics yung ikina-advanced nila...
napatay na noon si Xavier ng Phoenix, tinupok siya..
at pinatay naman siya ng kopya ng Wolverine sa movie na 'to..
si Logan naman ay napatay dahil sa isang patay na punong-kahoy..
at naiwan ang kapalaran ng future generation ng mga Mutants sa kamay ng mga batang artificial mutants...
was feeling , the end...
>
had to stop after editing 22 pages..
may mali sa ginagamit kong speech bubble tool..
hindi uniform ang format..
baka ma-reject ang ginagawa kapag ganun...
hanap muna ng mas matinong comics support tool...
was feeling , pause muna...
No comments:
Post a Comment