Friday, May 19, 2017

The Pa-Pogi Moves

hindi ko naman naabutan yung panahon ng Dictator Clan..
pero ito na yung pinaka-tuso na gobyerno na nasaksihan ko..
kung paano nila ginagamit yung ibang sabihin na natin na matitinong programa para pagtakpan yung hindi magaganda o yung mga hindi nila magawa..
kung paano nila namamanipula ang mga institusyon para ang mga ito ang magmukhang masama sa mata ng taong-bayan..
kung paano nila ginagamit yung matitinong mga tao para magmukha rin silang mabuti..
kung paano nila pinipilosopo ang mga batas para lang magawa nila yung mga gusto nila at ng mga kaalyado nila..
kung paano nila minamanipula ang mga pamantayan para lang ang mga kasapi nila ang makatuntong sa mga puwesto..
at kung paano nila binabali-baliktad ang sarili nilang mga salita para lang mapaikot nila ang katotohanan at ang mga mamamayan...

pero sa bandang huli..
ang pamumuhay pa rin ng mga tao ang numero unong magiging batayan kung naging mabuti nga ba silang mga pinuno o ano..
(ikalawa ang pagkagahaman sa kapangyarihan if ever)..
tingnan na lang natin kung mapapaganda nga nila ang ekonomiya matapos ang lahat ng mga proyekto nila..
Php 1.50 ang target para sa pamasahe..
Php 2.50 para sa puting itlog ng manok..
Php 5.00 para sa pancit canton..
and so on and so forth...

dahil kapag lumabas na ang tinatawag na Middle Class, lalo na yung mga hindi naman umaasa sa suweldo, ang ginulpi ng reporma nila sa pagbubuwis..
eh talagang lokohan na 'to, katulad ng mga 6-month promises...

---o0o---


update ulit (89 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


May 13, 2017...

nakakakilabot yung istorya sa Imbestigador..
yung menor de edad na babae na ni-rape ng 3 batang lalaki..
edad 10, 12, at 13..
at balak pa daw maki-rape din nung 2 pang menor de edad na nagsilbing mga bantay kung hindi sila inabutan nung ina nung biktima..
basta nasa ages 10 to 15 lang yung mga manyakis na bata eh..
mukhang kasabwat pa yung kaibigang babae nung biktima...

ano bang nangyayari sa mundo ngayon..
matagal na akong nakakakita ng mga menor de edad, mga below 10 pa yung iba, na nanonood ng porn sa mga computer shop..
pero nakakatakot kapag nag-asal aso na sila...

dapat talaga pagpapatayin na rin yung mga ganitong klase ng mga tao...

was feeling , tapos balak pang gawing mas accessible ang FREE Wi-Fi sa mga public places...?

---o0o---


May 14, 2017...

[Gadget-Related]

nakakatakot naman yung mga ransomware..
matagal na pala yung mga ganun eh, ilang taon na ring meron..
kaya nag-evolve na nang nag-evolve..
at may 2 na ring notable na grupo ang nahuli, milyun-milyong dolyar ang nakuha mula sa mga biktima eh...

ang medyo nakakalungkot lang dito sa media, eh hindi malinaw yung explanation nila..
kung saan at paano mismo nakukuha yung Trojan nun, para naman mas maiwasan sana ng publiko...

was feeling , dapat sa mga ganyang klase ng IT criminals eh binibitay na rin...

---o0o---


May 17, 2017...

panibagong kaso na naman ng kapabayaan...

sa Lanao del Norte naman..
isa na namang bilanggo ang pinatay sa panggugulpi ng mga kakosa niya..
matindi yung parusang tinamo nung katawan nung biktima eh...

was feeling , para rin 'tong yung sa Bilibid eh, tinaasan daw ang seguridad, pero nagkakasaksakan pa rin yung mga preso nang hindi sila naaawat...

>
ang problema sa 8888 na yan..?
maliban sa may bayad yung pagtawag dun sa hotline..
at hindi ka makakatawag nang wala kang load...

eh wala namang kasiguraduhan na gagawin nga yung tamang aksyon laban sa mga tiwaling empleyado ng gobyerno...

according sa ilan kong kakilala na taga-NCR, eh gumagana naman daw talaga yung purpose nung hotline..
dahil kino-contact nga daw sila regarding sa mga inirereklamong mga barangay officials nila..
at sila naman eh hanggang kausap lang ang kayang gawin laban sa mga pasaway na mga yun..
pero barangay officials lang yun, hindi namin alam kung ganun din ang treatment sa iba pang mga kaso...

ang tanong kasi ay maparurusahan ba yung mga tiwaling empleyado ng gobyerno..?
at anong klase ng parusa ang ibibigay sa kanila..?
kasi parang mas kawawa pa yung magrereklamo kung magsusumbong nga siya, pero hindi naman parurusahan yung mga tiwali..
ang worst case scenario pa ay kapag binalikan kayo nung masasamang mga tao na yun...

nakakalungkot lang na may claim ang gobyerno na 'to na mawawala na nga yung mga ganun sa linya ng pamahalaan..
na idinaan pa nila sa tapang, yabang, at bantaan yung mga ganung usapin..
pero mukhang kagaya rin lang ang mga yun ng 6-month promises...

was feeling , kapag nasa public service, dapat bitay o habambuhay na pagkakakulong ang parusa kapag gumawa ng katiwalian...

>
yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga..
na sangkot rin daw sa sindikato..
yung napagsabon ng pinuno nila..
naghahamon na naman tuloy yung pinuno na yun na makipagbarilan na lang yung mga tiwaling pulis laban sa mga pulis rin...

samantalang yung posibleng pagkakasangkot din sa ilegal na droga nung pulis na Marcos eh binabalewala lang nila..
at puros bias pa nga ang inaabot mula sa mga pinuno..
may nakahanda ng absolute pardon...

was feeling , kapag hindi ninyo kakampi eh laglag kaagad..? pero kapag kakampi ninyo eh hindi naman paparusahan...??

>
ang mga OFW in general ay kino-consider na mga bayani ng modernong panahon..
yung mga undocumented na OFW eh kino-consider rin na mga makabagong bayani (at gusto pa nga ng ibang mga kababayan nila na bigyan ng VIP treatment)..?
yung mga OFW na inalis na sa kanilang mga trabaho at stranded na lang sa ibang bansa eh mga bayani rin..?
kahit yung mga nakakulong na eh mga bayani pa rin...?

eh yung mga Filipino na drug addicts at drug pushers sa Italy..?
mga bayani rin ba sila puwerket may dugong Filipino sila...??

was feeling , VIP treatment...

---o0o---


May 20, 2017...

[Climate Change]

so maraming deposito ng methane hydrate sa buong mundo..
kaso - greenhouse gas naman ito..
kaya naman bakit pa ipagpipilitan na gamitin ang mga yun bilang energy source..?
aanhin pa yung mga dumi ng hayop na ginagamit bilang source ng methane, eh yun naman eh andun na rin nga sa surface ng mundo, kaya mas maige pa nga na pakinabangan na rin...

ganun na ba kadesperado ang Imperyo pagdating sa energy resources nila..?
lumalabas na isa talaga sila sa lahi na walang pakialam sa kalikasan eh - sa mga living man o non-living...

mga tao nga naman..
binigyan na ng araw..
binigyan na ng hangin..
binigyan na ng agos ng tubig..
pero mas gusto talaga nila yung mga paraan na mas madaling makakasira sa mundo...

is feeling , ambanas-banas na, kulang pa ba yun...?


No comments:

Post a Comment