Friday, April 14, 2017

V-League: The Road to the Semis

April 8, 2017...

[V-League]

NU versus UST

from 2-0, naging 2-3..
nasayang na naman ang campaign ni Jaja...

naman kay Laure!
umiwas kayo sa injury, Final Four na ang labanan..
labanan na 'to ng malalakas na players...


ADMU versus DLSU

at heto na ang good news... ^_^

f*cking Dy, she's almost unstoppable sa level niya sa ngayon..
ang ganda ng coverage ng La Salle, lalo na si Macandili na parang walang off na laro..
malalakas din ang attacks nila, at pati si Cheng ay nag-improve na rin ang power..
ang bababa ng karamihan ng service nila, at si Fajardo ay namapak pa ng service aces..
pero nadale ang La Salle sa errors nila for Set 2 and 3 (not sure about Set 4), at may 2 maling tawag pa daw noong last set..
dikit yung statistics for Set 2 and 3, pero marami talagang pinakawalan na puntos ang DLSU...

sa ADMU naman..
Coach Bundit started with the Gaston Experiment, unfortunately mahina ang floor defense ni Gaston..
maaga ring na-check si Tolentino, dahil na rin na-check na siya simula nang talunin nila ang DLSU sa Round 1..
si Morente naman had a bad start, though nag-init rin nang patapos na ang Set 1..
tapos ni-reveal pa na may nararamdamang pananakit si Maraguinot sa katawan niya, kaya pinili ni Coach Bundit na hindi na siya gamitin sa laban pa lang nila against Team Galanza..
si BDL lang yung parang activated since the 1st Set..
kaya naman pagkatapos ng Set 1 ay wala na akong inaasahan mula sa ADMU...

tapos nagbalasa na nang nagbalasa si Coach Bundit ng lineup..
in fact ay ito yung pinakamagandang game ng Ateneo in terms of bench experience..
kalaban ba naman ang Champion, tapos ay halos hugutin na yung buong lineup para maglaro..
Gaston had her game time..
Madayag and Gopico were utilized effectively; halos off yung quick plays ni Madayag though bumawi siya sa services niya, Gopico naman was balanced in both defense and offense..
sina Tan at Wong naman ay palitan rin sa pagsalo ng mga power attacks ng La Salle (talagang ngayon pa mas nababad si Wong, sa isang seryosong digmaan)..
na-activate rin naman si Morente later on, at nakikipagpalitan pa nga siya ng high score kay BDL..
pero deserving nga si Samonte bilang Player of the Game..
it was a good break for her..
okay na siya noon pa man - reliable..
pero para makipagsabayan siya sa DLSU, ang tapang niya..
hindi naman masyadong kakaiba yung mga atake niya, halo rin ng malalakas at tama lang ang puwersa, pero kaya nga niyang pumalo sa anumang posisyon..
at mukhang hindi pa siya nache-check ng La Salle for now...

isang legitimate back row attacker na lang talaga ang kulang sa puwersa ng Ateneo...

hanga naman sina Valdez eh..
at siguradong disappointed na naman ang mga graduates ng Lady Archers..

kumbaga eh bonus na lang sa panalo na 'to yung twice-to-beat advantage..
mas mahalaga yung maramdaman na posible ngang talunin ang Champion team..
kaso ay sa makulit na FEU na naman sila matatapat, dapat tapusin na kaagad sina Pons sa unang game pa lang...

pero the best talaga yung block na ginawa ni Coach Bundit..
pinuwet and DLSU eh (i mean, hinarangan ng puwet niya)... XD

was feeling , pwede bang yun na yung Championship Game ulit...?



No comments:

Post a Comment